Thank you so much po for reading!
"Pristine!"Papa welcomed me with a tight embrace when I returned home. Kasama ko si Elijah, si Kio at si Havoc. Bagong tagabantay si Havoc na ipinadala ng Ma'am Kamila ngayong umaga lang rin at makakasama ito ni Kio. She told me that now that I remember my past, I need more security.Home.Yes. This is still the place where I was born, where everything started. May mga masasayang alaala pa rin na hindi ko maikakaila kahit na halos lahat ng naranasan ko sa bahay na ito ay puro trauma. And those happy moments was when I was with my parents. With my mama... and papa."I-I'm sorry po... s-sorry. Pasensiya na po papa kung pinag-alala ko kayo."May isa pa akong mabigat na dahilan para bumalik dito ay iyon ay dahil sa aking ama. But aside from that, I wanted to recall all of the memories that was intentionally removed from me. At sa pagkakataon na 'to, hindi ko na hahayaan pa na may gawin ulit si lolo sa akin pagkatapos ng mga naalala ko. Now, that I know he's the real villain here. "2 day
"Are you okay?" Pagkaalis ng Lolo Halyago at ng mga tauhan nito ay agad akong hinarap ni Elijah at ikinulong ang mukha ko sa mga palad niya. The anger I was feeling in my chest vanished suddenly when I saw his worried face looking at me. At habang hawak naman niya ako at hinihintay ang sagot ko ay narinig ko bigla ang pagtikhim ni Kio kaya napatingin ako dito.I saw him pointing my father who was not looking at us. Naalarma naman ako dahil bigla rin nawala sa isipan ko na oo nga pala at kasama namin ang papa!"I-I'm okay, Eli..." sagot ko kay Elijah at ako na ang nagbaba ng mga kamay niya at bumaling ako agad sa aking ama na wala naman gulat sa mukha dahil sa nakita niyang ginawa ng bodyguard ko. He's also looking at me with so much worry in his eyes."Pasensiya ka na, anak. Hindi ko na nasabi pa na dumating ang lolo mo dahil nagtalo rin kami nang malama niya na wala ka dito sa bahay. I am not actually expecting him today. Tinawag na lang ako ng isang kasambahay at sinabing naghihinta
I told dad to take a rest. Pero bago ko siya ihatid sa silid niya kanina ay at siguruhin na maayos ang lagay niya ay kinausap ko siya na huwag na siyang mag-alala pa sa akin. Halos tatlong araw pa lang, pero nakita ko kaagad kung ano ang idinulot sa kaniya ng pag-uusap namin tungkol sa Lolo Halyago at ang pag-amin ko ng mga ginawa nito sa akin. Nakaramdam ako ng awa sa papa. Kaya nang dumating si Elijah at maramdaman ko ang seguridad ay sinabi ko na hindi ko na ipapaalam sa kaniya ang tungkol sa ginawa ng lolo. I know how much he loves his father, even how cruel he is.And earlier, I saw how he regret he didn't do anything to leave Lolo Halyago. Hindi niya kami naprotektahan at nailayo dito. He called himself a coward, but I know he's just a son who's worried of his father. Nauunawaan ko pa rin ang parte ng papa. Sobrang pagsisisi rin ang nakita ko sa mukha niya kanina. "If only I-I could take back time... baka buhay pa ang mama mo... ang tanga-tanga ko, eh. Sana pala ang pinili ko a
Third Person's POV"May balita na ba kayo kung sino ang nagpaulan ng mga bala sa pamamahay ko?"Halyago Vera Esperanza looked at his men. Lahat ng mga tauhan niya ay nakayuko ang mga ulo at takot na sumagot sa tanong na 'yon. Alam kasi ng mga ito na kapag wala silang maayos na naisagot sa matanda ay isa-isa sila nitong tatapusin. The old man has been receiving death threats for this whole life for being a ruthless man. Marami na itong nakalaban na malalaking tao ngunit ang lahat ng bumangga dito ay hindi nagtagumpay. He played dirty, killed all of his enemies. Marami siyang tauhan na binabayaran para gawin ang trabaho niya para mapaslang ang mga tingin niyang hadlang sa mga plano niya.At nito lang ay kabilang na roon ang bodyguard ng kaniyang apo na si Pristine. Ang putanginang bata na 'yon na hindi ko mapatay-patay.He was trying to kill Elijah Clementine Marasigan for standing against him. Isang buwan pa lang nito bilang bodyguard ng kaniyang apo ay nagpakita na kaagad ito ng hin
"I'm really really sorry, Pristine. Hindi ko naman talaga gusto na i-ignore ka ng ganoon, eh. Nagtampo lang rin talaga ako at syempre nainis ako sa bodyguard mo, 'no! Wala naman akong masamang intensyon sa 'yo.""Pristine. Sorry na, ha? Pasensiya na ulit at hindi ko nasagot ang mga messages mo pati tawag mo. Bati na tayo.""Kinausap rin ako ni Sebastian, sinabi niya na malulungkot ka raw ng sobra. Sorry talaga. Nahurt lang talaga ako pero hindi ko rin naman gusto na patagalin ang pagtatampo ko, eh.""Hindi ka nagrereply. F-Friend's over na ba talaga?""Pristine. Sorry na.""Hindi ka pumasok. Okay ka lang ba? Nag-aalala na kami ni Elijah sa 'yo.""Pinuntahan kita sa mansion ninyo at ayaw magsalita ng mga guard. Sabi nila hindi sila basta-basta naglalabas ng impormasyon tungkol sa 'yo kahit sinabi ko na kaibigan kita at nag-aalala lang ako sa kondisyon mo.""Pristine, sobrang nag-aalala na kami sa 'yo."I smiled while reading Esthere's messages. Ngayon ko lang ulit nahawakan ang cellpho
"Hmm. You’re gaining weight, Pristine! I’m happy to know this!"Napangiti ako kay Ate Lena. She's here to get my size again for the gowns they will make for my upcoming 19th birthday. Nakahanda naman na rin ang lahat, invitations, the venue, everything. Hindi ko alam ang tungkol doon until my father told me yesterday. Habang abala ang isip ko sa ibang bagay ay ang papa pala kahit nasa ibang bansa, inaasikaso na ang nalalapit na kaarawan ko.And now, three days had passed since I came back to the mansion. I had returned to my usual way of interacting with my father. I never mentioned anything about lolo, and neither did he. For the past few days, the only thing we discussed was about my birthday. Tinatanong niya kung ano ang mga gusto ko pa, he even apologized for not asking what I want. Sabi ko naman ay ayos lang dahil ang mahalaga naman sa akin ay hindi ang ganda ng lugar o kung gaano kadami at kasasarap ang mga pagkain. Kung ako nga ang tatanungin ay dinner lang with him and my frien
Si Esther ang unang lumapit sa akin nang makita niya akong pumasok sa classroom namin. It's like she's really waiting for me to arrive. It wasn't an awkward moment when I thought it would. Naisip ko 'yong nangyari nakaraann a ikinasama ng loob niya. But, I felt like she already forgotten about it."Pristine!" Sinalubong niya ako ng ngiti at agad na hinawakan sa kamay."Are you okay? A-Ang balita ni Sebastian ay umalis ka raw ng bahay ninyo, eh."Nasa mga mata niya ang pag-aalala and when she looked at my back, kahit sarado ang pinto ay alam ko na si Elijah ang tinitingnan niya. May kaba rin sa mga mata ni Esther pero napanguso siya."Andyan ang bodyguard mo?" tanong niya.I nodded at her. "Pero huwag kang mag-alala, nagkausap na kami. Saka, wala naman nang problema. Mukhang tapos na sila sa pag-iimbestiga sa mga estudyante. Isa pa, panatag naman ako na hindi ka nagpapanggap lang para makalapit sa akin."Napataas ang mga kilay ni Esther sa akin at ngumiti."Oo naman! Saka, hindi ko nga
I groaned as my body slammed against the side of the road. I squeezed my eyes shut tightly when my head struck the concrete wall. It was pure chaos. The shouts of the people around us were deafening. After the first gunshot earlier, I heard another... and then another. But what made my eyes widen, despite the pain, was the tight grip on me.Kasunod ng higpit ng kamay na nakahawak sa akin ay narinig ko ang mahinang boses ni Esther. "P-Pristine, are you okay?"That's when I realized what just happened. Nakaramdam ako ng matinding takot nang mapagtanto na may nagtangka muli sa buhay ko. But nothing happened to me... Esther... S-She was the one who pulled me. She saved me at kung hindi niya ako hinila dito sa gilid at iniiwas ay baka ang putok ng baril kanina na narinig ko ay sa akin tumama."E-Esther..." I get up and called her. Her eyes are still closed. Nakadapa pa rin siya. Ang kamay na mahigpit na nakahawak sa akin kanina ay nakasayad sa sementadong daan at ang mukha niya ay nakatagi
Nakatingin lang ako kay Elijah, at kahit mukhang nagmamadali siya ay hindi naman marahas ang pagkakahila niya sa akin. Tumahimik na rin ako dahil hindi naman niya ako sinagot. At nang makarating kami sa sasakyan niya na nakapark sa gilid ay pinagbuksan niya ako at nauna na akong pumasok sa loob.My lips pouted as I looked outside the window, seeing Kio and Esther heading to their car. At si Eli ay nilingon ko naman nang makasakay na rin. I was watching him, waiting for him to start the engine, but then I noticed his eyes were closed, and his head was resting.Napabuntong-hininga talaga ako habang nakatingin pa rin sa kaniya. Nang hindi ako makatiis ay hinawakan ko ang kamay niya.The silence between us is making us think the wrong things about what we’re feeling.“If this is about the kiss, Elijah, you don’t need permission. You’re always allowed to. You have every right because you’re my man,” I reminded him and my lips pressed together and I took courage to say what’s on my mind nex
“Wala,” walang ngiting sagot ko at nilingon ko na lang ang labas ng bintana. And as soon as I turned my head, I was caught off guard. My lips parted as the city lights gleamed beautifully before my eyes.“W-Wow…”Hindi ko namalayan na nasa tuktok na kami ngayon habang nakasakay sa ferris wheel and that, it suddenly stopped. Mas napagmasdan ko at na-appreciate ko pa lalo kung gaano kaganda ang mga ilaw sa baba. At nang bahagya naman akong tumingin sa itaas ay nailapat ko pa ang isang palad ko sa bintana nang makita naman ang iilang mga bituin. Up in the sky, the stars were starting to show—twinkling softly, as if they, too, were part of this moment.Lilingunin ko na sana non si Elijah para sabihin kung gaano kaganda ang labas nang bigla ay hawakan niya ako sa kamay ko na mismong nakalapat sa bintana.“Why…” I paused, thrown off by the way he was looking at me.“Are you mad at me?” he asked—and that’s when I noticed it. His eyes flickered with unease, like he was searching my face for a
I couldn’t wipe the smile off my face even as the Ferris wheel went higher. Pero hindi na ako tumingin pa ulit sa baba, sa dalawang nagbabangayan pa rin. I shook my head at them. But honestly, just the thought of Esther and Kio being together made me giggle. Napapangiti ako at napapailing. What if nga, ano?Sometimes it’s true that the more you hate, the more you love.“Nakakatuwa talaga silang dalawa.”A few seconds passed by after I recovered from the kilig I was feeling for the two, I looked at Eli in front of me. Medyo nagulat ako ng kaunti sa paraan ng tingin niya. His attention is still focused on me!And the way Elijah was positioned made it seem even more intense, drawing me in without saying a word.His legs were crossed, his elbow resting on his knee. Nakasalumbaba siya habang malalim ang tingin sa akin. Nang magkatitigan kami ng ilang segundo ay sandali akong natigilan. His eyes pull me in, those that once seemed emotionless are now gazing at me intently, filled with warmth
Napapangiti ako pero pinipigil ko. Nang makita ko naman na nilingon ‘yon ni Elijah ay pagbaling sa akin saka siya tumango. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at naglakad na kami palapit sa gate–ay teka, wala pa kaming ticket.“Eli, bibili pa tayo ng–” pero napahinto ako bigla para sabihin na wala nga kaming ticket nang makita ko si Esther at si Kio na pababa ng kahihinto pa lang na ferris wheel.Hala! Sumakay sila?“Pristine!” sigaw ni Esther sa akin at nauna na siyang lumapit. She’s smiling at me, nakasuot siya ng faded jeans at simpleng sky blue na blouse. Nakatali rin ang buhok niya. And Kio, who’s always wearing a bodyguard suit, was now dressed in casual clothes. Naka-faded blue jeans rin ito at sky blue na t-shirt. Para silang naka-couple attire ni Esther! Not to mention they’re both wearing a white sneakers!“Esther…” sambit ko nang yakapin ako ni Esther, napangit ako at hinimas ang likod niya. Si Kio ay dumiretso naman kay Eli at nag-abot ng ticket. At napaawang ang mga labi ko
Mas naramdaman ko na humigpit ang pagkakahawak ni Elijah sa kamay ko, hinila rin niya ako ng mas malapit at sa gilid ng mga mata ko ay pansin ko na napapatingin sa amin ang ibang mga nagdaraan.Sa sagot na ‘yon ni Eli ay mas napagtanto ko lang na tama ako kaya naman umiling agad ako sa kaniya.“I am not thinking that you cannot protect me alone, Eli, hindi ganoon, saka alam kong hindi mo ako pababayaan, masyado lang rin akong nag-iisip pagkatapos ng mga nangyari kagabi. Alam natin pareho na hindi naman titigil ang lolo, but this time he won’t just take me away from you, m-malakas ang kutob ko na babalikan ka niya o si Ma’am Kamila at ‘yon… ‘yon ang ikinakatakot ko.”Napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Sa sandaling ‘yon, dumaan ang malamig na hangin sa gitna naming dalawa. Nang idilat ko ang mga mata ko, at pagtingin ko kay Elijah, saka ko biglang narinig ang boses ng lolo na papatayin niya rin ako… katulad ng ginawa niya sa mama.My body trembled and I lowered my head again
Habang kasama ko si Elijah, hindi mawala sa isipan ko na baka ang saya na nararamdaman ko ngayon ay may kapalit. I couldn’t avoid overthinking. I tend to feel this a lot when I’m at my happiest—like something bad is bound to happen, waiting just around the corner to hit me.Siguro dahil sanay ako na ang buhay ko ay umiikot sa takot, lungkot, at puro pagbabanta. Na sandaling kaligayahan lang, hindi ko na ma-enjoy dahil sa isip ko na may mangyayari na mas mabigat.It’s just that what’s happening feels surreal, like a dream.Umangat ang tingin ko kay Eli na kasabay ko naglalakad. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ko at nandito kami sa isang amusement park. Sinunod niya ang gusto ko kanina, pero hindi kami sumakay sa kahit anong rides. We just walked around, played some games, and walked some more while he held my hand. Masaya ako simula kanina, pero ito nga, at nawala ang saya na 'yon nang mapagtanto ko na pakiramdam ko may kapalit ang nararanasan kong ligaya.Hindi pa naman kasi tapos an
PristineI never thought that one day, Elijah and I would be out in the daylight, simply enjoying the view of the lake while watching the swans glide gracefully across the water. Kahit noong bodyguard ko pa siya, hindi ko talaga naisip na makakalabas ako ng ganito kasama siya. Siguro dahil dati, noong nasa bahay pa ako, hindi ko man lang sinubukan na magpaalam para lumabas o kahit maglibot sa mall. That’s because I knew Lolo wouldn’t agree, and Papa would also tell me to just stay at home.My world back then was limited to the mansion and school, doon lang talaga, kahit nga field trip? Hindi ako pwedeng sumama. It wasn’t just about strict rules, it was about safety. Lolo’s enemies were always lurking, and I knew that stepping outside meant taking a risk. Syempre, ayokong mag-alala ang papa noon kaya’t sumusunod rin ako. Isa pa, wala rin akong mga kaibigan na maaari kong maisama dahil nga takot na makipaglapit sa akin ang mga ito dahil isa akong Vera Esperanza.The surname alone speaks
“What did you say? Ulitin mo nga ang sinabi mo!”Rinig na rinig sa labas ng malaking gate ng mansion ng mga Ynares ang boses ni Halyago Vera Esperanza. Hindi siya makapaniwala na maaga siyang tumungo doon para makausap si Margus ngunit ang ibubungad sa kaniya ng guard ay bawal siyang pumasok! “Sinusunod ko lang po ang trabaho ko, sir.”What the hell just happened!“Bago ka lang ba dito, ha? Hindi mo ba ako nakikilala?!” he shouted. Umabante pa siya upang mas malapitan ang guard na bahagyang nakayuko. Ang dalawang tauhan niya na nasa likod niya ay naglakad rin palapit at ang isa ay nagsalita pa.“Kasosyo sa negosyo ni Mr. Ynares ang amo namin, pwede na tawagan mo siya at sabihin na narito si Mr. Vera Esperanza para makausap siya.The old man’s hands clenched as he took his phone out from his pocket. Dati-rati ay nakakapasok naman siya kaagad ng diretso sa mansion ng mga Ynares dahil pinagbubuksan siya ng kahit na sinong guard. “Kung bago ka dito, I’ll make sure you’re fired once Mar
Pierre ignored it before because he hoped that one day, his father would treat them well.“I-I’m sorry… I’m s-so sorry…”Nanghihina ang katawan ni Pierre na napahawak sa gilid ng sofa at muling napaupo. His head tilted to the side, his gaze unfocused and his eyes wide and unblinking in shock while tears kept on falling. Patuloy rin siya sa pagbulong ng patawad pero ganoon rin si Kamila, nagpatuloy rin ito sa paglabas ng saloobin at hinanakit sa kaniya.“Tapos ngayon gusto mo pa rin na kausapin ang ama mo? You tried last night, and for me, that was enough! Wala ka nang nakuhang maayos na salita, tapos sasabihin mo pa ‘yon for the last time? Gumising ka, Pierre! Your words will never change him! Even if you beg, or even if your life was on it, hinding-hindi na magbabago si Halyago!”His mind still refused to process it. Yet Kamila’s firm voice echoed in his ears. Alam ni Pierre na hindi ito magsisinungaling para lang idiin ang ama niya dahil ramdam niya ang bigat at sakit sa bawat salit