ElijahI was just standing here, looking at Pristine as she walked up the stairs to go to her room. She wasn't smiling. Disappointment and annoyance were written on her face because of what happened earlier. Hindi rin siya sa akin sumakay pauwi dito sa mansion, at kahit na labag sa loob ko na kay Kio siya magpahatid pauwi ay hindi na ako nagpumilit.She was hurt because of what I said to her friend, but I won't take it back, and I don't regret it. "Hindi mo ba susundan, boss?"Hindi ako nag-abala na lingunin si Kio nang marinig ko siya na nagsalita sa likod ko. Nakatingin pa rin ako kay Pristine na nakaliko na, she turned to me and even rolled her eyes that made me smile a little. We'll talk later, baby. Mamaya na ako manunuyo. Baka mas magalit kung ngayon ako magpupumilit.I know Pristine will be angry that her friend is under investigation, but we can't exclude her just because they're close. The man who started the fire, under Halyago's orders, might have other accomplices. Impos
PristineHindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina. Nasa sasakyan pa lang ako ay ilang mensahe na ang ipinadala ko kay Esther. Humingi ako ng tawad sa inakto ni Elijah kanina. At nakaramdam ako ng kaba at pag-aalala dahil sa limang mensahe na ipinadala ko ay wala kahit isa pa ang nasasagot ni Esther.Malalim akong napabuntong hininga at napaupo sa gilild ng kama. Nakatitig ako sa cellphone ko, sa iba't-ibang mensahe na ipinadala ko. May pagitan naman ang oras at hindi sunod-sunod. "Siguro hahayaan ko na lang muna siya," ibababa ko na sana ang cellphone ko sa gilid ng kama nang tumunog 'yon.Ang bilis ko na inangat muli sa pagaakala na si Esther 'yon pero nadismaya ako nang makita ang ang pangalan ni Sebastian. Sinagot ko naman ang tawag dahil baka tungkol ito sa project namin."Esther messaged me. Hindi ka daw makakapunta sa linggo, bakit?"Hindi siguro nakita ni Sebastian o narinig ang nangyari sa labas kanina. Sa narinig ko naman sa kaniya, napagtanto ko na seryoso nga si Esther
"What are you doing? Akin na ang libro. Nagbabasa ako," I said. Nag-iisang linya ang mga kilay ko.Nakita niya ba ako kanina? Sinundan niya ako agad? Bakit nung sa silid ko ay hindi? Hinintay ko rin kung aakyat siya!"Elijah!" kuha ko sa atensyon niya. Pero hndi siya sa akin nakatuon kung hindi sa libro. Gosh. Medyo kinabahan ako dahil hindi nga 'yon katulad ng mga libro na nakikita niyang hawak ko."G-Give it back!" I tried to get it but he just took a step back and avoided me.Tinitigan nya ang cover ng libro at ilang segundo lang ang nakalipas nang magsalubong ang mga kilay niya. I swallowed hard, nervously. At nang basahin naman niya ng malakas ang title sa harapan ko ay napangiwi ako dahil mabigat ang bawat salita niya."Carve your name on my back. I want you to do that while I'm..." napasinghap ako nang marinig na binasa niya ang eksena kung saan ako natigil pero hindi niya tinuloy sa parte na may nagaganap na sa mga bida dahil salubong ang mga kilay nang tumingin na siya sa aki
I am so embarassed! Halos tatlong oras na akong nagkukulong sa kwarto ko at hindi na ako lumabas pagkatapos ng nasabi ko kay Elijah kanina. I can’t believe those words came out of my mouth because I was so annoyed. I mean, it’s not okay to say that, especially since h-he's my boyfriend! Maaaring iba ang isipin niya dahil don!Ugh, Pristine Felize!I also can’t get Eli’s expression out of my mind. If it were a different situation and I hadn’t embarrassed myself, I might say he had a cute look on his face—kasi talagang nagulat siya kaso... k-kahihiyan talaga ang nasabi ko. Kahit ngayon, nananayo ang mga balahibo ko kapag naaalala ko."Aahh!" I groaned in frustration."Really, Pristine? Pregnant? Ano na lang ang iispin ni Elijah? Mas pagbabawalan ka rin nun lalo na magbasa ng mga ganun klaseng libro."Inis na inis ako sa sarili ko. Nang lingunin ko ang libro na binabasa ko ay mas naibaon ko ang mukha ko sa unan habang nakadapa sa kama ko. Hindi ko na ata maipagpapatuloy lalo ang pagbabas
I couldn't contain my happiness. Even when we weren't talking about my papa's gift for me anymore, my mind was still on it. Ang nag-uusap na kasi ngayon ay siya at si Eli. And even though there are almost two months left to wait, I already want to start making a list of things I want to do with Elijah.I am so happy and I didn't expect that papa would still let Elijah to go with me. Pero sabi nga niya, pinagkakatiwalaan pa rin niya ito.We both know that Eli did a great job in guarding me, kaya kahit sobra na ang pagpapakita ng lolo ng pagkadisgusto dito ay alam ko naman na hindi basta-basta aalisin ni papa ito na bodyguard ko."I already talk to Kamila. Nagkausap kami ng personal at siya rin mismo ang nagsabi sa akin ng iba pang detalye kung ano ang nangyari sa may gawa ng sunog. Wala tayong magagawa kung tinapos nito ang sarili. Siguro nga ay alam rin nito na kung makatakas man, o ikulong ninyo ay patatahimikin pa rin ng kung sino man ang nag-utos dito."Tahimik lamang si Elijah hab
Ako ang kusang lumayo sa aking ama pagkatapos ko na marinig lang ang paghingi niya ng sorry. "Can w-we just get out of here and live a simple life, papa?"Alam ko na ayaw niyang iwan ang Lolo Yago, na mahal na mahal niya ito pero sana rin naman nakikita niya kung paano na minamanipula nito ang buhay namin na dalawa--lalong-lalo na ang sa akin.Dati, wala akong boses dahil takot ako pero ngayon... n-ngayon na may mas dahilan ako para sumuway sa lolo ay hindi na lang ako basta susunod at tatango sa mga gusto nito. Lalo pa ang usaping pagpapakasal. I-I am ready to run away if he will really insist that I should marry Sebastian.Hindi ako natatakot lalo pa at alam ko rin naman na gagawin ni Elijah ang lahat para sa akin. And I don't care if it's too early to say all of this, pero n-napapagod na rin talaga ako. I am still young... young to experience all of this. Hindi ako ang dapat nakaharap sa mga taong gusto siyang balikan dahil sa mga kasamaang ginawa niya. H-Hindi kami ng papa."Pri
I knew that Elijah would follow what I want. Lalo na at nakita ko sa mga mata niya na hindi niya inaasahan ang nangyari sa pagitan namin ng papa kanina. Alam rin niya na nasagad na rin talaga ang pasensiya ko.And that's because of what I learned that Lolo Yago tried to harm him. We left the mansion without my father's approval. Kung alam niya ay alam ko na hindi siya papayag. I cried until the car left our place. Ngayon ay nasa thirty minutes na ang nakalipas. Hindi pamilyar ang daan na tinatahak namin. And I don’t know where Elijah will take me. He didn’t say anything either because, like me, he was silent the whole time. But with the trust I have in him, I know it’s a safer place for me whenever he is around.Kasi sa mansion, mas tumindi ang takot ko pagkatapos ko na sabihin sa papa ang lahat. Na para bang narinig yon ng Lolo Yago.Napabuntong hininga ako at nanatiling nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan. There's no more buildings or houses, puro mga puno na ang nadaraanan na
Elijah"Nasa tatlong oras na nang umakyat ako ulit at hindi pa rin lumalabas, eh. Gusto mo ba katukin ko na? Alas-diyes na rin at hindi pa naghahapunan."Kio was giving me updates on what was happening at the Vera Esperanza mansion since Pristine and I left. And it turns out that Pierre Vera Esperanza never left his daughter's room. I know it's not easy for him to process everything he learned. It's too heavy and feels like a bomb dropped in front of him. But he needs to know about this, how his own father treated her only child."Wala rin pala akong narinig na bagong balita tungkol kay Halyago. Ang huli ay yung nagpapagaling pa raw. Hindi pa natuluyan yung matandang 'yon, ano? Sayang.""Pero feel ko ang sobrang sadness ni Mr. Pierre, Elijah. Sana magkaayos rin sila ni Pristine."My gaze then turned to my baby who was sleeping peacefully.Pagkatapos namin na makarating dito sa bahay ko ay naging tahimik lang siya nang sabihin ko na ako ang nagmamay-ari nito. But I know she has a lot o
"Pristine."Sa gitna ng paghingi ko ng tawad ng ilang ulit kay Sebastian ay narinig ko ang boses ng papa sa aking likod. Natigilan ako, napasinghap, at medyo nataranta dahil sa mga luha na nasa magkabilang pisngi ko. He will be worried if he sees me crying kaya agad kong pinalis ang mga iyon.Si Sebastian naman sa harapan ko ay napatingin sa likod ko at bahagyang yumuko. I knew he was showing respect to my father, who was now walking closer to us. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko. Nang sakto nang nasa likod ko na ang papa ay saka naman ako humarap."Pa..."But when I saw him, he wasn't looking at me—he was looking at Sebastian. Seryoso ang ekspresyon ng mukha ng aking ama, na ikinakunot ng noo ko. Alam kong hindi naman masamang tao ang tingin niya kay Sebastian, kilala niya ito bilang mabuting bata dahil anak ito ng kaibigan rin niya sa negosyo, pero the way he was looking at him right now... it was as if the latter was an enemy."Mr. Vera Esperanza—""No need for the fo
Nanlamig ang pakiramdam ko lalo na sa paraan ng pagtingin niya sa akin.Maybe I hoped too much... m-maybe the light I saw in him, the kindness I thought he had shown me despite knowing I'm in love with someone else, was never real. That he really had his own intentions."S-Sebastian—" and I gasped when he suddenly pulled me by the arm, umatras ako at sinubukan kong bawiin ang braso ko pero mahigpit na niyang hawak 'yon."Is this what you really want? Ang pilitin rin ako, Sebastian?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Hindi mo naiintindihan ngayon kung anong ginagawa ko, Pristine, but soon, you will..." mabibigat ang bawat salita nang sabihin niya, na ikinailing ko.Ano pa ba ang hindi ko naiintindihan d-dito? "Pero tama ka, I have the power to make this stop, for you to be free, Pristine. At alam mo ba bukod doon? Kaya ko rin mapaluhod ang lolo mo sa harapan ko. Hindi ba't ang gusto mo ay makakawala sa kaniya? Na mas maprotektahan kayo ng papa mo. That's what I'm fckng doing right now
Agad akong napahawak sa gilid para hindi tuluyang matumba. Nang lingunin ko naman si Kio ay nakaalalay na siya pero umayos rin nang makitang seryoso ang tingin ko sa kaniya.What was the name of that drug again? Hindi medicine 'yon at alam kong intentional na banggitin ni Kio na medicine para hindi ako mag-alala dahil nakita niya kung paano rin ako napraning dahil dalawang linggo nang walang malay si Elijah! Naningkit lalo ang mga mata ko sa pag-alala doon. What was--Astra! Yes. That was the name of that drug. Iyon ang narinig ko na pangalan nang pag-usapan nilang dalawa 'yon ni Havoc!And when I asked Esther, she said that Astra is as a drug rather than medicine, it can be described as a sedative or hypnotic substance with strong sleep-inducing effects. At totoo nga daw na pwedeng isang buwan o higit pa ang maging epekto non!Nang maalala ko 'yon ay mas tumalim ang tingin ko kay Kio."No. You will not use that drug," I said, my voice strict and cold, leaving no room for argument.
I slowly moved away from Elijah on the bed. Nakatingin ako sa kaniya habang ingat na ingat akong hindi siya magising. He fell asleep after we talked about my birthday, na ilang araw na lang ang binibilang. Natuwa pa nga ako dahil hindi na niya binanggit pa si Sebastian. Pero iyong sinabi niyang "runaway"bago namin mapag-usapan ang mga magaganap sa birthday ko—it actually sounded like he's not that serious, but he also looked like he is... ganoon ang pakiramdam ko, eh.Honestly, I wasn't surprised by that question anymore. Kasi simula nang sabihin niya sa akin na tutulungan niya akong umalis sa bahay na 'to, na makalayo sa lolo ay naramdaman ko nang mauulit muli 'yon. And because of what happened to me recently, when Lolo Halyago hurt me again, hindi na rin ako nagulat sa tanong ni Elijah.At sa totoo lang, pagkatapos ng mga nalaman ko mula kay lolo mismo, gustong-gusto ko na rin umalis dito. I’m just gathering enough courage to talk to my father. Nagpasya ako na sabihin dito ang tung
Nang hindi sumagot si Elijah ay sumampa ako sa kama at niyakap siya. I rested my head in his chest and hugged him tightly. "Should I remind you that you are not just myBodyguard? Or should I remind you how much... I love you?" I heard his breathing, his fast heartbeat and then he moved after I said that. Ang mga kamay niya ay dumako sa baywang ko. Hinihintay ko rin siyang magsalita pero nang manatili siyang tahimik pagkalipas nang ilang segunod ay napatingin ako sa kaniya. But I gasped and was surprised when his arms gently carry me to his lap. Ngayon ay mas dumikit ako sa kaniya at gahibla na lang ang layo ng mga labi namin sa isa't-isa. "I'm scared..." he whispered. "Eli..." I called him with concern. I knew it... hindi lang pagsisisi sa nagawa niya ang nararamdaman niya sa mga nakalipas na araw. "Still fckng scared and even after you said that you love me, Pristine? May mga araw na sa tuwing nakatingin ako sa 'yo, pakiramdam ko maaaring magbago ang tingin mo sa 'kin, and tha
Elijah didn't recover right away after he woke up from two weeks of sleep. Nanghihina pa rin siya kahit tatlong araw na ang nakalipas. Kio and Havoc had expected this to happen, sila na muna ang in-charge sa safety namin ng papa. Pero unang araw nang magising si Eli ay hindi rin naman ako nakatiis at pagkatapos lumiban na ako sa klase. Now I've been absent for two days and. Nakaalalay ako sa tabi ni Elijah, I was the one feeding him, assisting him to his needs o sa kung ano ang gagawin niya. I even stayed with him in his room because I'm afraid that something bad might happen. Dito talaga ako natutulog, sa kama sa tabi niya and he didn't disagree with that. Hindi kasi maalis ang kaba sa akin na baka mamaya ay mawalan ulit siya ng malay o ano. Ito rin ang naging epekto ng dalawang linggo niyang walang malay. But Eli... he was silent since he woke up and we had that conversation. Pakiramdam ko, itong dahilan ng pananahimik niya ay dahil hindi nga narealize rin niya na sumobra siya sa
Hindi ko maiwasan na hindi makaramdam ng pag-aalala kay Elijah. Narito ako ngayon sa silid niya, sa may mansion rin at kanina pa siya pinagmamasdan. May IV siya sa kamay, may ilang mga nakalagay rin aparato para mamonitor ang hearbeat niya.H-How many days has it been? Lagpas na sa isang linggo kaya mas lalo akong nakakaramdam ng takot at kaba. Sir Antonius—Elijah's father told me that this is normal, he's calm yet I can't feel at ease with his words. Kahit alam kong mas siya ang nakakaalam ng totoong lagay ng anak niya.Ang gusto rin noong una ng Sir Antonius pagkatapos ng nangyari nang araw na pigilan niya si Eli at mawalan ng malay ay iuuwi niya ito pero nakiusap ako na kung maaari ay dito na lang sana at huwag nang ilayo pa. Alam ko kasi na magiging limitado lang ang pagbisita ko, baka hindi rin ako kaagad makaalis kung kailan ko gustuhin. At nagpapasalamat naman ako dahil pumayag naman rin ito."I understand you, hija. Okay. But, I need to talk to your father and explain what real
My eyes blinked a few times because I couldn't process it. That after everything I said, I still couldn't stop him. "W-Why... E-Eli..." Naikuyom ko ang nanginginig kong mga kamay habang patuloy ako sa pag-iyak. My sobs filled my room, and it hurt me even more. Mas nanunuot 'yong sakit sa bawat segundo na lumilipas. I truly understood now how far Elijah w-was willing to go to give me a peaceful life—even if it meant h-he wouldn't be a part of it anymore. "No... Ayoko ng b-buhay na wala siya." Pagkasabi ko non ay kaagad rin akong tumayo. Even if my body still hurt from what lolo did earlier, I stood up and ran to stop Elijah. "Eli!" I shouted. Tumayo ako at kahit na walang sapin sa paa ay sinundan ko siya. Pagkalabas ko ng silid ko ay walang kahit sinong nakabantay. Ang bilis ng pagtibok ng puso ko habang tinatakbo na ang palabas. H-He was fast! "Elijah!" sigaw kong muli at nang makarating na ako sa hagdan pababa ay doon ko siya nakitang palabas na mismo ng mansion. Hindi ako tu
Ilang beses ko ba kailangan ipaliwanag? N-na hindi naman niya' yon kasalanan. "It drives me insane that I wasn't able to protect you, that I failed to keep you safe... it was like knives digging deeper inside me. And I’m angry at myself because I promised to always be there for you, to never let anything harm you. I can do it, I can fcking kill all of them to make you safe. Pero ano ang nangyari? You were hurt... badly hurt that I almost... lost you."His eyes... there was only the feeling of his pain and his regret. And despite everything, I could feel how much he cared, how deeply he felt for me, at n-nasasaktan ako ng sobra na makita siyang ganito lalo at alam ko rin kung ano ang pinagdaanan niya sa kamay ng lolo at ng mga kaaway nito para lang masiguro ang kaligtasan ko."Hindi mo 'yon k-kasalanan, Elijah..." sagot ko habang umiiling sa kaniya. At kahit sa nanlalabong mga mata ay nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. The softness vanished, the worry was nowhere to