Alaric POV Nasa opisina ako, nagtatrabaho ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang kaibigan kong si Cole. Mainit ang ulo dahil sa problema siguro sa babae.I smirked. “What brought you here? Wala ka bang trabaho?” “Tsss!” iritado niyang sagot bago umupo sa sofa sa unahan ko. Ginulo niya ang buhok niya dahil sa init ng ulo.Itinigil ko ang ginagawa at ibinigay ang attention sa kaibigan. I smirked and raised a brow at him. “You know we shouldn't let any women control our emotions. Mabilis lang naman silang palitan kapag nagiging sakit na sila ng ulo.” He glared at me. He then loosen his tie and sighed defeatly. He once played with girls. Once he noticed the girl develops an attachment, itatapon niya lang ito at magpapalit ng bagong babae. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi nalang niya iwan ang fiance niyang palaging sakit ng ulo niya. “Speaking of, I was informed na may nag-aaply na Salazar sa kumpanya ko,” sabi niya, ayaw ng pabulaan ang payo ko tungkol sa babae niya. Agad na
Seraphina POVI changed my mind. Iyong kaisipan na gusto kong ipa-abort ang baby ay nawala na sa plano ko. Alaric made me believe that everything will be alright. That I shouldn’t be scared of things dahil siya na ang bahala sa lahat. It made me feel at ease. Kung alam ko lang na siya lang pala ang magpapakalma sa marami kong iniisip ay sana pala sa unang araw matapos kong malaman na buntis ako ay sinabi ko na sa kanya. But then, I was so denial kaya ayaw kong ipaalam sa kahit kanino dahil baka may paraan pa. Baka may milagrong mangyari at bigla nalang na hindi pala ako buntis. But who am I kidding!Plano ni Alaric na kausapin ang parents ko matapos namin sa hospiital pero pinigilan ko siya. “Huwag muna ngayon. Sasabihan lang kita kung kailan,” mahinahon kong sinabi habang nagmamaniho siya. “Why not now huh?” Natunugan kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. His voice restrained. “Because I am still shocked by this. Titingin din ako ng tempo kung saan maganda ang mood ni Mama.” Il
Isang linggo bago ako nakakuha ng tyempo para sabihin sa parents ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Linggo ngayon at lahat kami ay nasa bahay. Dahil wala naman si Papa ay kay mama ko unang sasabihin. Hindi ko pa nasabi kay Alaric na ngayon namin sasabihin. Kakausapin ko muna si mama at sasabihin kong may boyfriend ako. Kasi magugulat siya kung agad kong sasabihin na buntis ako na wala naman siyang kilalang boyfriend ko. Nasa sala kaming lahat. Nanonood si Scarlet. Si Serenity ay panay ang text niya sa cellphone. Si Mama ay may binabasang libro. Nakatitig lang ako sa TV pero lutang ang isipan ko. Pinaplano ko sa utak ko kung paano ko sasabihin sa kanila.I shifted my weight when I finally decided to tell mama. “Mama…” tawag ko sa kanya. “Hmmm?” Hindi niya ako binalingan ng tingin. She just acknowledged me from her humming.Lumunok ako. “May sasabihin ako.”Tunog nini-nerbyos ang boses ko kaya lahat sila ay natigilan sa mga ginagawa. Ibinaba ni mama ang librong hawak niya at saka tumi
Agaran ang pagtayo ni mama. Sina Scarlet at Serenity ay hindi alam ang gagawin.“What? Pregnant?” gulat na gulat na sambit ni Serenity. She looked at me with wide eyes. Ganon din si Scarlet.“What have you done with my daughter!” sigaw ni mama.Nanlamig ako. Hindi na ako makapagsalita. Hinawakan ni Alaric ang kamay ko at pilit na pinapakalma. “Ate, what is this? Is this true?” ani Scarlet. Mahina ang boses niya at halatang ayaw niyang paniwalaan ang mga naririnig.“Kung gusto niyong maghiganti, huwag niyong isali ang mga anak ko!” bayolenteng sigaw ni mama. Her eyes are bloodshot. “Anong maghiganti?” guluhang binanggit ni Serenity.“I don't plan to anger you, Mrs. Salazar. Perhaps we could talk about this calmly,” seryosong suhestiyon ni Alaric. Hindi ko man lang natunugan na takot siya sa mga nangyayari. Parang normal na ito sa kanya at hindi ito katakot takot. “Seraphina, how could you allow this to happen?” baling sa akin ni mama. “You are better than this. Why did you let this
Gabi bago kami natulog ni Alaric ay tinawagan ako ni mama. Gusto kong sagutin pero sinabi ni Alaric na huwag daw muna. Ilang beses tumawag si mama. Nang mapagod siya ay nag-text nalang siya.[Come back home, Seraphina.]Kinaumagahan, alas syete pa lang ng magising ako dahil sa cellphone ko. Mahigpit ang yakap sa akin ni Alaric at nakaulon ang ulo ko sa balikat niya. Bahagya akong gumalaw para sagutin sana ang tawag ng hinila niya ako pabalik sa kanya.“It's too early. Mamaya mo na yan sagutin,” he whispered with his hoarse and deep voice. “Baka si mama?” “Call her after. Matulog muna tayo,” utos niya. Mabilis din akong nakatulog ulit. Nang magising ako ay alas dyes na. Wala na si Alaric sa tabi ko. Matapos kong lumabas galing sa bathroom ay dumeretso ako sa cellphone ko ng maalala kong may tumatawag nga pala sa akin kaninang umaga. And true enough, it was my mother. Naka 15 missed call siya. Hindi pa ako nagdadamit at naka bathrobe lang ako nang tumawag ako sa kanya. It didn't eve
“Hello,” bati niya sa akin kahit nakita niyang irita ako sa presensya niya. Is she this dense na hindi niya makaramdam ang inis ko? Hindi ako nagsalita. Itinuun ko lang ang mata ko sa TV screen kaya tumalikod siya at sa kitchen nalang pumunta. Mariin ang titig ko sa TV at hanggang ngayon ay wala pa akong napipiling papanoorin. “I told Tita not to disturb you if you're busy but she insists you are not. Ibinigay niya sa akin ang address mo at pinapunta niya ako.” Si Eliza. Tumawa siya ng mahina.Bumaling ako sa kanila ng wala akong marinig na response ni Alaric. Kita kong umiinom siya ng tubig. Kumuha din ng baso si Eliza at nagsalin din ng tubig niya. “Kung hindi ka busy, pwedeng samahan mo ako? Hindi ko talaga kabisado ang pasikot sikot dito. Ang tagal na noong huli kong bisita dito,” parang nahihiya niyang kwento.Umirap ako sa kawalan. Putang ina mo!“I'm not busy but I'm also not available.” Ibinaba ni Alaric ang baso niya bago siya nagpawala ng hininga. “I'll just tell you wha
Dumeretso ako sa bathroom para ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Kahit anong pigil ko sa mga iniisip ko ay hindi ko magawa. Eliza’s words started to resonate in me. Para kasing tugma ang mga sinasabi niya. Baka totoo na ginagamit lang ako ni Alaric at hindi naman talaga niya ako mahal. It’s too fast. First moment, ang sama niya sa akin. Grabi niya ako maliitin, ipahiya. Tapos the next thing I know ang caring niya. Biglang bumait at agad din naman akong bumigay. Kaya ito at buntis ako! Nakaharap ako sa salamin sa sink. Hindi humuhupa ang luha ko. Parang tinutusok ang puso ko dahil sa mga masasamang naiisip. Tama ba si Eliza? Ginagamit lang ba ako? Is this still revenge? Gulong gulo ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.Nang mapagod ako ay umupo ako at saka niyakap ang mga benti. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at humagulgol. The thing about the mind is that it could be your biggest enemy. Imbes na tulungan ka niyang mag-isip ng ikabubuti mo, mas lalo pa niyang dinadagdagan ang
Eliza’s POVPinagmamasdan ko kung paano swabeng nagluluto si Alaric. The way he cut ingredients with his strong and veiny arms is such a sight. Hindi ko mapigilang pag-initan ng pisingi dahil lang sa kamay niya. Inangat ko ang mata ko sa mukha niya at kita kong medyo nakakunot ang noo niya. He was serious with what he was doing. Makapal ang kilay, palaging madilim ang mata na akala mo palaging may kinaiinisan. His broad shoulders are enough to tell that he is a sexy beast. “Uhm… tulungan na kita,” alok ko. I shifted my weight when he looked at me with a raised brow. “Maupo ka nalang doon at manood.” Kinagat ko ang labi ko. “What took her so long? Ano daw ang kukunin niya sa taas?” Narinig ko ang kaunting iritasyon sa kanyang tono kaya medyo kinabahan ako.“Ano… may gagawin daw siya. Gusto ko nga na sumama sa kanya pero sinabi niyang gusto niyang mapag-isa. Kaya lumapit na ako sayo kasi wala akong kasama manood.”Ayaw kong malaman niya na napaiyak ko ang girlfriend niya. Fling l
Lumabas ako matapos kong samaan ng tingin si Ryker. Dumiretso ako sa sun lounge at padabog na umupo roon. Nakakuyom ang kamay ko dahil sa inis. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang gusto niyang gawin ko? Bakit siya nagagalit sa akin kapag ipinapaintindi ko sa mga batang iyon na hindi ako ang Mommy nila?Akala ko ay magiging payapa na ako dahil nakalayo ako sa mga bisita, pero hindi pala. Laking gulat ko nang sinundan ako ni Ryker. I glared at him as I watched him walk towards me. Hindi pa siya nakuntinto at sa tabi ko pa umupo! Hindi niya ako pinansin. Hindi niya inaalintana ang mga matatalim kong tingin sa kanya!“Why did you go out?” Sarcastic akong tumawa. “Because you were looking at me as if I'm sort of evil! Anong ginawa ko?” irita kong tanong. He sighed heavily. “You were harsh to the children.” I face him to make him understand my point. “Kasi ang kulit nila!” Tumingin din siya, tumatalim ang mata sa akin. “Serenity, if you had children, would you scold them the way you'r
Dalawang araw akong nasa bahay at walang ginagawa. Nakaramdam ako ng boredom nang mapagtanto kong ako lang ang naiiwan sa bahay. Si Papa ay busy sa trabaho niya. Si Scarlet ay ganon din…busy sa trabaho, si mama ay maraming amega. Kung wala siyang lakad, nakay papa para tumulong sa business. Ako, wala. Nasa bahay lang!I wanted to contact my friends, especially Elena, pero hindi ko mahanap sa cellphone ko ang contact number niya. Hindi rin iyon ang natatandaan kong cellphone ko kaya wala na akong contact sa kaniya. Pati si Sofia at Ruby ay wala. Kaya bored na bored ako habang nakasalampak sa kama ko. I don't have a memory of five years? Anong nangyari sa five years na yon? Am I still friends with my friends? Nang medyo sumakit ang ulo ko sa kakaisip, pumikit ako ng mariin at tumigil sa pag-iisip. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa sobrang boredom. Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog. Naalimpungatan lang ako nang marinig kong tinatawag ako ni mama. Pagdilat ko, nasa ta
Serenity Saldivar Matapos ng apat na araw nang pananatili ko sa hospital, sa wakas ay makakalabas na rin ako. Dapat ay kahapon pa. Kaya lang ay naantala nang kausapin ako ni Scarlet at biglang sumakit ang ulo ko. “Wala ka ng condo. Five years ago pa ang huli mong punta roon,” casual niyang sinasabi. Nagulantang ako doon. Five years? The last thing I remember, nasa condo ako! What is she saying? Kita niya ang gulat sa mukha ko kaya nagpatuloy siya. “You don't remember because you have amnesia. Kakasabi lang sa amin ng asawa mo.” Pinilig ko ang ulo ko. I felt a sudden pain on my head pero binaliwala ko. I was too concerned about what she said. “Scarlet? What are you saying? I can't understand you? Asawa ko? Sino?” gulong gulo kong tanong. She sighed heavily. She even raised a brow at me. “Hindi mo nga maalala dahil may amnesia ka! Kasal kayo ni Ryker. Asawa mo siya.” Hinanap ko sa utak ko ang sinabi niya, pero blangko ang utak ko! Lalong lumala ang sakit habang iniisip ko ito.
Ryker Saldivar We were so shocked when Serenity didn’t recognize our children! Tumalim ang mata ko sa kanya ng marinig ko kung paano niya kinasuap ang anak namin! Akal ako noong tinanong siya ng doctor kung naaalala niya ako, akala ko ay okay na ang lahat. Hindi ko na pinansin ang mga matatalim niyang tingin sa akin. Buong akala ko ay galit siya sa akin dahil sa kamag-anak ko ang dahilan kung bakit siya nagkaganito. Akala ko ay may sinabi si Tito sa kanya o si Natalie kaya siya galit sa akin. I didn’t expect it to be this bad! “I’m not your mommy!” guluhan niyang sinabi kay Ryka. She looked at our daughter coldly.Lahat kami ay natahimik sa narinig. Sinasabi sa akin ni Alaric ang nangyari kina Tito Arnold. Sinabi niyang nakulong na si Tito. May mga injured din dahil sa barilan pero mananagot parin sila sa ginawa nila. Lahat ng iyon ay nawala sa isip ko nang marinig ko ang sinabi ni serenity! Hindi rin nag isang minuto nang makita kong namutla siya at nawalan ng malay. Lahat kami a
It's been two days simula nang magising ako. Wala paring nagsasabi kung bakit ako nasa hospital. Ryker wouldn’t tell me. Hindi ko rin maalala kay feel ko nakalimutan ko kung ano ang nangyari sa akin. The last thing I remember was I was eating in my condo. Tapos paggising ko ay nandito na ako! Masama ang tingin ko kay Ryker dahil hawak niya ang kutsara na kanina ko pa gustong kunin sa kanya. “I can eat on my own!” inis kong sabi. Hindi ko ma-enjoy ang kinakain ko dahil sinusubuan niya ako at ayaw ko ng ganon! May kamay naman ako para kumain mag-isa! He also glared at me when I refused to eat. “What is your problem if I want to do this, huh?” he snapped, pissed off. “May kamay ako! I can perfectly do it on my own!” sigaw ko sa frustration. Sinubukan ko ulit na agawin ang kutsara pero iniwas niya. “Do not test my patient. Serenity!” His voice boomed. He was beyond piseed off! Kita kong humigpit ang hawak niya sa kutsara! “Hindi kita kailangan, okay! I can take care of myself!” Umil
Hindi ko maintindihan kung bakit gulat na gulat sila dito sa kwarto ngayong sinabi kong hindi ko kilala ang batang tumawag sa akin na Mommy! Rinig na rinig ko ang mga pinakawalan nilang singhap as if they couldn’t believe what I had just said. Kita kong nanlalaki ang mata sa akin ni Scarlet na lumalapit sa akin. “Serenity,” hindi makapaniwalang tawag ni mama sa akin. The disbelief in her tone is evident. Kumunot ang noo ko. “What is it, mama? Why are you looking at me like I just committed a crime?” naguguluhang tanong ko. The little girl cried when I told her that I'm not her mommy! Agad nangilid ang luha sa pisngi niya. “Mommy?” gulat at bigong bigo na tawag ng bata. Nagtiim bagang ako. I feel uncomfortable seeing her cry. Hindi ko naman siya anak pero nagu-guilty akong nakikita ko siyang umiiyak! Who wouldn’t though? She's too pretty to cry. Her mother must be so lucky to have this pretty daughter! Hindi ko nga lang alam kung bakit ako pa ang ginagambala niya. Hinilot ko ang
Serenity Isla SaldivarWhy do I feel like I've been trapped into darkness? I’m not sure if this happened, but in my deep slumber of unconsciousness, I'll hear a faint beeping of a machine. It lasted for a few seconds before it fading away. I don’t know what disappears first—the sound or my awareness. It has happened to me several times. Sometimes, alongside the beeping, I hear faint voices, distant and unclear, as if they’re just out of reach.I feel like my soul is hovering in darkness and it doesn't want to enter my body! Ganun ang feeling ko sa mumunting segundo na nagkakamalay ako. I braced myself when I started to hear the sound of a machine again! At first, it was so faint until it was loud for my ears. It will be like that for only a few seconds until it turns faint again. Iyon ang palaging nangyayari! Kaya nang tumagal ang tunog ng machine ay nagtaka ako. Medyo kumunot ang noo ko dahil sa ingay non!One…two…three….four…five…six…Hindi parin nawawala! Seven…eight…nine….ten!I
Scarlet Ruby Salazar Our supposed happy and celebrating days turn into sour when a kidnapping incident happened. Dapat ay masaya kami kasi ikakasal si Ate Serenity kay Kuya Ryker. I have the guts that there was something between them. Noon sa party nina Ate Seraphina, nakita ko siyang may pinagtataguan. I was alone when the person she introduced left. Hinanap ko siya at nakita kong umalis sila ni kuya Ryker! Kaka-start lang ng party at umalis sila! I gave her the benefits of the doubt. Baka nagkataon lang. Hindi rin naman naulit ‘yon. Hanggang noong nasa Tennessee ako. Tinawagan ako ni Mama at pinapauwi. She was involved with Ryker and her supposed fiancee! I was so shocked when I got to know it! Nagulat ako na tama ang hinala ko na may something nga sa kanila ni Kuya Ryker. Pero mas nagulat ako na may ka-engage pala si Kuya Ryker. Kasi kung meron pala bakit hindi niya sinabi ng maaga? Matagal na silang may something ni Ate pero pinaabot niya pa nang ilang months? Tapos hindi pa sa
Someone’s POVAng hideout kung saan itinago ni Arnold ang mga bata ay natuntun ni Alaric at Ryker. The man who smashed Serenity on the head is now dead. Tinamaan siya ng bala sa ulo. Nang marinig ni Natalie ang putukan ng baril ay tatakas na sana siya. Kaso ay nabaril siya ng isang tauhan. Sumalampak siya sa sahig nang tinamaan ang hita niya. Napahiyaw siya sa sakit. Ang isang pang kasama nilang lalaki sa kwartong iyon ay nabaril din. Hindi sila tinamaan sa critical na bahagi ng katawan nila, it was only enough to disable then from running away. Sa labas ng kwartong iyon, nakikipag barilan din ang iba. Kararating lang nina Arnold at ang anak niya sa isang pagtitipon at ito ang dinatnan nila. Kaya nga sila umattend sa isang party ay para hindi sila pagbintangan ni Ryker at Alaric na kumidnap sa anak nila dahil alam nilang kumikilos na sila sa paghahanap, pero hindi nila maintindihan kung bakit natuntun parin sila! “Tang-ina! Paano tayo natuntun?” sigaw ni Arnold habang nagtatago sa g