Walang humpay ang pagkabog ng dibdib ko at nanginginig ang buong katawan ko sa galit. Nanggagalaiti at gustong sampalin ang Yaya na nasa harap ko. Pinipigilan lang ako ni Alice kung kaya't hindi ko magawa.Galit din si Arkan na masamang tinitingnan ang Yaya niya."I saw it, Mama! She put white powder on the drinks; that's why I threw all the glass on the floor!" kwento nito.Mabuti na lang at matalino ang anak ko at alam kong hindi ito nagsisinungaling. Kaya pala ang bigat ng damdamin ko kanina ay dahil ganito ang mangyayari."Sinong nag-utos sa'yo? Sinong amo mo?!" malakas kong tanong.Napaatras ito at kinagat ang daliri. Namumutla ito at lumuluha ngunit ayaw kong maawa."S-orry po, M-a'am. N-apag-utusan lang po."Nanginginig ang mga labi niya at maging ang katawan ngunit wala akong pakialam."Napag-utusan? Kung ganoon, sinong nag-utos sa'yo?!" muling sigaw ko.Hindi ito sumagot na lalong kinainit ng ulo ko. Kung wala lang si Arkan dito ay baka nga sinaktan ko na si Yaya Karen."Girl
Aldo's words made me the toughest. Kung noon ay pakiramdam ko ay nag-iisa ako, hindi na ngayon. Kahit pa hindi malinaw ang relasyon namin ni Aldo, sapat na ang assurance na kasama niya ito sa laban ng buhay."Hold on to me tightly, Mama. Daddy, keep an eye to Mama," utos ni Arkan na nasa gitna namin habang naglalakad sa lobby ng kumpanya.Bahagyang kumunot ang noo ko at nilingon si Aldo na sa akin nga ang tingin. Nahiya ako kung kaya't napaiwas ako ng tingin."You don't have to remind me, Buddy," sagot nito kay Arkan."I'm just making sure that we won't lose her, Daddy. Because I swear, you will lose me if Mama will be lost," sinserong sabi ni Arkan."I won't. I'm keeping you too. Not because you are my responsibility, but because you stole something from me," seryosong saad ni Aldo.Napabaling ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong ninakaw namin sa kanya ni Arkan. Kaya lang nakita ko ang ngisi niya at pilyong tingin na tila ba hindi ko mahuhulahan kung ano iyon.Humigpit a
"Calm down, Sweetie. I'm here," Aldo whispered.Because of that, I held my head high as we entered the conference room. Ramdam ko ang bawat tingin ng mga tao roon. At lalong ramdam ko ang disgusto sa akin."Tss, the audacity to act like as if she's not just a secretary," dinig kong bulong ni Addison.But I don't care. Ngumisi pa ako noong ipaghila ng upuan ni Aldo at hinintay na makaupo bago nagtungo sa upuan niya at ayusin sa kanyang kandungan si Arkan."Daddy, do I need to listen?" bulong na tanong ni Arkan."No, Buddy." Nilingon nito si Baron na agad namang lumapit at inabot ang hawak na tablet, "Here. You can play games here, Buddy.""Alright, Daddy! Off sound ko na lang po."Noong abala na si Arkan ay doon pa lang humarap nang maayos si Aldo. Kita ko ang pag-iwas ng tingin ni Mommy matapos siyang titigan nito, maging si Daddy ay nangungunot ang noo."Before we start the meeting, may I call the attention of Misis Smith?" Agad na napalingon si Mommy at umaktong hindi natatakot, "Y
I don't know how long it has been since the incident, but I can say I am healing. Paanong hindi ka gagaling at makamo-move on kung dalawang magandang lalaki ang bantay mo? Mas hands-on pa nga yata sa buhay ko si Aldo at Arkan. At aaminin ko naman na kahit paano nasisiyahan ako. Tuwang tuwa na sa wakas may mga tao na pinapahalagahan ako."Mama, I want that pair of shoes!" ani Arkan bago ako hinila palapit sa estante ng mga sapatos.Niyaya kasi kami ni Aldo na mag-mall kung kaya't heto kung saan ako hinihila ni Arkan. Basta magustuhan ng mata niya ay nilalapitan at ang spoiler na si Aldo ay binibili naman."Just put the papers on my table, Baron. I'll check them tomorrow. Don't call me again, for the whole day I hope, I am spending time with my family," ani Aldo bago binaba ang telepono at lapitan si Arkan na gustong isukat ang sapatos.Kinagat ko ang labi upang pigilan ang kilig. He is very open now that he keeps on saying we are his family. Alam mo iyong pakiramdam na kilig na kilig k
"Alice! Ano'ng gagawin ko?!"Impit akong tumili muli na kinamura niya mula sa kabilang linya. Ilang araw ko na siyang pilit tinatawagan ngunit ngayon lang siya sumagot. Wala akong mapagsabihan ng saya ko bukod sa kanya."Uminahon ka nga, Mayu! Para ka namang kakatayin!"Pinilit kong kumalma at tahimik na naupo sa kama. Nasa baba sila Aldo at Arkan, heto lang din ang oras na hindi sila nakabuntot sa akin."Ganyan, chill lang. Okay?" ani Alice, "Ano ba nangyari sa'yo? Hindi ko alam kung masaya ka ba o katapusan na naman ng mundo sa'yo," sarkastikong dagdag nito.Umirap ako kahit hindi niya nakikita ngunit napanguso rin at tuluyang humiga sa kama."Ano kasi..."Tumahimik ito at tingin ko ay handa ng makinig sa akin kung kaya't ni-kwento ko ang mga nangyari nitong nakaraan. Sinabi ko rin na kusa na talagang lumalayo si Aldo sa mga babae kahit hindi na sabihin ni Arkan at na mas naging possessive ito.Pagkatapos kong magkwento ay mas malakas na ang tili nito sa akin. Kung nandito nga lang
Hindi ko alam kung gaano ko na katagal na tinititigan ang botelya ng pills. Sumasakit na nga ang ulo ko kaka-isip kung iinumin ko pa iyon o itatapon na lang. I just can't really comprehend why Aldo wants me to drink this pill, and yet he also wants babies. I mean, is he playing games again? Balak lang ba niya akong paasahin at bibitiwan na lang din bigla?Humigpit ang pagkakahawak ko sa botelya at tinitigan iyon kahit pa sumisigid ang sakit ng ulo ko. Pagbaba ng tingin ko ay pares ng sapatos ang nasa harapan ko. Pag-angat ng tingin ko ay kunot noong nakatitig sa akin si Aldo."Why? Is there something wrong about the pills?" may pag-aalalang tanong nito.Ang bigat ng damdamin ko. Gusto ko siyang tanungin kung bakit pa niya ako pinapainom ng pills gayong pupuwede na naman niyang sabihin na huwag ko ng ituloy."Sumakit lang nang kaunti ang ulo ko pagka-inom. I guess I will have to endure it until I empty this bottle." Tinaas ko pa ang botelya na nakalahati na yata ang laman.But that was
"Sigurado ka, Mayu?" tanong ni Alice mula sa kabilang linya."Oo, Alice. There's something odd about this pills. Duda na nga ako na pinapainom niya pa sa akin ito kahit pa gusto niyang magbuntis ako. Tapos kahapon naman ay basta lang niya tinapon sa basurahan. Ano sa tingin mo?"Tinitigan ko ang hawak na botelya na kinuha ko ulit mula sa basurahan. Balak ko kasing ipatingin sa pharmacist o doktor kung ano iyon. Hindi ko alam ngunit inaatake ako ng curiosity ko. Mabuti nga at hindi ako inatake ng hilo kun'di ay hindi na naman papasok si Aldo ngayon at babantayan na naman ako kagaya kahapon."Hindi ka naman siguro pa-i-inumin ni Aldo ng panget na gamot. Pero kung tuloy ka, magkita tayo para may excuse ka. Sigurado kasi ako na may mga mata si Aldo na nakasunod sa iyo, Mayu." Humagikhik pa ito na akala mo ay may nakakakilig doon."Ayos ka lang?" sarkatikong tanong ko, "Sigurado ako na pinapasundan ka ni Apollo, Alice."Ngumisi ako matapos marinig ang pagkasamid niya. Akala ba niya hindi a
"Seriously? Ascorbic acid? As in Vitamin C?" nalolokang tanong ni Alice na hindi na tumigil sa pagtawa noong makapasok kami sa loob ng sasakyan.Halos kumunot na nga ang noo ni Arkan katititig sa kanya, akala yata ay nababaliw na. Ako man ay hindi makapaniwala kanina na vitamin C pala ang iniinom kong gamot. Ilang beses ko pa talagang tinanong sa pharmacist at noong makumpirma ay nakagat ko ang labi sa pagpipigil mangiti. Hindi ako naiinis bagkus ay tila binuhusan ng init ang puso ko sa tuwa. Pero ngayon, inis na ako dahil kay Alice."Tumigil ka nga, Alice! Ipapatigil ko ang sasakyan at iiwan ka rito kapag hindi ka pa tumigil," mahinang banta ko.Pilit nitong nitikom ang bibig ngunit kumakawala pa rin ang munting pagtawa niya."Alice, stop na. Hindi na natutuwa si Arkan. Nakahihiya rin sa driver." Pabiro ko pang kinurot ang tagiliran niya na naging dahilan upang kumawala ang mas malakas niyang halakhak.Kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin at mahinang sinipa sa paa ay hindi niya p
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam