CHAPTER 180Limang araw na rin ang lumipas at hindi pa rin nagigising si Bella. Nanatili pa rin si Vin doon at nagrequest na rin ang pamilya neto ng isa pang room kung saan pwedeng magstay si Vin habang nasa ospital dahil hindi nila eto mapilit na umuwi. Hindi rin naman pwede magtagal sa loob ng ICU si Vin dahil minomonitor pa rin ang lagay ni Bella."Vin anak kumain ka na muna. Ilang araw ka ng ganyan e. Saka matulog ka na rin muna. Tingin mo ba kapag nagising si Bella matutuwa syang makita ka sa ganyang kalagayan? Anak hindi matutuwa si Bella nyan dahil pinapabayaan mo na ang sarili mo," sabi ni Valerie kay Vin. Kaunti lamang kasi palagi kung kumain si Vin at minsan nga ay hindi pa neto kinakain ang dinadala nilang pagkain dito. Ang pagtulog naman neto ay madalas na idlip lamang dahil ang gusto ay palaging makikita si Bella."Ma bakit ang tagal naman yata magising ni Bella?" tanong ni Vin sa kanyang ina at hindi na nya napigilan pa ang pagpatak ng kanyang luha. Hindi na nya kasi ala
CHAPTER 181Matyaga pa na naghintay ng ilang minuto sila Vin sa labas ng ICU bago lumabas muli ang doktor ni Bella. Nakangiti pa ang doktor sa kanila ng lumabas eto ng ICU."Kumusta po si Bella dok?" agad na tanong ni Vin sa doktor."Good news. Mukhang ayos naman na ang pasyente sadya sigurong bumawi lamang ang kanyang katawan dahil sa mga nangyare sa kanya kaya sya matagal na nawalan ng malay pero kailangan pa rin mamonitor ang pasyente ng 24 oras para malaman natin kung may iba pa bang problema sa kanya kaya dito muna sya sa ICU. May mga test na rin akong ipapagawa sa pasyente para masigurado natin na maayos na talaga sya. Kapag ayos naman na ang lahat ay pwede na natin syang ilipat sa private room," nakangiti pa na sagot ng doktor."Talaga po dok? Maraming salamat po," nakangiti rin naman na sagot ni Vin sa doktor. "Pwede ko na po ba syang malapitan ulet?" Tanong pa ni Vin na excited ng makita muli ang taong mahal nya."Oo naman pwede mo na ulet syang puntahan," sagot ng doktor. Ag
CHAPTER 182"Kumusta na po ang lagay ngayon ni Bella dok?" tanong ni Vin sa doktor na sumusuri kay Bella. Nasa private room na sila ngayon at mahimbing na natutulog si Bella." Base sa mga test na ginawa namin sa pasyente ay nasa maayos na syang lagay. Okay naman lahat ng result ng mga test. Maging ang sugat nya ay naghihilom na rin. Maswerte sya at nakaligtas sya sa kritikal na lagay nya noon at dahil na rin siguro yon sa presensya nyo kaya sya nagkaroon ng lakas ng loob," mahabang sagot ng doktor.Napangiti naman si Vin dahil ayos na pala ang lagay ni Bella ngayon."May mga kailangan pa po bang gawin sa kanya? Kelan po namin sya pwedeng iuwi?" tanong pa ni Vin."Siguro ay mas mabuting mag stay pa muna sya rito ng kahit isang araw pa para mamonitor pa namin sya at matingnan na rin ang sugat nya. Kapag talagang maayos na maayos na sya ay maaari nyo na rin naman syang maiuwi," sagot ng doktor."Sige po dok. Maraming maraming salamat po," nakangiti pa na sabi ni Vin. Lumabas na rin nama
CHAPTER 183"B-Bella ano kasi," hindi maituloy ni Sarah ang sasabihin nya kaya napabuga muna sya ng hangin sa bibig nya bago itinuloy ang pagsasalita. "Bella w-wala na si Nicole. P-patay na sya."Tigagal naman na napatitig si Bella kay Sarah."Ha? Pero bakit?" naguguluhan na tanong ni Bella rito."H-hindi na kinaya ni Nicole dahil tumama yung bala ng baril malapit sa puso nya at marami na rin ang nawalang dugo sa kanya kaya hindi na sya umabot pa ng buhay sa ospital," pagkukwento ni Sarah at hindi na rin nya napigilan pa ang paglandas ng luha nya pero agad din nya etong pinunasan. Tahimik lamang naman na nakikinig sa kanya si Bella."Bella sorry sa nagawa ng kapatid ko. Alam ko naman na sobrang sama ng ginawa nya sa inyo at mahirap syang patawarin pero bilang kapatid nya ay ihihingi ko pa rin sya ng sorry sa inyo. Vin, Bella sorry sa nagawa ni Nicole sa inyo," hinging tawad ni Sarah para sa kanyang kapatid. FLASHBACKPagkatapos na madala si Nicole sa ospital at idineklara na nga eto
CHAPTER 184Lumipas naman na ang isang araw at ngayon nga ay palabas na ng ospital si Bella dahil pinayagan na eto ng kanyang doktor dahil maayos naman na daw lahat ang resulta ng test neto at naghihilom na rin ang sugat."Ang mga bilin ko ha. Ang mga gamot inumin sa tamang oras at huwag muna magkikikilos o magbubuhat para hindi mapwersa ang katawan mo hija," bilin pa ng doktor ni Bella ."Opo dok. Maraming salamat po ulet," nakangiti pa na sagot ni Bella sa doktor nya. Excited na syang lumabas ng ospital dahil buryong buryo na talaga sya roon dahil wala naman syang ibang ginagawa kundi ang matulog, mahiga, manood at kumain dahil hindi pa nga sya pwedeng magkikilos kilos. Si Vin lamang ang kasama ngayon ni Bella ng lumabas sya sa ospital dahil may gagawin daw si Valerie kaya wala eto ngayon. Okay lang naman kay Bella dahil ang mahalaga sa kanya ngayon ay ang makalabas na sya ng ospital."Are you happy?" tanong ni Vin kay Bella habang tulak tulak nya ang wheelchair kung saan nakaupo a
CHAPTER 185Pagkaluhod ni Vin ay kinuha naman nya ang isang singsing na linagay nya kanina sa bulsa ng suot nyang polo.Ang mga kasama nila roon ay nagulat din sa ginawa ni Vin dahil ang plano lamang nila ay isusurprise si Bella sa pag uwi neto at wala silang kaalam alam sa pinaplano ni Vin ngayon.Tumikhim naman na muna si Vin para kumuha ng lakas ng loob dahil tila nanunuyo na naman ang kanyang lalamunan. Hindi naman eto ang unang beses na gagawin nya eto pero gaya noong una ay kinakabahan pa rin sya."B-Bella alam ko na natanong ko naman na eto noon. P-pero gusto ko sana ulet ulitin eto dahil hindi nga natuloy ang kasal natin," sabi ni Vin na nauutal pa. Lalo namang nag unahan ang mga luha ni Bella dahil sa ginagawa ni Vin. Iniharap naman ni Vin ang singsing kay Bella."Bella mahal na mahal kita. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyare sa atin napagtanto ka na hindi ko pala talaga kakayanin na mawala ka sa buhay ko. Pagkatapos ng lahat ng mga nangyare na yon ay narealize ko na dapat pa
CHAPTER 186Mabilis naman na lumipas ang mga araw. Unti unti na ring bumabalik ang lakas ni Bella pero hindi pa rin sya pwedeng gumawa ng mga mabibigat na gawain. Ayaw din pakilos kilusin muna ni Valerie si Bella kaya madalas ay nakatambay lamang si Bella at walang ginagawa. Ayaw naman suwayin ni Bella ang ina ni Vin dahil alam naman nya na ayaw lamang syang mapahamak ng mga eto."Bella ready ka na ba? Tara na," tawag ni Valerie kay Bella. Paalis kasi sila Valerie at Bella ngayon dahil pupunta sila sa isang boutique para magtingin muli ng gown na susuotin ni Bella sa kasal. Lahat kasi ng mga kailangan para sa kasal nila Vin at Bella ay inulit lahat nila mula sa gown na susuotin ni Bella hanggang sa venue ng magiging kasal nila ay lahat pinalitan."Opo Ma andyan na po," sagot ni Bella saka sya bumaba ng hagdan. Dahan dahan pa sya dahil baka mahulog sya minsan kasi ay parang biglang nanghihina ang tuhod ni Bella pero ng patingnan naman nila eto sa doktor ay normal lang naman daw yon sa
CHAPTER 187Ngayon na ang araw na pinakahihintay nila Vin at Bella ang araw ng kanilang pag iisang dibdib. Maayos na maayos naman na ngayon si Bella dahil halos limang buwan na rin ang nakalipas matapos ang nangyareng pagdukot sa kanya ni Nicole na kamuntik pa nyang ikapahamak at ngayon nga ay fully recover na sya."Napakaganda mo talaga hija," puri ni Valerie kay Bella ng puntahan nya eto sa silid neto sa hotel na tinutuluyan nila ngayon.Nasa isang hotel sila ngayon sa Tagaytay dahil dito na nila napiling ituloy ang kasal nila Vin at Bella. Dito na rin sa hotel idaraos ang reception at malapit lang din eto sa simbahan kung saan sila ikakasal."Thank you po Ma," sagot ni Bella habang matamis etong nakangiti kay Valerie."Okay na po sya madam," sabat ng nagmake up kay Bella."Salamat," sabi ni Valerie rito."O tara na hija," baling naman ni Valerie kay Bella. Tinanguan naman eto ni Bella saka sya sumunod kay Valerie na nauna ng maglakad. Nakasunod naman sa kanila ang mga nag ayos kay