“Bukas kana bumalik sa trabaho. You're tired.”Nakaupo ako sa sofa niya at medyo basa pa ang buhok. Kakatapos lang namin maligo. Pinapatuyo ko ng towel dahil wala siyang hair dryer dito sa opisina niya. “Okay. So, pwede na akong umuwi?” tanong ko. He chuckled. “No. You're not going home. Sa condo kita iuuwi ngayon. I'll just finish this and we'll go.”“Dala ko ang kotse ko. Hindi pwedeng iwan dito.” Hindi niya ako sinagot. Kalaunan ay may sinabi siya sa intercom.“Can you bring some food inside?” rinig kong sabi niya sa sekretarya niya. Hindi rin nagtagal ay pumasok ang sekretarya niya na may dalang cake at inumin. Ngumuso ako ng bigla kong naalala ang lasa nong pansit sa baba! Sayang yon! Nagparinig pa ako sa wala!Nang lumabas ang sekretarya niya, bumaling ako sa kanya.“Marunong kang gumawa ng pansit?” tanong ko. “I want pansit.” Pero kita kong seryoso siya sa binabasa niya sa laptop niya. Isang segundo lang siyang tumingin sa akin bago niya ibinalik ulit ang mata sa monitor.
Agad nanlaki ang mata ko. Agad kong naisip ang kalagayan ng condo ko. Shit! “Huwag na sa condo ko!” napalakas na sabi ko. Pero dere-deretso lang ang takbo ng kotse niya. “Ryker!” tawag ko. “Sa condo mo na. Hintayin nalang natin na umalis yong friend mo!” He laughed at me. “Why? What's wrong with your condo?” Makalat! Hindi ako nakapaglinis ng umalis ako dahil late na akong nagising! Wala akong nagawa nang dumeritso siya sa tower ng condo ko. Nakasimangot ako at nakakunot ang noo ng pagbuksan niya ako ng pintuan. “Come on, Serenity. Is there corpse in your flat?” tanong niya. Tumataas ng kilay sa akin.“Of course not!” inis kong sinabi. “Then let's go,” tumatawa niyang sinabi. Hindi ako lumabas ng kotse niya kaya hinawakan niya ako sa braso. Sapilitan niya akong pinaalis doon.“I'm sure umuwi na ang friend mo. Bumalik na tayo sa condo mo?” pilit ko sa kanya. I smiled at him to convince him further. He shook his head. “Nandito na tayo.” Pilit niya akong pinapaglakad habang ha
I was so busy typing the things I'm inputting in the data when someone suddenly stopped me.“Ma'am, ipinapatawag ka po ni Ms. Esperanza,” magalang na sinabi ng isang employee. Agad akong nagulat sa sinabi niya. Not that it's bad. I'm just not used to this. Palagi kasing si Chief at ang CEO lang ang tumatawag sa akin. Ngayon pati si Zephyra na?“Sige sige,” wala sa sariling sagot ko. I’m so busy with this tapos kailangan ko pang pumunta? Naibigay ko naman na ang kailangan niya ah! I'm still professional despite feeling annoyed by her. Hirap na hirap akong iniwan ang trabaho ko. I don't really like stopping my work lalo pag dere-deretso ang tintrabaho ko kasi yong momentum masisira!Mabilis ang bawat lakad ko. Hinahabol na baka pagbalik ko nandoon pa rin ang momentum. Pero nang dumating ako sa opisina ni Zephyra ay parang naglaho lahat ng momentum na sinasabi ko. “Where's the report I'm asking?” unang bungad niya sa akin. Not the typical Zephyra na mahihiya pa bago ka tatanungin. Ngi
“Ma’am Serenity, hindi ka pa po uuwi?” biro sa akin ni Mela, ang isang accountant na ka-team ko. Tumatawa siya dahil halos kaming dalawa lang ang nandito sa opisina namin. Tumawa rin ako. “Mamaya na. Wala naman akong uuwian na asawa. Baka ikaw meron?” biro ko rin. Humagalpak siya ng tawa. Kanina pa dapat kami nag-out. Pero hindi muna ako nag-out para matapos na itong trabaho na ginagawa ko. Nasasayangan ako na e-stop kasi malapit na akong matapos. “Samahan na kita ma’am. Wala rin naman akong inuuwian.” I smirked at her. Kaya lang, nang malapit na malapit na akong matapos sa work ko ay biglang tumunog ang cellphone ko. Hirap na hirap kong hinanap pa yon dahil wala akong interest na sagutin. Pero ng mahanap ko ang cellphone ko, tumaas ang kilay ko nang makitang new number ang tumatawag. Kahit ayaw kong sagutin, napilitan ako.“Hello?” bungad ko sa kabilang linya.“Hello ma'am, delivery po.” Nilayo ko ang cellphone ko sa tenga ko bago tinignan ulit ang number na tumatawag. Baka kas
Alas syete ng umaga ng umalis kami ni Ryker sa condo ko. Hindi pa kami nag diretsong lakad dahil dumaan pa kami sa condo niya. Kumuha pa kami ng mga damit niya para sa pupuntahan naming event. Matapos ng pag-iimpake ay saka pa kami tumuloy. Hindi siya ang nagmamaneho dahil medyo malayo ang Batanggas kaya nagpahatid kami sa driver niya. Malayo ang byahe kaya pagod ako ng dumating kami sa venue ng pangyayarihan ng event. Masyado sigurong formal ang party kasi hindi pa kami nakakalabas ng kotse ay pinagbuksan kami ng mga staff at iminuwestra kami sa loob. The place is a private villa. Habang sumusunod kami sa mga staff ay pansin kong marami na ang tao sa venue. Marami akong nakitang mga negosyante at mga politician. All are wearing their best clothes. “Uhm…what party is this?” baling ko kay Ryker. Hindi ko kasi inaasahan na mga kilalang tao pala ang mga bisita! Bigla akong na-conscious!He chuckled. “Some businessman’s birthday.”Tumango ako kasabay non ay may tumawag kay Ryker. “Mr
I gritted my teeth when Zephyra left me. Gusto ko siyang kumpromtahin kung bakit hindi niya itinanggi na hindi si Ryker ang kasama niya pero nagmadali siyang umalis! Damn! It also didn't set me well how she made me question things! Ano ang ibig niyang sabihin na baka may rason kung bakit palagi silang nali-link? Am I missing something?Kunwari akong nag-retouch bago umalis ng restroom. Bumalik ako sa kung saan ko iniwan si Ryker pero hindi ko na siya makita. Nagpalinga-linga ako sa paligid. Tumaas nga lang ang kilay ko nang makita kong may kausap siya. May mag-asawa siyang kausap at kasama sa grupo ay si Zephyra at ang parents niya! Ngumingiti si Zephyra sa mag-asawa habang tumitingin kay Ryker. Tumatawa din ang parents ni Zephyra sa mag-asawa! May humalo sa kanilang lalaki kaya nabaling sa bagong dating ang attention nila. That's when Ryker saw me. Agad siyang nagpaalam sa mga kausap at saka lumapit sa akin. “Where did you?” tanong niya. Hindi nga lang ako nakatingin sa kanya. Na
“Wala siyang sinabi,” naguguluhan kong sagot kay Ryker. “May dapat pa siyang sabihin?” He just gritted his teeth. “Let's go to our room,” galit niyang sinabi. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa may sasabihin si Cedric o may iba pa siyang ikinagagaglit?Mahigpit ang hawak niya sa akin habang pumupunta kami sa room namin. Hindi na niya binalingan si Zephyra kahit tinawag siya nito. Nang nasa loob na kami, hindi pa niya binibitawan ang kamay ko kaya hinigit ko ito paalis. Hindi nga lang niya ako pinakawalan.“Ryker, what is your problem?” “Why did that asshole tell you? Bakit siya bumubulong sayo?” iritado niyang tanong. I rolled my eyes at him. “Wala! Binubulong niya na bagay daw kayo ni Zephyra!” inis ko ding sagot. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa akin. He sighed heavily when he heard what I said. Doon lang niya tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko. Medyo namumula na dahil sa rahas niyang humawak. “Huwag kang lumalapit kay Cedric,” banta niya. Galit pa rin
Three days after namin sa Batanggas ni Ryker ay ipinagawag ako ni mama sa bahay. Akala ko ay may problema sila sa akin kasi tunog galit si mama. Kabado ako habang naglalakad papasok sa bahay. Ngayon lang ako makakabalik simula ng party sa mga Ferrer kaya kabado ako. Kahit kasi mga weekends ay hindi na ako bumibisita kaya hindi ko alam kung bakit ako ipinatawag ni mama. Binati ako ng isang kasambahay nang pumasok ako. Ngumiti lang ako kasi okupado ang isip ko kay mama. “Nasa taas po ang mama niyo. Ipinapasabi niya na dumiretso daw po kayo sa kaniya pagdating niyo,” pahabol ng kasambahay bago siya tumuloy sa kusina.Huminga ako ng malalim bago tinungo ang hagdanan. Nang nasa pintuan ako ng kwarto nila ni papa, mahina akong kumatok. Hindi pa nag-iisang minuto nang bumukas ang pintuan. Akala ko si mama ang nagbukas. Si Scarlet pala. Iminuwestra niya ako sa loob. “Anong meron?” medyo kabado kong tanong. Hindi muna ako pumasok. Maganda ng malaman ko muna. Scarlet smirked at me. “You'l
Serenity Isla Salazar-SaldivarApat na araw na kami dito sa Pilipinas. Nakadalawang balik na rin si Ate dito sa condo para manduhan ako na sabihin na kina mama ang tungkol sa kambal ko. Palagi ay sinasabi kong hindi muna. Not that I don't want them to know, hindi pa ako ready! I want my children to settle first before I let other people in their life. “Mommy, can I come?” nakasimangot na tanong ni Ryka. Namumungay ang matang nakatingin sa akin. I was facing my vanity table as I was finalizing my make-up. Naka-white spaghetti strap dress ako na hapit na hapit sa katawan ko. I wore a silver set jewelry na binigay sa akin ni Ryker. Bumaling ako sa anak ko. “The party is only for adults, Baby. When you grow up, you can start attending parties.” pang-aalu ko. May dadaluhan kaming party ni Ryker ngayon. Hindi maisasama sina Ryka at Soren kaya iiwan namin sila kina ate. Soren was fine with it. Nandoon si Luca at paniguradong maglalaro sila. Ryka on the other hand wanted to wear a dress
Ryker Knoxx SaldivarAgad na humalakhak ang tito ko nang marinig niya ang sinabi kong wala akong gusto sa pinapagpilian niya sa akin. “Akala mo siguro, hijo, may choice ka pa maging choosy? Darating din ang panahon na mamimili ka sa dalawang ito, ang gawing acting CEO ang anak ko para ipamana niya ang kumpanya sa magiging anak niya o pakasalan si Natalie para gawing hier ang anak niya!” Tumawa rin ako kay Tito. “This is my life, Tito. I choose what I want. It just so happens that what I want is not one of your choices.”I heard my father laugh. “Now, you heard what my son wants, Ardnold! Stop this nonsense already!” “You called this nonsense, Geoffrey? Kapakanan ito ng kumpanyang binuo ng ninuno natin!” inis niyang baling kay papa.“Ninono natin? Ang ama ko ang bumuo ng kumpanyang ‘to, Arnold. Walang ambag ang papa mo kaya huwag mong sabihing ninuno natin,” sarcsatic na sinabi ni papa sa pinsan niya. “Kung ito lang ang ipinunta niyo dito ay pwede na nating tapusin ‘to. Pretend thi
Ryker Knoxx Saldivar After we went back to the Philippines, sunod sunod na ang meeting na kailangan kong puntahan. My son wanted to buy his playstation and damn those meetings if I failed to get him one. We have already postponed it because of Alaric's visit. Ngayon ay kailangan kong siguraduhin na makakabili kami.“Make sure I don't have a meeting this afternoon. I have important things to do,” sabi ko sa sekretarya ko. “Yes, sir.” Nagpakawala ako ng malalim na hininga bago binasa ang kailangan kong permahan na mga documents. Iyon ang ginawa ko habang hinihintay ang meeting na kailangan kong puntahan. Natigil lang ako sa pagbabasa nang tawagan ako ng secretary ko para ipaalam sa akin ang meeting ko. Hinilot ko ang sintido ko bago tumayo. Matapos ay dumiretso ako sa left wing para sa meeting ko sa araw na ito. Natahimik ang mga empleyado nang pumasok ako sa loob. Kita kong nagsiupuan sila ng maayos at natuun ang attention nilang lahat sa akin. Tension suddenly surrounds the room.
Kita ko ang gulat kay Ate. Hindi ko alam kung ilang minuto siyang natulala kay Ryka bago siya nakapagsalita. “Serenity, what is the meaning of this?” gulat na gulat niyang baling sa akin. “Did I hear it right? Tinawag ka niyang Mommy?” Napalunok ako. Hindi pa tumutulong na bumababa si Ryker galing sa taas. Natigilan siya nang makita niyang naroon sina Kuya Alaric. Matalim na ang tingin ni Kuya Alaric kay Ryker. Parang inaakusahan niya ito. “Daddy, we have a visitor. It’s Mommy’s friends,” ani Ryka. Kita ko ang pagtayo ni Soren at naglakad papalapit kay sa Daddy niya. “Are we going, Daddy?”Walang pakialam si Soren sa mga nangyayari kanina at patuloy lang siyang nanonood kaya hindi siya napagtuunan ng pansin ni Ate. Ngayon na lumapit si Soren kay Ryker ay napaawang ulit ang labi niya. Ryker licked his lips. “Can we postpone it tomorrow? Your Mommy has a visitor.” Ngayon sana sila bibilli ng playstation niya dahil baka hindi matuloy bukas dahil sa maraming meeting pero mauudlot pa
Kinabukasan, maaga akong nagising. Hindi ako nakapag impake kagabi dahil mabilis akong natulog kaya ngayon ko sana gagawin. Matapos kong maligo at mag-ayos, lumabas ako ng kwarto namin para ipag-imapake ang mga anak ko. Kaya lang, nang bumaba ako para magkape, nakita ko ang maraming luggage sa baba. Ilang segundo akong natigilan sa hagdanan bago ako nagpatuloy sa pagbaba. Nakita ko ang isang kasambahay na dinagdagan niya ang maraming luggage na nakalinya. “Whose things are those?” Bumaling sa akin ang kasambahay. “It’s Soren and Ryka, ma’am. Ma’am Diana instructed us to pack for them." Napahinga ako ng malalim. Akala ko ay ngayon ko pa sila ipag-iimpake. At sa dami ng gamit nila, baka gabihin ako! “Can you also pack my things?” utos ko sa kasambahay. Mabilis siyang tumango. “Don’t mind my husband. He will not get mad,” dagdag ko dahil mukha siyang nag-aalinlangan. Nasa kusina ako dumating si Soren sa akin. Nagtetempla pa ako ng kape ko. “Good morning, Mom.” Nag
Kinaumagahan, tinanghali ako ng gising. Kung hindi pa ako ginising ni Ryker ay hindi pa ako babangon. Naramdaman kong hinahalikan niya ako sa sa pisngi habang bahagyang inaalog. “Wake up, hinahanap kana ng mga anak mo.” I groaned. “Pagod ako, Ryker. Masakit ang katawan ko!” Mabilis siyang natawa. “Sino kasing naghamon ng maraming rounds huh?” panunuya niya. Sumimangot ako. Imulat ko ang mata ko at tumambad sa akin ang nakangising si Ryker. “Wake up. We should go out with the kids,” aniya. We did three rounds. Hindi ko alam kung bakit sabik na sabik ako sa kanya. Maybe it's because it's been so long since I got intimate? Pero kanino naman kasi ako magpapaligaya diba? Kaya siguro naipon at ngayon sumabog. Hindi niya ako tinantanan hanggang sa hindi ako bumabangon kaya wala akong nagawa. Bumangon ako at mabilis na naligo at nag-ayos. May plano pala sila na mag-mall kaya nila ako binulabog. Kaya matapos kong kumain, mabilis kaming umalisl. Nasa likod si Ryka at Soren. Si Ryker a
Buong araw na hindi ako pinapansin ni Ryker dahil natuun ang attention niya sa mga anak niya. Kahit nong kumain kami ng dinner ay hindi man lang ako tinanong kung anong gusto ko. Mas inuuna pa ang mga anak namin. Not that it's his fault pero pinapabayaan na niya ako! Tapos na akong maligo at nagbihis na pampatulog. Alas dyes bago siya pumasok sa kwarto. Umirap ako sa kawalan. Bakit pa siya pumasok. Doon siya sa kwarto ng mga anak niya!Nang marinig kong naglalakad siya palapit, mabilis akong pumunta sa kama para makatulog na. “Matutulog kana?” tanong niya. “Oo. Goodnight!” Humiga ako at mabilis na ipinikit ang mata. Gumilid ako para hindi ko siya nakikita. Bakit pa kasi pumasok! “Is there something wrong?” biglang tanong niya, nananatya ang boses. Umirap ako. “Is there something wrong, Ryker?” tanong ko pabalik. I heard him chuckle. “That is why I'm asking. I don't know what's wrong.” “Wala naman pala. Bakit ka pa nagtatanong?” tunog sarkastik na sabi ko. “Matutulog na ako. G
Nasa ganon kaming posisyon nang dumating si Ryker kasama si Ryka. Mabilis na kumalas sa pagkakayakap si Soren pero napigilan ko siya. Halatang tatakbo siya palayo. “I told you to give your daddy a chance. You agree to me,” paalala ko sa kanya. Napilitan siyang tumango. Bumaling siya kay Ryker ng may pag-aalinlangan. Bumaling din ako kay Ryker. “He wants to talk to you.”Kita ko ang pagsilay ng gulat sa mata niya. Pero mabilis lang iyong nawala at napalitan ng pagkamangha. “Ryka, come with me. We have to talk,” baling ko kay Ryka na ayaw pang sundin ang utos ko. Nagtago siya sa likod ng daddy niya para hindi ako makita. Unti-unting lumapit si Ryker kay Soren. Lumayo ako sa kanila at saka hinawakan si Ryka para hindi siya maka-istorbo sa usapan nila. Not that she will ruin their moment. Natatakot lang ako na baka kung ano na naman ang lumabas sa bibig niya habang nag-uusap sila. Hinawakan ko ang kamay ni Ryka at saka kami lumayo sa kanila. Nakatanaw kami habang nag-uusap sila. “M
Nangingilid ang luha kong bumaling kay Ryker. He sighed defeatedly. Mabilis siyang lumapit sa akin at saka ako niyakap. “He doesn't want to come?” namamaos niyang tanong. Hindi ko nagawang sumagot. I feel like if I tried to speak, it would hurt Ryker. Niyakap ko nalang siya ng mahigpit. I feel so sorry for him. He really wants to be close with Soren. I could see it in his eyes. Hindi ko lang alam kung bakit masyadong nagtatampo si Soren na kahit ang pagbigyan siyang kausapin ay wala. “Don't worry, I will talk to him. He's just new to this,” pag-assure ko kahit ako ay hindi sigurado. Kumalas ako ng yakap nang marinig kong papalapit sa amin si Ryka. She was holding a cupcake and was happily walking near us. Mabilis akong umupo sa tapat niya nang makalapit siya.“Why did you tell Soren that I would hate him if he didn't come with us?” medyo galit kong tanong. Mabilis nawala ang ngiti niya. Natahimik siya at naibaba ang kamay kung saan dapat ay susubo siya ng cupcake. “Serenity,” b