Share

Kabanata 63.2

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-31 10:28:18

Nang makasakay si Czarina sa sasakyan niya ay tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya. Napasubsob na lang siya sa manubela niya. Ang sikip sikip ng dibdib niya, ramdam pa rin niya ang bigat ng kamay ng kaniyang ama sa pisngi niya dahil sa sampal pero mas nangingibabaw ang kirot na nararamdaman niya sa puso niya.

Napabuga siya ng hangin saka tipid na ngumiti. Nasasaktan man siya dahil ayaw siyang paniwalaan ng kaniyang ama, wala na siyang magagawa. Tuluyan na talagang nalason ni Natalia ang isip nito dahil wala na siyang ibang pinaniniwalaan kundi si Natalia lang.

“Czarina, open the door.” Rinig ni Czarina sa boses ni Tyrone. Tumingin siya sa bintana at nakita niya naman si Tyrone na bakas ang sobrang pag-aalala sa mukha nito. Binuksan niya na ang pintuan at lumabas ng sasakyan. “Are you okay? Hindi ka ba nasaktan?” nag-aalalang tanong ni Tyrone. Hindi sumagot si Czarina, niyakap niya lang si Tyrone. Nagpapasalamat siya dahil nandyan si Tyrone para sa kaniya, ang tanging taong may paki
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (17)
goodnovel comment avatar
Tine V Sadian
di mn lng tuloy tuloy ang kwento nkaka tamad n mag bsa
goodnovel comment avatar
Jun-jun Navs
Wala pa rin po ba update??
goodnovel comment avatar
Mario Andal
update po pls....
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • My Contract Marriage    Kabanata 64.1

    Muling hiniram ni Melanie ang mga anak ni Czarina para ipasyal ang mga ito at kumain ulit sa labas.“Kumusta naman kayo sa mansion? Hindi ba kayo naninibago sa paligid niyo?” tanong ni Melanie sa mga bata.“Medyo nanibago po dahil ang dami pong katulong. Palagi lang pong nasa kwarto si Isabella pero para po makapaglaro kami sa sala pinapaalis po muna ni lolo ang mga katulong para maging komportable po kaming maglaro.” Sagot ni Riley. Hinaplos ni Melanie ang pisngi ni Isabella. Hanggang ngayon hindi niya alam kung anong pinagdaanan ng kambal sa kamay ni Natalia.“Kumusta naman ang trato sa inyo ng lolo niyo? Is he nice?” tanong pa niya. Tumango naman kaagad si Riley kaya nakahinga siya ng maluwag.“Lolo is kind naman po,” sagot pa niya. Ipinasyal na ni Melanie sa

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-03
  • My Contract Marriage    Kabanata 64.2

    Gabi na pero nasa meeting pa rin si Tyrone. Nang magkaroon sila ng 30 minutes break ay tinawagan niya si Czarina.“Hi, I’m sorry kung hindi pa ako nakakauwi. I’m still at the meeting at hindi ko alam kung anong oras kami matatapos. Kumain na ba kayo?” aniya nang sagutin ni Czarina ang tawag.“It’s okay, huwag mo kaming alalahanin dahil kanina pa kami kumain. Mag-iingat ka sa pag-uwi mo.”“Yung mga bata, tulog na ba?” napakalambing ng boses niya. Ibang-iba kapag nakikipag-usap siya sa ibang tao. Hindi niya akalain na biglang magbabago ang buhay niya ng dahil kay Czarina.“Matutulog pa lang, matagal pa ba ang meeting niyo?”“Hindi ko pa alam pero malapit na rin sigurong matapos. I’ll message you la

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-04
  • My Contract Marriage    Kabanata 65.1

    Nasa meeting ngayon si Tyrone at Owen. Napapatingin na lang sa kanila ang mga board of directors at iba pang mga nasa matataas na posisyon sa kompanya dahil nagkakainitan na silang dalawa sa plano na gagawin nila. Magkaiba ang gusto nilang gawin, pareho silang hindi sang-ayon sa idea nila.“Bakit hindi muna natin subukan ang idea at plano ko?” seryoso at blangkong saad ni Tyrone pero hindi nagpatalo si Owen.“Bakit hindi na lang muna ang sa akin at kapag nagfail then let’s do yours.” Ani naman ni Owen.“Bakit pa natin hihintayin na magfail yung sayo? Sayang lang ang budget.” Wika naman ni Tyrone. Napapahilot na lang si Chairman sa sintido niya dahil wala talagang nagpapatalo sa dalawa niyang apo. Napabuntong hininga na lang siya saka niya tiningnan ang parehong plano ng dalawa. May copy naman siya ng mga

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-05
  • My Contract Marriage    Kabanata 65.2

    Lumipas pa ang mga araw, lakas loob na pinuntahan ni Natalie si Chairman Fuentes sa office nito.“Ma’am pasensya na po kayo pero hindi po kayo pwedeng pumasok sa office ng walang appointment kay Chairman.” Wika ng secretary na babae ni Chairman na nasa front table.“Hindi ko na kailangan ng appointment. Hindi mo ba ako kilala? Fiance ako ni Owen Fuentes!” sigaw ni Natalie at nagpupumilit na makapasok sa office ni Chairman Fuentes. Nang makapasok si Natalie ay mabilis na yumuko ang babaeng secretary ni Chairman.“Pasensya na po kayo, Chairman. Nagpumilit po kasi siya na pumasok.” Natatakot niya kaagad na paliwanag. Alam na kasi nila kung paano magalit si Chairman. Mawawalan ka talaga ng trabaho.Blangkong tiningnan ni Chairman si Natalie. Nakikilala niya naman ito dahi

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-06
  • My Contract Marriage    Kabanata 66.1

    Tiningnan ni Czarina ang malaking maleta na katabi ni Natalie. Seryoso talaga ito na dito titira sa mansion kasama nila. Bahagya na lang na natawa si Czarina sa isip niya. Hindi ba talaga siya lulubayan ng mag-ina? Kung sabagay, ano pa bang aasahan niya? Dito nakatira si Owen kaya malamang dito rin titira si Natalie pero hindi pa sila kasal.“Nagmamadali ka ba? Hindi pa kayo kasal ni Owen.” Anas niya.“Kailangan ko pa bang hintayin yun? I’m pregnant kaya dito ako titira. Alam ko naman na ayaw mo akong makasama pero wala kang magagawa kundi pagtiisan ako.” Napatingin si Czarina sa tiyan ni Natalie kahit na wala pa siyang makitang baby bump. Ngumisi si Natalie nang tumahimik si Czarina. “Ano bang akala mo sa sarili? Isang Dyosa na kahuhumalingan ng lahat ng lalaki? Iniisip mo bang hindi magkakagusto si Owen sa akin? Look what happened, hindi pa kam

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-07
  • My Contract Marriage    Kabanata 66.2

    Nang dumating naman si Chairman ay ipinatawag niya si Owen. Naghihintay si Chairman sa loob ng library niya at nakatayo ito sa harap ng malaking bintana kung saan kitang kita niya ang magandang hardin nila.“Ipinatawag niyo ako,” blangko saad ni Owen. Ilang segundo naman ang lumipas bago sumagot si Chairman.“Alam mo kung ano ang pinakaayaw kong gawin niyo bilang pamilya ko. Ang talikuran niyo ang responsibilidad niyo. Gagawa kayo ng mga bagay na hindi niyo naman magugustuhan ang kalalabasan.” Sagot ni Chairman. Nakuha naman kaagad ni Owen ang ibig sabihin ni Chairman. Ibig bang sabihin nito ay kinausap na rin ni Natalie si Chairman?Napapapikit na lang si Owen saka niya hinilot ang noo niya. Hinarap naman na siya ni Chairman at seryoso ang mukha nito na nakatingin kay Owen.“Mar

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-08
  • My Contract Marriage    Kabanata 67.1

    Sabay-sabay silang kumain ng umagahan, tahimik silang lahat habang busy naman si Czarina at Tyrone na nag-aasikaso sa kambal nila. Pinagmamasdan ni Natalie ang mga kasama niya sa hapag kainan habang si Owen naman hindi na maipinta ang mukha. Si Chairman ang nakaupo sa unahan habang nasa magkabilang gilid niya si Tyrone at Owen.Hindi nililingon ni Czarina si Natalie kahit na ramdam niya ang pagtitig nito sa kaniya minsan. Hangga’t maaari ay iiwas siya sa gulo dahil ayaw niyang gulo ang nakikita ng mga anak niya.“Isabella, honey, kainin lang ang kayang ubusin okay? Tandaan mo palagi ang binibilin ko sa inyo.” Malambing na wika ni Czarina sa anak niya ng mapansin niyang kuha ito nang kuha ng pagkain.“Opo, Mommy, bawal ang magsayang ng pagkain.” Masigla naman nitong sagot. Napangiti si Tyrone sa lambing ng boses ng a

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-12
  • My Contract Marriage    Kabanata 67.2

    Nang makarating si Czarina sa kompanya ay didiretso na sana siya sa department nila nang makasalubong niya ang kaniyang ama. Hindi niya na lang sana ito bibigyan ng atensyon nang harangin nito ang dadaanan niya.“Can we talk?” anas ng kaniyang ama. Sinalubong ni Czarina ang mga mata ng kaniyang ama. Masaya siyang maayos na ang kalagayan nito pero hanggang ngayon masama pa rin ang loob niya dahil hindi siya magawang paniwalaan.“Wala na po tayong dapat pag-usapan. Nasabi ko na ang lahat ng kailangan kong sabihin. Desisyon niyong hindi na ako paniwalaan kaya para saan pa para mag-usap tayo? I’m sorry po but I have to go. Marami pa akong kailangang gawin. Excuse me,” aniya saka siya bahagyang yumuko para magbigay galang pa rin at umalis na.Sinundan na lang ni Mateo ng tingin ang anak niya. Napabuntong hininga siya, al

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-13

Bab terbaru

  • My Contract Marriage    Kabanata 86.2

    Napabuntong hininga na lang si Natalia. Kailangan niyang masiguro na walang makakaalam sa mga ginawa niya. Kailangan niyang masiguro na nagtatago na sa malayong lugar ang driver ng truck.“Mas mabuti pa sigurong ipapatay ko na lang siya para masiguro kong walang makakaalam ng sekretong ‘to. Hindi ako pwedeng mahuli.” Usal niya sa sarili niya. Nakakaramdam na rin siya ng takot lalo na at sigurado siyang nanginginig sa galit si Tyrone.“Sigurado ba kayo?” malakas na saad ni Mateo kaya napatingin si Natalia sa kaniya. Nang makita ni Natalia na naggagayak si Mateo ay muli niya itong nilapitan.“Saan ka pupunta?” tanong niya. Nagmamadaling kinuha ni Mateo ang mga gamit niya.“Nahanap na kung saan nagtatago ang driver ng truck. Pupuntahan na siya ng mga pulis ngayon.” Sagot ni Mateo saka siya umalis. Nakagat ni Natalia ang kuko niya. Nagsisimula na ring manginig ang kalamnan niya. Iniisip niya kung tatakas na ba siya.Pabalik-balik siyang naglalakad sa sala habang kagat-kagat ang kuko niya.

  • My Contract Marriage    Kabanata 86.1

    Nang malaman ni Natalia na nasa hospital si Czarina at buhay pa ay nagngitngit ang mga ngipin niya. Sayang lang ang perang pinangbayad niya dahil hindi man lang namatay si Czarina. Galit na inihagis ni Natalia ang hawak niyang wineglass dahil palpak pa ang taong inutusan niya. Sinabi niya na ngang puruhin ang sasakyan ni Czarina pero hindi pa nangyari dahil sa pagharang ni Owen sa sasakyan ni Czarina.“May sa pusa ba ang buhay mong babae ka?!” nanggagalaiting sigaw ni Natalia. Muli siyang nanguha ng wineglass at nilagyan yun ng alak saka niya dire-diretsong ininom. Palagi na lang may mga taong handang magsakripisyo ng buhay para lang kay Czarina.Tatlong araw naman ang lumipas bago nagkamalay si Czarina. Ramdam pa niya ang pagkahilo. Nanlalabo rin ang mga mata niya. Hindi niya maaninag si Tyrone pero alam niya kung sino ang nasa harapan niya.“How are you? May masakit ba? Please tell me immediately para masabi ko sa mga doctor.” Malambing na saad ni Tyrone. Umiling naman si Czarina.“

  • My Contract Marriage    Kabanata 85.2

    “Damn it!” inis niyang saad nang maipit siya sa traffic. Gusto niya nang makarating sa hospital para alamin ang kalagayan ni Czarina pero wala siyang magawa dahil sa tindi ng traffic. Sunod-sunod siyang nagbusina, wala na siyang pakialam kahit na magalit sa kaniya ang mga nasa harapan niya.“Sir buksan mo yung bintana mo.” Saad ng isang police enforcer dahil sa pagbubusina ni Tyrone. Ibinaba naman kaagad ni Tyrone ang bintana niya at bago pa man magsalita ang enforcer ay inunahan na siya ni Tyrone.“Sir pasensya na pero nagmamadali lang ako. Naaksidente ang asawa ko at idinala siya ngayon sa hospital. Wala siyang ibang kasama dun kaya nagmamadali akong makarating.” Pagpapaliwanag niya.“Ganun po ba sir, sige po sir pero mag-iingat po kayo.” Anas naman ng pulis saka ito umalis. Nang lumuwag naman na ang traffic ay mabilis na pinatakbo ni Tyrone ang sasakyan niya hanggang sa makarating siya sa hospital kung saan dinala si Czarina.“Miss, saan idinala si Czarina Fuentes, she’s my wife.”

  • My Contract Marriage    Kabanata 85.1

    Nang makauwi si Natalie ay dumiretso siya kaagad sa kwarto ng kaniyang ina. Naabutan niyang may pinapahiran ni Natalia ng yelo ang mukha nito. Kitang kita ni Natalie ang pamumula ng pisngi ng kaniyang ina.“Kayo ba ang nagpaaresto kay Czarina? Mom, tama na.” sumusuko nang wika ni Natalie. Takot na takot na siya sa mga pagbabanta at pananakot ni Owen sa kaniya at ng mga Fuentes.“Ginagawa ko ang lahat ng ‘to para sayo. Ayaw kong bumalik na naman tayo sa kung anong buhay natin dati. Dapat tinutulungan mo ako hindi yung pinipigilan mo ako sa mga plano ko.”“Tama na Mommy! Wala na tayong magagawa dahil masyado ng makapangyarihan si Czarina. Lahat ng mga Fuentes ay nasa kaniya ang simpatya. Takot na takot na ako sa pananakot sa akin ni Owen at kapag hindi ka pa tumigil sa mga ginagawa mo kay Czarina, sa basurahan na talaga tayo pupulutin. Huwag niyo ng palalain pa yung sitwasyon. Hayaan na natin si Czarina at ibigay na lang natin sa kaniya ang gusto niyang katahimikan!” tila batang pagwawa

  • My Contract Marriage    Kabanata 84.2

    “Base sa nalaman namin ma’am isang taon ng ikaw ang namamahala sa kompanya at sa loob ng isang taon na yun hindi ka nagbabayad ng tax.” Hilaw na lang na natawa si Czarina. Alam niyang ang stepmom niya ang may pakana nito.Isang taon silang hindi nagbayad ng tax tapos siya ang pagbibintangan na hindi nagbabayad? Napapailing na lang siya pero kahit na anong gawin sa kaniya ng stepmom niya malalampasan niya ang lahat ng yun. Hindi na siya mapipigilan ni Natalia na mabawi ang kompanya.Tahimik na sumama si Czarina sa prisinto. Tuwang-tuwa naman si Natalia dahil alam niyang maipapakulong niya na si Czarina. Kapag nakulong ito maiiwan sa kaniya ang kompanya.Nang malaman naman kaagad ni Tyrone ang nangyaring panghuhuli kay Czarina ay pinuntahan niya ito kaagad. Mabilis niyang hinanap kung nasaan ang asawa niya.“Where’s my wife?!” galit niyang pagwawala sa front desk dahil hindi niya makita si Czarina.“Nasa interogation room po sir.” Sagot ng isang pulis. Mabilis na nagtungo sa interogatio

  • My Contract Marriage    Kabanata 84.1

    Ramdam na ni Natalia ang takot sa dibdib niya. Hindi niya alam kung saan siya magtatago kung sakaling malaman ng mga Fuentes ang mga ginagawa niya kay Czarina. Hindi niya akalain na mamahalin ng sobra ng mga Fuentes si Czarina. Tinanggap nila ito na para bang tunay nilang anak. Hinilot ni Natalia ang sintido niya. Nag-iisip na siyang tumakas at umalis ng bansa pero ayaw pa rin niyang isuko ang kompanya dahil gustong gusto niyang maangkin ito. Dahil kapag tumakas siya, ibig sabihin lang nun ay sumuko na siya at hinayaan si Czarina na manalo.“Sa tingin ko kailangan ko ulit gawin sayo ang ginawa ko sa inyo noon ni Arianne. Kailangan mong mamatay sa aksidente.” Iyun na lang ang huling paraan na naiisip ni Natalia para tuluyan ng mawala sa landas niya si Czarina.“Kapag nawala kayong dalawa sa landas namin ng anak ko, si Natalie ang magiging tagapagmana ng kompanya dahil siya na lang ang nag-iisang Jimenez. Kung hindi mo lang ako tinalikuran Mateo hindi kita idadamay sa mga plano ko.” Ani

  • My Contract Marriage    Kabanata 83.2

    “Ganito pala yung pakiramdam na hindi mo maipaliwanag ang takot na nararamdaman mo. Yung puso ko kanina para bang lalabas na sa dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog. Habang nasa byahe kami papunta sa location mo parang gusto ko ng magteleport para lang masiguro kong okay ka lang pero wala akong magawa. Para akong mababaliw sa kakaisip. Kung naabutan ko lang siguro ang mga taong yun baka nandilim na ang paningin ko napatay ko sila. Takot na takot akong mawala ka sa amin ng mga anak natin. Mahal na mahal kita, Czarina.” Mas lalong isiniksik ni Tyrone ang mukha niya sa leeg ni Czarina.Matamis namang napangiti si Czarina.“Mahal din kita,” sagot niya. Mabilis na napaangat ng tingin si Tyrone dahil simula ng magsama silang dalawa, simula nang ikasal sila at simula nang matutunan niyang mahalin si Czarina ngayon lang sumagot si Czarina sa kaniya. Yung takot na naramdaman niya kanina tila ba biglang napalitan ng excitement at gulat.“You mean that?” paninigurado niya. Tumingin sa kawalan si

  • My Contract Marriage    Kabanata 83.1

    Nang makarating sila sa mansion ay naghihintay na sa kanila ang buong Fuentes. Kalong-kalong din ni Melanie ang dalawang kambal. Paulit-ulit na nananalangin na sana ay makauwi silang lahat ng ligtas. Sana ay nakalayo na sila bago pa malaman ng mga kidnapper na fake money lang ang karamihan sa pera.“Mommy,” sabay na tawag ni Riley at Isabella ng makita na nila ang Mommy nila. Bumaba ang mga ito mula sa pagkakakandong sa mga binti ni Melanie saka nila sinalubong nang yakap ang Mommy nila. Mahigpit na niyakap ni Czarina ang mga anak niya. Wala siyang ibang iniisip kundi ang mga anak niya. Natatakot siyang iwan ng maaga ang mga ito lalo na nang mawalan siya ng preno.“Kumusta? Hindi ba kayo nasaktan? Wala bang nangyari?” tanong ni Chairman sa mga apo niya.“We’re fine, lolo.” Sagot ni Owen. Nilingon na rin ni Czarina si Chairman. Nahihiya siya rito dahil mukhang pinag-alala niya ito.“Thank you, Chairman. I’m sorry for making you worry at sa abala.” Nakayuko niyang saad. Tumango lang nam

  • My Contract Marriage    Kabanata 82.2

    “5x ng ibinayad sa amin, sige pakakawalan ka namin? Deal? Alam naman namin kung saang pamilya ka nabibilang. Alam din namin kung gaano kayaman ang asawa mo. Siguro naman ay balewala na lang sa inyo ang 500 million.” Nagngitngit ang mga ngipin ni Czarina. Gahaman din talaga ang mga taong kumidnap sa kaniya. Masyadong malaking halaga ang hinihingi nila. Sa laki nito ay kahit ilang taon silang hindi magtrabaho.“Anong klaseng papeles ba ang pinapapirma mo sa akin? Pwede ko bang basahin saka ko pag-iisipan kung papayag ako sa condition niyo.” Napataas ang kilay ng lalaki. Hindi niya na nagugustuhan ang ginagawa ni Czarina. Madali lang naman silang kausap pero pinapatagal pa ni Czarina ang lahat.“Alam naman namin na kayang kaya ng pamilya mo at ng pamilya ng asawa mo ang halagang hinihingi namin. Huwag mo ng patagalin pa dahil ibibigay ko rin naman sayo ang dokumento na ‘to kapag nakuha na namin ang perang hinihingi namin kapalit ng buhay mo.”Gusto sanang malaman ni Czarina kung anong kl

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status