Tulalang nagtungo ng kompanya si Czarina. Sana lang ay gumana ang pananakot niya sa mga ito para hindi matuloy ang mga binabalak nila sa kaniyang ama. Hindi man naging mabuting ama sa kaniya sa nakalipas na mga taon si Mateo, hindi pa rin niya kayang mawala ito dahil sa mga taong walang halang ang bituka. Wala siyang nagawa noon sa kaniyang ina, para siyang batang naligaw ng landas at hindi alam ang gagawin at ayaw niya namang mangyari ulit yun. Ayaw niya namang mawala silang pamilya sa mga kamay ni Natalia.Nang may tumawag sa cellphone niya ay sinagot niya yun ng hindi na tinitingnan kung sino ang caller.“Yes?” walang gana niyang sagot.“What happened? Maililipat ba natin ang Daddy mo? Narequest ko na ang ambulance, may mga doctor na rin na sasama para sunduin siya. Can we transfer him now?” wika ni Doc Apalla. Napabuntong hininga naman si Czarina at narinig yun ni Doc Apalla. Sa buntong hininga pa lang ni Czarina, alam na ni Doc Apalla kung anong nangyari. “Hindi pumayag si Natali
Lumipas ang dalawang linggo, nagtataka na si Czarina dahil hindi pa niya nakikita si Natalie. Hindi ito pumapasok sa kompanya kaya naiipon na ang mga gagawin niya.“Michelle, wala ka pa rin bang balita kay Natalie kung nasaan na siya?” tanong ni Czarina sa secretary ni Natalie.“Wala pa rin po ma’am Czarina. Maraming beses ko na siyang tinawagan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya sumasagot.” Sagot nito. Napapaisip si Czarina kung anong nangyari kay Natalie, kung bakit bigla itong nawala.‘Is she planning her wedding?’ usal niya sa sarili niya. Naipilig niya ang ulo niya, kung nagpaplano na sila para sa kasal nila bakit hindi alam ito ng secretary niya? Nahihirapan si Czarina na malaman kung ano ang pinaplano ng mag-ina.Patungo na sana si Czarina sa production department nang madaanan niya ang office ni Natalia. May kaunti itong awang kaya dahan-dahan siyang naglakad papunta dun. Sinilip niya kung sino na ang nasa loob. Nang makita niyang walang tao ay inilibot niya ang paningin n
Nang tumawag si Tyrone sa kaniya ay hindi niya ito masagot dahil natatakot siyang bitiwan ang manubela.“Oh God, please protect me.” Anas niya, napalunok siya. Sa bilis nang pagpapatakbo niya ay para na siyang nakikipagkarerahan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang tumingin sa likod niya ng marinig niya ang tunog ng mga siren. Kita niya ang mga police car na nakabuntot na sa kaniya. Mabilis siyang nilampasan ng isang police car at sumenyas ito na magslow down siya.“They want me to stop? Oh no, please, not now.” Anas niya dahil sa pag-aakalang baka hinuhuli na siya dahil over speeding na siya. Pinantayan na rin siya sa magkabilang gilid niya, may tatlo pang nakabuntot sa kaniya.Nakita niyang tumatawag si Tyrone, mabilis niyang sinagot ito.“Please help me, may mga pulis nang pinapahinto ako. I’m scared to stop, Tyrone.” Natataranta niyang saad.“Slow down, Czarina. They come to help you, please slow down.” Sagot ni Tyrone. Nakahinga naman ng maluwag si Czarina kaya dahan-dahan
Hindi makapaniwala si Czarina sa mga sinasabi sa kaniya ng kaniyang ama. Hilaw siyang natawa, talagang napaghandaan na ni Natalia ang mga sinabi nito laban sa kaniya. Ano pa bang mga nasabi ni Natalia para magalit ng ganito sa kaniya ang kaniyang ama? Pinakalma ni Czarina ang sarili niya para hindi bumagsak ang mga luha niya at hindi mauna ang paghagulgol niya kesa masabi ang mga gusto niya.“Hanggang ngayon pa rin ba si Tita Natalia pa rin ang pinaniniwalaan niyo? Simula nang dumating siya sa buhay natin, hindi niyo na ako nagawang paniwalaan. I’m your daughter, Dad. Mas matagal mo akong nakasama kesa sa kaniya unless palagi ka ring umuuwi sa kanilang mag-ina kahit na buhay pa si Mommy.” Matapang niyang wika. Iniwas naman ni Mateo ang paningin niya.“Minahal ko ang Mommy mo. Hindi magagawa ng Tita Natalia mo ang patayin ako para lang sa kompanya dahil marami na rin siyang naitulong sa akin simula nang makasama natin siya. Bakit mo ba siya gustong gustong mawala sa buhay natin? Naging
Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Muling hiniram ni Melanie ang mga anak ni Czarina para ipasyal ang mga ito at kumain ulit sa labas.“Kumusta naman kayo sa mansion? Hindi ba kayo naninibago sa paligid niyo?” tanong ni Melanie sa mga bata.“Medyo nanibago po dahil ang dami pong katulong. Palagi lang pong nasa kwarto si Isabella pero para po makapaglaro kami sa sala pinapaalis po muna ni lolo ang mga katulong para maging komportable po kaming maglaro.” Sagot ni Riley. Hinaplos ni Melanie ang pisngi ni Isabella. Hanggang ngayon hindi niya alam kung anong pinagdaanan ng kambal sa kamay ni Natalia.“Kumusta naman ang trato sa inyo ng lolo niyo? Is he nice?” tanong pa niya. Tumango naman kaagad si Riley kaya nakahinga siya ng maluwag.“Lolo is kind naman po,” sagot pa niya. Ipinasyal na ni Melanie sa
Gabi na pero nasa meeting pa rin si Tyrone. Nang magkaroon sila ng 30 minutes break ay tinawagan niya si Czarina.“Hi, I’m sorry kung hindi pa ako nakakauwi. I’m still at the meeting at hindi ko alam kung anong oras kami matatapos. Kumain na ba kayo?” aniya nang sagutin ni Czarina ang tawag.“It’s okay, huwag mo kaming alalahanin dahil kanina pa kami kumain. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.”“Yung mga bata, tulog na ba?” napakalambing ng boses niya. Ibang-iba kapag nakikipag-usap siya sa ibang tao. Hindi niya akalain na biglang magbabago ang buhay niya ng dahil kay Czarina.“Matutulog pa lang, matagal pa ba ang meeting niyo?”“Hindi ko pa alam pero malapit na rin sigurong matapos. I’ll message you la
Nasa meeting ngayon si Tyrone at Owen. Napapatingin na lang sa kanila ang mga board of directors at iba pang mga nasa matataas na posisyon sa kompanya dahil nagkakainitan na silang dalawa sa plano na gagawin nila. Magkaiba ang gusto nilang gawin, pareho silang hindi sang-ayon sa idea nila.“Bakit hindi muna natin subukan ang idea at plano ko?” seryoso at blangkong saad ni Tyrone pero hindi nagpatalo si Owen.“Bakit hindi na lang muna ang sa akin at kapag nagfail then let’s do yours.” Ani naman ni Owen.“Bakit pa natin hihintayin na magfail yung sayo? Sayang lang ang budget.” Wika naman ni Tyrone. Napapahilot na lang si Chairman sa sintido niya dahil wala talagang nagpapatalo sa dalawa niyang apo. Napabuntong hininga na lang siya saka niya tiningnan ang parehong plano ng dalawa. May copy naman siya ng mga
Napabuntong hininga na lang si Natalia. Kailangan niyang masiguro na walang makakaalam sa mga ginawa niya. Kailangan niyang masiguro na nagtatago na sa malayong lugar ang driver ng truck.“Mas mabuti pa sigurong ipapatay ko na lang siya para masiguro kong walang makakaalam ng sekretong ‘to. Hindi ako pwedeng mahuli.” Usal niya sa sarili niya. Nakakaramdam na rin siya ng takot lalo na at sigurado siyang nanginginig sa galit si Tyrone.“Sigurado ba kayo?” malakas na saad ni Mateo kaya napatingin si Natalia sa kaniya. Nang makita ni Natalia na naggagayak si Mateo ay muli niya itong nilapitan.“Saan ka pupunta?” tanong niya. Nagmamadaling kinuha ni Mateo ang mga gamit niya.“Nahanap na kung saan nagtatago ang driver ng truck. Pupuntahan na siya ng mga pulis ngayon.” Sagot ni Mateo saka siya umalis. Nakagat ni Natalia ang kuko niya. Nagsisimula na ring manginig ang kalamnan niya. Iniisip niya kung tatakas na ba siya.Pabalik-balik siyang naglalakad sa sala habang kagat-kagat ang kuko niya.
Nang malaman ni Natalia na nasa hospital si Czarina at buhay pa ay nagngitngit ang mga ngipin niya. Sayang lang ang perang pinangbayad niya dahil hindi man lang namatay si Czarina. Galit na inihagis ni Natalia ang hawak niyang wineglass dahil palpak pa ang taong inutusan niya. Sinabi niya na ngang puruhin ang sasakyan ni Czarina pero hindi pa nangyari dahil sa pagharang ni Owen sa sasakyan ni Czarina.“May sa pusa ba ang buhay mong babae ka?!” nanggagalaiting sigaw ni Natalia. Muli siyang nanguha ng wineglass at nilagyan yun ng alak saka niya dire-diretsong ininom. Palagi na lang may mga taong handang magsakripisyo ng buhay para lang kay Czarina.Tatlong araw naman ang lumipas bago nagkamalay si Czarina. Ramdam pa niya ang pagkahilo. Nanlalabo rin ang mga mata niya. Hindi niya maaninag si Tyrone pero alam niya kung sino ang nasa harapan niya.“How are you? May masakit ba? Please tell me immediately para masabi ko sa mga doctor.” Malambing na saad ni Tyrone. Umiling naman si Czarina.“
“Damn it!” inis niyang saad nang maipit siya sa traffic. Gusto niya nang makarating sa hospital para alamin ang kalagayan ni Czarina pero wala siyang magawa dahil sa tindi ng traffic. Sunod-sunod siyang nagbusina, wala na siyang pakialam kahit na magalit sa kaniya ang mga nasa harapan niya.“Sir buksan mo yung bintana mo.” Saad ng isang police enforcer dahil sa pagbubusina ni Tyrone. Ibinaba naman kaagad ni Tyrone ang bintana niya at bago pa man magsalita ang enforcer ay inunahan na siya ni Tyrone.“Sir pasensya na pero nagmamadali lang ako. Naaksidente ang asawa ko at idinala siya ngayon sa hospital. Wala siyang ibang kasama dun kaya nagmamadali akong makarating.” Pagpapaliwanag niya.“Ganun po ba sir, sige po sir pero mag-iingat po kayo.” Anas naman ng pulis saka ito umalis. Nang lumuwag naman na ang traffic ay mabilis na pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan niya hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan dinala si Czarina.“Miss, saan idinala si Czarina Fuentes, she’s my wife.”
Nang makauwi si Natalie ay dumiretso siya kaagad sa kwarto ng kaniyang ina. Naabutan niyang may pinapahiran ni Natalia ng yelo ang mukha nito. Kitang kita ni Natalie ang pamumula ng pisngi ng kaniyang ina.“Kayo ba ang nagpaaresto kay Czarina? Mom, tama na.” sumusuko nang wika ni Natalie. Takot na takot na siya sa mga pagbabanta at pananakot ni Owen sa kaniya at ng mga Fuentes.“Ginagawa ko ang lahat ng ‘to para sayo. Ayaw kong bumalik na naman tayo sa kung anong buhay natin dati. Dapat tinutulungan mo ako hindi yung pinipigilan mo ako sa mga plano ko.”“Tama na Mommy! Wala na tayong magagawa dahil masyado ng makapangyarihan si Czarina. Lahat ng mga Fuentes ay nasa kaniya ang simpatya. Takot na takot na ako sa pananakot sa akin ni Owen at kapag hindi ka pa tumigil sa mga ginagawa mo kay Czarina, sa basurahan na talaga tayo pupulutin. Huwag niyo ng palalain pa yung sitwasyon. Hayaan na natin si Czarina at ibigay na lang natin sa kaniya ang gusto niyang katahimikan!” tila batang pagwawa
“Base sa nalaman namin ma’am isang taon ng ikaw ang namamahala sa kompanya at sa loob ng isang taon na yun hindi ka nagbabayad ng tax.” Hilaw na lang na natawa si Czarina. Alam niyang ang stepmom niya ang may pakana nito.Isang taon silang hindi nagbayad ng tax tapos siya ang pagbibintangan na hindi nagbabayad? Napapailing na lang siya pero kahit na anong gawin sa kaniya ng stepmom niya malalampasan niya ang lahat ng yun. Hindi na siya mapipigilan ni Natalia na mabawi ang kompanya.Tahimik na sumama si Czarina sa prisinto. Tuwang-tuwa naman si Natalia dahil alam niyang maipapakulong niya na si Czarina. Kapag nakulong ito maiiwan sa kaniya ang kompanya.Nang malaman naman kaagad ni Tyrone ang nangyaring panghuhuli kay Czarina ay pinuntahan niya ito kaagad. Mabilis niyang hinanap kung nasaan ang asawa niya.“Where’s my wife?!” galit niyang pagwawala sa front desk dahil hindi niya makita si Czarina.“Nasa interogation room po sir.” Sagot ng isang pulis. Mabilis na nagtungo sa interogatio
Ramdam na ni Natalia ang takot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung saan siya magtatago kung sakaling malaman ng mga Fuentes ang mga ginagawa niya kay Czarina. Hindi niya akalain na mamahalin ng sobra ng mga Fuentes si Czarina. Tinanggap nila ito na para bang tunay nilang anak. Hinilot ni Natalia ang sintido niya. Nag-iisip na siyang tumakas at umalis ng bansa pero ayaw pa rin niyang isuko ang kompanya dahil gustong gusto niyang maangkin ito. Dahil kapag tumakas siya, ibig sabihin lang nun ay sumuko na siya at hinayaan si Czarina na manalo.“Sa tingin ko kailangan ko ulit gawin sayo ang ginawa ko sa inyo noon ni Arianne. Kailangan mong mamatay sa aksidente.” Iyun na lang ang huling paraan na naiisip ni Natalia para tuluyan ng mawala sa landas niya si Czarina.“Kapag nawala kayong dalawa sa landas namin ng anak ko, si Natalie ang magiging tagapagmana ng kompanya dahil siya na lang ang nag-iisang Jimenez. Kung hindi mo lang ako tinalikuran Mateo hindi kita idadamay sa mga plano ko.” Ani
“Ganito pala yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag ang takot na nararamdaman mo. Yung puso ko kanina para bang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. Habang nasa byahe kami papunta sa location mo parang gusto ko ng magteleport para lang masiguro kong okay ka lang pero wala akong magawa. Para akong mababaliw sa kakaisip. Kung naabutan ko lang siguro ang mga taong yun baka nandilim na ang paningin ko napatay ko sila. Takot na takot akong mawala ka sa amin ng mga anak natin. Mahal na mahal kita, Czarina.” Mas lalong isiniksik ni Tyrone ang mukha niya sa leeg ni Czarina.Matamis namang napangiti si Czarina.“Mahal din kita,” sagot niya. Mabilis na napaangat ng tingin si Tyrone dahil simula ng magsama silang dalawa, simula nang ikasal sila at simula nang matutunan niyang mahalin si Czarina ngayon lang sumagot si Czarina sa kaniya. Yung takot na naramdaman niya kanina tila ba biglang napalitan ng excitement at gulat.“You mean that?” paninigurado niya. Tumingin sa kawalan si
Nang makarating sila sa mansion ay naghihintay na sa kanila ang buong Fuentes. Kalong-kalong din ni Melanie ang dalawang kambal. Paulit-ulit na nananalangin na sana ay makauwi silang lahat ng ligtas. Sana ay nakalayo na sila bago pa malaman ng mga kidnapper na fake money lang ang karamihan sa pera.“Mommy,” sabay na tawag ni Riley at Isabella ng makita na nila ang Mommy nila. Bumaba ang mga ito mula sa pagkakakandong sa mga binti ni Melanie saka nila sinalubong nang yakap ang Mommy nila. Mahigpit na niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga anak niya. Natatakot siyang iwan ng maaga ang mga ito lalo na nang mawalan siya ng preno.“Kumusta? Hindi ba kayo nasaktan? Wala bang nangyari?” tanong ni Chairman sa mga apo niya.“We’re fine, lolo.” Sagot ni Owen. Nilingon na rin ni Czarina si Chairman. Nahihiya siya rito dahil mukhang pinag-alala niya ito.“Thank you, Chairman. I’m sorry for making you worry at sa abala.” Nakayuko niyang saad. Tumango lang nam
“5x ng ibinayad sa amin, sige pakakawalan ka namin? Deal? Alam naman namin kung saang pamilya ka nabibilang. Alam din namin kung gaano kayaman ang asawa mo. Siguro naman ay balewala na lang sa inyo ang 500 million.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Czarina. Gahaman din talaga ang mga taong kumidnap sa kaniya. Masyadong malaking halaga ang hinihingi nila. Sa laki nito ay kahit ilang taon silang hindi magtrabaho.“Anong klaseng papeles ba ang pinapapirma mo sa akin? Pwede ko bang basahin saka ko pag-iisipan kung papayag ako sa condition niyo.” Napataas ang kilay ng lalaki. Hindi niya na nagugustuhan ang ginagawa ni Czarina. Madali lang naman silang kausap pero pinapatagal pa ni Czarina ang lahat.“Alam naman namin na kayang kaya ng pamilya mo at ng pamilya ng asawa mo ang halagang hinihingi namin. Huwag mo ng patagalin pa dahil ibibigay ko rin naman sayo ang dokumento na ‘to kapag nakuha na namin ang perang hinihingi namin kapalit ng buhay mo.”Gusto sanang malaman ni Czarina kung anong kl