Rinig ni Janna ang pagbuntong-hininga ng kaibigan niya na si Divine sa kabilang linya bago nito sinagot ang katanungan niyang 'yon kung sino ang kasama nito sa bahay nila na wala ang kuya nito. Ang sabi kasi ni Divine ay may kasama siya next week sa bahay nila kahit wala ang Kuya Ivan niya.
"Ang kasama ko next week sa bahay habang wala si Kuya Ivan ay ang best friend niya na si Kuya Marcus. Siya ang kasama ko, bes," mahinang sagot ni Divine sa kanya. "A-Ano? Ang best friend ng Kuya Ivan mo na si Marcus ang kasama mo simula next week? Sigurado ka ba sa sinasabi mo sa akin, bes?" paniniguradong tanong ng kaibigan niya sa kanya. "Oo, bes. Sigurado ako sa sinasagot ko sa 'yo. Siya nga at wala nang iba pa," sagot ni Divine sa kanya. "Siya 'yung sinasabi mo sa akin na lalaking matagal mo nang gusto, 'di ba? Siya 'yung best friend ng Kuya Ivan mo," tanong pa ni Janna sa kanya. "Oo, bes. Siya nga 'yon at wala nang iba pa," kumpirmang sagot ni Divine kay Janna. "Siya ang makakasama ko simula next week." "Paanong nangyari na siya ang makakasama mo next week? Nag-volunteer ba siya, huh?" usisa pa nga ni Janna sa kanya. "Hindi, bes. Hindi siya nag-volunteer, okay? Hindi niya gagawin 'yon, 'no? Kaya siya ang kasama ko simula next week dahil humingi ng tulong si Kuya Ivan sa kanya. Ang tulong ngang 'yon ay ang samahan ako sa bahay habang wala siya. Ayaw naman akong payagan ni Kuya Ivan na mag-isa sa bahay kaya naghanap siya ng paraan para may makasama ako habang wala siya at 'yon nga ang naisip niya. Pumayag naman nga ang best friend niya sa kanya," kuwento ni Divine sa kanya kaya alam na nga niya ang totoo. "A, okay. Maraming salamat sa pagsabi sa akin n'yan, bes. Now I know..." sabi ni Janna sa kanya. "Walang anuman 'yon, bes," ani Divine sa kanya. "Ngayon ngang sasamahan ka ng best friend ng Kuya Ivan mo na lalaking gusto mo ay sigurado ako na masaya ka. Hindi ka na makapaghintay. You're excited next week. Am I right? Sigurado ako n'yan na kikiligin ka nang sobra. Imagine, ang lalaking gusto mo pa talaga ang makakasama mo simula next week dahil wala ang Kuya Ivan mo. You're so lucky, bes," sabi ni Janna sa kanya. Napangiwi si Divine sa sinabing 'yon ng kaibigan niya sa kanya. ''Well, kahit papaano ay masaya ako ngunit hindi one hundred percent, okay? Kinabahan at natatakot ako sa maaaring mangyari sa aming dalawa na kami lang. Nahihiya pa naman ako sa kanya. Hindi nga ako masyadong makapagsalita kapag kausap ko siya. Hindi ko alam kung bakit, bes. All in all, mas nangingibabaw ang nararamdaman ko na kaba at takot kaysa sa tuwa o saya," pagtatapat ni Divine ng kanyang nararamdaman sa kabilang linya sa isa sa mga kaibigan niya tungkol kay Marcus na lalaking gusto niya. "O, talaga? So ayaw mo ba na makasama siya?" tanong pa nga nito sa kanya. "Hindi naman sa ayaw ko, bes. Sadyang kinakabahan at natatakot lang ako sa posibleng mangyari. Wala akong ideya kung ano ang mangyayari next week. Palagi nga siyang pumupunta sa bahay dahil kay Kuya Ivan at kilala ko siya ngunit iba pa rin kung kaming dalawa lang talaga. Ibang-iba 'yon na magkasama kaming dalawa. Baka hindi na ako makakilos nito, bes," sabi pa ni Divine sa kaibigan niya na si Janna. "Grabe ka naman sa hindi ka makakilos, best. Hindi naman 'yon ganoon, 'no? Sa thingy mo lang 'yon na kinakabahan at natatakot ka pero kapag nand'yan na ay hindi naman pala. Masyadong nag-iisip ka lang ng kung anu-ano kaya ganoon, eh," katwiran na sagot ni Janna sa kanya at napangiwi siya. "Of course not. Hindi ako nag-iisip ng kung anu-ano kaya ganoon 'yon, bes. Iyon talaga ang nararamdaman ko. Wala naman na akong magagawa dahil nand'yan na. Pumayag na siya na samahan ako next week. Hindi ko na puwedeng tanggihan 'yon o ano pa. Ang kailangan ko na lang gawin ay hayaan at harapin 'yon. Bahala na talaga, bes," nakangiwi sagot ni Divine sa kanya. "May punto ka naman nga sa sinasabi mo. Nand'yan na 'yan, mangyayari na lang. Pumayag na siya na samahan ka kaya hayaan mo na lang. You have to face it. Tatanggi ka pa ba? May kasama ka na kahit wala ang Kuya mo next week. Hindi ka mag-iisa sapagkat nand'yan si Marcus na lalaking gusto mo. Baka chance mo na 'yan para masabi sa kanya ang totoong nararamdaman mo," sabi ni Janna sa kanya. "A-Ano? Ano'ng sinabi mo, bes?" tanong ni Diving sa kanya na halata sa boses ang inis. "Wala. Ang sabi ko maganda ka. Iyon lang..." dahilan nitong sagot kahit hindi naman talaga 'yon. "Good luck na lang sa 'yo, bes." "Good luck talaga sa akin next week. Huwag mo munang ipagsasabi sa mga kaibigan natin ang sinabi ko sa 'yo, okay? Sa 'yo ko lang ito sinabi, bes. Sa ating dalawa muna ito. Ayaw ko na malaman nila 'to. Baka kung ano pa ang masabi nila. Mahusgahan pa ako lalo na ang best friend ng Kuya ko na si Kuya Marcus," sabi ni Divine sa kanya. "Sige, bes. Huwag kang mag-alala, okay? Hindi ko sasabihin 'yon sa mga kaibigan natin. Sa atin muna 'yon. Makakaasa ka na hindi ko ipagsasabi sa kanila 'yon. I promise that, bes," nangangakong sagot ni Janna sa kanya na hindi niya ipagsasabi 'yon sa mga kaibigan nila. Sa kanilang dalawa muna 'yon. "A, okay, bes. Maraming salamat sa 'yo," pasalamat na sagot ni Divine sa kanya. "Walang anuman 'yon, bes. Ano ka ba? Sinusunod ko lang naman ang pakiusap mo, eh," sabi pa ni Janna sa kanya. "Now I know what's happening to you. Balitaan mo na lang ako ng mga susunod na mangyayari, okay?" "Oo, bes. Babalitaan kita, huwag kang mag-alala. Enjoy ka lang sa pagbabakasyon mo kasama ang pamilya mo," sagot ni Divine. "Yeah, I know. Thanks for that, bes." Mahaba-haba rin ang naging pag-uusap nilang dalawa ng kaibigan niya na si Janna. Nagbasa na lang si Divine ng isang nobela na tinatapos niyang basahin. Kaunting pahina na lang ay matatapos na niya ito. Wala pa ngang isang oras ay natapos na niyang basahin 'yon. Kaunting pahina na lang naman ang babasahin niya kaya natapos na niya 'yon. Nang maisara niya ang libro na hawak-hawak niya ay inisip niya ang mga characters sa nobela na binasa niya lalo na ang naging katapusan nito o sinapit sa bandang huli. Hindi niya masyadong nagustuhan ang naging pagwawakas nito. Nabitin siya ngunit hanggang doon na lang talaga 'yon. Wala namang pangalawang libro ang kuwentong 'yon. Hanggang doon na lang talaga ngunit depende pa rin 'yon sa may akda nito kung gusto talaga niyang may pangalawang libro para hindi mabitin ang bawat mambabasa lalo na si Divine na nabibitin talaga. Kung marunong lang talaga siya na magsulat ay ginawan na niya ng pangalawang libro 'yon ngunit hindi naman niya kayang gawin. Wala siyang talento sa pagsusulat. Nagbabasa lang talaga siya at hanggang doon lang ang kaya niya. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo para lumabas sa kuwarto niya at magluto ng lunch niya. Siya lang naman ang tao sa bahay nila ng Kuya Ivan niya kaya sarili lang naman niya ang paglulutuan niya ng pagkain niya. Mamaya pang hapon o gabi umuwi ang kapatid niya galing sa trabaho nito.Dalawang araw bago umalis ang Kuya Ivan niya ay nag-iimpake na ito ng kanyang mga damit na dadalhin papunta sa Singapore kung saan ito mamalagi ng isang buwan o higit pa. Bukas ang pinto ng kuwarto nito kaya pumasok si Divine. Dahan-dahan lang ang pagpasok niya doon. Kahit abala ang Kuya Ivan niya sa pag-iimpake ng mga damit nito ay napansin kaagad siya sa pagpasok sa loob ng kuwarto nito. Tumigil ito sa pag-iimpake at humarap sa kanya na nakangiti. Nakangiting nakatingin rin si Divine sa Kuya Ivan niya. "O, nandito ka pala sa kuwarto ko, bunso..." nakangising sabi nito sa kanya na tinanguan naman nga niya. "Nag-iimpake ka na pala ng mga damit na dadalhin mo po patungong Singapore sa susunod na araw, Kuya Ivan," dahan-dahan na sabi niya bilang sagot dito. "Oo, bunso. Nag-iimpake na nga ako. Dapat kahapon pa kaso may trabaho pa ako tapos kanina kaya ngayon lang ako nakapag-impake na gabi na," sagot kay Divine ng Kuya Ivan niya. "May oras ka pa naman po, Kuya Ivan. Hindi mo n
Nagpakawala muna nang malalim na buntong-hininga si Marcus bago nagsalita kay Divine. Nakapasok na nga nang tuluyan ang best friend niya na si Ivan sa loob ng airport at hindi na nila masilayan ito. Hindi naman puwedeng tumayo lang silang dalawa sa labas ng airport. Kailangan na nilang umalis at bumalik sa bahay nina Divine. Doon na rin nga si Marcus mananatili sa bahay ng kaibigan niya na si Ivan para may kasama si Diving na kapatid nga nito. May dala na rin siyang mga damit niya sa bahay nila."Wala na ang Kuya Ivan mo. Kailangan na nating umalis at bumalik sa bahay n'yo. Wala naman tayong gagawin dito sa labas ng airport. Pagtitinginan lang tayong dalawa ng mga tao dito kung hindi pa tayo aalis. We have to go now, Divine," seryosong sabi ni Marcus kay Divine na nasa harapan niya.Napapansin niya na hindi masyadong makatingin sa kanya si Divine nang diretso. Ang ginawa ni Divine matapos niyang magsalita ay tumango ito sa harapan niya at dahan-dahan na ibinuka ang mga labi para sumag
Nasarapan nga si Divine sa kinain nilang dalawa na lunch. Masasarap ang lahat ng pagkain na in-order nila at hindi nga nagkamali si Marcus sa sinasabi sa kanya. Hindi talaga ito nagsisinungaling sa kanyang harapan. Marami nga siyang nakain dahil gutom na siya. Pagkatapos nga nilang kumain ay inilalabas na ni Divine ang kanyang wallet para bayaran ang bills ng kinain nilang dalawa ni Marcus na best friend ng Kuya Ivan niya. Nakita naman nga siya ni Marcus na inilabas ang kanya wallet. Hindi pa naman kasi sinasabi ni Marcus kay Divine na siya ang magbabayad ng kinain nilang dalawa kaya naglalabas ito ng wallet para magbayad. "Ano'ng ginagawa mo, Divine?" tanong ni Marcus kay Divine habang hawak-hawak na nito ang wallet niya."Magbabayad na po, Kuya Marcus. Kumain po tayo, 'di ba? Tapos na po tayong kumain kaya kailangan na magbayad. Magbabayad na po ako ng kinain nating dalawa," sabi ni Divine sa kanya. Tatayo na sana ito nang pigilan siya ni Marcus. Hinawakan siya nito sa kanang kamay
Hindi lang kay Divine nag-message ang Kuya Ivan niya kundi sa best friend nito na si Marcus. Alam na nga ni Marcus na nakarating na nga nang ligtas ang best friend niya na si Ivan sa Singapore nang ligtas kasama ang boss nito. Wala naman siyang ginawa ng hapon kundi ang kalikutin niya ang kanyang cell phone samantalang si Divine naman ay natulog lang naman. Malapit na nga mag-alas singko ito nagising. Ang nagluto ng dinner nila kinagabihan ay si Marcus. Marunong naman si Divine na magluto ngunit siya ang nagpresenta na magluto kaya hinayaan na lang siya nito. Masarap naman kasi ang luto niya at natikman na 'yon ni Divine ng isang beses nang magluto ito sa bahay nila. Pagkababa niya sa kusina ay si Marcus kaagad ang nakita niya. Abalang-abala ito sa pagluluto ng dinner nilang dalawa. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakikita nito na nakamasid lamang. Makalipas ang ilang segundo ay saka lamang ito humarap at saka siya nakita. Nginitian kaagad siya nito. "O, nand'yan ka pala,
Tinawagan kaagad ni Divine ang kanyang kaibigan na si Janna pagkapasok niya sa loob ng kuwarto niya. Sinagot naman nga kaagad ng kaibigan niya ang tawag niya. Alam na ni Janna kung bakit ito tumawag sa kanya at walang iba kundi ang balitaan siya tungkol sa nangyayari dito kasama si Marcus na lalaking lihim niyang minamahal na best friend ng Kuya Ivan niya. "Good evening sa 'yo, bes," bati ni Divine sa kaibigan niya pagkasagot nito ng tawag niya. Janna gasped for air before she speaks to her.''Good evening rin sa 'yo, bes," bati rin ni Janna sa kanya pabalik. Even though they can't see their faces, they're both sure that they're smiling with each other. "Napatawag ka ngayong gabi, bes. May sasabihin ka na naman siguro, 'no? Tama ba ako sa sinasabi ko?" tanong pa nga sa kanya ni Janna."Oo, bes. Tatawag ba ako sa 'yo kung wala akong sasabihin o wala tayong kailangan na pag-usapan? Of course we have something to talk about," sabi ni Divine kay Janna. "What is it, bes? What do you want
"Kung sa masaya ay masaya naman ako kahit papaano, bes. Masaya ang puso ko ngayong kasama ko siya. Hindi lang talaga ako sanay na makakasama ko siya ng isang buwan, eh. Pumupunta naman nga siya dito sa bahay ngunit hindi naman niya kailangan na tumagal kagaya ngayon na kami lang dalawa ang magkasama. Medyo naiilang at nahihiya ako sa kanya ngunit hindi ko naman puwedeng ipakita 'yon sa kanya nang buong-buo. I have to face him and talk to him as if there's nothing I can feel towards him, bes. Mahirap na mapansin niya akong ganoon, eh. Malaman pa niya ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Nandito naman na siya sa bahay at makakasama ko siya sa loob ng isang buwan kaya hindi na puwedeng paalisin ko pa siya. Magalit pa sa akin n'yan si Kuya Ivan. Kailangan ko na lang talaga panindigan kung ano ang nangyayari ngayon sa amin," paliwanag ni Divine sa kaibigan niya sa kabilang linya. "Araw-araw na kayong magkasama d'yan sa bahay n'yo ng Kuya Ivan mo, bes. Sigurado ako na mapapalapit pa kayon
"Alam po ba ng mga magulang mo na dito ka sa bahay namin, Kuya Marcus?" tanong ni Divine kay Marcus matapos nilang kumain ng lunch. Marcus gave her a quick nod and said, "Oo, Divine. Alam nila na nandito ako sa bahay n'yo at kasama kita. They know the reason why I'm staying here for a while. Sinabi ko 'yon sa kanila dahil hindi naman puwedeng ilihim ko, 'di ba? Magtataka sila sa akin n'yan. Mabuti na alam nila para hindi sila mag-alala o ano pa sa akin."Tumango-tango naman si Divine matapos na marinig ang sinabing 'yon ni Marcus sa kanya. Ngayon ay nalaman na niya na alam ng mga magulang nito kung saan ito nananatili at ang rason kung bakit kailangan nito na manatili sa bahay nilang dalawa ng kapatid niya para samahan siya habang wala ito. "Mabuti pong alam ng mga magulang mo na nandito ka sa bahay namin nananatili para samahan ako para hindi sila mag-alala at alam nila kung nasaan ka nga. Akala ko po kasi ay hindi nila alam, eh," sagot ni Divine sa kanya."I'll never do that to th
"Nagdadala ba siya d'yan sa bahay ng mga babae, bunso?" tanong kay Divine ng Kuya Ivan niya na walang ibang tinutukoy kundi ang best friend niya na si Marcus. Kumunot ang noo ni Divine sa tanong ng Kuya Ivan niya sa kanya na tinatanong siya kung nagdadala ba ng mga babae sa bahay nila si Marcus."Hindi po, Kuya Ivan. Hindi po siya nagdadala ng mga babae sa bahay natin. Bakit mo po tinatanong 'yon?" tanong ni Divine sa kanya. Ivan gasped for air and said, "Tinatanong kita dahil gusto ko lang naman malaman kung nagdadala nga siya ng mga babae d'yan sa bahay natin. Pinayagan ko kasi siya na magdala ng mga babae d'yan sa bahay natin dahil tinanong niya ako kung puwede na magdala. Hindi naman ako makatanggi sa kanya dahil best friend ko siya at lalo na ikaw ang kasa-kasama niya d'yan sa bahay habang wala ako kaya pumayag ako sa nais niyang 'yon, bunso. Puwede siyang magdala ng mga babae d'yan sa bahay as long as hindi nila ipapakita ang kung ano man ang ginagawa nila na dapat na sila lan
Nagawa pa rin ng dalawa na patawarin si Ivan ngunit hindi sa araw na 'yon na pumunta ito sa mansion. Lumipas muna ang ilang buwan bago nagawang patawarin nilang dalawa ito. Naging mag-best friends muli ang dalawa matapos 'yon. Lumalaki na nga ang tiyan ni Divine. Nalalapit na rin siyang manganak. Lalaki ang isisilang niya sa susunod na buwan. Excited na excited na talaga ang mga magulang ni Marcus. Ito nga ang bumili ng magiging damit at gamit ng magiging anak nilang dalawa kaya wala silang ginastos ni Marcus. Hinayaan naman nila ang mag-asawa dahil ito ang nagpresenta. Maging silang dalawa ay excited na rin na makita ang bunga ng pagmamahalan nila. May halong kaba at takot si Divine dahil wala pa naman siyang karanasan sa panganganak. Natatakot kasi siya na baka hindi normal ang panganganak niya kagaya ng ibang mga babae.Sa mansion pa rin si Divine nakatira kahit nagkaayos na silang dalawa ng Kuya Ivan niya. Bihira itong pumunta sa mansion para bisitahin silang dalawa ni Marcus dahi
Five days later..."May gusto sa 'yong kumausap, honey," wika ni Marcus pagkapasok niya sa kuwarto nilang dalawa ni Divine. Kumunot ang noo ni Divine sa sinabing 'yon niya."Huh? May gustong kumausap sa akin? Sino naman, honey? Nasaan ang gustong kumausap sa akin?" tanong ni Divine sa kanya."Nasa baba ang gustong kumausap sa 'yo, honey. Hinihintay ka niya," sabi nito na hindi sinasabi kung sino nga 'yon na taong gusto siyang makausap."Sino? Sino ang gustong kumausap sa akin, honey? Mga kaibigan ko ba? Si Janna ba?" sunod-sunod na tanong ni Divine sa guwapong boyfriend niya."Hindi sila. Hindi mga kaibigan mo ang gustong kumausap sa 'yo, honey," sagot nga ni Marcus sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya."Ano? Hindi ang mga kaibigan ko? E, kung hindi ang mga kaibigan ko ay sino naman, honey? Sino ang gusto na makausap ako, huh?" tanong ni Divine sa kanya.Huminga nang malalim si Marcus bago nagsalita sa kanyang muli."Gusto ka makausap ng Kuya Ivan mo, honey. Nasa baba siya. H
Binisita muli ni Divine ang puntod ng mga magulang niya kasama ang boyfriend niya na si Marcus sumunod na hapon kung saan wala itong ginagawa. Kung abala naman nga ito ay hindi naman niya ito yayayain na pumunta sila sa sementeryo para bisitahin muli ang mga magulang niya.Habang kaharap ang puntod ng mga magulang niya ay sinasabi niya dito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya lalo na ang mga nalaman niya na hindi talaga niya inaasahan. Inamin niya rin na galit at masama pa rin ang loob niya sa Kuya Ivan niya. Mahigit isang oras silang dalawa ni Marcus doon sa sementeryo. Hapon na rin naman kaya hindi na masyadong mainit pa. Ang sarap-sarap nga ng simoy ng hangin at napakatahimik sa lugar na 'yon. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng sementeryo na 'yon. Bago sila umuwi sa mansion ay nagtake-out na muna sila ng fried chicken dahil nagki-crave si Divine. 'Yung malaking bucket ng fried chicken ang in-order nila. Paborito kasi ni Divine ang fried chicken lalo na ngayon n
"Hindi lang sa atin naglihim ang kapatid ko kundi nagsinunggaling pa siya sa atin, honey. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko na natuklasan mo. I never knew that he would do this. Pinaniwala niya tayong dalawa na totoo na kaya siya pumunta sa Singapore para sa trabaho niya at sa kompanya nila ngunit hindi naman pala. Magbabakasyon lang pala silang dalawa doon. Nakakainit ng ulo sa totoo lang, honey. Masasampal ko muli si Kuya Ivan kapag nakaharap ko siya dahil sa nalaman kong 'to mula sa 'yo. Siya lang naman pala ang marami ang tinatago pero kung makapagsabi siya sa akin ay pakiramdam mo ay ang bait-bait niya na walang ginagawang kalokohan. I'm so disappointed to him, honey. Mas Malala pa talaga siya sa ating dalawa," nadidismaya na sagot ni Divine sa boyfriend niya na si Marcus.Tumango-tango si Marcus pagkasabi niya."Sinabi mo pa, honey. Maging ako ay nadidismaya rin sa nalaman ko mula sa Kuya Ivan mo. I can't believe it. Hindi lang siya naglihim sa ating dalawa kundi ay nag
"Honey, may kailangan ka palang malaman," sabi ni Marcus kay Divine na girlfriend niya pagkarating niya sa mansion nila sumunod na gabi. Hindi pa nga siya nakakapagbihis ng damit na pambahay ay 'yon kaagad ang sinabi niya dito."Ano 'yon, honey?" tanong naman kaagad ni Divine sa kanya. "Ano'ng kailangan ko na malaman, huh?""It's about your brother, honey," sagot kaagad ni Marcus sa kanya. Kumunot ang noo ni Divine pagkarinig sa sinabing 'yon ng boyfriend niya na tungkol 'yon sa Kuya Ivan niya."What? It's about my brother? Seryoso ka, honey?" paniniguradong tanong pa niya dito.He shook his head and said, "Yes, honey. Tungkol sa Kuya Ivan mo na best friend ko ang sasabihin ko sa 'yo at wala nang iba pa. May kailangan kang malaman tungkol sa kanya.""Ano ba ang nalaman mo sa kanya, honey? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanya?" tanong pa nga niya na nakakunot ang noo.Her boyfriend slowly nods his head and said, "Yes, honey. Meron pa talaga at kahit ako ay ganoon rin, eh. Nga
Naging masaya naman nga ang buhay ni Divine sa mansion kasama ang guwapong boyfriend niya na si Marcus. She was treated special there. Pinagsisilbihan siya nang maayos ng mga kasambahay. Binibigay sa kanya ang kung ano man ang naisin niya. Mas lalo pa nilang dalawa minahal ang isa't isa. Alam na rin ng kaibigan niya na si Janna kung nasaan siya ngayon dahil sinabi na niya dito lalo ang naging dahilan kung bakit siya umalis na sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Nalulungkot naman nga ang kaibigan niya na si Janna sa nalaman niya dahil tuluyan na talagang nagkalayo ang loob ng dalawang magkapatid. Gayumpaman ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa tamang panahon. Umaasa siya na magkakabati ang dalawa lalo na magkapatid pa rin silang dalawa kahit ano ang mangyari sa mundo. "Kumusta ka maghapon dito sa mansion, honey?" tanong ni Marcus sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto nilang dalawa. Kagagaling lang nito sa kompanya nila. Ginabi na ito ng uwi kasama ang daddy niya. May pasalubong
Bumili muna silang dalawa ng bulaklak at kandila bago tumungo sa sementeryo. Hindi naman sila nagtagal doon sa sementeryo. Gusto lang talaga ni Divine na bisitahin ang mga magulang niya dahil nami-miss niya ito. Sinabi rin niya sa harapan ng puntod ng mga magulang niya ang tungkol sa nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya. Kahit hindi niya sabihin 'yon sa mga magulang niya ay alam nito at nakikita ang nangyayari sa kanilang dalawa na magkapatid. Dumiretso na silang dalawa na magkasintahan sa mansion matapos nilang pumunta sa sementeryo. Kinabahan si Divine pagkarating sa mansion ng boyfriend niya. Kanina pa silang dalawa hinihintay ng mag-asawa na magulang ni Marcus sa loob ng mansion. Kaya pagkapasok nila sa loob na magkahawak-kamay ay sinalubong kaagad sila nito. Binati kaagad ni Divine ang mga magulang ng boyfriend niya na tuwang-tuwa pagkakita sa kanila lalo na sa kanya. Binati rin siya nito pabalik. Niyakap siya ng dalawa. "We're so happy to see you again, Divine," ma
Nang makakain silang dalawa sa fast-food chain na 'yon ay hindi naman na sila nagtagal pa. Umalis na silang dalawa na magkasintahan para tumungo sa mansion ni Marcus. Tahimik muli ang dalawa habang binabaybay ang daan. Laman ng isipan ni Diving ang Kuya Ivan niya. Hindi siya makapaniwala na mangyayari ang lahat ng 'to kung saan ay aalis siya sa bahay nila. "Alam na ba nina tita at tito ang tungkol sa pagtira ko sa mansion n'yo, honey?" basag ni Divine ng katahimikan sa loob ng kotse ng boyfriend niya.Gusto lang niya malaman kung alam na nga ng mga magulang nito ang tungkol sa pagtira niya sa mansion nito. Mabibigla kasi ito kapag wala pa itong alam na doon siya titira dahil umalis na nga siya sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Bago nga sumagot sa katanungan niya ang kanyang boyfriend na si Marcus ay humugot muna ito ng malalim na buntong-hininga.He nodded his head. "Oo, honey. Alam na nga ng mga magulang ko na simula sa araw na 'to ay sa mansion ka na namin titira," nakangising sabi
Sa bandang huli ay pumayag na lang si Divine na sa mansion na lang siya ng boyfriend niya tumira pagkaalis niya sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Iyon ang nais mangyari ng boyfriend niya at saka ayaw nito na mapahamak siya kaya para masigurado na walang mangyayaring masama sa kanya ay sa mansion na lang niya siya patitirahin kaysa sa kung saan pa ito tumira na hindi naman niya nasisigurado na ligtas ito araw-araw. Bukas na bukas ay susunduin siya ng guwapong boyfriend niya na si Marcus sa bahay nila. Nang matapos ang pag-uusap nila sa kabilang linya ay itinabi na muna ni Divine ang cell phone niya at nagsimula na nga siyang mag-impake ng mga gamit niya na dadalhin sa pag-alis sa bahay nila. Malapit na maghating-gabi nang matapos siya sa pag-iimpake ng mga gamit niya. Kakauwi pa lang ng Kuya Ivan niya. She had no idea where he came from. Natulog naman na siya pagkatapos niya na mag-impake. Handa na ang mga gamit niya na dadalhin niya pag-alis sa bahay nila. Kahit hatinggabi na natulo