"Hoy! Bakit inaaway niyo na naman siya? Hindi ba, ang sabi ko sa inyo huwag niyo siyang awayin!" sigaw ng batang Matthew Santos sa mga batang kung umasta ay kaytatanda na. Inaaway na naman ng mga ito ang isang patpating batang babaeng si Sabrina Montis.
Agad namang nagsilayuan ang mga batang umaaway sa umiiyak na si Sabrina na para bang takot na takot kay Matthew.
"Okay ka lang? May masakit ba sa'yo?" agad niyang tanong kay Sabrina nang nakalapit na siya rito at napaangat naman ng mukha ang batang Sabrina. Napatingin ito sa kanya habang may mga luha sa mga mata.
Marahan itong umiling-iling para sabihing wala itong nararamdamang sakit sa katawan.
Nakalipas ang ilang sandali ay tahimik silang magkatabing nakaupo sa isang bench habang pareho silang naghihintay sa kani-kanilang mga magulang para sunduin silang dalawa.
Magkaibigan ang kanilang mga magulang kaya kung minsan, kay Matthew na iniiwan ng mga ito si Sabrina na gustong-gusto naman ng mga magulang ni Matthew.
"Sa susunod, huwag mong hahayaang aawayin ka nila kahit wala ka namang ginagawang mali sa kanila," payo ni Matthew sa kaibigan.
Sa murang edad niya ay may mga laman na rin ang mga katagang lumalabas mula sa kanyang bibig dahil sa paraan ng pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Hinubog siya sa mabuting paraan, tinuruan ng mga magagandang asal at ugali kaya kahit na kilala ang kanilang pamilya na isa sa mga mayayamang tao ay bumabalot pa rin sa buong pagkatao ni Matthew ang pagiging mabait at mapagkumbabang bata na sana hanggang sa paglaki niya ay madadala pa rin niya ang pag-uugaling 'yon.
Parang timang napapangiti si Sabina habang nanariwa sa kanyang ala-ala ang mga sandali niyang 'yon habang kasama niya ang kaibigang si Matthew.
Kahit na halos 20 years ago na nangyari ang ala-alang 'yon ay napapangiti pa rin siya kahit papaano. Nang dahil kay Matthew ay nakakaramdam siya ng kapayapaan at kaligtasan noon. Ito na rin ang naging tagapagtanggol niya kapag binu-bully siya ng ibang mga bata.
Noong nasa high school na sila ay du'n na rin niya naramdaman ang isang damdamin na hindi niya dapat nararamdaman para kay Matthew pero wala na siyang nagawa dahil aaminin man niya o hindi, nahuhulog na talaga ang kanyang loob sa kaibigan. Umiibig na siya rito nang higit pa sa isang pagkakaibigan.
"Ano na naman ba 'yang pinagkakaabalahan mo diyan?" silip sa kanya ng kanyang inang si Sylvia sa may pintuan ng kanyang kwarto.
Dahan-dahan na naglakad papasok ng kanyang kwarto ang ginang saka ito napaupo sa kanyang tabi sa gilid ng kanyang kama.
"Childhood pictures namin ni Mattew, Ma," sagot niya habang pinapakli niya ang iba pang pahina ng hawak niyang photo album nilang dalawa ng kaibigan na halos sa kanilang dalawa lang talaga ang mga pictures na nandu'n.
"Ang laki na talaga ng pinagbago niyong dalawa, ano?" tanong ng ginang habang pareho nilang pinagmamasdan ang picture nilang dalawa ng kaibigan kung saan pareho silang nakangiting nakatingin sa camera habang punong-puno ng buhangin ang katawan.
Naliligo kasi sila noon ng dagat at naisipan nilang dalawa na maglaro ng buhangin kaya nang kinunan silang dalawa ng picture ay pareho silang puno ng buhangin sa katawan.
"Ibang-iba na nga ngayon si Matthew at kung nagkataon na hindi natin sila nakasama sa loob ng ilang taon, malamang hindi na natin siya makikilala kung sakaling muli natin siyang makikita," pahayag ng ginang.
Napaisip din ang dalaga, tama nga ang kanyang ina. Kung nagkataon na nagkahiwalay silang dalawa ni Mattew siguradong hindi na niya ito makikilala pa dahil ibang-iba na talaga ito ngayon kumpara noon kahit noong nasa high school pa lamang silang dalawa.
May katabaan noon si Mattew at matangkad pero ngayon, ibang-iba na. Lalaking-lalaki ang dating nito dahil hindi talaga nito nakalimutang pumunta ng gym para sa pag-aalaga nito sa katawan.
Mahigit 6'4 feet ang taas at mahilig itong maglaro ng billiard. Makisig ang pangangatawan at kapag ngumiti ito, lumilitawa ang mapuputi at pantay-pantay nitong mga ngipin.
30 years old na ngayon si Matthew at sa edad nito ay mas lalong lumalabas ang pagiging gwapong lalaki nito. Mas lalong naging habulin ng mga babae.
Ang mga labi nitong may kanipisan ay kahit hindi na bahiran ng liptint ay may kapuluhan pa rin ito. Ang ilong nitong may kalakihan at katangusan ay matatag na nakatayo sa ibabaw ng mga labi nito na siyang bumagay naman sa hugis ng mukha nito.
Mahihilig magsuot ng white t-shirt si Matthew na siyang mas nakaladagdag sa karisma at kakisigan nito. Ang buhok niyang laging naka-taper fade with side brush na gustong-gusto naman ng dalaga.
Maramong bagay na nagugustuhan si Matthew dahil gusto iyon ni Sabrina. May mga bagay na rin itong ginagamit kahit na ayaw pa nito noong una pero dahil sa gusto iyon ng dalaga at bagay naman sa kanya ay ginagamit na rin niya.
Ganu'n sila kalapit sa isa't-isa. Ganu'n nila binibigyan ng halaga ang bawat isa.
Kapag may nanliligaw kay Sabrina ay si Matthew na mismo ang kumikilatis at kapag hindi nito nagugustuhan ay tinatakot nito, sinisiraan niya rito ang kanyang kaibigan hanggang sa ito na mismo ang lalayo.
Kahit papaano ay hindi naman labag sa kalooban ni Sabrina ang ginagawa ng kaibigan dahil alam naman niyang nag-aalala lamang ito sa kanyang magiging buhay kapag napunta siya sa isang balasubas na lalaki. Nais lamang din ma-secure ni Matthew ang buhay ng kanyang kaibigan kaya ganu'n na lamang siya ka-protective rito lalo na kapag ang manliligaw na nito ang pinag-uusapan.
Mayaman ang pamilya ni Mattew habang ang pamilya naman ni Sabrina ay nagmamay-ari lamang ng isang maliit na kainan na nasa tabi lamang ng kanilang bahay. Ito na rin ang ikinabubuhay nilang magpamilya at dito na rin kinuha ang mga ipinanggastos sa kanyang pag-aaral noon.
At dahil close ang kanilang pamilya sa isa't-isa ay naisipan ng mga magulang ni Matthew na kunin siya bilang secretary ng binata, bagay na hindi naman tinutulan ng binata at mukhang mas naging excited pa nga ito noon sa naging desisyon ng mga magulang nito.
Kaya habang pinag-aaralan niya kung papaano niya palalaguin ang negosyo ng kanyang mga magulang na kainan ay nagtatrabaho siya bilang secretary ng mismo niyang kaibigan.
"Ikaw din, ang laki ng pinagbago mo mula nang naging close kayong dalawa ni Matthew," saad ng ginang habang abala ang mga mata ng dalaga sa katitingin sa mga pictures nilang dalawa ni Matthew.
"Mahal mo ba siya nang higit pa sa isang kaibigan?"
Biglang natigilan si Sabrina sa naging tanong ng kanyang ina. Hindi niya inaasahan na maririnig niya mula mismo sa bibig nito ang ganu'ng tanong kaya talagang labis niyang ikinabigla ang bagay na 'yon.
"Ma, ano bang tanong 'yan?" tanong niya sabay ngiti ng sapilitan.
"Anak kita. Babae rin ako kagaya mo kaya hindi mo maipagkaila sa akin kung bakit ganu'n ang nararamdaman ko, kung bakit ganu'n ang nakikita ko sa'yo."
Sandaling nahulog sa malalim na pag-iisip ang dalaga. Tama nga ang sabi ng iba na kapag kapareha kayong babae, may tendency talaga na mararamdaman mo rin kung ano ang kanyang nararamdaman.
Tama rin ang sinasabi ng iba na pwede mong lukuhin ang ibang tao pero hindi ang sarili mong ina dahil kabisado ka niya kahit noong nasa loob ka pa niya sa kanyang sinapupunan niya. Kabisado na niya ang pag-uugali mo, ang lahat ng gusto mo sa buhay dahil mula nang isinilang nila tayo, bawat segundo, bawat minuto ng buhay natin, nakamasid sila sa atin. Ang bawat galaw, bawat pagtangis natin ay hindi na nakakaligtas sa kanyang paningin at pandinig kaya alam na alam at kilalang-kilala na nila tayo.
"Pilit ko namang pinigilan ang sarili ko pero, ayaw talaga. Sa bawat pigil na ginagawa ko, mas lalo akong nahuhulog," pagtatapat niya sa ina na ngayon ay mas nauunawaan na siya sa bawat ngiti na kanyang ipinapakita sa tuwing nasa harapan na niya ang kaibigan.
"Hindi mo naman kailangang pigilan ang puso mong ibigin siya dahil hindi mo naman 'yan tinuruan na tumibok para kay Matthew."
"Pero, ramdam kong hindi niya ako mahal. Kaibigan lang ang turing niya sa akin, Ma," madamdamin niyang pahayag at naaawa namang napatitig ang ginang sa kanyang anak na sa buong buhay niya, ngayon lamang niya nakitang nagmahal ng ganito sa isang lalaki.
"Ang mahalaga, nagmahal ka. Oo, masakit kapag alam mong hindi ka mahal ng taong mahal mo pero, nak tandaan mo na kapag nagmahal ka ng isang tao, hindi ibig sabihin nu'n kailangan ka rin niyang mahalin kagaya ng ginawa mo sa kanya."
Mapait na napangiti siya. Oo, hindi niya kailangang suklian ni Matthew ang damdamin niya para rito dahil alam naman niyang hindi siya nito magagawang mahalin pero masakit pa rin talaga para sa kanya ang lahat.
Masakit pa rin para sa kanyang side na kahit kailan, ang pag-ibig niya, kailanman ay hindi na magkakaroon ng katuparan, hindi na magkakaroon ng kaligayahan kagaya ng pag-ibig ng ibang nagmamahalan.
"Ano pa ba 'yang drama niyong dalawa diyan?"
Sabay silang napatingin sa may pintuan nang dumumgaw mula roon ang kanyang amang si Roman na bihis na bihis na at ready nang umalis ng mga sandaling 'yon.
"Kumilos na kayong dalawa dahil baka ma-late pa tayo sa dinner natin. Nakakahiya naman kina Arturo at Olivia," dagdag pa nito.
Agad namang tumayo si Sylvia mula sa pagkakaupo nito habang ang dalaga ay nanatiling nakaupo.
"What are you waiting for?" baling ng ginang sa anak. "Halika na, naghihintay na sila."
"Yes po, Ma," walang emosyong sagot ni Sabrina sabay lapag sa ibabaw ng kanyang kama ng hawak niyang photo album saka siya tumayo upang magbihis na rin.
"We will wait for you downstair," habol pa ni Sylvia saka na ito tuluyang lumabas ng kanyang kwarto.
Mabilis naman niyang binuksan ang kanyang closet upang maghanap ng kanyang maisusuot. Kailangan niyang magmukhang maganda sa mga oras na 'yon.
Birthday ng ina ni Matthew na si Olivia at isang simpleng dinner lamang ang gagawin nito bilang pag-celebrate nito sa kaarawan nito sa isang 5 star hotel. Sila lang ang niyaya ng mga ito at dahil alam niyang nandu'n si Matthew ay kailangan niyang maging maganda sa mga mata ng kaibigan kahit sa mga sandali lang 'yon.
"Ang ganda ng anak ko, ah!" bulalas ni Sylvia nang makita niya ang kanyang anak na naglalakad pababa ng hagdan mula sa kwarto nito.
Isang kulay pulang off-shoulder dress ang kanyang suot at pinaresan niya iyon ng isang red wedge sandal. Ang pisngi niyang hindi niya madalas pinapahiran ng kung ano-anong makeup ay nilagyan niya ito ng pulbo lamang. Ang lips niyang natural lang ang pagiging mapula nito ay pinahiran niya nang konting lipstick kaya mas namula ito.
Napangiti siya nang kaytamis nang marinig niya ang naging komento sa kanya ng kanyang ina at nang tiningan niya ang kanyang ama ay napataas ang kilay nito.
"May pinapagandahan ba 'tong anak ko?" baling nito sa asawa na siyang nagpaawang sa mga labi ng dalaga.
"Ano ka ba? Hindi ba pwedeng magpaganda kahit paminsan-minsan ang anak mo?" balik-tanong ni Sylvia sa asawa.
Isa 'to sa kanyang mga ipinagpapasalamat sa Diyos, ang pagkakaroon niya ng inang handa siyang pagtakpan mula sa ama lalo na sa ganitong bagay dahil nahihiya talaga siya kapag nalaman ng kanyang ama ang tungkol sa kanyang nararamdaman para kay Matthew.
"Happy birthday, tita," bati ni Sabrina kay Olivia nang dumating na sila sa hotel kung saan sila magdi-dinner.Niyakap at nagbeso-beso silang dalawa habang sina Roman naman at Arturo ay nagtapikan."Thank you, dear," magiliw na saad nito habang nakayakap sa kanya sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan siya nito nang mabuti."You look so gorgeous tonight, honey!" compliment nito sa kanya habang hawak-hawak siya nito sa magkabila niyang braso.Nahihiya namang napayuko na lamang siya habang ang asawa naman nito ay mabilis na sumang-ayon sa kanila."Thank you, tita," sabi naman niya habang nakakaramdam pa rin siya ng hiya.
Nagtatakang napatingin si Matthew sa kanyang ina nang wala pa rin silang natanggap na tugon mula rito. Talagang nabigla ito sa kanyang dalang balita, hindi naman kasi pumasok sa kanyang isipan na ganu'n pala ang magiging epekto ng balitang 'yon sa kanyang pamilya."Ma?" tawag niya sa ginang habang ang lahat ng nandu'n ay kakaibang atmosphere na ang nararamdaman sa kanilang paligid na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat.Napatingin si Sabrina sa ginang at nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa basong may lamang tubig ay nagmamadaling agad niya itong nilapitan saka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa may baso."Tita," tawag niya rito na siyang nagpagising sa diwa ng ginang.Napangiti siya nang kaytamis nang n
Parang biglang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ni Sabrina nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Pakiramdam niya, pati ang bosesng binata ay nag-slow motion na rin dahil sa sakit na unti-unting bumabangon mula sa kanyang kaibuturan."Hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Matthew sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang damdamin na unti-unti nang sinasaksak ng sakit na naidulot nito sa kanya."O-oo naman!" sagot naman niya sabay ngiti kahit na nasasaktan na siya."Eh, mukhang hindi naman, ah!""Nakikinig kaya ako," pagrarason pa niya."Eh, bakit mukhang hindi ka masaya para sa akin?"Diretsong napatingin siya sa mga mat
Nakauwi na si Sabrina sa kanilang bahay habang si Matthew naman ay napakalapad ng ngiti sa mga labi nito habang kausap ang nobyo nitong si Alheia. Dahil sa pagkagiliw niya sa nobya ay hindi na sumagi pa sa kanyang isipan ang mga taong nasa paligid niya.Ni hindi naman sumagi sa kanyang isipan na mahal na pala siya ng kanyang kaibigang si Sabrina na kasalukuyan nang umiiyak dahil sa sinabi niyang magpo-propose siya kay Alheia.Tahimik namang nakatayo lamang ang ina ng dalagang si Sylvia. Dinig na dinig niya ang paghikbi ng kanyang anak sa loob ng kwarto nito. Bilang ina ay hindi talaga niya kaya na hanggang pakikinig na lamang ang kanyang magagawa kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nang silipin niya ang anak ay nakita niya itong nakasandal sa gilid ng kama nito habang nakaupo sa sahig.Nakataas ang dalawang tuhod nito habang nakadikit naman sa sahig ang magkabila niyang paa. Nakapatong ang dalawa niyang magkahawak na braso sa ibabaw ng
“Ano sa tingin mo? Maganda kaya?” tanong ni Matthew kay Sabrina matapos nitong sabihin sa dalaga ang ideya nito kung papaano nito iso-sorpresa ang nobya para sa wedding proposal nito.“Okay lang naman siya. Maganda,” sagot naman ng dalaga.“Magugustuhan kaya niya?”Bahagyang nakatingalang tanong ng binata habang si Sabrina naman ay lihim na nasasaktan.“Hindi naman importante kung papaano ka nag-propose sa kanya, ang mahalaga du’n totoo ka sa nararamdaman mo,” litanya ng dalaga.Napapiksi na lamang si Sabrina nang bigla siyang niyakap ng kanyang kaibigan sa tuwa.“Masaya talaga ako dahil ikaw ang kaibigan ko. Sana, hindi ka na magbabago pa,” madamdamin nitong saad at sapilitan namang napangiti si Sabrina para naman masabi nito na okay lang siya at masaya rin siya dahil naging kaibigan din niya ito.Masaya rin naman talaga siya pero ang hindi lang niya maintindihan ay ku
Ang buong akala ni Sabrina ay maniniwala na sa kanya ang kanyang kaibigan pero hindi pala dahil matapos siya nitong lingunin ay napatawa lamang ito na para bang ginagawa nitong biro ang kanyang ipinagtapat dito.“Brin, alam kong pagod ka pero pwede bang huwag mo siyang gawan ng isang bagay na hindi naman niya magagawa?” natatawa nitong saad at masakit iyon para kay Sabrina dahil nais lang naman niyang mailayo ang binata sa mapanlukong si Alheia.“Nagsasabi ako ng totoo saýo. Hindi ko gawa-gawa ang bagay na ýon at alam mo kung anong klaseng tao ako, Matt kaya sana naman, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang,” pagsusumamo pa niya pero talagang hindi na naniniwala pa sa kanya ang kanyang kaibigan.Ganito nga siguro kapag sobrang nagmamahal, nakakabulag at nakakabingi!Naglakad palapit sa kanya ang binata saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata.“Thank you for your information. Alam kong concern
Nang maayos nang naibaba ni Matthew ang kanyang kamao ay mapagkumbabang binalingan ni Sabrina ng tingin ang mga kalalakihan lalo na ang sinapak ng kanyang kaibigan.“Pasensiya na kayo, lasing lang siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa,” paghingi niya ng paumanhin.“Ilayo mo na ýan mula rito dahil baka kung ano pa ang magagawa namin diyan,” sabi ng isa sa mga ito habang nakahawak ito sa kabilang braso ng kaibigan nitong nasapak ng binata.“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Matthew pero agad naman niya itong binalingan.“Tumigil ka na,” saway niya saka niya ito pinandilatan ng mga mata.“Pasensiya na po talaga sa inyo ulit,” muling paghingi ni Sabrina ng paumanhin sa mga ito. Mabuti na lang at hindi ganu’n kainit ang ulo ng mga ito kaya imbes na manggulo at gumanti dahil sa ginawa ni Matthew ay mas pinili na lang ng mga ito ang pagpasensiyahan na lamang sila.
“What? No!” sigaw ni Matthew sabay tayo. Napatingin ang lahat sa binata habang si Sabrina naman ay nanatiling nakayuko at pilit na pinipigilan ang sarili nitong mga luha sa pagdaloy.“Matthew!” awat ni Arturo sa anak.Nahihiya naman ang mag-asawa nang napatingin ang mga ito sa mga magulang ni Sabrina. Napailing na lamang din si Roman dahil sa inasal ni Matthew ng mga sadaling ýon.“Hindi ako papaya na makasal kau Sabrina. Ma, alam naman ninyong kapatid lang ang turing ko sa kanya at kahit kailan, hindi na ýon magbabago pa,” katwiran ng binata na siyang lalong sumaksak sa puso ni Sabrina nang lihiman.“If you don’t love her then, why did you sleep with her?!” singhal na tanong ni Slyvia sa anak na gustong magrebelde sa kanila.“I was drunk last night. I was unconscious. I was not in-----”“Kahit ano pang sasabihin mo, sa ngalan na nakipagsiping ka sa kanya,
Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na
Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano
Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa
Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a
Napatigil si Sabrina sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang bahay nang dire-diretsong naglakad si Matthew papasok na para bang hindi siya nito napapansin.Padabog na isinara nito ang pintuan ng kwarto nito nang nakapasok na ito. Nanlulumong napaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang sala habang ang kanyang mga luha ay nagbabadya namang umagos mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya tuloy alam kung tama pa ba ang kanyang kasunduan na gustong mangyari.Oo, alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Matthew pero alam naman niyang nasaktan niya ang kanyang asawa. Alam naman niyang nahihirapan din ito sa naging sitwasyon nilang dalawa at para lang mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan ay pinilit nitong magiging okay kahit na hindi naman.“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Matthew sa kanya nang pasukin niya ito sa loob ng kwarto nito. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama nito habang nakatagilid patalikod mula sa kanya.“Nag-usap na ba kayo ni Alheia?” lakas-loob niyang
“Please, Alheia don’t make a mess,” muli pang pakiusap ni Matthew sa nobya pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil sa galit n anadama.“Alheia?” sambit nito sa sariling pangalan. Hindi kasi ito sanay na tawagin ni Matthew sa pangalan lang dahil babe talaga ang naging tawagan ng mga ito. “I am your girlfriend, Matthew tapos tatawagin mo lang akong Alheia? Bakit kasali ba ýan sa naging usapan niyo ng babaeng ‘to?” muli nitong tanong kasabay ng muling pagduro nito sa kinaroroonan ni Sabrina.“Alheia, let’s get out of here. Let’s talk about it outside not here.” Sinubukang hawakan ni Matthew sa kamay ang dalaga pero hindi na niya nagawa pa dahil agad namang umiwas si Alheia palayo sa kanya.“Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan niyo. Ang alam ko lang na kaya pinakasalan ng boss niyo ang secretary niya dahil sa inakit siya nito at may nangyari sa kanila,” pagbubutyag ni Alheia.Napaawang ang mga labi ng mga nakarinig habang si Sabrina naman ay hiyang-hiya sa narinig pero wala siyan
“Are you sure?”“Yes,” matapang niyang sagot.Sa loob ng tatlong buwan, gagampanan nila pareho kung ano-ano ang mga responsibilidad ng isang mag-asawa. Gagawin nila ang buhay ng mag-asawa. Hindi pwedeng makipagharutan si Matthew kay Alheia at hindi rin pwedeng makipagharutan sa ibang lalaki si Sabrina. Dapat kailangan nilang isipin na pareho na silang may asawa na hindi na pwedeng makipaglambingan sa iba.Ang nais lang naman ni Sabrina ay ang maipadama niya kay Matthew ang tunay niyang nararamdaman dito. Gusto niyang ipakita rito na tunay ang pagmamahal niya para rito. Gusto niyang ipadama na asawa siya nito at hindi kung ano lang. Gusto rin niya sa loob ng tatlong buwan na magsasama silang dalawa ay madarama niya ang pagiging asawa nito sa kanya kahit pa hindi siya ang mahal nito.Ýon lang ang gusto niyang maramdaman bago pa man sila tuluyang magkahiwalay. Alam kasi niyang pagkatapos ng lahat ng mayroon sila ngayon ay mawaw
Napatingin si Sabrina sa kanyang kamay nang walang anu-anoý hnawakan ito ni Leo.“Give me a chance to prove my feelings for you, please,” pakiusap nito.Nang titigan niya ito sa mga mata nito ay kakaibang emosyon ang nakadungaw na siyang sumalubong sa kanyang mga mata.“Leo, alam mo naman ang totoo kong sitwasyon. Alam mo namang kasal na ako at---”“At hihiwalay din kayo pagkatapos ng tatlong buwan, di ba?” agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin.“Leo?”“I’m willing to wait. I promise, I won’t give up until you will totally free from him,” madamdamin nitong pahayag.Bakit ba hindi na lang ikaw si Matthew? Tanong ng kanyang isipan habang pinagmamasdan niya sa mga mata ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling ýon.Ang hindi alam ni Sabrina ay nasa labas pala ng pintuan ng kanilang department ang kanyang asawa habang may bitbit itong
“Finish them all.”Pabagsak na inilapag ni Matthew sa ibabaw ng mesa ni Sabrina ang patong-patong na folder na dala nito mula sa opisina nito pagkatapos niyang makaupo sa harap ng kanyang mesa ng tanghaling ýon. Kararating lang niya galing mag-lunch kasama si Leo pero ganito na ang agad na isinalubong sa kanya. Hindi pa nga siya nakapagpahinga kahit saglit mula sa kinain niya ay sangkatutak na folders ang inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa.“I need your report about it before you can go home,” dagdag pa nito.Gusto niyang mag-react pero hindi na niya nagawa pa dahil agad naman itong umalis mula sa kanyang harapan. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis pa sa alas-kwatro ang naging kilos nito.Matamlay na napatingin siya sa bulto-bultong folders na nasa harapan niya. Mas okay pa naman sana ang kanyang asawa kanina pero bakit bigla na lang itong nag-iba.Naiintindihan naman niya kung hanggang sa mga sandaling