Share

My Brother's Best Friend (Filipino)
My Brother's Best Friend (Filipino)
Author: Jay Sea

Chapter 1

"Bakit mo po ako tinawag, Kuya Ivan?" tanong ni Divine sa Kuya Ivan niya pagkapasok niya sa kuwarto nito isang gabi. May importanteng sasabihin ang kuya niya sa kanya kaya pinapunta siya sa kuwarto nito.

Kaka-graduate pa lang niya sa kolehiyo dalawang buwan ang nakalilipas. Ayaw pa naman niya magtrabaho kaya hindi muna siya nag-a-apply. Gusto muna niya sa ngayon na mag-enjoy sa buhay habang hindi pa sumasabak sa reyalidad ng buhay. Hinayaan lang siya ng Kuya Ivan niya. Suportado siya nito. Ito na ang nagpatapos sa kanya sa pag-aaral sa kolehiyo dahil sumakabilang buhay na ang mga magulang nila. Naunang namatay ang ina nila at makalipas ang ilang taon ay sumunod na ang ama nila. Dalawa lang silang magkapatid. Napaka-overprorective nga ng Kuya Ivan niya sa kanya. Mahal na mahal siya nito. Kung ano'ng hingiin niya sa kuya niya ay binibigay nito sa kanya nang walang kahirap-hirap. She's so lucky to her brother.

Huminga nang malalim ang Kuya Ivan niya bago ito nagsalita sa kanya. Nakaupo ito sa gilid ng kama niya pagkapasok niya sa kuwarto nito ngunit nang pumasok siya ay tumayo ito.

"May sasabihin pala ako sa 'yo, bunso..." sabi nito sa kanya. Bunso ang tawag nito sa kanya dahil bunso naman talaga siya ngunit hindi lang 'yon ang rason kung bakit ganoon ang tawag niya sa kanya kundi dahil 'yon na rin ang nakasanayan nila lalo na ng mga magulang niya. Never siyang tinawag sa pangalan niyang Divine. Mas gusto nga ni Divine na tinatawag siyang bunso kaysa pangalan niya. Tinatawag lang siyang Divine kapag nasa labas siya lalo na ng mga kaibigan niya.

"Ano po ang sasabihin mo, Kuya Ivan?" tanong nga niya sa kuya niya.

"Isasama ako ng boss ko sa Singapore next week. Mananatili kami ng isang buwan doon, eh," anunsiyo ng kuya niya sa kanya. Her eyes got bigger when she heard that.

"Talaga po?" Tumango kaagad ang kuya niya sa kanya.

"Oo."

"Ibig pong sabihin ay isang buwan ka pong wala dito sa bahay dahil nasa Singapore ka pala," nakangusong sagot ni Divine sa Kuya Ivan niya.

Tumango muli ito bago nagsalita. "Oo. Isang buwan nga akong wala dito sa bahay. Hindi mo ako makakasama. Hindi ko naman puwedeng tanggihan ang boss ko kaya pumayag pa rin ako, eh. May kompanya ang boss ko doon sa Singapore, 'di ba? Kaya hindi nakapagtataka na isang buwan ako doon. Rinig ko pa nga ay baka sobra pa sa isang buwan," sabi nito sa kanya. "Ang pino-problema ko talaga ngayon ay kung pupunta ako ng Singapore ay wala kang kasama dito sa bahay natin. Ayaw ko na mag-isa ka lang dito. Gusto ko na may kasama ka, eh. Mahirap na mag-isa ka lang dito, bunso. Alam mo naman kung gaano ako kaover-protective sa 'yo, 'di ba? Kahit nga mga kaibigan mo noong college ay kailangan muna magpaalam sa akin bago ka sumama sa kanila kung saan man at kung hindi ako pumayag ay hindi ka nila puwedeng isama, eh. Iyon talaga ang pino-problema ko ngayon, bunso. Wala kang kasama dito sa bahay. Ayaw ko na mag-isa ka lang lalo na isang buwan akong wala. Baka mai-extend pa kami doon sa Singapore."

"Kuya Ivan, kahit wala akong kasama dito sa bahay ay wala naman pong problema siguro. Wala namang mangyayaring masama sa akin dito, eh. Hindi naman ako magpapasok ng kahit sinu-sinong mga tao dito at isa pa ay palagi ko naman na ila-lock ang pinto ng bahay natin para wala talagang makapasok na mga masasayang loob o ano pa na may hindi magandang intensiyon. Kaya ko naman po siguro na mag-isa dito sa bahay. Malaki naman na po ako, Kuya Ivan. Tapos na nga po ako mag-aral sa kolehiyo, eh," sagot ni Divine sa Kuya Ivan niya. "Kung may magtaka naman pong hindi maganda sa akin dito sa bahay ay tatawag po kaagad ako ng mga pulis para wala pong mangyari sa akin o ano lalo na ang saktan po ako. Palagi naman pong nasa kamay ko ang cell phone ko kaya matatawagan ko po ang mga pulis just in case na may hindi nga po magandang nangyari dito sa bahay habang wala ka po, Kuya Ivan."

Kahit noon ay hindi pa nararanasan ni Divine na mag-isa sa bahay nila kahit buhay pa ang mga magulang nila. Gusto naman niya na maranasan 'yon kahit papaano ngunit ayaw talaga. Lalo na ngayon na wala na ang mga magulang nila ay ayaw talaga na mag-isa lang siyang tumira ng Kuya Ivan niya.

Napakunot-noo ang Kuya Ivan niya matapos niyang sabihin 'yon. Hindi niya gusto ang sinabing 'yon ng kapatid niya na si Divine. Kailanma'y hindi niya papayagan na mag-isa itong tumira sa isang bahay kahit matanda na ito unless may asawa na ito.

"A-Ano? Ano'ng sinabi mo, bunso? Wala namang problema kahit mag-isa ka lang dito sa bahay, huh?" tanong ng Kuya Ivan niya na nakakunot ang noo.

Mabilis naman na tinanguan ni Divine ang Kuya Ivan niya at nagsalita, "Opo, Kuya Ivan. Wala namang problema po kung mag-isa lang ako dito sa bahay habang wala ka po. Wala namang masama ang mangyayari sa akin dito. Ligtas naman po ako dito sa bahay natin, eh. Alam ko naman po ang puwede kong gawin kapag may umaaligid na masamang nilalang o ano pa."

"No! You're not going to stay here alone. Kailangan may kasama ka dito sa bahay, bunso," matigas na sabi kay Divine ng Kuya niya.

Divine licked her lips and sighed deeply.

"Wala naman po akong puwedeng makasama dito sa bahay natin habang wala ka po, Kuya Ivan. Hindi naman po puwede ang mga kaibigan ko sapagkat 'yung iba sa kanila ay nasa bakasyon pa. 'Yung iba naman po ay nagsisimula na magtrabaho, eh," nakangusong sagot ni Divine sa Kuya Ivan niya na nakakunot pa rin ang noo.

"Huwag mo nang problemahin pa 'yon, bunso. Ako ang bahala sa 'yo, okay? Hindi ako papayag na mag-isa ka lang na titira dito sa bahay natin habang wala ako. Kailangan ay may kasama ka, hindi puwedeng wala, eh," sabi nito sa kanya.

Napakunot-noo rin tuloy si Divine sa sinabing 'yon ng Kuya Ivan niya na ito na raw ang bahala sa kanya. Hindi raw ito papayag na mag-isa lang siya sa bahay nila habang nasa Singapore siya.

"Ano po ang ibig mong sabihin, kuya? May gagawin ka ba?" naguguluhan na tanong niya sa kuya niya.

Tinanguan siya nito bago nagsalita sa harapan niya. "Oo. Ayaw ko na mag-isa ka dito sa bahay kaya kailangan mo na may kasama dito. Hindi ako aalis patungong Singapore na mag-isa ka lang. Kahit na alam ko na ligtas ka naman dito sa bahay at walang masama na mangyayari sa 'yo ay gusto ko pa rin makasigurado. Mahirap na magtiwala lalo na sa panahon ngayon na laganap ang krimen. 'Wag mo nang problemahin pa 'yon, bunso. Ako na ang bahala sa 'yo. Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko sa 'yo?"

Tumango na lang si Divine sa Kuya Ivan niya sa sinabi nitong 'yon sa kanya. Wala n siyang ibang sinabi o ano pa.

"Opo, Kuya Ivan..."

"Good. Nangako ako sa mga magulang natin na hindi kita pababayaan kaya gagawin ko talaga ang nararapat kong gawin para masigurado ko na nasa maayos kang kalagayan, protektado ka, ligtas ka at wala kang pino-problema sa kahit anong bagay, bunso. Kaya binibigay ko ang lahat ng puwede kong ibigay sa 'yo, 'di ba? Naiintindihan mo naman siguro ako kung bakit ganito ako pagdating sa 'yo."

"Opo, Kuya Ivan. Salamat po."

Niyakap si Divine ng Kuya Ivan niya matapos 'yon nang napakahigpit. "Mahal na mahal ka namin ng mga magulang natin, bunso. Ayaw namin na may mangyaring masama sa 'yo. Kung magkataon na may mangyari sa 'yo ay hindi ko mapapatawad ang aking sarili. Sana naman ay wala kaya ginagawa ko ang lahat upang malayo ka sa hindi magagandang pangyayari o kahit kapwa tao natin na magpapahamak sa 'yo," bulong pa nito sa kanya.

Niyakap naman ni Divine ang Kuya Ivan niya pabalik at kahit hindi nito sabihin na mahal na mahal siya nito ay ramdam naman niya 'yon. Sobra-sobra pa nga ang pagmamahal na 'yon na nadarama niya mula sa kuya niya araw-araw. Masasabi talaga ni Divine na ang Kuya Ivan na niya ang pinakada-best na kapatid sa buong mundo. She's so lucky to have him in her life.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status