CHAPTER 210"A-anong ginagawa mo?" tanong pa ni Mark ng maramdaman nya na hinuhubaran na sya ni Cindy ng pang itaas na damit. Kahit naman nalasing si Mark ay alam naman nya ang kanyang ginagawa. "Bakit ayaw mo ba?" malanding tanong pa ni Cindy kay Mark saka sya pumaibabaw sa binata."Sandali nga Cindy. Ano ba ang ginagawa mo?" Sabi ni Mark at parang biglang nawala ang kalasingan nya ng biglang pumatong sa ibabaw nya si Cindy.Agad naman na sinapo ni Cindy ng mukha ni Mark at saka eto kinuyumos ng halik."Cindy.. uhmp.," Agad naman na hinawakan ni Mark ang balikat ni Cindy saka iyon bahagyang itinaas para mapigilan nya ang ginagawa neto sa kanya."Ano ba ang ginagawa mo ha? Are you crazy?" tanong pa ni Mark saka halos buhatin na si Cindy papunta sa kabilang side nya. Agad naman na tumayo si Mark."Ano ba Mark? Ako na nga ang lumalapit sayo ayaw mo pa?" inis na sabi ni Cindy "At sinong nagsabi sayo na gusto ko ang ginagawa mo? Nasisiraan ka na ba?" inis rin na sagot ni Mark."I like
CHAPTER 211Pagkarating ni Mark sa Manila ay nagpalit lamang sya ng kanyang damit at agad na syang dumiretso sa kanyang opisina. Kailangan nya pa rin kasing pumasok ngayong araw dahil marami pa syang kailangang gawin. Hindi na nga rin nya nagawang tawagan pa si Kate dahil sa sobrang abala nya simula ng dumating sya sa kanyang opisina."Kumusta ang dinaluhan mong conference?" tanong ni Louie kay Mark ng puntahan nya eto sa opisina neto."Okay naman po dad," sagot ni Mark."Kumusta ang anak ni Mr. Roxas? Dati iyong modelo," makahulugang turan ni Louie sa anak. Naptitig naman si Mark sa kanyang ama."Dad bakit po sya ang pinasama mo sa akin sa Cebu? Pwede naman na iba diba?" tanong ni Mark sa kanyang ama dahil parang may ipinapahiwatig ang mga tingin sa kanya ng kanyang ama."Bakit? Hindi mo ba nagustuhan si Cindy? Maganda si Cindy at nagmula pa sa mayamang angkan. Binata ka naman at dalaga sya kaya wala namang masama diba," sagot ni Louie. Mariin naman na naipikit ni Mark ang kanyang
CHAPTER 212"Kumusta ang dinaluhan mong conference?" tanong ni Kate kay Mark.Pagkatapos nilng kumain ay lumabas na muna sila ng bahay nila Kate at doon na muna sila tumambay na dalawa. Si Myca naman ay abala sa ginagawa neto sa kanyang laptop kaya agad na nagpunta sa sarili netong silid."Ayos naman. Nakakapagod pero kinaya naman," nakangiti pa na sagot ni Mark kay Kate. "Ah. Sino pala ang kasama mo roon?" tanong pa ni Kate dahil kanina pa sya hindi mapakali dahil naaalala nya ang mga larawan na nakita nya kanina. Bigla naman natahimik si Mark dahil naalala nya ang ginawa ni Cindy sa kanya."A-anak ng isa sa mga kasosyo namin sa negosyo ang kasama ko roon," sagot ni Mark."Sino?" tanong pa ni Kate. Napabuntong hininga naman si Mark."Si Cindy ang kasama ko roon," sagot ni Mark. "Pero magkaiba naman kami ng room at nagkikita lamang kami ay kapag magsisimula na ang conference," depensa pa ni Mark. Tumango tango naman si Kate at bigla tuloy syang nalungkot sa isipin na totoo nga na si
CHAPTER 213"Sino ang nagpakalat neto? Hindi totoo ang mga iyan," galit na sabi ni Mark."Hindi ko alam. Dating modelo ang kasama mo kaya natural lang na may lalabas na mga ganyang balita kapag may nakita silang pwede nilang gawing issue," sagot ni Ian. "Kinausap mo na ba si Kate tungkol dyan?" tanong pa ni Ian. Umiling iling naman si Mark dahil hindi nya alam kung nakita na ba ni Kate iyon."Kung ako sayo magpaliwanag ka na kaagad kay Kate bago pa nya makita yan dahil baka bigla na naman yun manahimik sa isang tabi. Alam mo naman ang ugali ni Kate hindi yan nagsasalita kahit na may problema na yan," pagpapatuloy pa ni Ian."Di kaya dahil dito kaya sya ilag sa akin kagabe? Napansin ko kasi kagabe nang pumunta ako sa kanila ay medyo ilag makipag usap sa akin si Kate at malungkot sya," sagot ni Mark."Naku. Baka nakita na nya yan. Paktay na. Magpaliwanag ka kaagad sa kanya. Alam ko naman na seryoso ka kay Kate at hindi mo magagawang lokohin ang kaibigan natin na yun. Kaya naniniwala ak
CHAPTER 214"Humingi lamang sya ng sorry sa akin kaya sya pumunta rito. At pinatawad ko naman na sya dahil naka move on na ako sa kanya. Kaya kung ano man yang iniisip mo ay nagkakamali ka," pagpapaliwanag na ni Kate kay Myca. Tumango tango naman si Myca rito."So naka move on ka na ba talaga sa kanya?" tanong pa ni Myca."Oo naka move on na ako kaya nga pinatawad ko na sya e," sagot ni Kate saka sya naupo sa sofa.Pagkauwi kasi ni Kate kanina ay nadatnan na nya si Edward na naghihintay sa labas ng bahay nila. Nagulat pa sya ng makita nya eto dahil hindi nya inaasahan na muli etong magpapakita sa kanya matapos syang lokohin neto. Humingi lamang naman ng tawad sa kanya si Edward kaya eto nagpunta sa kanya at agad na rin naman etong pinatawad ni Kate dahil totoong naka move on na talaga sya rito dahil hindi na sya nasasaktan ng makita nya muli si Edward. Kahit nga ng yinakap sya neto ay parang wala na lamang sa kanya."Ah. O eto mukhang naiwan dyan sa labas ng pintuan," sabi ni Myca sak
CHAPTER 215"Bro hindi ko kasi alam ang gagawin ko," sagot ni Mark at napabuntong hininga pa sya.Tinawag naman na muna ni Vin ang kanilang kasambahay upang humingi ng maiinom nila ni Mark."Ano ba kasi yang problema mo na yan? Si Kate pa rin ba?" tanong ni Vin."Kanina kasi pupuntahan ko sana si Kate para magpaliwanag tungkol doon sa mga kumakalat na picture namin ni Cindy sa social media pero nadatnan ko si Kate na may kayakap na lalake sa bahay nila," pagkukwento na ni Mark."Cindy? Sino naman si Cindy? At sino naman ang lalake na kayakap ni Kate?" takang tanong ni Vin."Isang modelo dati si Cindy at nakasama ko sya sa ginanap na conference sa Cebu at hindi ko alam na may lihim pala na kumukuha sa amin ng larawan at ipinakalat iyon sa social media," pagkukwento ni Mark."O pagkatapos? Anong problema roon?" tanong pa ni Vin."Sa tingin ko ay nakita ni Kate ang mga larawan na iyon kaya biglang nag iba na naman ang pakikitungo sa akin kahapon ni Kate," sagot ni Mark."So sa tingin mo
Chapter 1"Bella bilisan mo na dyan. Late n naman tayo. Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'm Ramos neto eh." Sigaw ng binatilyong si Vin sa kanyang kaibigan na si Bella habang siya ay nag iintay sa labas ng bahay neto.Si Vin at Bella ay matalik na magkaibigan. Parehas silang 4th year High School ngaun. Elementary pa lamang sila ay palagi na silang magkasama. Sabay silang pumapasok sa school at sabay na din silang umuwi na dalawa.Minsan tinutukso na silang dalawa ng iba pa nilang mga kaibigan na magjowa daw sila. Tinatawanan n lang nila iyon dahil nasanay na lang silang dalawa. "Oo na. Eto na nga. Eto naman laging nagmamadali eh. Tingnan mo nga hindi pa ako nakakapagsuklay man lang." Sagot naman ni Bella habang iirap irap pa siya kay Vin."Hay naku! Kung inaagahan mo sana ang gising mo eh di sana kanina ka pa natapos sa ginagawa mo at nakapagsuklay ka na sana" sagot din naman ni Vin sa kaibigan nya.Si Vin ay nagmula sa mayamang. Pangalawa siya sa apat na magkakapatid. Sinanay sila n
Chapter 2Habang naglalakad sila pauwi ay kain ng kain si Bella ng kikiam habang si Vin naman ay tahimik pa din. Napansin naman eto ni Bella dahil madalas ay kinukulit sya neto o di kaya ay nagdadaldal eto habang pauwi sila."May problema ba?" hindi na napigil na itanong ni Bella kay Vin.Napatingin naman si Vin kay Bella. "Ha? Bakit?" sagot niya kay Bella."Pansin ko kasi kanina ka pa tahimik eh. Nakakapanibago kasi madalas nangungulit ka""Ah. W-wala naman. Gusto ko lang ng tahimik""May sakit ka ba? Masama ba pakiramdam mo?" sabay salat sa noo ni Vin."Wala nga eto. Ikaw talaga. Okay lang ako okay. Trip ko lang na tumahimik ngaun" sabay ngiti kay Bella."O sige sabi mo eh kung may problema ka pwede mo ishare sa akin pero kung pera ang problema mo ay wala ako nyan. Hahaha""Hahaha. Oo na. Sige na. Kumain ka na nga lang dyan. Ang dungis mo pa din kumain eh parang hindi ka dalaga eh."" Yayks... Dalaginding pa lang ako noh... Hahaha""Sige na pumasok ka na sa inyo. Dito na ako.""Tata