“Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.
Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.
“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.
“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”
“Hindi ko naman hinilin
Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa
Blangkong tiningnan ni Czarina ang half sister niya at ang long time boyfriend niya na sabay pumasok sa isang hotel room. Ngayong nakompirma niya nang niloloko lang siya ng fiancee niya, hindi na siya magbubulag-bulagan. Hindi niya akalain na ang babaeng lihim na minamahal pala ng fiancee niya ay ang sarili niyang half sister. Hindi niya maintindihan kung bakit palagi niyang kahati ang kapatid niya sa lahat ng bagay. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan siya saka siya umuwi. Masakit man sa kaniya na niloloko siya ng fiancee niya lalo na at malapit na silang ikasal, ayaw niya namang magmakaawa rito dahil may natitira pa siyang respeto para sa sarili niya.Nang sumapit ang gabi ay sabay-sabay silang nagdinner. Tahimik lang si Czarina, nakauwi na rin ang kapatid niyang si Natalie.βDahil ikakasal na si Czarina at Austin ngayong buwan, sa susunod na taon ka naman Natalie. Naipagkasundo na kita sa anak ng mga Fuentes na si Tyrone Fuentes. Siya ang magiging asawa mo,β wika ni Ma
βGusto mo akong gamitin para makapaghiganti ka sa manloloko mong boyfriend at sa kapatid mo? Wala akong pakialam sa personal mong problema.β Pagpuputol ni Tyrone sa pagpapaliwanag ni Czarina sa kaniya.βListen to me first,β ani naman ni Czarina dahil hindi man lang siya pinapatapos ni Tyrone na magpaliwanag. βOkay fine, I know this is my personal problem but I need you to help me at tutulungan din kita.ββAnong tulong naman ang ibibigay mo sa akin?β masungit pa ring saad ni Tyrone.βKapag nagpakasal ka kay Natalie sa tingin mo ba matatapos na ang lihim na relasyon nila ng boyfriend ko? My half-sister wants to marry you pagkatapos niyang sirain ang relasyon namin ng boyfriend ko. I donβt want her to be happy habang ako durog na durog sa ginawa niya. Kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nabawi ko na ang kompanya sa kanila ng kaniyang ina, I will divorce you and you can do whatever you want. Kapag si Natalie ang pinili mong pakasalan, sa tingin mo ba papayag siyang makipaghiwalay sayo?
Napabuntong hininga si Czarina nang hindi niya napilit si Tyrone na magpakasal sa kaniya. Malapit na ang kasal nila ni Austin pero hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob na i-cancel ito. Nagtungo si Czarina sa hotel kung saan siya makikipagkita sa mga designer ng wedding gown niya. Sinusubukan niyang tawagan si Austin para sana dun na lang sila magkita pero hindi na naman ito sumasagot.Nang matapos niyang isukat ang gown ay lumabas na rin siya pero hindi niya inaasahan na makita ang kaniyang boyfriend kasama ang kaniyang half sister. Hilaw na lang siyang natawa, kaya pala hindi na naman sumasagot ang boyfriend niya dahil kasama nito ang true love niya. Naikuyom ni Czarina ang kaniyang kamao, gusto niyang hilain ang buhok ng kapatid niya pero wala siyang lakas para gawin yun. Hindi maintindihan ni Czarina kung bakit palagi na lang kinukuha sa kaniya ni Natalie ang kasiyahan niya.Gusto niyang sundan si Austin at ang kapatid niya, gusto niyang kausapin ang mga ito, gusto niya
βNext time, isama mo ang mga magulang mo dito for dinner at mapag-usapan na rin namin ang mga planong gagawin namin oras na nagmerge na ang mga kompanya natin. Malapit na kayong ikasal ni Czarina.β Singit ni Natalia. Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Czarina.βWalang kasal na magaganap. Hindi ako pumapayag na matuloy ang kasal.β Lakas loob na wika ni Czarina kaya nagtataka siyang tiningnan ng lahat. Natawa naman si Natalia sa naging desisyon ng stepdaughter niya. βIkaw pa ang aatras sa kasal? Alam mo ba kung anong mawawala sayo kapag umatras ka sa kasal?β wika ni Natalia pero walang pakialam si Czarina, hindi siya magpapakasal sa lalaking hindi naman siya ang mahal. Salubong na rin ang mga kilay ni Austin na nakatingin kay Czarina.βNagtatampo ka ba dahil hindi kita nasamahan sa pagsusukat mo ng wedding gown? Iβm sorry about that, babe, sinabi ko naman sayo kung anong ginawa ko, right?β malambing na wika ni Austin pero hilaw lang na tumawa si Czarina.βHuwag m
Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Czarina ay hindi napalingon siya dun. Mabilis niya rin namang iniwas ang paningin niya ng makita niya si Austin. Kinuha ni Austin ang isang upuan saka siya naupo sa harap ni Czarina. Tahimik lang naman si Czarina dahil wala na siyang gustong sabihin kay Austin. Ayaw niyang umiyak sa harap ng lalaking nilokoko lang naman siya, ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Austin.βKinuha ko na kay Tita Natalia ang cell phone mo.β Ani nito saka niya dinukot sa bulsa niya ang isang cellphone at ibinigay kay Czarina.βSa tingin mo ba pasasalamatan kita sa ginawa mo?β masungit na sagot ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Austin dahil paano niya ba ipapaliwanag ang lahat kay Czarina? Sigurado siyang alam na ni Czarina ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Natalie.βGusto kong mag-usap tayo somewhere, hihintayin kita sa sala and donβt worry nakausap ko na si Tita Natalia na lalabas tayong dalawa and she agreed.β Wika ni Austin saka siya tumayo at l
βKapag nalaman ng stepmom ko na nakatakas ako, sigurado akong ikukulong niya na naman ako sa atic ng bahay. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na yun, ayaw ko ng makulong ulit.β Nakikiusap niyang wika, lumambot naman ang expression ng mukha ni Tyrone. Tinitigan niya si Czarina dahil tila ba hindi siya makapaniwalang may karahasan itong nararanasan. Ayaw niyang maniwala pero sa nakikita niyang mukha ni Czarina at takot na takot, sino siya para hindi paniwalaan ang kwento nito?Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso sila sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Tyrone.βDito ka na muna magstay hanggang gusto mo.β Anas ni Tyrone nang makapasok sila sa loob ng kwarto.βPero wala akong pambayad sayo. Lahat ng mga card at cash ko naiwan ko sa bahay.ββDonβt worry about that, ako na ang bahala sa lahat.β Sagot naman ni Tyrone, nakahinga ng maluwag si Czarina. Napahawak na lang siya sa tiyan niya ng marinig nila itong nagrereklamo. Lumayo naman na muna si Tyrone saka siya tumawag sa front d
Nang magising si Czarina ay inilibot niya ang paningin niya, naalala niya namang sa hotel siya natulog. Bababa na sana siya ng kama para maghilamos sa cr nang makita niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi niya akalain na hindi pala ito umalis kagabi.Halos tumalon ang puso ni Czarina sa gulat nang magring ang cellphone niya. Mabilis niya iyung kinuha sa side table at papatayin sana ang tawag nang aksidente niya itong nasagot. Napalunok siya dahil Daddy niya ang tumatawag sa kaniya.βWhere are you?β seryosong tanong nito. Hindi sana kakausapin ni Czarina ang kaniyang ama pero wala na siyang choice dahil nasagot niya ang tawag. Dahan-dahan na bumaba ng kama si Czarina saka siya nagtungo sa balcony. βCzarina, answer me, where the hell are you?!β galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama.βBakit gusto niyo pa rin akong hanapin, Dad? Alam niyo kung anong ginagawa sa akin ni Tita Natalia pero wala kayong ginagawa para sa akin. Hinahayaan niyo akong ikulong niya sa madilim na
Hello po, pasensya na po kung hindi ako makakapag-update ng ilang araw o linggo. Naadmit po kasi ako sa hospital at wala pong kasiguraduhan kung kailan makakalabas. Kailangan ko rin po magpahinga dahil hindi po ako makakapagsulat after po ng operation ko. Kapag naging okay na po ako mag-update po ako agad. Pasensya na po talaga dahil hindi ko naman po inaasahan na maooperahan ako. Salamat po sa pang-unawa
“Wala akong pakialam sa dumi ng pag-iisip mo, Natalie. Bagay na bagay kayong dalawa, masyadong makitid ang utak. Marumi maglaro para lang makuha ang gusto.” Aniya at masamang tiningnan si Natalie. Inalis na rin ni Czarina ang pagkakahawak ni Owen sa kaniya saka niya tinalikuran ang mga ito.Napapahilamos na lang sa mukha si Owen.“Mahilig ka ba talagang makisawsaw sa usapan ng iba? Palagi ka na lang sumisingit sa usapan namin ni Czarina kahit na hindi ka naman dapat kasali. Pumasok ka sa usapan kapag tinawag o kinausap ka.” May diin na saad ni Owen. Inirapan naman siya ni Natalie.“Sino pa bang magiging kakampi mo? Ipinagtatanggol lang naman kita sa kaniya. Wala siyang karapatan na magalit sayo. I’m your fiancee, sa akin ka pa nagagalit?”“Hindi ko naman hinilin
Tulalang nakatingin si Tyrone kay Czarina. Sabay silang kumakain ng umagahan pero pareho silang tahimik. Hindi alam kung paano kakausapin ang isa’t isa lalo na at nalaman nilang ang isa’t isa pala ang nakasama nila sa isang hotel pagkatapos nila sa bar. Hindi pa rin nagsisink in sa utak ni Czarina na may kinalaman ang mga anak niya sa mga Fuentes. Ni minsan ay hindi niya hinangad na mahanap ang ama ng mga anak niya. Hindi pumasok sa isip niya na hanapin ito pero hindi niya akalain na ang lalaking pinakasalan niya ay ang posibleng ama ng mga ito.Ramdam ni Czarina ang bawat titig ni Tyrone sa kaniya pero hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya alam kung ano bang sasabihin niya, may dapat ba silang pag-usapan? Maniniwala ba ang pamilya ni Tyrone na siya ang posibleng ama ng mga anak niya? Paano kung ipagtabuyan sila ng mga Fuentes?Mariing naipikit ni Czarina ang mga
βSaan naman sana ako kukuha ng video na yan? Hindi ko nga alam na magkakilala na pala dati pa si Tyrone at ng Czarina yan.β May diin ding saad ni Natalia. Natutuwa na sila noong una dahil sa pag-aakalang may sex scandal si Tyrone pero hindi nila akalain na si Czarina pala ang kasama nito.Inalis na rin ni Owen ang USB saka niya iyun sinira at itinapon sa basurahan. Hindi naman umalis ang mga bisita pagkatapos ng nangyari. Maayos na rin ang kalagayan ni Chairman.Hila-hila pa rin ni Tyrone si Czarina hanggang sa makalabas sila ng mansion. Tulala lang si Czarina dahil para bang nahihirapan siyang iproseso sa isip niya ang lahat. Posible bang nahanap niya na ang ama ng kambal niya? Is it really, Tyrone Fuentes? Napailing siya, para bang nahihirapan siyang paniwalaan na si Tyrone ang ama ng mga anak niya.βAre you okay?β tanong ni Tyrone kay Czarina. Blangko namang tiningnan ni Czarina si Tyrone.βWho did that?β mahina niyang tanong. Nang-iinit ang mga pisngi ni Czarina dahil sa kahihiyan
Tutok na tutok ang atensyon ni Czarina sa video. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya dahil para bang pamilyar siya at kilala niya ang babaeng nasa video.βStop it!β sigaw ni Tyrone. Tahimik lang naman ang lahat ng bisita nila. Nakatingin na rin si Natalie sa video at napangisi. Natutuwa siyang makita ang sex video ni Tyrone. Hinanap ng mga mata niya si Czarina at kitang kita niya ang gulat sa mga mata ng kapatid niya.βMukhang umaayon sa akin ang panahon. Hindi man lang ako nagpagod para masira ang relasyon niyong dalawa. Kung sino man ang naglabas ng video na yan, salamat sa kaniya.β Mahinang saad ni Natalie.Pinanuod pa ni Czarina ang video at habang tumatagal ay napapalunok na lang siya. Hindi siya pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nasa video kahit na hindi pa niya malinaw na nakikita ang mukha niya.
Busy ang lahat sa pakikipag-usap sa mga kapwa nila business owners. Tahimik lang naman si Czarina habang nakamasid sa paligid niya. Hindi niya makita ang kaniyang ama, baka nalate lang ang mga ito.Samantala naman ay kunot noong nilingon ni Owen angh lumingkis sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang siya ng makita niya si Natalie na matamis na nakangiti sa kaniya.βBakit ganiyan ang itsura mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa. Are you okay?β tanong Natalie. Nilingon naman ni Owen si Czarina na kasama ngayon si Tyrone.βAno bang pakialam mo? Wala ka bang ibang pwedeng makausap para lubayan mo ako?β masungit niyang sagot. Napanguso naman si Natalie dahil sa pagiging masungit ni Owen, daig pa ang babaeng may dalaw.βSino pa ba ang gusto mong makasama at makausap ko? Gusto mo bang makipag-usap ako sa mga binata na nandiyan lang sa paligid?ββBakit hindi mo gawin para naman matahimik kahit ngayong gabi lang ang buhay ko?β inis na inalis ni Natalie ang pagkakalingkis niya kay Owen. M
Salubong ang mga kilay ni Tyrone na nakatingin kay Czarina. Tulala pa rin ito pero mas maayos na kesa kanina. Inis na sinuklay ni Tyrone ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. Naiinis pa rin siya sa tuwing naalala niya ang posisyon ni Owen at ni Czarina kanina. Pwede namang i-comfort ni Owen si Czarina pero bakit kailangan nakayakap.Inis na hinampas ni Tyrone ang manubela niya. Nasa loob pa rin sila ng sasakyan kahit na nakarating na sila sa bahay nila.βIβm sorry,β iyun lang ang lumabas sa bibig ni Czarina. Alam niya naman kung anong ikinagagalit ni Tyrone. Hindi niya naman ginusto na makulong sa loob ng elevator kasama si Owen. Kung wala siyang kasama kanina, hindi niya alam kung maaabutan pa ba nila siyangh humihinga lalo na at walang hangin sa loob na mas lalong magpapahirap sa kaniya.Alam niyang galit si Tyrone pero gusto pa rin niyang pasalamatan si Owen sa pagpapakalma sa kaniya kanina.Napabuntong hininga na lang si Tyrone, wala naman na siyang magagawa dahil nangyari na.
βYouβre doing good, nandito lang ako hindi kita iiwan, okay?β patuloy na pagpapakalma ni Owen. βCalm down, huminga ka lang ng dahan-dahan. Wala tayong hangin dito at kapag patuloy na malalim ang bawat paghinga mo baka tuluyan kang mawalan ng malay. Hindi natin alam kung hanggang kailan tayo rito so save your energy.β Tumango-tango naman si Czarina at pinilit na pakalmahin ang sarili.Niyakap ni Owen si Czarina. Gusto niya sanang subukan pang buksan ang elevator at tumawag baka sakaling may makarinig sa kanya sa labas pero hindi niya naman magawang iwan si Czarina. Wala ring signal ang cellphone niya dahil kulong na kulong sa loob ng elevator kaya wala silang magagawa kundi ang maghintay kung kailan bubukas ang elevator.Samantala naman, kanina pa tawag nang tawag si Natalie kay Owen pero hindi ito sumasagot. Balak sanang magpasama ni Natalie kay Owen para mamili nang maisusuot niya ngayong gabi para sa birthday party ni Chairman Fuentes. Gusto niya sana na couple ang isusuot nila.βNa
Ngayong araw na ang birthday ni Chairman Fuentes. Imbitado ang buong pamilya ni Czarina at marami ring mga business tycoon ang dadalo. Tiningnan ni Czarina ang painting na inorder pa niya mula sa Espanya. Hindi niya alam kung magugustuhan ba ito ni Chairman lalo na at hindi naman masyadong mamahalin pero ang mahalaga may maibibigay siyang regalo rito kesa wala. Nahihiya kasi siyang wala man lang maibigay bilang asawa ni Tyrone.βPakibalot na lang, salamat.β Utos ni Czarina. Humugot siya ng malalim na buntong hininga. Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya. Wala naman siyang ibang gagawin kundi ang tumayo at kumain lang sa birthday party ng Chairman. Nang makuha niya na ang painting na pinaorder niya sa isang art gallery ay bumalik na siya ng kompanya.Pasarado na sana ang elevator nang may biglang humarang dito. Tiningnan ni Czarina si Owen na siyang makakasama niya sa loob ng elevator. Hindi na lang pinansin ni Czarina si Owen. Simula nang magkita sila sa dinner ay hindi pa sila