“Mama, may aasikasuhin lang ako na trabaho…” I trailed off to think more of a reliable alibi. “Urgent kaya hindi muna ako uuwi ngayon. Mag oovernight ako.” “Dito mo nalang gawin yan sa bahay,” strict na sinabi niya. Natunugan ko na hindi siya sang-ayon sa gusto ko. I bit my lower lip. I looked at Alaric who was now preparing for us to go to his condo. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako sa kanya kaya tumingin din siya sa akin, nakataas ang kilay. Sinimangutan ko siya. “Hindi kasi pwedeng gawin sa bahay… Ngayon lang naman, Mama.”I heard her sigh, probably stressed because she has to decide about it. Wala si Papa kaya lahat ng desicion ay sa kanya manggagaling. I know I am an adult now and I should be deciding for myself but it’s not the case sometimes. This one, kung hindi ako magpaalam, she will be worried and I don’t want that to happen. “Sino ang kasama mo? Pakausap ako sa kanila,” stress na nga niyang sinabi. Agad akong kinabahan. Ang hirap naman kasi itong ipinapagawa n
Hindi ko alam ilang oras akong tulog. Naalipungatan lang ako ng maramdaman kong may humahawak sa noo ko. Kahit ayaw ko ay inimulat ko ang mata ko. Alaric smiled. “Wake up. You need to eat dinner,” mababa at kalmado niyang sinabi. I whined. “Mamaya na… Inaantok pa ako.” Ipinikit ko ulit ang mata ko para matulog pero naramdaman ko ulit ang kamay niya sa noo ko, waking me up. “Alaric naman eh!” iritado kong sabi. He chuckled. “As much as I don’t want to wake you up, I don’t want you to skip dinner too. Kahit kunti ay kumain ka.” Hindi niya ako nilubayan kaya wala akong nagawa. Inis akong umupo sa kama. Na-realize ko na naka-tshirt na ako ng puti. Malaki siya sa akin pero kumportable naman. He probably cleaned me after I fell asleep. Sinusubuan niya ako dahil inis ako na kinailangan niya akong gisingin. Mama wouldn’t even bother waking me up when I told her I don’t want to eat dinner pero iba itong lalaking to. Ayaw akong tantanan. Iritado kong nginunguya ang pagkain. Naka ilang
“Tell me, why did you meet that man again?” Nanliit ang mata niya habang nakapako niya ako sa kama. Nasa ibabaw ko siya at sakop niya ang dalawang kamay ko, ipinako sa unahan ng ulo ko. Malapit ang mukha niya sa akin at nararamdaman ko ang hininga niya habang nagsasalita siya. He was teasing me earlier na hindi daw niya ako papauwiin hanggang sa naalala niya kung bakit ako kumain kasama si Magnus. Kaya nakapako ako ngayon sa kama niya at ini-interrogate ako. “Alaric, let me go…” I tried to wiggle him out pero who am I kidding. Masyado siyang malakas kaisa sa akin.He smirked. “Stop fighting and be a good girl. Why did you meet him? Hmmm?” Natunugan ko ang panunuya sa tuno niya. I sighed. Hindi ko gustong umamin na dahil kay Analise kaya ako sumama kay Magnus pero I know that Alaric will forever pinned me in his bed if I didn't tell him why. Napilitan akong umamin. “I just think that it's unfair. Why can't I go with Magnus when you have Analise?” I trailed off and licked my lips t
Ilang minuto akong nakaupo lang sa desk ko. Hindi ko alam kung pupunta ba ako o hindi. But then, Basty didn't return to his desk at hinihintay pa ata akong pumasok sa opisina ni Alaric bago siya umupo. Kaya nang maging awkward ang matagal na pagtayo ni Basty ay nagpasya akong pumunta nalang.Kumatok ako ng nasa labas ako ng pintuan at agad ding pumasok ng makarinig ng signal na pumasok. Nadatnan ko si Alaric na nakaupo sa swivel chair niya at ang babae ay nasa harap niya, nakaupo sa couch ng coffee table.Agad silang bumaling sa akin na dalawa. I slowly walked near Alaric and I couldn't help but glare at him. Hindi pa naman sigurado na girlfriend niya nga ito pero kung hindi niya nga girlfriend, bakit naman magkakalat ng fake news si Sir Rodel? Anong mapapala niya doon? I heard the girl groan in annoyance. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya at ang pagtalim ng mata niya sa akin. “Baby, what is this? I've never seen you for a long time, nagpapasok ka pa ng distorbo?” puno ng sarkasmo n
Natulala ako ng ilang sandali bago ako natauhan. Wala na sa opisina si Analise at naiwan kami ni Alaric. I heard him take a deep sigh.“Anong ibig niyang sabihin? What's wrong with being Ferrer and Salazar?” tanong ko dahil hindi ko maintindihan. Tumatak sa utak ko ang mga sinabi ni Analise. Na CEO si Alaric pero mahuhulog lang sa isang Salazar. Sa akin?“Don't mind her.” Natunugan ko ang irita sa boses ni Alaric. I know I should shut up. Hindi maganda ang mood niya at hindi siya magandang kausap kapag galit. But I really want to know what that means. What does Analise mean with her last statement. “No, tell me. Bakit siya galit sa akin? Bakit galit siya na isa akong Salazar!” I could hear the desperation in my voice. “Seraphina!” mataas na boses niyang tawag sa pangalan ko. It was cold and commanding. Parang nagpapahiwatig na tumigil ako sa kakatanong. Natuptup ko ang labi ko. Alam ko naman na ganito siya kapag galit. Hindi lang ako sanay. Hindi ako masanay sanay kahit maraming b
Kinaumagahan ay maaga akong gumising. Weekend at kadalasan mga alas dyes pa gumigising sina Serenity. Minsan gumigising ng maaga si Mama pero minsan din ay late na. Nagkape lang ako at nagtext kay mama na dadalaw ako kina Tita Isabella. Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung ang kalaban ba ng pamilya ko ay ang mga Ferrer kaya hito at magbabakasakali ako na malaman yon. Susubukan kong tanungin sina Tita.Pagdating ko sa bahay nila ay gulat na gulat si Tita dahil ang aga kong bumisita. “Seraphina, anong problema?” gulat na tanong sa akin ni Tita Isabella habang pinapapasok ako sa bahay nila.Tumawa ako. “Wala naman tita. Naisipan ko lang na bumisita. Ang tagal na nong huli kong punta sa inyo eh.” Nag beso ako kay Tita.Tumawa din si Tita. “Nag agahan kana ba?”“Opo. Nagkape ako bago pumunta dito.” Nilibot ko nang mata ang buong bahay nila. Kumpara sa bahay namin, medyo maliit ang bahay nina Tita. We have two storey house pero isang palapag lang sila. Dalawang kwarto ang makikita
Grabi ang gulat ko sa mga nalaman ko. I never think this is how they view their life. Noong una naman ay okay lang ang lahat. Oo at malaking tulong sa amin sina Magnus at ang parents niya pero hindi naman inggit sina Tita dati. Alam nilang malaking tulong ang mga Zarceno sa amin at never silang nagpakita ng inggit. Ngayon lang. Well, I don’t want to see it that way. Baka gusto lang din nilang mapalapit sa mga Zarceno para may nalalapitan sila kapag may problema. Kahit hindi ako komportable sa mga nalaman ay hindi ko maiwan iwan si Jessica. This is the first time she cried in front of me and I can’t seem to say goodbye to her. Kaya sinamahan ko nalang siya sa trabaho niya habang ipinapaliwanag na hindi naman maganda ang buhay ko. “You can’t say that. Tuluyan lang naman kayong naghirap noong bigla kayong nag break ni Magnus. And after almost a year nakakuha ka nang trabaho. Ngayon ay nagtatrabaho na din ang papa mo.”Natuptup ko ang labi ko. I can’t seem to argue with her because at
Sabay sabay kaming bumaba ng dumating kami sa bahay nina Magnus. It was still the same but I noticed a little change. Papasok kami sa bahay nila ng maramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko. Natigilan ako sa paglalakad. Hindi ako napasin nina Magnus at Jessica kaya nahuli ako. Pagkuha ko ng cellphone ko ay nakita kong tumatawag si Alaric. Damn! I completely forgot about my mission. Inaalam ko pala kung ang mga Ferrer ba ang kalaban ng pamilya ko! And I am here in Magnus house! Ayaw niya akong nakikipagkita kay Magnus!Sinagot ko ang tawag ng makita kong pumasok sa loob sina Magnus. “Hello…” bati ko. Ramdam ko ang paglakas ng kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba. “Where are you? You are not texting me back,” mababang boses na tanong niya. I shifted. “Nasa kina Tita ako. Buong araw kong sinamahan ang pinsan ko sa trabaho niya kaya hindi ko nache-check ang cellphone ko.”He sighed and I noticed the annoyance on it. “But that shouldn't be the reason why you're forgetting about your
Matapos kong umiyak sa walang katuturan na bagay, kumalma din ako ng ipinaintindi sa akin ni Alaric na nagsisinungaling si Eliza. Na dapat kung may marinig akong mga ganong bagay, dapat ay sasabihin ko muna sa kanya bago ako mag-mukmuk. “If she was lying, bakit niya sa akin sinabi yon?” umiirap kong sinabi. Alaric shook his head. Nasa kama siya at may tinitignan sa laptop. Naka upo ako sa gilid niya, iniirapan siya pero hindi naman niya ako tinitignan. “I don’t know about her,” bored niyang sinabi. “Does she bother you?” tanong niya. Humalukipkip ako. “Malamang! Matapos kong makita na gusto siya ng mama mo, hindi ba ako mabo-bother?” Alaric smirked. “Seraphina, you are carrying my child. Our child. And the next child in the future. Stop this nonsense. Mama can’t dictate who I like.” Umirap ako. “Sinabi niya na playboy ka. Hindi ka nagseseryoso ng mga babae. Tinatapon mo ng parang basura ang babae kapag tapos kana sa kanila!” He looked at me. There is unadulterated desire in his
Eliza’s POVPinagmamasdan ko kung paano swabeng nagluluto si Alaric. The way he cut ingredients with his strong and veiny arms is such a sight. Hindi ko mapigilang pag-initan ng pisingi dahil lang sa kamay niya. Inangat ko ang mata ko sa mukha niya at kita kong medyo nakakunot ang noo niya. He was serious with what he was doing. Makapal ang kilay, palaging madilim ang mata na akala mo palaging may kinaiinisan. His broad shoulders are enough to tell that he is a sexy beast. “Uhm… tulungan na kita,” alok ko. I shifted my weight when he looked at me with a raised brow. “Maupo ka nalang doon at manood.” Kinagat ko ang labi ko. “What took her so long? Ano daw ang kukunin niya sa taas?” Narinig ko ang kaunting iritasyon sa kanyang tono kaya medyo kinabahan ako.“Ano… may gagawin daw siya. Gusto ko nga na sumama sa kanya pero sinabi niyang gusto niyang mapag-isa. Kaya lumapit na ako sayo kasi wala akong kasama manood.”Ayaw kong malaman niya na napaiyak ko ang girlfriend niya. Fling l
Dumeretso ako sa bathroom para ilabas ang lahat ng hinanakit ko. Kahit anong pigil ko sa mga iniisip ko ay hindi ko magawa. Eliza’s words started to resonate in me. Para kasing tugma ang mga sinasabi niya. Baka totoo na ginagamit lang ako ni Alaric at hindi naman talaga niya ako mahal. It’s too fast. First moment, ang sama niya sa akin. Grabi niya ako maliitin, ipahiya. Tapos the next thing I know ang caring niya. Biglang bumait at agad din naman akong bumigay. Kaya ito at buntis ako! Nakaharap ako sa salamin sa sink. Hindi humuhupa ang luha ko. Parang tinutusok ang puso ko dahil sa mga masasamang naiisip. Tama ba si Eliza? Ginagamit lang ba ako? Is this still revenge? Gulong gulo ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko.Nang mapagod ako ay umupo ako at saka niyakap ang mga benti. Ipinatong ko ang ulo ko sa tuhod ko at humagulgol. The thing about the mind is that it could be your biggest enemy. Imbes na tulungan ka niyang mag-isip ng ikabubuti mo, mas lalo pa niyang dinadagdagan ang
“Hello,” bati niya sa akin kahit nakita niyang irita ako sa presensya niya. Is she this dense na hindi niya makaramdam ang inis ko? Hindi ako nagsalita. Itinuun ko lang ang mata ko sa TV screen kaya tumalikod siya at sa kitchen nalang pumunta. Mariin ang titig ko sa TV at hanggang ngayon ay wala pa akong napipiling papanoorin. “I told Tita not to disturb you if you're busy but she insists you are not. Ibinigay niya sa akin ang address mo at pinapunta niya ako.” Si Eliza. Tumawa siya ng mahina.Bumaling ako sa kanila ng wala akong marinig na response ni Alaric. Kita kong umiinom siya ng tubig. Kumuha din ng baso si Eliza at nagsalin din ng tubig niya. “Kung hindi ka busy, pwedeng samahan mo ako? Hindi ko talaga kabisado ang pasikot sikot dito. Ang tagal na noong huli kong bisita dito,” parang nahihiya niyang kwento.Umirap ako sa kawalan. Putang ina mo!“I'm not busy but I'm also not available.” Ibinaba ni Alaric ang baso niya bago siya nagpawala ng hininga. “I'll just tell you wha
Gabi bago kami natulog ni Alaric ay tinawagan ako ni mama. Gusto kong sagutin pero sinabi ni Alaric na huwag daw muna. Ilang beses tumawag si mama. Nang mapagod siya ay nag-text nalang siya.[Come back home, Seraphina.]Kinaumagahan, alas syete pa lang ng magising ako dahil sa cellphone ko. Mahigpit ang yakap sa akin ni Alaric at nakaulon ang ulo ko sa balikat niya. Bahagya akong gumalaw para sagutin sana ang tawag ng hinila niya ako pabalik sa kanya.“It's too early. Mamaya mo na yan sagutin,” he whispered with his hoarse and deep voice. “Baka si mama?” “Call her after. Matulog muna tayo,” utos niya. Mabilis din akong nakatulog ulit. Nang magising ako ay alas dyes na. Wala na si Alaric sa tabi ko. Matapos kong lumabas galing sa bathroom ay dumeretso ako sa cellphone ko ng maalala kong may tumatawag nga pala sa akin kaninang umaga. And true enough, it was my mother. Naka 15 missed call siya. Hindi pa ako nagdadamit at naka bathrobe lang ako nang tumawag ako sa kanya. It didn't eve
Agaran ang pagtayo ni mama. Sina Scarlet at Serenity ay hindi alam ang gagawin.“What? Pregnant?” gulat na gulat na sambit ni Serenity. She looked at me with wide eyes. Ganon din si Scarlet.“What have you done with my daughter!” sigaw ni mama.Nanlamig ako. Hindi na ako makapagsalita. Hinawakan ni Alaric ang kamay ko at pilit na pinapakalma. “Ate, what is this? Is this true?” ani Scarlet. Mahina ang boses niya at halatang ayaw niyang paniwalaan ang mga naririnig.“Kung gusto niyong maghiganti, huwag niyong isali ang mga anak ko!” bayolenteng sigaw ni mama. Her eyes are bloodshot. “Anong maghiganti?” guluhang binanggit ni Serenity.“I don't plan to anger you, Mrs. Salazar. Perhaps we could talk about this calmly,” seryosong suhestiyon ni Alaric. Hindi ko man lang natunugan na takot siya sa mga nangyayari. Parang normal na ito sa kanya at hindi ito katakot takot. “Seraphina, how could you allow this to happen?” baling sa akin ni mama. “You are better than this. Why did you let this
Isang linggo bago ako nakakuha ng tyempo para sabihin sa parents ko ang tungkol sa pagbubuntis ko. Linggo ngayon at lahat kami ay nasa bahay. Dahil wala naman si Papa ay kay mama ko unang sasabihin. Hindi ko pa nasabi kay Alaric na ngayon namin sasabihin. Kakausapin ko muna si mama at sasabihin kong may boyfriend ako. Kasi magugulat siya kung agad kong sasabihin na buntis ako na wala naman siyang kilalang boyfriend ko. Nasa sala kaming lahat. Nanonood si Scarlet. Si Serenity ay panay ang text niya sa cellphone. Si Mama ay may binabasang libro. Nakatitig lang ako sa TV pero lutang ang isipan ko. Pinaplano ko sa utak ko kung paano ko sasabihin sa kanila.I shifted my weight when I finally decided to tell mama. “Mama…” tawag ko sa kanya. “Hmmm?” Hindi niya ako binalingan ng tingin. She just acknowledged me from her humming.Lumunok ako. “May sasabihin ako.”Tunog nini-nerbyos ang boses ko kaya lahat sila ay natigilan sa mga ginagawa. Ibinaba ni mama ang librong hawak niya at saka tumi
Seraphina POVI changed my mind. Iyong kaisipan na gusto kong ipa-abort ang baby ay nawala na sa plano ko. Alaric made me believe that everything will be alright. That I shouldn’t be scared of things dahil siya na ang bahala sa lahat. It made me feel at ease. Kung alam ko lang na siya lang pala ang magpapakalma sa marami kong iniisip ay sana pala sa unang araw matapos kong malaman na buntis ako ay sinabi ko na sa kanya. But then, I was so denial kaya ayaw kong ipaalam sa kahit kanino dahil baka may paraan pa. Baka may milagrong mangyari at bigla nalang na hindi pala ako buntis. But who am I kidding!Plano ni Alaric na kausapin ang parents ko matapos namin sa hospiital pero pinigilan ko siya. “Huwag muna ngayon. Sasabihan lang kita kung kailan,” mahinahon kong sinabi habang nagmamaniho siya. “Why not now huh?” Natunugan kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ko. His voice restrained. “Because I am still shocked by this. Titingin din ako ng tempo kung saan maganda ang mood ni Mama.” Il
Alaric POV Nasa opisina ako, nagtatrabaho ng bumukas ang pintuan. Pumasok ang kaibigan kong si Cole. Mainit ang ulo dahil sa problema siguro sa babae.I smirked. “What brought you here? Wala ka bang trabaho?” “Tsss!” iritado niyang sagot bago umupo sa sofa sa unahan ko. Ginulo niya ang buhok niya dahil sa init ng ulo.Itinigil ko ang ginagawa at ibinigay ang attention sa kaibigan. I smirked and raised a brow at him. “You know we shouldn't let any women control our emotions. Mabilis lang naman silang palitan kapag nagiging sakit na sila ng ulo.” He glared at me. He then loosen his tie and sighed defeatly. He once played with girls. Once he noticed the girl develops an attachment, itatapon niya lang ito at magpapalit ng bagong babae. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi nalang niya iwan ang fiance niyang palaging sakit ng ulo niya. “Speaking of, I was informed na may nag-aaply na Salazar sa kumpanya ko,” sabi niya, ayaw ng pabulaan ang payo ko tungkol sa babae niya. Agad na