Nakauwi na si Sabrina sa kanilang bahay habang si Matthew naman ay napakalapad ng ngiti sa mga labi nito habang kausap ang nobyo nitong si Alheia. Dahil sa pagkagiliw niya sa nobya ay hindi na sumagi pa sa kanyang isipan ang mga taong nasa paligid niya.
Ni hindi naman sumagi sa kanyang isipan na mahal na pala siya ng kanyang kaibigang si Sabrina na kasalukuyan nang umiiyak dahil sa sinabi niyang magpo-propose siya kay Alheia.
Tahimik namang nakatayo lamang ang ina ng dalagang si Sylvia. Dinig na dinig niya ang paghikbi ng kanyang anak sa loob ng kwarto nito. Bilang ina ay hindi talaga niya kaya na hanggang pakikinig na lamang ang kanyang magagawa kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nang silipin niya ang anak ay nakita niya itong nakasandal sa gilid ng kama nito habang nakaupo sa sahig.
Nakataas ang dalawang tuhod nito habang nakadikit naman sa sahig ang magkabila niyang paa. Nakapatong ang dalawa niyang magkahawak na braso sa ibabaw ng kanyang tuhod habang ang mukha naman nito ay nakasubsob sa dalawa nitong braso.
Patuloy pa rin ito sa paghahagulhol na siyang lalong nagpapadurog sa puso niya bilang ina. Masakit talaga para sa kanya ang pagmasdan ang anak na nahihirapan sa isang bagay na hindi naman niya alam kung ano. Iisang dahilan lang ang nasa isipan niya ng mga sandaling ýon, ýon ay ang puso ng anak.
Hindi mawawala sa kanyang isipan ang haka-haka na ang dahilan ng pag-iyak nito ay ang lihim nitong pagtingin sa kaibigan nito na hanggang ngayon ay hindi nila alam kung nararamdaman na rin ba iyon ni Matthew. Hindi rin naman kasi nila masisisi ang binate kung naging manhid ito para sa nararamdaman ng kanilang anak dahil alam naman nilang hindi nito gusto si Sabrina. Kaibigan lang talaga ang tingin nito sa kanilang dalaga.
Dahan-dahan siyang humakbang palapit sa kinauupuan ni Sabrina saka siya umupo sa gilid nito at kahit na naramdaman n ani Sabrina ang kanyang presensiya ay nanatili pa rin ito sa naging pwesto nito pero medyo hininaan na nito ang paghikbi.
“Maaari mo namang sabihin sa akin ang dahilan ng pag-iyak mo,” aniya habang pinagmamasdan niya ang kanyang anak ng may awa sa mga mata.
Dahan-dahan na nag-angat ng mukha si Sabrina at may mga luha sa mga matang napabaling ito ng tingin sa kanya, “Nagmahal lang naman ako, ma pero bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko?”
Muling umagos ang mga luha nito sa magkabila nitong pisngi matapos lumabas mula sa bibig nito ang mga katagang binitiwan nito.
“Hindi kasi sa lahat ng pagkakataon, saya ang mararamdaman ng taong nagmamahal kaya nga sinasabi ng iba na kapag nagmahal ka, dapat nakahanda ka ng masaktan dahil kaakibat ng pag-ibig ang sakit,” pahayag niya. Napaiwas naman ng tingin ang kanyang anak at itinuon nito ang mga mata sa unahan habang siya naman ay lihim pa ring nasasaktan para rito.
“Pinangarap ko siya magmula pa noon. Wala akong ibang lalaking hinahangad na makasama habang-buhay, siya lang talaga. Siya kasi ang nagturo sa akin kung papaano magmahal sa unang pagkakataon pero ang hindi ko lang matanggap, habang patuloy akong nangangarap na sana mapansin niya ako kahit saglit, nangangarap din pala siya ng ibang makakasama at mamahalin niya.”
Masasaganang mga luha ang patuloy na umaagos sa gilid ng mga mat ani Sabrina. Para siyang sinasaktan ng paulit-ulit sa sakit na lumulukob sa buong pagkatao niya ng mga sandaling ýon. Pinilit naman niya ang sariling huwag magpaapekto, huwag masaktan pero ang puso niya talagang hindi niya mapipigilan. Tao lang siya at normal lang sa kagaya niyang nagmahal ang masaktan pero ang masakit lang kasi ay ang isiping habang umiiyak siya dahil sa sakit na nararamdaman niya ay nagsasaya naman ang lalaking naging dahilan ng kanyang pagluha habang ka-date nito ang babaeng mahal, ang babaeng pinangarap nitong makasama habang-buhay.
“Hindi natin siya masisisi kung tumibok ang puso niya para sa iba at hindi saýo dahil puso niya ýon. Siya ang nagmamay-ari nu’n. hindi naman natin ýon pwedeng diktihan dahil kapag ginawa natin ýon, tayo at tayo pa rin ang masasaktan sa bandang huli,” pahayag ng ina.
Alam naman niyang may point ang ginang pero wala na nga ba siyang pag-asa kahit katiting lang na sana mararamdaman naman niya ang pagmamahal ng kanyang kaibigan para sa kanya? Wala na ba talaga siyang pagkakataong maipadama ng Malaya sa binate kung ano nga ba ang laman ng munti niyang puso?
Mga katanungang siya lang din ang may alam ng kasagutan. Kita naman niya sa mga mat ani Matthew kung gaano nito kamahal si Alheia kaya malabong mapapansin nito ang kanyang lihim na nararamdaman para rito.
Ang isang katanungan na talagang gumugulo sa kanyang isipan ay ang katanungan na kung bakit pinana pa ni kupido ang kanyang puso para kay Matthew kung hindi rin lang naman pala mapapasakanya ang kaibigan. Ano pa ba ang kahalagahan ng pagtibok ng kanyang puso para sa binate kung nakatadhana rin lang pala ito para sa iba at hindi para sa kanya?
“Nasaan kaya ang babaeng ýon? Bakit hindi siya pumasok ngayon?” nagtatakang tanong ni Matthew sa kanyang sarili habang naglalakad-lakad siya sa loob ng kanyang opisina. Lampas 5 minutes na ang late nito kumpara sa nagawian nitong pagpunta sa kanyang kompanya kaya nagtatanong na siya sa kanyang sarili kung bakit hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa niya nakikita ang dalaga. Usually kasi, mas nauuna pa ito sa kanya.
Napatingin siya sa kanyang phone nang bigla itong tumunog. Dali-dali niya itong nilapitan saka niya tiningnan kung sino ang nag-text sa kanya at nakita niya ang pangalan ng kanyang kaibigan na kanina pa niya hinihintay.
Sorry kung hindi ako makakapasok ngayon. Medyo, masama ang pakiramdam ko.
Text nito sa kanya. Walang ganang ibinaba niya ang kanyang phone at inilapag niya iyon sa ibabaw ng kanyang mesa kung saan niya ito kinuha.
Napaupo siya sa kanyang swevil chair saka niya pinag-iisipan kung bakit bigla na lang sumama ang pakiramdam ng dalaga.
Pero, imbes na ubusin niya ang kanyang oras sa kaiisip ng isang bagay na alam naman niyang hindi naman makakatulong para mababawasan ang kanyang mga gawain ng araw na ýon ay mas minabuti na lamang niyang abalahin ang sarili sa paghahalungkat ng mga folders na nasa ibabaw ng kanyang mesa na imbes si Sabrina ang gagawa ng iba.
Habang sa kabilang banda naman ay nanatiling nakatingin si Sabrina sa kanyang phone dahil naghihintay siya sa magiging reply sa kanya ni Matthew dahil alam naman niyang nabasa na nito ang ipinadala niyang message pero muli na naman siyang nabigo dahil maghapon siyang naghintay ngunit ni isang blangkong reply ay wala siyang natanggap mula sa kaibigan.
“Tama na, self. Hindi ka ipinanganak na tanga para magkakaganito ka,” paaalala niya sa kanyang sarili saka niya inilapag sa ibabaw ng kanyang side table saka siya humiga sa kanyang kama.
Hindi naman totoong masama talaga ang kanyang pakiramdam, palusot lang niya ýon dahil ayaw naman niyang pumasok dahil sa namamaga niyang mga mata. Ayaw niyang makikita iyon ng kanyang mga katrabaho lalo na ng kanyang kaibigan. Siguradong tatadtarin siya ng tanong ng mga iyon at baka kung ano na ang lalabas sa kanyang bibig kung sakali man kaya hangga’t makakaiwas pa siya ay iiwas siya.
Nakatulog siya ng mga sandaling ýon. Buong maghapon siyang nakahilata lamang sa kanilang sofa sa sala at sa kanyang kwarto. Hindi naman siya inu-obliga ng kanyang mga magulang na pumasok sa trabaho dahil naiintindihan naman siya ng mga ito. Mabuti na lang at supportive ang kanyang mga magulang sa kanya.
Kinagabihan ay nagising na lamang siya ng may nararamdaman siyang dumampi sa kanyang noo pati na sa kanyang leeg at nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay ang nag-aalalang mukha ni Matthew ang unang tumambad sa kanyang paningin.
Mabilis siyang napabangon mula sa kanyang pagkakahiga at saka siya napaupo sa gitna ng kanyang higaan habang ang kaibigan naman niya ay nakaupo sa gilid ng kama.
“Bakit ka nandito?” nagtataka niyang tanong, “Baka kailangan ka du’n sa kompanya mo,” dagdag pa niya.
“Sa tingin mo, anong oras na?” patanong nitong sagot sa kanya kaya inabot niya ang kanyang phone na nakapatong sa ibabaw ng kanyang side table siya tiningnan ang oras.
“Mag-seven oçlock na pala?”
“Hindi mo na namalayan, no? Ang sarap kasi ng tulog mo.”
Ibinalik niya ang kanyang phone sa kung saan niya ito kinuha habang si Matthew naman ay nanatiling nakatingin sa kanya.
“Bakit ka ba nandito? May kailangan ka ba?” sunod-sunod niyang tanong.
“Namiss lang kita.” Bahagya siyang natigilan sa kanyang narinig. Totoo ba talagang namiss siya ni Matthew? Totoo ba ang kanyang narinig o baka nanaginip na naman siya?
“Namiss mo ‘ko?” paniniguro pa niya.
“Oo, wala kasing gumawa ng mga gawain kanina. Sinolo ko ang lahat dahil wala ka,” sagot nito na siyang panandaliang nagpatahimik sa kanya.
Iba kasi ang nasa isipan niya pero iba naman ang tumatakbo sa utak ng kaibigan. Nadismaya na naman siya at lihim naman niyang sinisisi ang kanyang sarili dahil umaasa na naman siya sa isang bagay na hindi naman mangyayari at alam na niya iyon.
“Akala ko ba masama ang pakiramdam mo, eh bakit mukhang okay naman, ah,” sabi nito at saka nito muling idinikit ang likod ng palad nito sa kanyang noo pero bago pa nangyari ýon ay agad na siyang umiwas.
“Masakit ang ulo ko at wala namang kinalaman ýon sa body temperature ko,” pagsisinungaling pa niya, “Bakit ka ba nandito? May iuutos ka ba? Sabihin mo na para naman makatulog na ako ulit,” pataray na saad niya kahit na ang totoo ay ayaw pa sana niya itong umalis sa kanyang tabi.
“Ba’t ba parang taray mo naman ngayon?” kunot-noong tanong nito, talagang napansin nito ang kanyang boses, “Ah! Baka red days mo ngayon kaya ka ganyan,” dagdag pa nito na siyang ikinainis niya. Bakit ba kasi ang hina ng radar ng lalaking ‘to? Bakit ba kasi ang hirap iparamdam dito kung ano nga ba talaga ang tunay niyang nararamdaman.
“Pwede bang sabihin mo na? Ano ba ýan?”
“May naisip na kasi akong concept,” sagot nito, “Gusto kong hingin ang opinion mo dahil baka may maisa-suggest kang mas maganda peo mukhang wala ka ngayon sa mood kaya sa susunod na lang,” may himig ng pagtatampong saad ng binata at dahil ayaw naman niyang magtampo ito sa kanya ay mas pinili na lamang niyang kalmahin na lamang ang sarili.
“Ano ba ýan? Makikinig ako,” aniya na siyang nagpangiti sa kaibigan.
May inilabas itong isang notebook mula sa dala-dala nitong bag saka nito ipinakita sa kanya ang mga nakalagay na ideya nito.
“Ganito sana ang concept na gagawin ko kapag magpo-propose na ako kay Alheia,” masigla nitong pahayag na siyang nagpatigil sa dalaga.
Muling kumurot ang dibdib ni Sabrina dahil sa kanyang narinig. Akala niya tungkol sa kompanya ang concept na sinasabi nito pero mali na naman pala siya.
Habang masayang nagsasalita si Matthew ay lihim naman niya itong pinagmamasdan habang ang kanyang puso ay muli na namang umiiyak ng lihim.
“Ano sa tingin mo? Maganda kaya?” tanong ni Matthew kay Sabrina matapos nitong sabihin sa dalaga ang ideya nito kung papaano nito iso-sorpresa ang nobya para sa wedding proposal nito.“Okay lang naman siya. Maganda,” sagot naman ng dalaga.“Magugustuhan kaya niya?”Bahagyang nakatingalang tanong ng binata habang si Sabrina naman ay lihim na nasasaktan.“Hindi naman importante kung papaano ka nag-propose sa kanya, ang mahalaga du’n totoo ka sa nararamdaman mo,” litanya ng dalaga.Napapiksi na lamang si Sabrina nang bigla siyang niyakap ng kanyang kaibigan sa tuwa.“Masaya talaga ako dahil ikaw ang kaibigan ko. Sana, hindi ka na magbabago pa,” madamdamin nitong saad at sapilitan namang napangiti si Sabrina para naman masabi nito na okay lang siya at masaya rin siya dahil naging kaibigan din niya ito.Masaya rin naman talaga siya pero ang hindi lang niya maintindihan ay ku
Ang buong akala ni Sabrina ay maniniwala na sa kanya ang kanyang kaibigan pero hindi pala dahil matapos siya nitong lingunin ay napatawa lamang ito na para bang ginagawa nitong biro ang kanyang ipinagtapat dito.“Brin, alam kong pagod ka pero pwede bang huwag mo siyang gawan ng isang bagay na hindi naman niya magagawa?” natatawa nitong saad at masakit iyon para kay Sabrina dahil nais lang naman niyang mailayo ang binata sa mapanlukong si Alheia.“Nagsasabi ako ng totoo saýo. Hindi ko gawa-gawa ang bagay na ýon at alam mo kung anong klaseng tao ako, Matt kaya sana naman, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang,” pagsusumamo pa niya pero talagang hindi na naniniwala pa sa kanya ang kanyang kaibigan.Ganito nga siguro kapag sobrang nagmamahal, nakakabulag at nakakabingi!Naglakad palapit sa kanya ang binata saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata.“Thank you for your information. Alam kong concern
Nang maayos nang naibaba ni Matthew ang kanyang kamao ay mapagkumbabang binalingan ni Sabrina ng tingin ang mga kalalakihan lalo na ang sinapak ng kanyang kaibigan.“Pasensiya na kayo, lasing lang siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa,” paghingi niya ng paumanhin.“Ilayo mo na ýan mula rito dahil baka kung ano pa ang magagawa namin diyan,” sabi ng isa sa mga ito habang nakahawak ito sa kabilang braso ng kaibigan nitong nasapak ng binata.“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Matthew pero agad naman niya itong binalingan.“Tumigil ka na,” saway niya saka niya ito pinandilatan ng mga mata.“Pasensiya na po talaga sa inyo ulit,” muling paghingi ni Sabrina ng paumanhin sa mga ito. Mabuti na lang at hindi ganu’n kainit ang ulo ng mga ito kaya imbes na manggulo at gumanti dahil sa ginawa ni Matthew ay mas pinili na lang ng mga ito ang pagpasensiyahan na lamang sila.
“What? No!” sigaw ni Matthew sabay tayo. Napatingin ang lahat sa binata habang si Sabrina naman ay nanatiling nakayuko at pilit na pinipigilan ang sarili nitong mga luha sa pagdaloy.“Matthew!” awat ni Arturo sa anak.Nahihiya naman ang mag-asawa nang napatingin ang mga ito sa mga magulang ni Sabrina. Napailing na lamang din si Roman dahil sa inasal ni Matthew ng mga sadaling ýon.“Hindi ako papaya na makasal kau Sabrina. Ma, alam naman ninyong kapatid lang ang turing ko sa kanya at kahit kailan, hindi na ýon magbabago pa,” katwiran ng binata na siyang lalong sumaksak sa puso ni Sabrina nang lihiman.“If you don’t love her then, why did you sleep with her?!” singhal na tanong ni Slyvia sa anak na gustong magrebelde sa kanila.“I was drunk last night. I was unconscious. I was not in-----”“Kahit ano pang sasabihin mo, sa ngalan na nakipagsiping ka sa kanya,
Pagkatapos ng kanilang secret wedding ay mas pinili ng dalawa na dumiretso na lamang sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Ang nasabing honeymoon ay pinlano rin ng ina ni Matthew. Wala na rin sa kanilang kukuti na magkakaroon pa sila ng kasiyahan pagkatapos ng kasal dahil alam naman nila na magmumukha lang silang namatayan dahil sa mga nangyayari sa kanila.Walang imikang na namamagitan sa kanilang dalawa habang nagba-biyahe sila papunta sa kanilang destinasyon. Hindi rin magawa ni Sabrina ang ibuka ang kanyang mga bibig para magsalita dahil sa takot nab aka bulyaw lang ang kanyang matatanggap na tugon mula sa kanyang asawa lalo na at wala talaga ito sa mood na makipag-usap matapos itong ikasal sa kanya ng sapilitan.Hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan na ang labis na pagsisisi kung bakit mas pinili niya ang kagustuhan niyang matikman ang higpit na yakap ni Matthew pati na ang matikman ang tamis ng bawat halik nito
Nanatili siyang nakatitig sa kanyang asawang maghimbing nang natutulog ng mga sandaling ýon. Dahan-dahan niyang inihakbang ang kanyang mga paa papalapit sa kama at nang nakalapit na siya ay dahan-dahan naman siyang umupo sa gilid nito saka niya tahimik na pinagmamasdan ang mukha ni Sabrina. Ang mukha nap uno ng saya at tawa noon na naging malungkutin na ngayon dahil sa mga nangyayari sa kanilang dalawa.Masisisi ba siya kung hindi naman talaga niya ginusto kung anuman ang mga namagitan sa kanilang dalawa?Oo, mahal niya ito hindi bilang isang babae kundi bilang isang kaibigan at kapatid. Kahit kailan ay hindi talaga sumagi sa kanyang isipan na mangyayari sa kanilang dalawa ang bagay na ‘to. Wala sa isipan niyang darating ang panahon na magiging asawa niya ito nang dahil sa isang gabing pagkakamali.Kailanman, wala sa kanyang bokabularyo ang saktan ito pero anong magagawa niya kung nang dahil dito ay masisira ang kanyang mga pangarap para sa kanilang
“Alam ko na ang buong katotohanan tungkol sa inyong dalawa ni Matthew,” pahayag ni Alheia nang nakapagsolo na silang dalawa para pag-usapan ang mga bagay-bagay na kinakailangan ng masinsinang pag-uusap.Kasalukuyan silang nasa pasyalan habang si Matthew naman ay umalis saglit dahil may binili ito.Napatingin siya sa kanyang kausap at nababasa niya sa mga mata nito na hindi ito nagbibiro ng mga sandaling ýon.Hindi niya akalain na ganu’n lang kadali para kay Matthew ang sabihin ang buong katotohanan kay Alheia at ni hindi man lang nito napag-isipan kung ano ang mararamdaman niya para sa bagay na ýon.Naibaling niya ang knayang paningin sa ibang bagay habang unti-unting sinasaksak ang kanyang puso.“Galit ako noong una. Wala akong maintindihan pero dahil mahal ko si Matthew, pinilit ko ang sariling intindihin siya at samahan sa laban niyang ‘to ,” seryosong pahayag nito habang nakatuon ang mga mata ni
Tahimik si Matthew na nakaupo sa isang upuan na nasa gilid ng pool na nasa labas ng kanilang bahay habang nakamasid siya sa piligid.May alak na nakapatong sa mesang nasa tabi niya habang may lamang alak naman ang basong hawak-hawak niya.Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang mukha ng kanyang asawa matapos nitong pirmahan ang kasunduan na inihanda niya para sa kanilang dalawa. Mahal niya si Sabrina hindi bilang asawa niya kundi isang kaibigan na alam niya sa kanyang sarili na hindi na ýon magbabago pa.Gusto lang din naman niyang makahanap ito ng lalaking kayang suklian ang pagmamahal na iniaalay nito kagaya ng pagmamahal nito sa kanya. Alam din niya sa sarili na kahit kailan ay hindi niya masusuklian ang pagmamahal na ýon dahil si Alheia lang ang babaeng pinangarap niyang makasama habang-buhay. Alam niya sa sariling si Alheia lang ang natatanging babaeng nakatakda at nararapat sa kanya at wala nang iba pa.Hindi ba parang sumusobra na yat
Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na
Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano
Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa
Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a
Napatigil si Sabrina sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang bahay nang dire-diretsong naglakad si Matthew papasok na para bang hindi siya nito napapansin.Padabog na isinara nito ang pintuan ng kwarto nito nang nakapasok na ito. Nanlulumong napaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang sala habang ang kanyang mga luha ay nagbabadya namang umagos mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya tuloy alam kung tama pa ba ang kanyang kasunduan na gustong mangyari.Oo, alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Matthew pero alam naman niyang nasaktan niya ang kanyang asawa. Alam naman niyang nahihirapan din ito sa naging sitwasyon nilang dalawa at para lang mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan ay pinilit nitong magiging okay kahit na hindi naman.“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Matthew sa kanya nang pasukin niya ito sa loob ng kwarto nito. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama nito habang nakatagilid patalikod mula sa kanya.“Nag-usap na ba kayo ni Alheia?” lakas-loob niyang
“Please, Alheia don’t make a mess,” muli pang pakiusap ni Matthew sa nobya pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil sa galit n anadama.“Alheia?” sambit nito sa sariling pangalan. Hindi kasi ito sanay na tawagin ni Matthew sa pangalan lang dahil babe talaga ang naging tawagan ng mga ito. “I am your girlfriend, Matthew tapos tatawagin mo lang akong Alheia? Bakit kasali ba ýan sa naging usapan niyo ng babaeng ‘to?” muli nitong tanong kasabay ng muling pagduro nito sa kinaroroonan ni Sabrina.“Alheia, let’s get out of here. Let’s talk about it outside not here.” Sinubukang hawakan ni Matthew sa kamay ang dalaga pero hindi na niya nagawa pa dahil agad namang umiwas si Alheia palayo sa kanya.“Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan niyo. Ang alam ko lang na kaya pinakasalan ng boss niyo ang secretary niya dahil sa inakit siya nito at may nangyari sa kanila,” pagbubutyag ni Alheia.Napaawang ang mga labi ng mga nakarinig habang si Sabrina naman ay hiyang-hiya sa narinig pero wala siyan
“Are you sure?”“Yes,” matapang niyang sagot.Sa loob ng tatlong buwan, gagampanan nila pareho kung ano-ano ang mga responsibilidad ng isang mag-asawa. Gagawin nila ang buhay ng mag-asawa. Hindi pwedeng makipagharutan si Matthew kay Alheia at hindi rin pwedeng makipagharutan sa ibang lalaki si Sabrina. Dapat kailangan nilang isipin na pareho na silang may asawa na hindi na pwedeng makipaglambingan sa iba.Ang nais lang naman ni Sabrina ay ang maipadama niya kay Matthew ang tunay niyang nararamdaman dito. Gusto niyang ipakita rito na tunay ang pagmamahal niya para rito. Gusto niyang ipadama na asawa siya nito at hindi kung ano lang. Gusto rin niya sa loob ng tatlong buwan na magsasama silang dalawa ay madarama niya ang pagiging asawa nito sa kanya kahit pa hindi siya ang mahal nito.Ýon lang ang gusto niyang maramdaman bago pa man sila tuluyang magkahiwalay. Alam kasi niyang pagkatapos ng lahat ng mayroon sila ngayon ay mawaw
Napatingin si Sabrina sa kanyang kamay nang walang anu-anoý hnawakan ito ni Leo.“Give me a chance to prove my feelings for you, please,” pakiusap nito.Nang titigan niya ito sa mga mata nito ay kakaibang emosyon ang nakadungaw na siyang sumalubong sa kanyang mga mata.“Leo, alam mo naman ang totoo kong sitwasyon. Alam mo namang kasal na ako at---”“At hihiwalay din kayo pagkatapos ng tatlong buwan, di ba?” agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin.“Leo?”“I’m willing to wait. I promise, I won’t give up until you will totally free from him,” madamdamin nitong pahayag.Bakit ba hindi na lang ikaw si Matthew? Tanong ng kanyang isipan habang pinagmamasdan niya sa mga mata ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling ýon.Ang hindi alam ni Sabrina ay nasa labas pala ng pintuan ng kanilang department ang kanyang asawa habang may bitbit itong
“Finish them all.”Pabagsak na inilapag ni Matthew sa ibabaw ng mesa ni Sabrina ang patong-patong na folder na dala nito mula sa opisina nito pagkatapos niyang makaupo sa harap ng kanyang mesa ng tanghaling ýon. Kararating lang niya galing mag-lunch kasama si Leo pero ganito na ang agad na isinalubong sa kanya. Hindi pa nga siya nakapagpahinga kahit saglit mula sa kinain niya ay sangkatutak na folders ang inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa.“I need your report about it before you can go home,” dagdag pa nito.Gusto niyang mag-react pero hindi na niya nagawa pa dahil agad naman itong umalis mula sa kanyang harapan. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis pa sa alas-kwatro ang naging kilos nito.Matamlay na napatingin siya sa bulto-bultong folders na nasa harapan niya. Mas okay pa naman sana ang kanyang asawa kanina pero bakit bigla na lang itong nag-iba.Naiintindihan naman niya kung hanggang sa mga sandaling