Sinungaling kang hayop ka! Sinungaling ka talaga, Nathan!
Labis ang galit sa dibdib ni Laura nang malaman ang ginawang kasinungalingan ni Nathan sa magulang nito at sa mga kaibigan niya. Nunca ba namang sabihin na nahulog siya sa hagdan.“Auntie Tess told me that, too. And besides, naniwala kami, dahil ang sabi ng doctor is malnourished ka. Sabagay, kita naman iyon sa katawan mo, eh. Biglang bagsak ng katawan mo, Klarisse.”“Ano ang sabi ng pinsan mo tungkol sa pagiging malnourished ko?”“That you have difficulty dealing with your life? Ni kahit ang kumain ay hindi mo magawa? And you’re being paranoid...”“Paranoid about what?”“That my cousin is having an affair, kahit ang totoo ay wala naman daw siyang kalaguyo. At sabi niya ay sinasaktan mo raw siya, and that you even cut his arm.”“What the hell is he talking about?!” Naikuyom ni Klarisse ang mga kamay niya. Sobra na ang asawa niya! Maging ang sanity niya ay nilalagyan ng bahid para lang masira siya! She can’t take this shit anymore!Kung mayroon lang na makakapag-ahon sa kanya sa kinasadlakan na kapalaran, kahit na kaluluwa niya ang kapalit, papayag siya! Basta, huwag lang dumating sa punto na masiraan talaga siya ng bait.“I swear to God na hindi totoo ang mga sinabi sa inyo ni Nate, Charlotte. Oo, hindi ako maganang kumain this past few days, at dahil na rin iyon sa pinsan mo. Sino ba naman ang gaganahan na kumain kung bawat subo mo ng pagkain at isusumbat sa iyo?! He’s treating me like a garbage! Hindi ko alam kung bakit ganito kung makitungo sa akin si Nathan, Charlotte. Nahihirapan na ako sa kanya. Gusto ko na lang mamatay kaysa ang makasama pa siya.”“At iyong sinabi niya na sinugatan ko siya?! The heck! I am not capable of doing that thing to him! Matino pa ang utak ko para hindi siya labanan, Greta, Charlotte! Ako ang biktima rito! Alam ninyo ang pinagdaanan ko sa kanya. Hindi ba nakita ng mga doktor ang mga pasa ko sa katawan? Ang mga paso ko dahil sa ginawa niyang kabaliwan?! Why does it seem that I am the criminal here?!” Hinawakan ni Klarisse ang ulo niya gamit ang dalawang kamay dahil parang sasabog na iyon sa tindi ng pinagdaraan niya.Sino ba ang mag-aakala na may isasama pa pala ang Nathan na nakasama niya noon?Karma ko na ba ito? Karma ko na ba ito sa pang-iiwan ko sa iyo? Kumusta ka na kaya?Napailing siya. Bakit kaya sa kabila ng taong lumipas, hindi man lang nawala sa alaala niya si Michael? Na para bang kahapon lang nangyari ang hiwalayan nila na siya rin ang dahilan. Napaiyak siya dahil ang totoo, ay miss niya na ang binatang una at siguro ay huli niyang mamahalin.God knows how much she wants to see him again. Gusto niyang makita ulit si Michael, kahit sa isa pang pagkakataon.“Oh God, Klara, kung may magagawa lang kami sa iyo. Kung puwede lang sana na umalis ka sa puder ni Nathan...” saad ni Greta sa pag-aakala na ang iniiyak ng kaibigan ay ang sitwasyon niya ngayon.Inalo siya ng dalawang kaibigan. Niyakap siya ng mga ito na para bang sa ganoong paraan ay maiibsan ang bigat ng nararamdaman niya. But what she’s experiencing right now is far from her real problem. Wala rin siyang planong takasan ang buhay na pinili niya.“Yeah, right. Tama si Greta, Klarisse. Kung hindi mo na kaya. Maybe, it is time for you to let go. Iwan mo na si Nathan... Tumakas ka. Tutulungan ka namin.”Umiling si Klarisse. Pinunasan muna niya ang mga luha at pilit na ngumiti. Oo nga at maraming dahilan para tumakas siya. Pero sa dami ng dahilan niya ay nadadaig nito ang katotohanan na kasal siya. She was legally binded in front of the altar, and made a vow with Nathan. At iyon ang sakramento na hindi niya kayang sirain.“Ano ang sabi nila Tita Tess and Tito Louis sa mga kasinungalingan ni Nathan?” pag-iiba niya tanong sa kaibigan. Hangga’t maari ay ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa pakikipaghiwalaw dahil baka ma-tempt siya at sumira sa pangako niya. Besides, nag-aalala rin siya na baka galit na ang mga magulang ni Nathan sa kaniya. At iyon ang hindi niya kayang mangyari.Sabay na napabuntonghininga ang dalawa niyang kaibigan.Si Charlotte naman ay napatingin kat Klarisse. Gusto niyang sabihin ang totoo kay Klarisse, pero paano? Kahit siya ay takot kay Nathan. Takot siya sa pinsan lalo pa at mukhang nasiraan na iyon ng bait.Ang awa niya sa kaibigan ay parating napapalitan ng takot para sa pinsan niya. If she was brave enough, wala na sanang puwede na maghirap. Hindi na sana naghihirap pa ang kaibigan niya.Kung sana ay may tutulong kay Klarisse, baka sa ganoon na paraan ay makausad ang kaibigan ko mula sa kamay ng pinsan ko...“Hindi ba, Charlotte?” untag ni Greta sa kaibigan kasabay ng pagkalabit niya sa balikat ni Charlotte.Napaigtad pa ang babae. Napahawak din ito sa dibdib na halatang nagulat talaga. “H-ha? W-what is it?”“Ang sabi ko, hindi nagalit si Tita at Tito kay Klarisse, right?” Tumango si Charlotte. “And besides, si Nathan pa nga ang pinagsabihan, eh. Baka raw kasi gumagawa ng kalokohan kaya ka raw nagkakaganito.”“Ah, yeah. Alam mo naman na mahal ka ng pamilya namin, Klarisse, eh. You don’t have to worry about them getting angry. Alam naman namin that you’re not capable of doing such things.”Sa sinabing iyon ng mga kaibigan ay nakadama siya ng kaginhawaan. Sapat na iyon para mapanatag siya.Matapos ng usapan nila at kumain silang tatlong magkakaibigan. Magana rin ang naging pagkain niya lalo pa at sa susunod na araw ay puwede na siyang lumabas ng hospital.Hindi niya alam kung bakit tila may mga paru-paru na nagliliparan sa sikmura niya. She’s feeling excited without a reason. Kung noon ay tinatamad siyang lumipas ang araw, this is time, it’s different. She can’t explain it.Nang magpaalam si Charlotte ay naiwan silang dalawa ni Greta. Total naman daw ay wala si Nathan at malamang ay nasa casino ito. Tahimik lang silang nanonood ng T.V nang bigla itong may sabihin sa kanya...“Alam mo na ba ang nangyari noon sa ex mo?”Napalingon siya rito. At ang ginawang pagsubo sa nacho ay nabinbin dahil sa binitawan nitong mga salita.“S-sino?” tanong niya kahit pa tila alam niya na ang tinutukoy ng kaibigan niya.“Si Michael... Bakit, may iba ka pa bang naging ex bukod sa kanya?”Kumabog ang tibok ng puso niya. Ito ang epekto sa kanya ng lalaki. She’s like a teeny-bopper na nakita ang crush sa pasilyo ng classroom nila.Maybe it’s the same old story. But why does my heart beats faster than usual whenever someone utters your name? Maybe it’s the same old story. Pero bakit hindi nakakasawa na pakinggan ang tibok ng puso ko kapag pangalan mo ang binabanggit ng kausap ko.Perhaps, it’s insanity.I miss you. No—I miss you more than words... I want to see you. I want to touch you. Even if it takes forever, I still want to see you, Gang...“Hoy, gaga, natahimik ka na riyan? Okay ka lang ba?” natatawang saad sa kanya ng kaibigan sabay kalabit sa kanya. Pero nang makita ni Greta ang mukha ng kaibigan ay natahimik ito. Sandaling natulala bago siya nilapitan. “Oy, ano ang problema? Bakit ka umiiyak? May masakit ba sa iyo?” nag-aalalang tanong sa kanya ng kaibigan. Inabutan din siya nito ng tissue. Umiling siya, pagkatapos ay inabot niya ang tissue na ibinibigay nito. Sinubukan niyang punasan ang luha niya, but to no avail, patuloy pa rin ang mga iyon sa paglandas. Natatawa siyang lumuluha nang harapin ang kaibi
Nakatingin si Klarisse sa labas ng bintana sa kwarto nilang mag-asawa. Maulan kaya naman nagkaroon ng mist sa bintana sa harapan niya. Hinipan niya ang bintana bago isinulat ang salitang MICHAEL...The name stayed for about a minute, at mayamaya lang ay nawala na rin.Malalim siyang napabuntonghininga. The faded written name hit her really hard. Katulad kasi ng pangalan, ang nagmamay-ari nito ay ilang sandali niya lang nakasama. At hindi niya alam kung makakasama pa ba niya o makikita man lang kahit isang beses sa nalalabing buhay niya. Pumikit si Klarisse, dahil ito na naman. Nararamdaman niya na naman ang lungkot na sa tingin niya ay kahit na anong gamot ang inumin niya ay hindi tatalab para maging okay siya. Kailan ba siya huling naging masaya? Ah, matagal na. Noong si Michael pa ang kasama niya. And that was 5 years ago. Wala siyang magagawa. Kasalanan niya ang nangyari. Nakipaghiwalay siya rito dahil ang buong akala niya ay matutunan niyang mahalin si Nathan. Pero hindi nangy
Nasa kusina si Klarisse nang dumating si Nathan. Kasalukuyan siyang naghahanda ng pagkain para sa hapunan nang bigla itong nagpunta sa likuran niya. Yinakap siya ng asawa kasabay ng pagkapa sa utông niya. “Let’s have sex here, Klara... I want you,” bulong nito sa puno ng tainga niya.Napapikit si Klarisse. Hindi dahil nagustuhan niya ang ginagawa ng asawa, kundi dahil nakaramdam siya ng pagkasuklam dito. Isang mahabang buntonghininga ang pinakawalan niya bago humarap kay Nathan at pilit na ngumiti. “I have my monthly period right now, Nate...”“Ow? Is that so? Tsk! Sayang. Gusto pa naman kitang brutsahin hanggang sa manginig ang tuhod mo at mawalan na ng lakas. But forget it. Kumain ka na ba?”Nagsalubong ang kilay ni Klarisse dahil sa inaasta ngayon ni Nathan. Mabuti na nga lang at nakatalikod ito kaya naman hindi nito nakita ang reaction niya. “Maganda yata ang mood mo ngayon?”“Yeah. Halata ba?” Hindi sumagot si Klarisse. “The meeting didn’t go well. But, you’re all I need to cl
Kinuha ni Klarisse ang kamay ni Michael na nakalahad sa kanya. His hand is warm. Indikasyon na totoo nga na nasa harapan niya ito. Tapos na ang panahon na hinahanap-hanap niya ito. Dahil heto, hindi lang ito nasa harapan niya, kundi ay hawak pa nito ang kamay niya. Si Michael naman, nang mahawakan ang kamay ng dating katipan ay agad niyang inalalayan na tumayo si Klarisse bago ito hinila palapit sa kanya. Gamit ang jacket na binili niya kanina ay isinuot niya iyon kay Klarisse bago kinuha ulit ang kamay at hinipan. Nang bitiwan kanina ni Michael ang kamay ni Klarisse ay nakaramdam ng pagkadismaya ang babae. Pero dahil sa ginawa nito ngayon ay napuno ulit ng kasiyahan ang puso niya. Matinding ginhawa ang naramdaman niya dahil sa ginawa nito. “O-okay na. Salamat, M-Michael...”Tumingin lang sa kanya si Michael at tumango. Mahaba at nakabibinging katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Lihim siyang nakatingin kay Michael na nakaangat ang mukha at nakatingin sa kawalan. Aaminin
Kung bomba man na inilapag sa kanilang harapan ang sinabi ng babae, baka kanina pa nagkalat ang laman nilang mag-asawa. They were being like caught off guard. Si Klarisse ay hindi makapaniwala na nakatingin kay Michael na nakatunghay na rin sa kanya. Blanko ang ekspresyon ng mukha nito. “Wh—w-what d-did you s-say?” nauutal na tanong ni Nathan. “Siya ang may-ari ng M and R company. He owns this mall and restaurant, too, Mr. del Prado... At dahil pinirmahan mo na ang mga papel ng building na ibenebenta mo, siya na rin ang may-ari noon.” “But—what the fuck?! Niloloko n’yo ba ako?!” malakas na sigaw ni Nathan kasabay ng pagbagsak ng kamay nito sa lamesa kaya nagtinginan sa gawi nila ang ibang costumers. “Paano naging may-ari ang gagong iyan ng pinakamalaking kompanya sa buong Asya kung isa lang siyang janitor?!”Tumayo si Klarisse para pigilan si Nathan pero tinabig lang siya nito dahilan para na-out of balance siya. Ang inaasahan ni Klarisse na sahig na sasalo sa kanya ay hindi nangy
Patuloy na itinutulak ni Klarisse ang humahalik sa kanya. Kahit gusto niya ang halik nito, kahit gusto niya ang labi nito, kahit mahal niya ito. Ayaw niya nang maging laruan pa ng kahit na sinong lalaki, kahit pa ni Michael. Pagod na siya. Ayaw niya nang hayaan na babuyin siya ng kahit na sino kaya kahit sa kabila ng gusto niya ang ginagawa ng lalaki ay nanlaban siya. Patuloy niya itong itinutulak. But the man keeps on kissing her. Hindi ito tumigil at mas pinatikim pa sa kanya ang mapagparusang halik. When Klarisse tasted blood on her lips, ay impit siyang napaiyak dahilan para tumigil ang lalaki. “Damn it! Damn it! Damn it!” sunod-sunod na mura ni Michael habang pinupukpok ang pader. Matapos ang ilang segundo ang tila nahahapo itong tumingin sa kanya. “Bakit mo ako iniwan, Klarisse?! Bakit?!” Naroon ang panunumbat sa boses nito nang magsalita ito. Hindi nakasagot si Klarisse sa tanong nito. Napatitig lang siya sa dating katipan habang umiiyak. Nababasa ni Klarisse ang
Matapos ng usapan ni Michael at ni Klarisse sa loob ng C.R ay lumabas na silang dalawa. Maayos na ang lagay ni Klarisse, at kahit papaano ay nagkaroon siya ng kumpyansa na magiging maayos din ang lagay ng mga bagay para sa kanilang dalawa ni Michael. That was Klarisse thought too. Pero nang magbalik sila sa restaurant na kinaroroonan nila kanina ay naroon at naghihintay na rito si Honey Valera. Nakalimutan niya na ito pala ang babae ngayon sa buhay ni Michael. Gusto pa sanang ihatid ni Michael ang babae, ang kaso ay sinalubong na siya ni Honey Valera. Something came up. Humarap siya kay Klarisse para magpaalam, pero hindi pa man siya nagsasalita ay tumango na ang babae at bahagyang ngumiti. Bumuntonghininga ang binata at nagpaalam. Si Klarisse ay nagpasya na magpaiwan sa restaurant dahil may bibilhin pa raw ito. “I know what you are doing...” saad sa kanya ni Honey. Magkatabi sila ngayon sa back seat. Napalingon si Michael sa dalaga at bahagyang natawa. “Nagseselos ka ba, Sweethea
“What? Seriously? Oh my gosh! I can’t believe what you have said. Sigurado ka ba talagang si Michael iyon?” Mula sa ginagawang paghihiwa ng rekados para sa chapsuey ay humarap si Klarisse sa kaibigan na si Greta. Narito sila sa bahay nila ni Nathan ngayon. She called Greta dahil siya lang mag-isa. Hindi niya alam kung nasaan na ang mga katulong nila. Si Nathan naman ay hindi pa umuuwi simula kahapon kung kailan ibenenta nito kay Michael ang lupa at building na pinagtayuan ng construction firm dati. “Yeah. Nakausap ko siya nang harapan.” Natulala si Klarisse. Ang totoo ay umaasa siya na pupuntahan siya ni Michael sa bahay nila o kaya naman ay tatawagan. Pero hindi iyon nangyari. At kahit ang anino ng dating katipan ay hindi niya na ulit nakita matapos ng nangyari sa C.R ng mall b Dahil sa narinig ay naglakad si Greta papunta sa kaibigan. Na-excite siya. Hindi niya inaasahan na ganito ang magiging takbo ng buhay ng kaibigan. Masaya siya dahil nagkita na ito at si Michael. Ang kaila
Habang inihahatid ng tingin ni Michael si Audrey ay hindi niya maiwasan ang mapailing. He knows there is something she is hiding. At aalamin niya iyon kahit na ano ang mangyari. If he's being paranoid and being judgemental, ngayon pa lang ay magso-sorry na siya. Pero malakas talaga ang kutob niya. He trusts his human instincts. May nagsasabi sa likod ng isip niya na tama ang kutob niya. He feels it within his bones. Nang hindi niya na makita si Audrey ay saka niya tiningnan ang gawi ng taong nakita niya kanina. Wala na ang tao, pero ang kotse na kinatatayuan nito kanina ay naroon at naka-park pa rin. Napailing siya nang kumabog ang puso niya. Ang kabog na alam niyang hindi siya tatantanan hanggang hindi niya nalalaman ang totoo.Naglakad si Michael papunta sa kotse na kinatatayuan ng estrangherong hindi niya man lang nakita ang mukha.Nang makarating sa tapat ng kotse ay saka niya kinatok ang bintana ng kotse. Nagbabakasali siyang may tao sa loob at pagbubuksan siya ng bintana. But w
Audrey was begging. Begging for his love. He wanted to ask why? But does it matter?Hindi niya alam ang sasabihin sa babae. Pero gusto niya itong hawakan at kabigin papunta sa kaniya para lang yakapin, pero hindi niya iyon ginawa. Ayaw niyang umasa ang babae. Ayaw niyang magpadalos-dalos sa mga ginagawa niya.Paano kung naguguluhan lang din siya? Paano kung naghahanap lang siya ng pagbabalingan ng atensiyon niya para lang makalimutan si Klarisse?At kung gawin niya na kabigin ito, paano kung mag-assume ito na gusto niya rin ito? Mas magkakaroon siya ng malaking problema lalo pa at kilala na niya ang ugali ng babae na para bang what Audrey wants, what Audrey gets.Tumingin ulit si Audrey sa kaniya. Mas malamlam ang mga mata nito, mas malungkot. Nakikiusap ang mga mata nitong nakatitig sa kaniya.Heto, isang babae, isang matagumpay na babae ang kusang lumalapit sa kaniya para mahalin niya. Pero siya? Pilit niyang iniiwasan ang babae dahil sa maraming dahilan. Isa na roon si Klarisse.“W
“So, we meet again.”Napatingin si Michael sa babaeng nagsalita. Si Audrey. Simple lang ang suot nito. Nakapantalon at T-shirt na kulay black. Plain lang iyon kaya mas lumabas ang angking kaputian ng babae.Limang buwan niya rin itong hindi nakita nang personal, dahil parati naman itong lumalabas sa T.V dahil sa dami ng achievements nito sa pagiging doktor.“What is it this time, Audrey?” Malumanay lang na tanong niya kahit pa ang totoo ay napapagod na siya dahil lang sa pakikipag-usap dito. Nagpakawalawa pa siya nang mahabang buntonghininga.Natawa naman si Audrey na para bang may sinabi siyang nakakatawa.“Grabe ka sa akin, Mr. Ratcliffe, ah. Wala pa nga akong ginagawa, naiirita ka na. Wala bang nakapagsabi sa iyo na kapag naiirita ka sa isang tao, ay dahil gusto mo ito?”“What?” Nangunot ang noo niya dahil sa sinabi ng dalaga.“Do you really like me that much, huh?”Naglakad siya palapit sa kotse niya , at iniwan ang babae. But what's weird is, he's expecting her to follow him. Kay
Pagdating sa bahay nila Sebastian ay namangha siya sa marangyang pamumuhay ng lalaki. Yes, he's wealthy now, but it doesn't change the fact that he still came from the slumber. At kung hindi pa yata sa ama niyang may pera ay hindi siya makakaahon sa buhay kahit pa magtrabaho siya habang buhay.Naniniwala siya sa swerte, pero hindi nakakabit sa kaniya ang salitang iyon, hanggang sa dumating si Honey sa buhay niya. Ang kapatid niyang nagsisilbing anghel niya.The thing is, this question is always running on his mind.Paano kung nagkataon na hindi si Honey ang kapatid niya? Paano kung nagkataon na gahaman ang kapatid niya at hindi siya nito hinanap?Baka hanggang ngayon ay nagbubuhat pa rin siya sa pier at napag-iwanan na ng buhay.But God made a plan only for him and that plan made him a better person now.“Are you all right?” A sudden voice appeared kaya naman halos mapatalon pa siya sa gulat.“Did I startle you?” Nakangisi pa ang nagmamy-ari ng boses nang tingnan niya. “Mukhang malali
“K-Klarisse...” anas niya ulit. “W-why are you d-doing this to me, Gang?” tanong niya kahit pa ang totoo ay hindi naman talaga siya sigurado kung ang kinakausap niya ay ang babaeng tinutukoy niya. Dinaig niya pa ang batang bago pa lang nagsisimula na maglakad. Nangangapa pa siya. At hindi niya alam kung ano ba ang dapat na gawin. “I-is that y-you, Gang?” tanong niya na nanginginig ang boses niya. Napangiti siya. Isang ngiti na dinaig pa ang namatayan dahil sa hindi maipaliwanag na sakit na nararamdaman niya. Para siyang tanga na umaasa sa wala. This moment, it’s like he's waiting for rain in a dry desert. Hahakbang pa sana siya palapit sa bulto ng tao ngunit binalot ng kadiliman ang buong parking lot. A sudden brownout enveloped the parking lot. “Damn it!” mura niya sabay takbo papunta sa bulto. Ginawa niya ang lahat ng makakaya niya para lang makalapit agad sa taong hindi niya naman sigurado kung iyon nga ang hinahanap niya. Nang mahawakan niya ang braso ng taong kausap niya
“K-Klarisse?” nanginginig ang boses na turan ni Michael.Maging si Honey at Eros ay biglang napatingin sa kaniya. May balak pa sanang agawin ni Honey ang cell phone sa kaniya subalit inilayo niya sa kapatid ang cell phone na hawak.Iminuwestra din ni Michael ang kamay para pigilan ang kapatid sa paglilikot kaya naman tumango ito bilang pagsunod sa sinabi niya rito.“K-Klar—” Umiling si Michael. Imposible na si Klarisse ang kausap niya. Bigla siyang natauhan sa kagaguhan. “Sino ito?” seryoso niyang tanong.“Psh! Oh, kumusta ka na?”Napakunot ang noo ni Michael nang mapagsino ang nasa kabilang linya. “Charlotte?”“Yes, that's my name. I’m glad na kilala mo pa ako.”Bumuntonghininga si Michael. Nakaramdam siya ng pagkairita pero hindi niya na lang iyon ipinakita sa kausap lalo pa at ang balita niya ay buntis ito.“Niloloko mo na lang ako parati.” Pumalatak siya bago tumingin sa mag-asawa at umiling. Dinukot niya na rin ang susi na nasa bulsa niya at ipinakita sa mag-asawa. “Alis na muna
It upsets him.At habang iniisip ang napag-usapan nila ni Eros ay bumabaliktad ang sikmura niya kahit pa nga kalalaki niyang tao. Hindi niya pa rin maisip na pinatay si Klarisse. Hindi niya matanggap.Ang isipin pa lang na papatay ka ng isang tao, ng isang pasyente mo dahil lang sa pansarili mong kapakanan ay isa ng matinding sakit sa pag-iisip.“Naturingan ka pa namang doktor na hayop ka!” Sumigaw ulit ng ubod lakas si Michael dahil sa bigat ng nararamdaman sa mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung paano pa ang gagawin para lang maibsan kahit papaano ang sakit na nararamdaman.Mula sa pagkakahiga ay tumayo siya. Kailangan niyang magpahangin. Kailangan niyang makaalis sa bahay na ito. Kailangan niyang libangin ang sarili niya bago pa siya mabaliw dahil sa kaiisip.Naglakad siya papunta sa kwarto ng ina at binuksan ang pinto ng kwarto nito. Naabutan niyang natutulog na ang ina kaya hindi niya na lang ito ginising upang magpaalam.Nilapitan niya na lang ito upang ayusin ang kumot nit
”Who’s Primitivo?” Nasa bahay na sila ngayon. He didn't expect na titiklop si Audrey sa kapatid niya na hanggang ngayon ay hindi pa rin maipinta ang mukha. Ang honeymoon sana ng mga ito ay nauwi sa ganito. “He's the one who abducted me before.”Napalingon sila nila Eros at ng ina niya sa kapatid niya. “What?” halos sabay pa nilang tanong sa kapatid niya na nagkibit lang ng mga balikat. Lumapit ito sa asawa at pinatanggal ang hook ng gown na suot nito. “I’m sorry, Sweetheart...” ani niya sa kapatid. “For what?” tanong nito pagkatapos ay lumapit naman sa kaniya at tinapik siya sa pisngi. “If you think you ruin our wedding day, diyos ko naman, kuya. Loko ka ba? Iyan mismong si Eros ang sumugod sa taas nang malaman namin ang nangyari. Papabayaan ka ba namin? Pasalamat siya at wala rito sila Greta at Charlotte.”Tama ang kapatid. At iyon ang pinagtataka niya. Bakit wala ang dalawang babae sa araw ng kasal ng kapatid niya? Tinawagan pa nga nila ang dalawang babae subalit hindi nangako
“He tried to rape me!”Matinding pag-iling ang ginawa ni Michael, but he could not talk. Hanggang ngayon kasi ay lango pa rin siya sa droga na sigurado siyang si Audrey ang may gawa. Napatingin siya sa ina niya. Umiiyak ito at halatang tuliro at hindi alam ang gagawin. They were not prepared for this. Sabagay, sino nga ba ang mag-aakala na ang babaeng propesyonal at tinuring niyang kaibigan ay gagawin ang imoral na hakbang para makuha nito ang gusto?Napatingin si Michael sa mga taong nakapalibot sa kaniya. Hindi niya ang mga ito kilala pero alam niyang mga binayaran ito ni Audrey para sa larong ito. “H-hindi k-ko alam a-ang gagawin ko sa iyo, M-Michael. H-hindi kita pinalaking ganito. I t-thought you’re f-fine! A-akala ko a-ay o-okay ka na m-matapos mawala ni Klarisse. I did not even expect n-na maging si Dr. Aubrey a-ay gagawan m-mo nang h-hindi maganda. And l-look a-at you!” Itinuro siya ng ina at hinampas sa braso. “You’re too high to talk! Diyos ko! G-ganito ba ang i-itinuro