"Seriously? Ascorbic acid? As in Vitamin C?" nalolokang tanong ni Alice na hindi na tumigil sa pagtawa noong makapasok kami sa loob ng sasakyan.Halos kumunot na nga ang noo ni Arkan katititig sa kanya, akala yata ay nababaliw na. Ako man ay hindi makapaniwala kanina na vitamin C pala ang iniinom kong gamot. Ilang beses ko pa talagang tinanong sa pharmacist at noong makumpirma ay nakagat ko ang labi sa pagpipigil mangiti. Hindi ako naiinis bagkus ay tila binuhusan ng init ang puso ko sa tuwa. Pero ngayon, inis na ako dahil kay Alice."Tumigil ka nga, Alice! Ipapatigil ko ang sasakyan at iiwan ka rito kapag hindi ka pa tumigil," mahinang banta ko.Pilit nitong nitikom ang bibig ngunit kumakawala pa rin ang munting pagtawa niya."Alice, stop na. Hindi na natutuwa si Arkan. Nakahihiya rin sa driver." Pabiro ko pang kinurot ang tagiliran niya na naging dahilan upang kumawala ang mas malakas niyang halakhak.Kung hindi ko pa siya sinamaan ng tingin at mahinang sinipa sa paa ay hindi niya p
Kulang ang salitang nanggigigil ako para sa nararamdaman ko ngayon. Walang tigil ang pagtahip ng dibdib ko. Sumisiklab ang galit ko sa tuwing naaalala si Stella.Alam kong kailangan kong kumalma pero nahihirapan ako. Nakailang beses na nga akong tumawag kay Alice kaso ay hindi niya sinasagot."This is so fuck up! Lord, ayaw ko pong magreklamo pero why naman ganito?" inis kong atungal.Sumakit yata ang ulo ko sa galit kung kaya't sinubukan kong huminga nang malalim. Dumiretso rin ako sa kusina at naglabas ng malamig na tubig. Uminom at sumandal sa lababo.Kanina ang angas ko kuno pero kung iisipin, ginalit ko na naman si Aldo. Nakagat ko ang labi sa naisip. Sana lang ay hindi bumaliktad isip no'n at magpauto kila Addison.Napabuntong hininga ako at bumalik sa sala. Ilang beses ko ring sinilip ang labas para lang masiguradong hindi ako sinundan ni Aldo. Kampante naman akong iwan sa kanya si Arkan pero hindi ako kampante na magiging mabait pa siya sa akin.Padausdos akong humiga sa kama.
I closed my eyes as he kissed me swiftly on my cheeks and jaw. He even snaked his arm around my waist and pulled me closer as he covered our bodies with the comforter. Hindi ko rin alam kung paanong umabot kami sa kama pagkatapos ng sinabi niya. All I know is that I was swayed and mesmerized by his words. Tanga naman yata ako na muli na namang bumigay sa kanya.Bakit ba kasi kailangan pa niyang sabihin na maging possessive ako sa kanya gayong wala naman akong karapatan? O baka iyon ang senyales upang ipagkait ko rin siya sa iba?Litong-lito ako at sa sobrang kalituhan ko ay sa kama ang bagsak naming dalawa. I felt my cheeks flushed and heated after remembering how he passionately adored my body, kissing me from head-to-toe and giving me the same intense pleasure. His lips on mine, body to body, sweat to sweat, and his moving above me while I moaned beneath him caused my throat to dry. The heat once again rushed down in my veins and I couldn't do anything but grip on to his arm that w
"Where are we going, Aldo?" tanong ko matapos niyang ayusin ang seatbelt ko."Susunduin natin si Arkan. I bet he misses us already." Maliit pa itong ngumisi na akala mo naman ay nakatutuwa iyon. Pinaningkitan ko siya ng tingin, "Malamang. Bakit kasi iniwan mo pa roon? Baka mamaya umiiyak na iyon."He shrugged his shoulders and manuevered the car, "I expected us to have a heated argument. I didn't want Arkan to see us fighting, so I decided to leave him to Lolo. Magkasundo naman sila minsan."Tumango na lang ako. May punto naman siya at ayaw ko rin na tumatak sa isip ni Arkan na nag-aaway kami, kasi iyon ang hindi nagawa ng mga magulang ko— ang hindi ipakita ang pag-aaway nila. After so many years, I still remember how they shouted at each other, their cries, and even how they left me like a hot potato. Bahagyang nangilid ang luha ko sa alaala. Kahit kailan ayaw kong mangyari iyon kay Arkan. I don't want my son to witness our fights because I know how it feels to see your parents fig
Kulang ang salitang kaba sa nararamdaman ko. Walang tigil sa bilis ng tibok ang puso ko habang nakaupo sa upuan kaharap ang mesa ng matanda. Kumukuyom ang kamao na nakapatong sa aking hita habang matalim kong tinititigan ang sahig. Alam kong si Addison ang gusto niya para sa kanyang apo at hindi ko alam kung paanong babaguhin iyon gayong nakikita kong tutol ito sa akin."It's nice meeting you again, Miss Selvestre. Why you look so scared?" he mocked.I pursed my lips and breathed heavily until I got the courage to look at him."Hindi po ako takot. Kaya ko pong ipaglaban ang mag-ama ko," matatag kong bigkas at seryoso itong binigyan ng tingin.Kita kong tumikwas ang kilay nito at kumibit balikat na tila ba hindi naniniwala."If you say so, but that is not something I believe. Words are nothing without actions. And, based on your actions in recent years, you can only fight for your child, not Aldo," konklusyon nito.Napamaang ako, "Opo pero—"Tinaas nito ang palad kaya't natigilan ako.
Hindi ko alam kung paano akong nakaharap kay Aldo na hindi nagbe-breakdown sa araw na iyon. Tahimik siya at nagmamasid at kahit hindi niya sabihin ay alam kong may ideya siya. Buti nga at hindi niya ako kinulit na sumama sa opisina, maging si Arkan tuloy ay nagpapa-iwan na sa nakalipas na araw.Hindi ako matahimik sa naging usapan namin ng matanda. Hindi ko rin tinangkang buksan ang envelop sa takot na baka cheque iyon at oras na buksan ko ay talagang palalayasin na ako. Naguguluhan ako sa kung anong gagawin kaya't pilit kong tinatawagan si Alice."Latest chika, Mayu? Ano na?" Humagikhik pa ito.Napairap ako ngunit noong lingunin ni Arkan na naglalaro sa sahig ay pilit akong ngumiti."Hindi chika, Alice, kun'di problema.""Ah? Hindi pa ba kayo on the next level ni Aldo?" naguguluhang tanong niya.I sighed and sit at the edge of the bed."Kay Aldo, medyo okay na. Pero kay Lolo Frederick, malabo. Malabong-malabo, Alice," nanghihinang bigkas ko.Kapag nga bumabalik sa alaala ko ang nagin
"Ah?" kunwaring tanong ko, "Wala. Ano namang itatago ko?"Kaya lang ay hindi ito nagpapigil sa paglapit. Kita ko pang binulungan siya ni Arkan kung kaya't pinanlakihan ko ng mata si Arkan ngunit nahuli ako ni Aldo kung kaya't malambing akong kumurap-kurap."Putcha, huwag kang mag-puppy eyes, Mayu. Nakakasuya!" muling mahinang bulong ni Alice kung kaya't ako naman ang sumiko sa kanya.Pareho kaming napaderetso ng tayo matapos makalapit ni Aldo. Pilit pa akong ngumiti ngunit nadidistract kay Arkan na nakangisi sa akin. Nilalaglag na yata ako ng anak ko!"Tell me now what you are hiding before I get mad.""Huh? Wala nga. Ano namang itatago ko?"Kiniling nito ang ulo at humakbang pa palapit kung kaya't mas sumiksik ako kay Alice."One," pagbibilang nito na nagpanginig sa mga tuhod ko.Hindi ko alam ang gagawin. Hindi ko rin alam paano lulusutan ito. Gusto kong bitiwan ang kit ngunit alam kong mapapansin niya iyon.Biglaan akong napasinghap nang mahina matapos maramdaman ang kamay ni Alice
Alas otso pa lang matapos makaalis ni Aldo ay dumiretso na kami sa ospital. Nandoon na si Alice at baka nagpalista na.Sa totoo lang medyo nawalan ako ng gana na magpatingin pa. Hindi ko kasi alam kung wrong time ba na mabuntis ngayon. Ang bigat sa loob na tanggap mo na, may mga taong ayaw naman pala. Hindi mawala sa isip ko na ayaw talaga sa akin ng matandang Castellanos at kahit na kay Aldo ang desisyon, alam kong iniisip pa rin nito ang Lolo niya.Ang hirap maipit sa gitna. Kung tutuusin ay pwedeng-pwede na akong bitiwan ni Aldo anumang oras pero kinokonsidera pa rin ako nito para kay Arkan.Hindi ba talaga pwedeng magsama ang mayaman at hampaslupang tulad ko? Sana pala ginawan nila ng legal na batas ito para walang mahirap na nagkakamaling magmahal sa nakakataas na tao.Ngunit hindi iyon makatao! Bakit kahit sabihing pantay-pantay ang lahat, meron at meron pa ring nakaa-angat?"Mama, why are we here? Are you sick?" tanong ni Arkan na mahigpit ang kapit sa kamay ko.Dahil hindi ko
Aldo Hendrix CastellanosI still clearly remember Mayu, whom I saw at the party's garden. Honestly, the first time I saw her, I was sure she was definitely not my type. Glancing at her gown, I knew then she would be one of the candidates. Kaya naman ako na mismo ang naghanap kay Addison upang ibigay ang kahon na patago ko pang kinuha kay Lolo.Hindi ko rin naman gusto ang plano nito at wala sa isip ko ang magpakasal. And who would be happy in an arranged marriage? No one. And so, as much as I could, I tried my best to give the box to the person I somehow liked. I didn't know and I was unaware that fate played me so very well. Wala rin akong plano sa unang gabi kun'di ang takutin siya ngunit mukhang may mas plano ang tadhana sa aming dalawa at hinayaan na may mangyari at maulol ako sa kanya.Oras-oras kong pinapagalitan ang sarili dahil doon. At halos murahin ko ang sarili matapos hindi makuntento sa isang gabi na halos gabi-gabi na lang itong nasa isip ko at pilit ginugulo ang sistem
Walang tigil ang kaba ko sa takot na baka may balak na naman itong masama. Ni hindi ko nga namalayan na na-dial ko ang numero ni Addison. Huli na at hindi ko na ma-end call matapos marinig ang maarte niyang boses. Nawala tuloy kay Stella ang atensyon ko at nalipat sa cellphone."Now, you called me. What, Cheap Bitch?" anitong tingin ko ay umiirap pa sa kabilang linya.Napairap din tuloy ako, "Napindot lang. As if namang tatawagan kita. Bye—""Wait! Don't hang up yet!" pigil nito dahilan upang hindi ko pindutin ang end call."What, Maarteng Bitch?" pagtataray ko.Dinig kong umismid ito ngunit tumikhim din."I'm sorry."Nangunot ang noo ko at tila nabingi. Tama ba ang narinig ko?"Ano?""Ang sabi ko, I'm sorry!" malakas nitong sigaw na kinangiwi ko at nagpasakit sa tainga ko, "I'm sorry nga pero kung ayaw mo, then don't!"Napailing ako. Paano ko naman tatanggapin ang sorry na ganito?"Not forgiven—""Who cares? Nag-sorry lang naman ako dahil ayokong iwan kami ulit ni Mommy. Tss," aniya
"Aldo, tama na nga!" protesta ko matapos nitong hindi tumigil.Ngunit hindi ito nakinig at nagpatuloy lang dahilan upang mapa-halakhak ako. "Tama na kasi! H-indi na ako makahinga, kakain pa ako." Napanguso ako at hinawakan na ang dalawang kamay niya ngunit mahina lang siyang tumawa mula sa likod ko."Ang bad mo ah! Bahala ka kapag na-dislocate si baby," pagbabanta ko.Sandali siyang natigilan at lumipat sa harap ko, "What? Is there a thing called dislocation in pregnancy?"Nangunot ang noo niya at tila ba litong-lito. Kusa akong nangisi at kumibit balikat."Meron na ngayon—""You're bluffing," aniyang lumalapit na naman at pinupuntirya ang tagiliran ko."Aldo nga!" Sinamaan ko siya ng tingin ngunit tanging ngisi ang sinagot niya sa akin."Gutom ako. Kung sanang pinakain mo ako kagabi, wala sana ngayon tayo sa kusina kahit madaling araw pa.""You could have stopped me from making love to you earlier in the night. Hindi mo sana ako pinapagalitan ngayon. I am just being a professional l
"Nakagagaan pala sa pakiramdam kapag ganito," wala sa loob na bigkas ni Daddy habang kumakain sa hawak niyang ice cream.Napatitig ako sa abocado ice cream na hawak, nasa apa iyon. "Sana pala, noon pa ako nagpaka-ama," dagdag nito.Napayuko ito at ramdam ko ang bigat sa damdamin niya. Napaiwas ako ng tingin at napabuntong hininga."Pwede pa naman po, hindi nga lang ngayon," mahinang bigkas ko. "Maghihintay ako, Anak. Hihintayin ko hanggang sa matanggap mo na ako bilang ama mo. Marami akong pagkukulang pero handa akong bumawi," anitong halos manginig pa ang boses.Napalunok ako. Alam ko namang pareho lang sila ng motibo ni Mommy. Pareho lang naman nila akong gusto ngayon dahil asawa ko na si Aldo pero kahit ganoon, gusto kong isipin na totoo si Daddy.Kung pagbabasehan lang naman ang pagiging magulang, si Daddy ang laging nandiyan at updated sa buhay ko kahit pa hindi ko ito nakakasama sa mga importanteng okasyon sa buhay ko. Na-appreciate ko naman ang mga panahon na nagrerenta siya
"What do you mean, Mommy? Paanong si Ate Addison iyon?"Litong lito ako at kahit may nabubuong konklusyon sa isip ko ay gusto kong marinig iyon mismo sa bibig ni Mommy.Napapikit ito nang mariin. Pagmulat ng mga mata niya ay punong-puno iyon ng pagsisisi."Sad to say, nag-alaga ako ng anak ng iba habang napabayaan ko ang sarili kong anak," may pagsisising bigkas nito.Umawang ang mga labi ko at naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Ilang beses akong kumurap upang hindi tumulo ang luha ko ngunit hindi ako nagwagi. Tahimik na nagpagbasakan ang mga iyon.Imbis kasi na matuwa ako na ako lang pala ang nag-iisang anak niya ay mas nasasaktan ako na nagawa niyang mas piliin ang anak ng iba kaysa sa akin.Agad niyang inabot ang kamay ko matapos makita ang pagbagsak ng mga luha ko."I'm really really really sorry, Mayu. S-orry kung napabayaan ka ni Mommy. H-indi ko naman ginustong mangyari ang lahat ng ito sa'yo kahit pa ako ang pasimuno ng ibang kasakitan mo sa buhay. Ayoko lang na idamay ka ni F
Hindi ko alam kung desido talaga si Aldo sa pangingibang bansa namin pero mas desido akong makausap ulit si Mommy. Ang tagal kong hinintay ang reply niya. Akala ko nga ay tatanggi ito ngunit um-oo naman.Ilang beses akong binalaan ni Aldo na huwag lumabas ng bahay, kaso mas nananaig ang kagustuhan kong maliwanagan kay Mommy. Ang problema ko na lang ay kung saan iiwan si Arkan. Ayoko isama dahil baka mamaya may panganib nga sa paligid."Mama, bakit mo po ako iiwan kay Tita Alice?" may himig pagdududang tanong ni Arkan.Napataas ang kilay ko at patay malisyang hinawakan ang kamay niya."May bibilhin lang ako, Baby. Babalik din ako agad.""Ng hindi ako kasama, Mama? Does Daddy know about this?" mala-imbestigador ang tono nito.Napaubo ako bago tumawa nang alanganin."Of course, Baby. Always updated si Daddy mo," pagsisinungaling ko."Really, Mama? Then why are you leaving me here? Or maybe, we should call Daddy and ask him to take me here."Bahagyang namilog ang mga mata ko. Pagkaraan ay
"Leave the country? Pero ayaw kong umalis, Aldo." Iyon agad ang bungad ko pagkapasok namin sa loob bahay.Ayoko talagang umalis. Hindi ngayon na ganito ang nangyayari. Gusto ko pang makausap nang masinsinan si Mommy. Bigla, gusto kong idiskubre at alamin ang sinabi nitong first love niya si Daddy."I don't doubt if we can really have a peaceful life here after everything. I don't want to risk your pregnancy—what's that?"Natigilan ito at natutok ang tingin sa gilid ng labi ko. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko at agad iyong tinakpan. Balak ko na ngang umatras ngunit agad nitong nahawakan ang siko ko. Paglingon ko sa kanya ay malamig na ang tingin niya at marahang tinanggal ang kamay ko ns nakatakip sa aking labi."Did she do that to you?" his cold voice sent nervousness to my heart.Nahigit ko ang hininga at natakot magsalita. Natatakot akong sabihin na si Mommy kahit na walang takot ako nitong sinampal kanina. Ayokong pagbuntunan nito ng galit si Mommy, hindi sa ngayon."Tell me or I
May pagtitimpi kong pinunasan ang gilid ng labi ko. Ayaw ko sanang magalit sa araw na ito pero kung ganito ang salubong sa akin, tapos ang pasensya ko."Napakawalang kwenta mong anak! Sana hindi ka na lang nabuhay-""Edi sana hindi kayo lumandi sa iba para hindi ako nabuo!" may inis na sagot ko na nagpatigil dito."Sana nga hindi na lang ako nabuhay kung iiwan lang din naman ako na parang pusa ng mga magulang ko," may kalamigang bigkas ko.Kahit masakit sa dibdib na sabihin iyon ay pilit kong pinatatag ang titig ko. Hindi ko makita ang punto na nagbubuhos siya ng sama ng loob gayong ako ang maraming dapat isumbat sa kanya.Naningkit ang tingin niya sa akin," How dare you?" hindi makapaniwalang bigkas niya."Ganyan ba ang ginawa sa'yo ng pera? Sumasagot ng magulang? Bakit? Ganyan ka rin bang pinalaki ni Rosario?"Naikuyom ko ang mga kamao at nagtagis ang aking mga ngipin."Mali oh kayo. Ganito po niyo ako pinalaki," may diing bigkas ko, "Isa pa, huwag po ninyong idamay si Nanay Rosario
Hindi yata matatapos ang araw na ito ay maghahalo ang balat sa tinalupan.Kahit ipilit kong ikalma ang sarili ay nanggigil ako sa tuwing nasusulyapan si Ate Addison.Tumikhim ako at binaklas ang braso ni Aldo mula sa pagkakapulupot sa bewang ko."Let's go Arkan. Let's go swimming. May aayusin pa ang Daddy mo," malamig kong bigkas bago tumayo at pilit inaabot ang kamay ni Arkan na tumayo na rin at humawak sa kamay ko.Ngunit bago pa man ako tuluyang makahakbang paalis sa mesa ay nahawakan na ni Aldo ang palapulsuhan ko. Natigilan ako at nabitiwan ang kamay ni Arkan."Alaric, get my son please," malamig nitong utos sa kapatid.Tahimik na sumunod si Alaric na binuhat si Arkan. Ni hindi man lang nagreklamo ang anak ko.Nanlalaki ang mga mata kong binalingin si Aldo."Aalis din ako, Aldo." Pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa kanya ngunit humigpit nang bahagya ang hawak niya."Stay here. We'll leave here together," aniya kung kaya't bahagya akong kumalma.Kaya lang ay pabagsak na hinam