Pinilit ako ni Papa at Mama na layuan si Alaric pero hindi ako makasagot. It hurt. Alam ko sa sarili ko na may nararamdaman na ako kay Alaric. I'm not vocal to my feelings kaya hindi ko inaamin. Pero ramdam ko, nasasaktan ako. Nasasaktan ako na alam kong hindi ako magugustuhan ng mama niya. Nasasaktan ako ngayon na pinapalayo ako ng magulang ko sa kanya dahil hindi nila siya gusto para sa akin. Paano naman ako? Gusto ko siya! Isn't that enough reason? Sinabi naman niya na hindi na siya naghihiganti. He is doing this now because he likes me. I know he is serious with me. Pero bakit ang hirap?Pwede bang maging kami at kalimutan nalang itong away ng pamilya? Bakit pati ako.. kami… ay nadadamay? Bakit hindi na to tinigilan noon? Bakit pinaabot pa hanggang ngayon?Nang maggabi, hindi ko tinawagan si Alaric kaya siya na ang nagkusa. Hindi ko siya sinagot. He had seven missed calls when he stopped trying. May na-receive akong text galing sa kanya pero hindi ko na tinignan. Nag taklob ako ng
“What did you do with my son?” tanong niya ng tumigil ang kotse. Nasa lugar kami kung saan lahat puno ang makikita. Iilang kotse din ang dumadaan. Tumungo ako at tumitig sa kamay kong nasa kandungan ko. Ang luha ko ay panay ang agus sa pisngi ko. Hindi ko nagawang sumagot. “How thick is your face? Nagawa mo pang matulog sa penthouse ng anak ko? Ganyan ka ba pinalaki ng magulang mo?” puno ng sarkasmo at pandidiri niyang sinabi. Umiling ako. Unable to say a thing. “Layuan mo ang anak ko! Mga putang-inang Salazar kayo! Mga salot!” punong puno ng galit niyang sigaw. Dinuro-duro niya ako sa ulo. Wala akong magawa. Pinipigilan kong humikbi pero hindi ko mapigilan. Dumadaloy ang luha sa mata ko, pumapatak sa kamay ko.“Hinding hindi kita matatanggap para sa anak ko! Salot ka! Mamatay tao kayo!” she laughed hysterically. “Tinuruan ka ng mama mo no! Tinuruan ka niyang landiin ang anak ko para naman umangat kayo sa buhay? Bakit? Lugmok na lugmok na ba kayo sa kahirapan?” Tinampal niya ang
Hindi ako tinanong ni Magnus kung bakit ako napadpad sa lugar na yon. Hindi ko sinagot ang tanong niya kung kagagawan ba ito ng mga Ferrer pero iyon ang iniisip niya na totoo naman.Tahimik kami habang nagmamaneho siya. Hindi ko alam kung papasok pa ba ako. Sinabi ko kay Alaric na sa opisina na kami magkikita. Pero kaya ko pa bang makipagkita kung ang kapalit non ay ang pagkakakulong ni papa?“Do you want to go home?” basag ni Magnus sa katahimikan. Umiling ako. Pero wala rin akong masabi na gustong puntahan. I can't go to work. I don't want to go home. “Do you want to rest in my condo?” Napalingon ako sa kanya. Ilang segundo akong tumitig sa kanya bago ako tumango. I swallowed the lump in my throat. Agad pumasok sa isip ko na magagalit si Alaric pero agad kong binalewala ang naisip.Matapos niyang magtanong ay tahimik na ulit kami. It took us almost an hour before we arrived at his condo tower. Sabay kaming bumaba ng dumating kami. Kahit sa pagsakay ng elevator ay tahimik ako. Tah
Alas singko ng dumating ako sa bahay. Hinatid ako ni Magnus at agad ko din siyang pinaalis. Pagpasok ko ng bahay, naka abang si mama at ang mga kapatid ko sa akin.Nakaupo sila sa sala at nang marinig nilang pumasok ako, lahat sila ay nakatingin na sa akin. Like they are waiting for something.“You went to work?” unang linya na binitawan ni mama. Natigilan ako sa paglapit sa kanila.Galit at seryoso ang nakikita ko kay mama. Curiosity lang ang kina Serenity at Scarlet. “Seraphina, hindi mo sinabi sa akin na boss mo pala ang Ferrer na yon!” mahina pero may halong galit na sinabi ni mama.“I… I don't know. Paano ko malalaman na kalaban pala siya? You never told us…” pagtatanggol ko sa sarili. Nag-iwas ako ng tingin. The memory of what Alaric's mom did to me resurface pero agad ko ding pinigilan.Kung sa una pa lang, sinabi na nila kung sino ba ang kalabang pamilya, this might not happened. Pero hindi dahil hindi na daw dapat pagtuunan ng pansin.“You will not go back to your work. Mag
Napakurapkurap ako sa babae. She looked mad because of seeing someone in the mansion. Dang it! Binenta na ba ito? Am I really trespassing?Lumunok ako dahil sa kaba. Kung totoong ibeninta ito, bakit hindi alam ni mama. Bakit niya ako pinapunta dito?“Uhh…I'm Seraphina Salazar. Anak ni Celestine at Axel Salazar.” Nagpatuloy ako sa pagbaba.For a moment, natigilan ang babae. Biglang nawala ang pagkakakunot ng noo niya. “I'm sorry. Hindi ko alam na may tao pala. Nabenta na ba itong mansion?” hindi ko napigilang tanong. Nasa huling baitang na ako ng hagdan at dumiretso ako sa bag ko.“Naku, anak ka pala ng mga Salazar? Akala ko ay kung sino na. Matagal na kasing walang bumibisita dito kaya nagulat ako ng biglang bumaba ka.” Tuwana ang babae para maitago ang kahihiyan sa ginawa niya. “Hindi naman to naibenta. Sa pagkakaalam ko, hindi naman.”Tumango ako, nakahinga ng maluwag. Mabilis kong kinuha ang bread na dala ko at mabilis na kumain. Buntis ako pero pinapabayaan ko ang sarili ko. Isan
Halos hindi na ako humihinga sa loob ng kotse. Hindi din ako makatingin kay Alaric. I could feel his anger on my skin!Nagugulat ako dahil familiar ang daang tinatahak namin. Kahit gusto kong magtanong ay hindi ko magawa. Paano niya ba ako nahanap? Did mama tell him my location?I was so shocked when his car stopped at our old mansion. Lumabas siya sa kotse. Nanatili ako dahil gulat pa ako kaya nang makita niyang hindi pa ako lumalabas ay binuksan niya ang pintuan sa gilid ko. He eyes me coldly. Kahit ayaw ko man ay wala akong nagawa. Lumabas din ako. Sumunod ako sa kanya ng pumasok siya sa gate namin.“How did you find me?” tanong ko ng hindi ko na mapigilan. I am here to avoid him yet he still found me. Useless lang ang pagtakas ko kung ganon!Huminto siya. Nasa portiko kami, papasok na sana sa loob pero huminto siya at dahan dahan akong nilingon. Napalunok ako ng tumama ang malamig at madilim niyang mata sa akin. Umiigting ang panga at dismayadong dismayado.Umabante siya. Nanigas
Humagulgol ako sa harap niya. Hindi ko na kinaya at sumabog na ako. Habang umiiyak ay narinig ko siyang nagmura. He then swiftly move and the next thing I know naka upo na ako sa lap niya. Nakatagilid ako sa kanya. He kissed my temple. “I'm sorry. You should have told me about it,” pang-alu niya. His voice was hoarse and in agony. “Did my mother hurt you?” Umiling ako, habang pinapatahan ang sarili. “Hindi pero pinagbantaan niya ako. I shouldn't have told you this. Sinabi niyang huwag ko daw sabihin sayo.”Alaric sighed. “I hate that you listen to other people than to listen to me,” pagod niyang sinabi. “I told you I will handle everything.”He kissed my cheek. Huminga siya at ramdam ko ang pagod niya. Parang dismayado siya sa naging disisyon ko. “Kung sana sinabi mo yan sa akin, you’d know that I’ve already taken steps to protect your family. I sent my men to protect your father from my mother’s wrath. They’re also watching over your mother and sisters, ready to act if she ever tr
Nanatili kami sa Angeles ng tatlong araw. After all the shit I've said to him in that bathtub, mabuti naman at nawala na ang galit niya sa akin. Like hello? Kung galit pa siya after what he heard, mas magagalit siguro ako. I've been through emotional stress just because of him and he shouldn't be mad at me. Lalo pa't buntis ako. Nasa baba kami, nagluluto si Alaric habang nakaupo ako sa bar stool. Nakahilig sa countertop at pinagmamasdan siya.“Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ko. The food he's making makes me hungry. Parang ang sarap ng niluluto niya kahit hindi pa naman tapos. But I can tell just by smelling it.“Shasha…” makiling sagot niya.Tumaas ang kilay ko. “Ate Shasha? Kilala ka niya? Paano?”He smirked. “I bought this mansion, Seraphina.” Agad napaawang ang labi ko. Binili niya? Mama told me it was abandoned and never sold. “Hindi ito ibinenta ah! How come hindi ko alam?” Tumitig siya sa akin at tumaas ang isang kilay. “You'd think your relatives will not live he
Parang umikot ang mundo ko dahil sa sinabi ni Serenity. Napahawak ako sa kama ko dahil sa hilo. Napapikit ako ng mariin. Akala ko matagal yong mawawala pero ilang minuto lang ay nawala din ang hilo ko. Matalim akong tumingin kay Serenity. “Ano ulit yon? Engage ako?” pinaghalong sarkastik at gulat kong tanong. “Listen to me. Ginawa lang yon ni mama para layuan ka ni Alaric. Hindi mo pa nakikita sa ngayon pero hindi siya bagay sayo. Kahit anong gawin natin, hindi papayag ang pamilya niya na maging kayo,” pangkalma ni Serenity sa akin.Nagpawala ako ng sarkastikong tawa. “Wala akong pakialam sa pamilya niya!” sigaw ko.Ramdam ko ang pag-iinit ng ulo ko. Nanlaki ang mata ni Serenity ng makita niyang tumayo ako. Agad siyang naalerto.“Wala kang pakialam… sige! Pero kami ang maapektuhan kung magkatuluyan kayo. Can't you see, ate? Kapag nalaman ng mama ni Alaric na kayo, ibabaling niya ang galit niya sa amin kasi I'm sure na po-protektahan ka ni Alaric,” problemadong paliwanag niya. “Dahi
Pagbalik ko ng bahay, wala na ang kotse ni Alaric sa bahay. Wala na din ang anak ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko ng wala akong makita sa mag-ama ko.“Kinuha na ni Alaric si baby Levi. Hindi kana niya hinintay,” salubong sa akin ni mama ng dumating ako ng bahay. Hindi na tumuloy si Magnus sa bahay. May pupuntahan daw siya kaya hindi ko na din siya inimbita sa loob. I was just grateful he comforted me in the imperial hotel. Hindi ko talaga napigilan at na-trigger ang sama ng loob ko. Ni hindi ko na inisip ang maraming taong nakakakita sa amin. I was just so heartbroken I needed to release it. Gusto kong magtanong kung babalik ba siya bukas para ibigay ulit ang anak ko pero hindi ko ginawa. I know now that mama doesn't care if my son is with me or not. Mas gusto niya na wala ako kay Alaric. Yon lang ang importante sa kanya. Nasa tapat na ako ng hagdanan ng magtanong ulit si mama.“Hindi mo pinapasok si Magnus?” tanong niya. Medyo natunugan kong disappointed siya dahil don. I sig
Nang makita ni Jessica na nakaalalay sa akin si Magnus, agad siyang tumalikod at nauna maglakad sa amin. Muntik pa siyang matapilok dahil sa pagmamadali niyang maglakad sa hagdanan. Ako na ang bumitaw sa kamay ni Magnus ng nasa entrance na kami. Nang papasok kami, hindi na kami hinintay ni Jessica. Kami lang ang magkatapat na naglalakad ni Magnus at nauuna si Jessica sa amin.Tahimik lang ako. Kita kong panay ang lingon ni Jessica sa amin. Kapag nakikita niyang naglalakad kami ay maglalakad ulit siya. “Saan ba tayo?” kalaunan ay tanong niya. Pang limang lingon na niya kaya siguro hindi niya napigilan na magtanong. “Sa second floor, restaurant,” maikling sagot ni Magnus. I realised he is a bit cold towards Jessica.Nagpakawala ng malalim na hininga si Jessica bago tumalikod at nauna maglakad sa elevator. I could feel her irritation. Hindi ko lang alam kung para sa akin o para kay Magnus.“I'm sorry,” biglang bulong ni Magnus. Hindi ko inaasahan na sasabihin niya yon kaya napakurapk
Masama ang tingin ko kay mama. Ganon din naman siya sa akin. Magnus on the other hand couldn't look at any of us. Siguro ay na a-awkward siya sa nangyayari. “Sige na. Huwag mong pinapaghintay si Magnus!” utos ni mama. Bakasa sa boses niya na kung susuway ako ay may hindi magandang mangyayari. Napapikit ako ng mariin. Biglang sumakit ang ulo ko pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Wala na akong nagawa ng pagbuksan ako ni Magnus. Kahit ayaw ko, pumasok na ako sa passenger seat. Gustong gusto kong lumingon sa banda ni Alaric pero natatakot ako. I don't want to see him dismayed by me. Kahit alam ko naman na the moment I ride inside Magnus' car, madi-disappointed talaga siya. Tahimik kong isinabit ang seatbelt ko. Nang pumasok sa driver seat si Magnus, hindi ko na siya binalingan. Nakakahiya na nasasangkot pa siya sa gulong to. Tahimik kaming pareho ng umandar ang kotse. Ako dahil nasasaktan ako para sa sarili at kay Alaric. Si Magnus ay baka dahil awkward sa kanya ito. “I'm sorry
Umawang ang labi ko pagkarinig ko kay Mama. She knew Magnus and I broke up like long time ago. Hindi ko alam kung bakit masama ang kutob ko sa ngiti niya ngayon. Bumaling ako kay Tita Isabella. Alam kong gusto niya si Jessica para kay Magnus. She told me that herself. Kaya lang ay umiwas lang ng tingin si Tita. Parang okay lang sa kanya na magkita nga kami ni Magnus. Hindi ba na success ang plano nila? Not that I judge them. The last time I remember, nag success si Jessica na pwede siyang bumalik balik sa mansion nina Magnus without me!If Tita really want Magnus to her daughter, dapat ay umangal siya!Or maybe she doesn't want to react kasi baka magtaka si mama? Not that mama would get mad. Ang alam ni mama, magkababata kami ni Magnus at naging mag boyfriend kalaunan. She didn't know about Tita’s plan. Kaya akala niya pwede niya akong ereto ulit kay Magnus.“Mama, Magnus and I are just friends. Huwag niyo na siyang gambalain,” kalmado kong sinabi kahit ang totoo ay naiinis na ako.
Hindi ako nanlaban sa mga binibitawang salita ni Tito at ni Tita. I stayed quiet and calmed myself. Kahit masasakit ang tama non sa akin ay tiniis ko. Sinasabi ko sa sarili ko na galit lang sila. Na huhupa din ang galit nila. Pigil na pigil ang luha ko habang kaharap ko pa sina Tita. Ayaw kong makita nila akong nasasaktan kahit totoong nakakasakit na ang mga salita nila. Dahil sa sobrang disappointed nila sa akin, nagpasya silang umuwi nalang at babalik nalang daw bukas. Pinigilan sila ni Scarlet pero hindi na nagpapigil si Tito. Nang umuwi sila ay tahimik akong pumasok. Nilampasan ko si Scarlet na tahimik din. Agad akong pumanhik sa taas dahil gabi na din at pagod na pagod ako sa mga nangyayari. Mabuti nalang talaga at tulog na si mama kaya hindi niya alam ang ginawa ko. Kung gising kaya siya, magagawa ko kayang ibigay si Baby Levi kay Alaric? Hindi siguro. Mag he-hysterical na naman siya. Mawawalan na naman siya ng lakas! That's how I'm conflicted right now. Ni hindi ko basta b
Niyakap ako pabalik ni Alaric. He kissed my head as he gently patted my back.“They want us apart,” bulong niya. He sounds tired and weak. Alam niya na pwede itong mangyari kaya hindi na siya nagugulat ngayon.Bahagya akong tumango. “Yes, nag he-hysterical si mama kapag nababanggit ang pamilya mo. Hindi ko siya masisi kasi two years akong wala,” naluluha kong sinabi. Kumalas ako sa yakap niya ilang segundo ang lumipas. Agad kong tinignan ang mukha niya. Bumagsak ang balikat ko ng makita kong maga ang labi niya. Wala ng dugo pero halata ang pasa doon.“Umuwi kana muna. Gamutin mo yang sugat mo,” nag-aalala kong sinabi.Pagkarinig niya na pinapauwi ko siya ay agad kong nakitaan ang takot sa mata niya. “I'm fine.” Base sa sagot niya para bang ayaw pa niyang umuwi. Wala rin naman na siyang magagawa dahil hindi ako makakasama sa kanya. Hindi ko maiiwan muna si mama. Hindi muna ako susuway ngayon na galit na galit pa ang pamilya ko. “Pero kailangan mong umuwi. Gabi na. Hindi ka pwede dit
Iyak ng iyak si Levi. Doon lang din napansin ang kanyang presensya. Natahimik sila ng mapagtantong umiiyak ang anak ko dahil hindi niya nakikita si Alaric. “Is he your child?” kalaunan ay tanong ni Tita Isabella. Medyo napapatahan ko na si Levi. Kung ano ano ang binubulong ko sa kanya para lang kumalma. Hindi ko alam kung bakit nila hinayaan na magsigawan sa harap niya. I just hope my son isn't traumatized because of it!“Seraphina, iyan ba ang anak niyo?” si Papa. Gulat na gulat ang boses niya. Parang hindi siya makapaniwala na buhay pa ang anak ko. Hindi ko magawang sumagot. Galit ako. Dapat hindi ko na isinama si Alaric at ang anak ko! I should have face them alone! Kung naisip ko sana yon ng maaga, hindi sana ito mangyayari!Nang wala silang makuhang sagot sa akin, lumapit sa akin si Tita. Her face soften when she saw me crying. Kinuha niya sa akin si Levi at siya na ang tumahan sa bata. Medyo kumakalma naman na din siya. Nang makita ni Tita ang mukha ni Levi, namangha siya ju
Pansin ko ang pananahimik ni Alaric simula ng sinabi ko sa kanya ang gusto kong gawin. Dumiretso siya sa banyo pagdating namin sa hotel. Nang lumabas siya ako ang pumalit para maligo. Paglabas ko, nadatnan ko siyang nakaupo sa dulo ng kama. Nakatuko ang dalawang kamay niya sa tuhod at hawak niya ang ulo niya. Mukhang malalim ang iniisip niya. Kita ko sa gitna ng kama na tulog na si Levi.Nang marinig ako ni Alaric ay tumuwid siya ng upo. He look troubled.“Bumalik na ang mga alaala ko,” sinabi ko habang lumalapit sa kanya. Bahagyang umawang ang labi niya. Akala ko ay may sasabihin pa siya pero hindi yon dumating.Nang tinapik niya ang hita niya, alam kong gusto niya akong maupo sa kandungan niya. Nag alanganin ako kung uupo ba ako doon pero wala na akong magawa ng higitin niya ang kamay ko at pinaupo niya ako sa kandungan niya.“Since when do you remember everything? Should we go to the specialist?” mababang boses na tanong niya. Umiling ako. “Okay naman ako. Walang masakit sa akin