Liliana’s Point Of View*Naglalakad kami ngayon papunta sa isang maliit na bahay dito pa din sa forest. Nakahawak si Asher sa kamay ko habang naglalakad kami ngayon. Pupuntahan kasi namin ang libangan ko dito at papalaruin ko din siya.“Saan tayo pupunta ngayon, Wife?” mahinang ani niya sa akin at ngumiti ako.“Sa isang lugar na paborito ko. Dinala mo ko sa libangan mo na lugar which is firing range at ngayon ako na naman ang magdadala sayo sa paboritong lugar ko.”“Hmm… interesting.”“Simula bata pa si Liliana ay tinuruan ko na siya ng bagay na ito hanggang sa lumaki siya.” Napatingin naman si Asher sa akin.“Mukhang nagiging excited ako sa libangan ninyong dalawa ng Grandpa mo, Wife.”“I’m sure magugustuhan mo din ang pupuntahan natin.”Dahan dahan naman siyang tumango dahil sa bagay na yun.Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa makarating na kami sa lugar na paborito ko which is forest firing range din at may mga targets sa paligid at binuksan naman ni Grandpa ang bintana ng
Liliana's Point Of View*"H-Hubby, hindi mo naman ipipilit ang sarili mo sa akin diba?" Yun na lang ang sinabi ko dahil yakap yakap niya pa din ako at habang kumakain siya ng banana cue ay hinahalikan niya ako. Ang unfair naman diba!"What? Wife, what are you talking about?"Kunot noong ani niya sa akin.Bigla na namang lumakas ang ingay ng kidlat na kinagulat ko ulit at naramdaman ko na niyakap niya ako. Nakaupo naman kasi ako sa binti niya at tinakpan niya ang tenga ko habang nakasandal ako sa katawan niya."You scared of thunder?""Hindi ako takot noh."Pero sa totoo lang hindi naman talaga ako takot sa kidlat pero bakit naging ganito ako ngayon para akong fragile na babae? "Don't worry, nandidito lang ako."Hinalikan niya ang noo ko na dahan dahan kong kinatingin sa kanya."Hubby, pasok na lang tayo sa loob. May isang kwarto naman sa loob mukhang matagal pang matatapos ang ulan.""Ganun ba? Okay."Napakapit ako sa kanya dahil binuhat niya ako ngayon."Kaya ko namang maglakad noh
Liliana’s Point Of View* Nagising ako at napatingin ako sa paligid at nasa maliit na bahay pa pala kami dahil umulan kanina at napatingin ako sa labas ng bintana at tumila na nga ang ulan at nung tiningnan ko ang phone ko ay tatlong oras kaming natutulog. Napatingin ako sa katabi ko na mahimbing pa ding natutulog at nakita ko na yakap yakap pa din niya ako nang matigilan ako baka di na niya magalaw ang kamay niya dahil sa ginawa ko yung unan. Pero ayokong eestorbohin ang tulog niya dahil minsan lang siyang makakatulog ng mahimbing. Dahan dahan naman akong umupo at napatingin ulit ako sa kanya na peaceful pa ding natutulog at mabuti di siya nagising. “Ay tulog!” Nagulat ako nung naramdaman kong niyakap niya ang bewang ko kahit nakaupo ako. “Hubby, nakakagulat ka naman eh.” “…” “Gising ka na?” Niyakap niya ako ng mahigpit. “Tulog pa ako. Bakit ka umupo? Higa ka ulit.” Napatawa naman ako sa sinabi niya. Tulog pa daw kuno. Hinila niya ako pero hindi ako humiga at lum
Liliana’s Point Of View* Nakabalik na kami sa bahay nila Grandpa at sumalubong agad sa amin ang caretaker namin na si Mang Bert."Mang Bert, nasaan po sila Grandpa at Grandma?"“Milady, pina-alam pala sa akin ng Grandpa at Grandma mo na aalis sila papunta sa kabilang city dahil may pupuntahan daw sila. Tinawagan ka nila kanina pero hindi ka naman daw nila sinagot.”Doon ko narealize na hindi ko dala ang phone ko.“Naiwan ko sa kwarto ko ang phone ko. Babasahin ko na lang doon. Salamat sa pagpapaalala, Mang Bert.”“Walang ano man po.”Nang naalala ko ang mga Aso ko.“By the way kumusta na po ang mga aso ko? Hindi na po ba sila nahihirapan?"“Okay na po sila at wag po kayong mag-aalala, Milady. Agad ko na po silang pinatingin sa Vet po."“Mabuti naman. Kung may kailangan pa po sila ay sabihin niyo lang po sa akin po kasi kailangan na din naming bumalik sa Condo. Lalakad na kami maya maya.”“Ako na po ang bahala dito, Milady. Update ko po kayo parati."“Okay, thank you ulit, Mang Bert.”
Liliana’s Point Of View*“Babe!”Agad niyang iniwan si Maribelle doon at hinawakan niya ang kamay ko at niyakap ako at hindi nawala sa paningin ko ang masamang tingin ni Maribelle sa akin at napaiwas siya ng tingin nung nakita ko na nakatingin ako sa kanya.“Babe, ang hirap ng pinagdaanan ko.”Napatingin ako sa kanya. Kailangan more affectionate ako sa kanya para mas lalong mapapaniwala ko sila sa bagay na yun.“Ano bang nangyari sayo, Babe? Ayos ka lang ba? Nakikipag rambulan ka ba?”“Hindi, nagising ako na nasa isang malayong lugar ako at wala ng gasulina ang sasakyan ko at di ako makakauwi at timing pa na lowbat pa ang phone ko nun.”Napakunot ang noo ko habang nakikinig sa kanya.“Huh? Paano nangyari ang bagay na yun? Saan ka ba galing bakit ka napunta doon? Hindi ka naman yung tipong tao na pagmamalasing ay nawawala sa sarili.”“Ang huling alaala ko ay nasa labas ako ng bahay ninyo sa may kakahuyan at pagkatapos nun ay wala na akong maalala.”“Huh? Kaya pala nagchat ka sa akin na
3rd Person's Point Of View*Napakagat si Asher sa labi niya habang kinukontrol niya ang sarili niya na wag magalit dahil sa nangyayari sa Asawa niya ngayon. "Zep."Natigilan naman si Zep habang nakatayo sa gilid niya at nandidito din sa sala ng condo ni Asher sina Jack at Caleb na kinakabahan na din sa nangyayari at di na magsasalita kahit isang salita man lang dahil sa nangyayari ngayon."Y-Yes, I'm just asking her kung nasubukan na ba niyang makulong at wala ng iba."Napapikit si Asher sa sinabi niya.“That’s a dangerous question. Sana hindi ko na lang talaga hinatid ang asawa ko sa Police Station.”“Wala ka ba talagang alam sa nangyari sa lalaking iyon na kahit si Liliana ay tatanungin talaga ng Police? Mabuti napag-usapan ko at nagpakilala ako na ako ang Attorney niya kanina at tamang tama talaga na nandodoon ako kanina. Baka mas lalo siyang matakot sa mga Police at sa kanila pa siya mawawalan ng malay.”Napaisip naman si Asher.“Actually, wala talaga akong ginawa sa lalaking iyo
Liliana's Point Of View*Kinabukasan... Balik na naman kami sa trabaho at binalita sa akin ni Gerald na nakabalik na ang sasakyan niya nung kinuha na nila doon sa gitna ng kagubatan.Sino kaya ang naglagay sa kanya doon noh?"Wife, bakit ang lalim ng iniisip mo ngayon?""Hubby, may ideya ka ba kung sino ang mga possible na may gawa nun kay Gerald? Sa harapan pa talaga ng bahay nila Grandpa."Napatingin naman siya sa akin. "May alam ka?"Nagulat naman siya at dahan dahan na napailing iling. "I'm sorry, Wife. Wala akong alam eh.""Kung sa bagay ay sabay naman tayong natutulog nun. Nevermind. So ngayon balik na naman tayo sa trabaho at sana walang ibang masamang mangyayari."Ngumiti naman siya at dahan dahan na tumatango at nagulat ako nung yumakap siya sa akin na kinatingin ko sa kanya."Wife, wag mo ng alalahanin ang nakaraan mo, okay? Ayokong may mangyaring masama sayo kahapon. Nawalan ka ng malay at nahihirapan ka ng huminga.""Di ko maiiwasan eh. At hindi naman yun kasalanan ni Ze
Liliana's Point Of View*Napakagat ako sa kuko ko habang sa elevator pa din kami ni Asher. Bakit naman kaya bibisita ang Attorney namin? Waaa! Hindi ako handa!Hinawakan ni Asher ang magkabilang balikat ko na kinatingin ko sa kanya."Wife, I'm here.""Nandyan ka nga."Napabuntong hininga na lang siya."What I mean is nandidito lang ako sa tabi mo at wag kang kabahan sa mangyayari dahil nandidito lang ako kasama mo. I'm your Husband, right?"Pinakita niya sa akin ang sout kong singsing at singsing niya."We're already married and like you said act like we are totally in love with each other. Walang mali sa gagawin natin sa harapan ng Attorney mo."Napatingin ako sa mga mata niya at dahan dahan akong napatango. Tama siya hangga't nandidito siya ay mag-acting ako na totoong nainlove sa kanya at nakikita ko din naman na bihasa na din siya sa bagay na yun at ako lang ang parang nagdadalawa."Wife.""Hindi ko pa nasubukan maging sweet. Hindi ako sanay sa ganung bagay.... Alam mo naman na---
Shana's Point of View* "You love me, sweetie?" Nanlaki ang mga mata ko habang tinititigan si Theoris. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Lito ang puso ko, naguguluhan ang isip ko, at tila ba tumigil ang paligid sa isang iglap. Pero bago pa man ako makasagot, siya na mismo ang lumapit sa akin at mas malapit pa sa inaasahan ko. Ngumiti siya, ‘yung ngiting matagal ko nang gustong makita. Hindi ngiting pinilit, hindi ngiting walang damdamin. Kundi ‘yung ngiting pamilyar. ‘Yung totoo. ‘Yung siya. Lumapit si Theoris kay Bea na ngayo’y pilit pa ring kumakawala sa hawak ng mga sundalo. "Tapos na ang palabas mo, Bea," malamig niyang sambit. Matatag. Walang alinlangan. "Wala ka nang mauutakan pa." “Ano'ng pinagsasabi mo?! Ikaw ang nagsabing mahal mo ako! Na ako ang papakasalan mo!” galit na sigaw ni Bea habang pinupunit ng luha at pagkalito ang kanyang tinig. Tiningnan siya ni Theoris ng diretso, punong-puno ng hinanakit ngunit may halong awa. "I never loved you, Bea
Shana's Point of View* "Ituloy ang kasal!" sigaw ni Bea sa altar na mas lalong kinainit ng ulo ko dahil sa sinabi niya. Damn! Tung babaeng ito! Uubusin ko talaga ang buhok ng bruhang iyon! Susugod sana ako pero agad naman akong prinutektahan ni Brian dahil may mga pumagitna sa aking mga gwardya sa harapan ko na may dalang mga baril. At hahawakan sana nila ako pero mabilis naman iyong sinipa ni Brian na kinatumba ng mga ito. "Milady, tumakbo na po kayo at ako na ang bahala sa mga gwardyang ito." "Y-You sure?" Tumango naman siya kasabay ngiti. "Yes, milady." Tumango naman ako at agad akong tumakbo papunta sa pwesto ni Theoris. Mabilis akong tumakbo hanggang sa hinawakan ko ang buhok ng babaeng yun at hinila na kinahulog niya sa stage. At isang iglap ay tumalon ako kasabay ng pagyakap ko kay Theoris. Naramdaman ko rin ang kamay niyang nakayakap sa katawan ko ngayon. Hindi ko yun pinansin at mahigpit ko siyang niyakap. "Theoris, gumising ka sa katotohanan. Hindi siya ang ba
3rd Person's Point of View* Hindi tumalab kay Theoris ang gayuma na pinainom sa kanya ni Bea nung wala siyang malay. Dahil na rin sa antidote na ininom niya na may halong dugo ng mga Windermere. Parang nawala agad ang bisa nun sa katawan niya. Tamang-tama naman na mag-a-acting si Theoris na parang na-in love siya kay Bea. Nakipagkita si Theoris kay Bea nung gabing iyon sa isang bar at excited naman si Bea nun at may dala rin siyang gayuma para painumin na naman si Theoris. "Baby," tawag sa kanya ni Bea. Napatingin naman sa kanya si Theoris at napangiti naman ito sa kanya at niyakap siya nito bigla na kinagulat naman ni Bea. At doon niya nakita na tumalab nga ang pininom nitong gayuma. Napangiti naman siya at doon na nagpa-sweet sila na parang sila na talaga. Nilagyan niya ng gayuma ang inumin ni Theoris at hindi naman iyon nawala sa paningin ni Theoris kaya mabilis niyang pinagpalit ang baso na nasa harapan niya. "Cheers?" Ngumiti naman si Bea. "Cheers." Napangiti naman siy
3rd Person's Point of View* Flashback... Nakarating ngayon si Theoris sa laboratory na pamamay-ari ng pamilya ng mga Windermere. Kagaya ng sinabi ni Ash sa kanya ay pagkagising niya ay agad siyang dumiretso doon sa laboratory. "Mabuti naman at nakarating ka na." Napatingin naman siya kay Azrael na nasa harapan niya at dahan-dahan na tumango. "Kanina ka pa hinihintay ni Ash sa loob at nandodoon din ang mga magulang nila." "I know." Alam ni Theoris na makakaharap niya ang mga magulang nila dahil gusto nilang malaman ang tungkol sa lason na iniinom niya na iyon din ang panlaban sa dugo nila Liliana. "Follow me." Lumakad naman sila at nakasunod lang sa Theoris kay Azrael. "Bakit ka nga pala nandidito sa Pinas?" Napatingin naman si Azrael. "Alam mo naman na nanganak si Ate Claudia noh?" "So tapos na siyang manganak eh bakit hindi ka pa bumalik sa america?" "Ang heartless mo naman, Theoris. Alam mo naman na may isa pang dahilan kung bakit ako nandidito noh?" "Ano?" "Gusto kon
3rd Person's Point of View* Malaki ang ngiti ni Bea habang naglalakad sa aisle sa isang magandang hotel garden sa lugar nila at nandidito na rin ang mga bisita sa paligid nila na nagpapalakpakan at ang pamilya lang ni Theoris ay ang grandpa nito at si Clea. Hindi rin sila makapaniwala sa pag-iba ng puso ni Theoris. "Grandpa, paano natin mapapahinto si Theoris? Alam naman natin na hindi ang babaeng yan ang mahal ni Theoris, 'di ba? Si Shana naman ang mahal niya. Parang ginayuma si Theoris." "I know that. Hindi rin natin mapipigilan ang bagay na yan dahil alam mo na na napapalibutan tayo ngayon ng mga tauhan ng pamilya ng bride." Wala silang magawa kundi ang tumingin na lang sa mga mangyayari ngayon. Kinuha ni Clea ang phone niya at agad niyang minessage ang mga tauhan nila at hindi rin ito ma-send dahil walang signal dito. "Mukhang planado nila ang lahat na nandidito. Sana tinali ko na lang si Theoris nung nakita ko siya. Alam ko naman na hindi talaga ito ang babaeng mahal niya a
Shana's Point of View* Nagising ako kinabukasan at nandidito pa rin ako sa kwarto ni Theoris. Hindi ko napansin na nakatulog pala ako kakahintay sa kanya. Napansin ko ang kumot na nakatakip sa akin na kinakunot ng noo ko at naka-on na din ang aircon. Automatic pala nag-o-on ang aircon? Hindi ko kasi naalala na nag-on ako kahapon ng aircon. Natigilan ako baka dumating na si Theoris kaya agad akong tumayo at agad lumabas sa kwarto. Agad kong nilibot ang boung kwarto at wala akong makita kahit isang anino niya. "Theoris? Nandidito ka ba? Theoris!" Para na akong baliw nagpaikot-ikot dito sa buong kwarto pero wala akong makita ni-anino niya. Napaiyak na lang ako nang napansin ko na may nakahain sa lamesa. At may pagkain sa lamesa. Sinong nagluto nito? Bakit may pagkain sa lamesa? Umuwi ba siya? Eh bakit hindi niya ako ginising? Hinawakan ko ang pagkain at mainit iyon. Nandidito nga siya. Kinalimutan na ba niya talaga ako? Napatingin ako sa sticky note na nasa gilid at nanlala
3rd Person's Point of View* Hinatid ni Theoris si Bea sa mansion nito at umunang lumabas si Theoris sa sasakyan nito. "Kagaya ng sinabi mo ay sa judge muna tayo ikakasal bukas. Nakahanda na ba ang lahat?" Ngumiti naman si Bea at dahan-dahan na tumango. "Yes. Tayo na lang dalawa ang kulang doon at isa pa kompleto ang pamilya ko bukas. Excited na ako sa bagay na yun." Napangiti naman si Theoris at hinalikan niya ang noo nito. "Matulog ka ng maaga, okay? Para fresh na fresh ka bukas sa kasal natin." "Yes, ikaw rin. Wag mo akong masyadong ma-miss. Can I kiss your lips now?" Ngumiti naman si Theoris at lalapit sana ang labi ni Bea sa kanya pero pinigilan naman iyon ni Theoris. "Not now, baby. Bukas ko na titikman ang halik mo sa kasal natin." Mas lalong napangiti si Bea sa sinabi nito. "Pwede naman na dito ka na matulog. Magkatabi tayo sa kama." "Baby, alam mo naman na bawal ang bagay na yun diba? Gusto mo ba na hindi matuloy ang kasal natin kinabukasan?" "Okay fine." Napapou
Shana's Point of View* Nakatulala ako habang nakatingin sa malayo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Cloud noon. Namumugto na rin ang mga mata ko habang nakatingin sa langit habang nasa gilid ko si Azrael. "He loves you so much simula pa noon kaya nga nagmamakaawa siya kay Theoris na siya na lang ang magiging fiancee mo." "Anong sabi ni Theoris?" "Hindi pumayag si Theoris. Dahil mahal ka rin niya pero hindi lang siya nagbo-voice out sa nararamdaman niya sayo." Nakikinig lang ako sa sinasabi ni Azrael habang nakatingin sa kalangitan. "Hanggang sa nagdesisyon ang mga magulang ni Cloud na sabihin sa Grandpa ni Theoris na si Cloud na lang ang magiging partner mo. " Napatingin ako sa kanya. "Ganun na lang yun? Ano naman ang reaksyon ni Theoris?" "At wala namang nagawa si Theoris sa bagay na yun at doon na siya nagsimulang maging cold sa lahat ng bagay lalo na't dinala rin siya ng Grandpa niya sa ibang bansa." Doon pala nagsimula ang pagka-cold niya. Dahil lang din pala
3rd Person's Point of View* Nandidito sila Shana at Azrael ngayon sa isang over viewing at may firing range sa unahan. Hindi aakalain ni Shana sa mahinhin na mukha ni Azrael ay ito pa ang napailing lugar na akala niya sa kung saan siya nito dadalhin. Tiningnan ni Shana si Azrael na may pagtataka. "Uhmm... Dito ko naisipan dahil para malabas mo ang sakit na nararamdaman mo ngayon." Hindi pa kasi umiiyak si Shana at nag-aalala si Azrael kung ano ang mangyayari kung hindi nito malalabas ang sakit na nararamdaman nito. "Mukhang kailangan ko ang bagay na yan." Napangiti naman si Azrael at dahan-dahan na napatango. "Mabuti naman kung ganun." Lumabas na siya sa sasakyan at lumakad na papunta sa gilid ni Shana ay pinagbuksan niya ng pintuan si Shana. Inanalayan naman niya itong bumaba. "Thank you." "Shall we?" Tumango naman si Shana at lumakad na sila paalis sa sasakyan at pumasok sa loob. "Mabuti gising ka na matapos ang kalahating buwan na pagkaka-coma." Napatingin naman si Sh