"Happy birthday, tita," bati ni Sabrina kay Olivia nang dumating na sila sa hotel kung saan sila magdi-dinner.
Niyakap at nagbeso-beso silang dalawa habang sina Roman naman at Arturo ay nagtapikan.
"Thank you, dear," magiliw na saad nito habang nakayakap sa kanya sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa na para bang pinag-aaralan siya nito nang mabuti.
"You look so gorgeous tonight, honey!" compliment nito sa kanya habang hawak-hawak siya nito sa magkabila niyang braso.
Nahihiya namang napayuko na lamang siya habang ang asawa naman nito ay mabilis na sumang-ayon sa kanila.
"Thank you, tita," sabi naman niya habang nakakaramdam pa rin siya ng hiya.
"Sigurado akong mai-in love sa'yo ang unico hijo ko," dagdag pa nito na siya namang lihim niyang hinihiling na sana ay magkakatotoo.
"Nakakahiya naman, tita," sabi pa niya.
"Ano ka ba? Huwag kang mahiya, dapat pagdating niya ay makikita niya kaagad ang magandang poise mo."
Napangiti na lamang siya habang ang tatlong nakikinig sa kanila ay lihim namang napapailing.
"Paupuin mo muna 'yang si Sabrina para naman makapagpahinga ang mga binti niyan," sabad ni Arturo sa kanyang asawa.
Alam na alam ni Arturo ang kagustuhan ng kanyang asawang si Olivia na sana si Sabrina ang makatuluyan ng kanilang anak dahil halos ito na ang laging bukambibig nito.
Minsan nga, kinausap pa nito si Matthew kung kailan ang balak nitong ligawan si Sabrina na siya namang labis na ikinabigla ng anak pero kahit na ganu'n ay mas inintindi na lamang ng binata ang nararamdaman ng ginang.
Hindi niya masisisi kung bakit gustong-gusto ng kanyang asawa na maging manugang si Sabrina dahil bukod sa kagandahan nitong taglay ay mula pa pagkabata, alam na nilang mabait at masunurin itong anak. Magalang at talagang hinubog ng mga magulang sa mabuting pag-uugali.
Matulunging tao si Sabrina at taglay nito ang katangian ng isang babaeng maria. Mahinhin at maingat sa bawat katagang lumalabas sa mga labi nito.
Simpleng babae at mababaw lamang ang kaligayahan.
Kahit sinong mga magulang naman siguro ay nanaisin talagang ganu'ng uri ng babae ang mapapangasawa ng sariling anak upang masiguro ang kapayapaan sa loob ng magiging sarili nitong pamilya.
At alam nilang pasado si Sabrina sa standards na hinahanap nila para kay Matthew pero sa bandang huli ang anak pa rin nila ang masusunod. Ang puso pa rin ng binata ang magpapasya kung sino ang babaeng iibigin nito, kung sinong babae ang nanaisin nitong makakasama habang-buhay.
Kahit na ramdam din nilang may pagtingin nga talaga si Sabrina sa kanilang anak, hindi pa rin nila maaaring diktihan ang binata kung sino ang karapat-dapat na babaeng pag-aalayan nito ng puso nito dahil at the end of the day, si Matthew naman at ang magiging asawa nito ang magsasama at labas na sila du'n.
Ayaw naman nilang piliting isama ang dalawang puso kung in the first place, alam na nilang iisa lang du'n ang nagmamahal habang ang isa ang sukang-suka.
Inalalayan ng ginang si Sabrina upang makaupo nang maayos sa upuang napagitnaan ng dalawang upuang bakante.
Pagkatapos ay si Sylvia na naman ang lumapit kay Olivia upang bumati. Nagyakapan ang magkaibigan matapos iabot ni Sylvia ang regalo nilang magpamilya para sa kaibigan.
Maya-maya lang ay nagsiupuan na sila at habang nagkukwentuhan sila ay hinihintay naman nila ang pagdating ng binata.
"Hay, kailan kaya mapapansin ni Matthew ang ganda ng anak mo?" tanong ni Olivia kay Sylvia na siyang nagpayuko sa dalaga.
Masarap nga talaga sa pakiramdam kung alam mong botong-boto sa'yo ang mga magulang ng lalaking mahal mo pero mas masarap nga talaga kung pati siya ay boto rin sa'yo, botong-boto upang maging kabiyak nito.
"Kung tadhana talaga nila, darating at darating talaga 'yon," tugon naman ni Arturo para naman tumigil na ang kanyang asawa habang ang dalaga namam ay kunwaring umiinom ng tubig na nasa basong malapit sa kanya.
Habang nakadikit sa kanyang bibig ang baso, nagpapalipat-lipat naman ang kanyang mga mata sa mga nag-uusap, nakikimatyag at nakikinig sa mga ito.
"Nak, paano kaya kung ikaw na lang ang manligaw kay Matthew?"
Agad na naibuga ni Sabrina ang tubig na nasa bibig niya na siyang nagpapataranta sa lahat nang nandu'n.
"Oh, my god! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Olivia sabay tayo at lumapit sa kanya habang ang sarili naman niyang ina ay pinupunasan ang kanyang damit sa may bandang hita niya dahil natapunan din ito ng naibuga niyang tubig.
"Did I surprise you with my question, honey?"
"Haist! Ikaw kasi. Kung ano-ano na ang lumalabas diyan sa bibig mo. Ni hindi mo man lang pinag-iisipan bago mo sasabihin," paninisi ni Arturo sa kanyang asawa.
"Eh, ayaw kasi ng anak mo ang ligawan 'tong si Sabrina kaya ganu'n 'yong nasa isip ko. Malay mo, epektibo pala," katwiran ng ginang saka ito bumalik sa upuan nito habang si Sabrina naman ay inaayos ang sarili matapos matapunan ng iniinom na tubig.
"Hayaan na lamang natin ang mga bata. Iba pa rin kasi 'yong sila mismo ang magdedesisyon para sa sarili nila," sabad naman ni Roman nang hindi na ito nakatiis sa eksena.
Napasimangot naman si Olivia dahil pakiramdam niya, walang sang-ayon sa kanya kahit na alam naman niyang gustong-gusto rin ng mga ito na ang dalawa ang magkatuluyan.
"Gustong-gusto rin namin na magkakatuluyan ang mga anak natin, Mars kaya lang hindi naman maganda kung ipipilit natin sila sa isa't-isa," litanya naman ni Sylvia nang makita niyang nag-iba ang timpla ng mukha ng kaibigan.
"Hayaan mong ang tadhana na ang gagawa ng paraan para sa dalawa kung sila talaga ang itinakda ng tadhana para sa isa't-isa," dagdag naman ni Arturo.
Napatayo ang dalaga nang napagmasdan niya ang mukha ng ginang na talaga hindi nasisiyahan sa mga naririnig matapos nitong ipahayag nang diritsahan ang saloobin nito para sa kanilang dalawa ni Matthew.
Nilapitan niya ang ginang at mula sa bandang likuran nito ay bahagya siyang nag-bend sabay hawak niya sa magkabila nitong balikat at bahagya niyang inilapit sa kanang pisngi nito ang kanyang kaliwang pisngi.
"Birthday niyo po ngayon kaya dapat maging masaya po tayong lahat lalo na po kayo. Huwag po muna nating iisipin ang tungkol sa bagay na 'yon, tita dahil tama naman talaga silang lahat. Kung nakatakda kaming dalawa ni Matthew para sa isa't-isa, gagawa at gagawa pa rin talaga ang paraan para sa aming dalawa. Sa ngayon, huwag po muna nating unahan ang tadhana dahil maaaring ikakasama namin 'yon pareho," pahayag niya at kahit papaano ay napagaan ang kalooban ng ginang.
At nang magsasalita pa sana ang dalaga ay hindi na niya naituloy pa nang biglang bumukas ang pintuan ng room kung saan sila naroroon. Dahil mayaman ang pamilyang Santos, naka-VIP room sila para sa pag-celebrate ng kaarawan ng ginang.
"I'm sorry, guys. We're late."
Sabay silang napatingin sa may pintuan nang marinig nila ang boses ng lalaking naging laman ng usapin nila kani-kanina lamang. Si Matthew!
Pare-parehong napakunot ang kanila mga noo nang hindi lang ang binata ang nakita nilang dumating ng mga sandaling 'yon dahil may kasama itong isang babae na may katangkaran, may katangusan ang maliit nitong ilong.
Makinis ang mapuputi nitong balat na kahit gabi na ay naaaninag pa rin ang kakinisan nito.
Itim at mahaba ang matuwid nitong buhok at para bang pinaglalaruan pa sila ng tadhana dahil magkapareho sila ng damit na isinuot.
"Ma, happy birthday," agad nitong bati sa ina at bahagyang lumayo si Sabrina mula sa ginang nang lumapit dito si Matthew saka h*****k sa pisngi ng ina habang ang ginang naman ay nagtataka sa kung bakit mau babaeng dala ang kanyang anak.
"Thank you, son," sabi ng ginang habang ang mga mata nito ay hindi humihiwalay sa babaeng kasama ng anak.
"Hi, buds," baling ng binata kay Sabrina saka siya napahawak sa braso ng dalaga sabay tapik sa sa balikat nito.
"Hi," sapilitang sagot ng dalaga. Matapos siyang tapikin ng kaibigan ay nilagpasan lamang siya nito at lumapit ito sa amang nakamasid lamang sa kanila saka ito nagmano.
"Buti naman at nakarating ka," sabi nito.
"Oo naman. Birthday ngayon ni Mama kaya kailangan talaga akong makapunta. Hindi pwedeng wala ako," nakangiti nitong saad.
"Hi, tita, tito," bati nita sa mga magulang ni Sabrina at inisa-isa niyang nilapitan ang mga ito saka nagmano.
"Kaawaan ka ng Diyos," sabi naman ng mga mag-asawa at pagkatapos ay malaki ang ngiting nilapitan nito ang babaeng kasama at walang ano-ano'y hinawakan nito ang kamay nito. Hindi naman iyon nakaligtas mula sa mga mata ni Sabrina dahilan kung bakit unti-unti niyang nararamdaman ang maliliit na karayom, lihim na tumutusok sa kanyang munting puso.
"She's Alheia, my girlfriend."
Halos lahat ay nagimbal sa narinig mula sa binata. Halos lahat ay hindi makapaniwala. Halos lahat ay nabigla.
"Babe, they are my family," baling naman nito kay Alheia na nobya raw nito.
"Hi po," nahihiyang bati ng dalaga sa lahat ng nandu'n at walang ni isa man sa kanila anv nag-response sa bati nito na siyang lalong nagpahiya sa dalaga.
Pare-parehong nakaawang ang mga labi ng lahat ng nandu'n at parehong nakatingin sa babaeng kasama ng binata habang si Sabrina naman ay lihim na nasasaktan sa hindi inaasahang malalaman.
Nagpalipat-lipat ang tingin ni Matthew sa lahat ng nandu'n, ang ngiti at excitement na kanyang nadarama nang maipakilala na niya ang nobya sa mga ito ay napalitan ng pagtataka.
"B-bakit, m-may problema ba?" kunot-noong tanong niya sa mga ito. "H-hindi ba kayo n-natutuwa?" muling tanong pa nito.
Dahil sa tanong ng binata ay parang nagising naman ang diwa ni Sabrina. Agad siyang napatawa ng pagak sabay lakad palapit sa dalawa na nagtataka pa rin sa naging reaksiyon ng lahat.
"Ano ka ba, budz!" aniya saka niya inakbayan ang kaibigan kagaya ng nakagawian niyang gawin, "Siyempre, natutuwa sila kaya lang binigla mo kasi kaya ganyan ang naging reaksiyon nila," masigla niyang pahayag kahit ang totoo ay nagdurugo na rin ang kanyang puso.
"Masaya sila," sabi pa niya sabay palipat-lipat ng tingin sa lahat nang nandu'n, "Hindi ba masaya kayo para kay Matthew?" tanong niya sa kanilang mga magulang habang pasimpleng sinisenyasan niya ang mga ito na sumang-ayon sa pamamagitan ng patagong pagkindat.
"Oo naman! Masayang-masaya kami para sa'yo, Mat."
Mabuti na lang din at mabilis pumik-up ang kanyang ina. Tumayo ito saka masiglang kinamayan si Alheia para sabihing natutuwa nga sila para rito.
Tumayo na rin si Roman saka niya bahagyang tinapik ang balikat ng binata habang pilit na ngiti ang lumalabas sa gilid ng bibig nito.
"Pasensiya ka na, huh kung sa tingin mo, hindi kami natutuwa. Binigla mo kasi kami kaya natural lang na ganu'n ang naging reaksiyon namin kanina," pahayag ni Roman na siya namang nagpagaan sa kalooban ng binata.
Ang buong akala talaga ni Matthew ay hindi nagustuhan ng mga ito ang tungkol sa kanyang ginawa.
"Pasensiya ka na, hija. Ikaw pa lang kasi ang babaeng ipinakilala nitong si Matthew kaya talagang hindi namin napaghandaan kung ano nga ba dapat naming magiging reaksiyon kung sakaling may ipapakilala na si Matthew," baling naman nito sa nobya ng dalaga. Nais lamang ni Roman na hindi mararamdaman ni Alheia na hindi siya tanggap ng pamilya ng nobyo nito.
"Welcome to our family, hija," saad naman ng nanahimik na si Arturo at napangiti na lamang si Alheia. "Pasensiya ka na. Nabigla lang talaga kami pero huwag kang mag-aalala, hindi kami kumakain ng tao kaya huwag kang matakot sa amin," pabirong dagdag nito at napatawa naman ang lahat maliban kay Olivia na nanatiling tahimik lamang habang nakaupo.
"Honey?" mahinang pagtawag ni Arturo sa kanyang asawa dahil wala pa rin itong imik hanggang sa mga sandaling 'yon.
Nagtatakang napatingin si Matthew sa kanyang ina nang wala pa rin silang natanggap na tugon mula rito. Talagang nabigla ito sa kanyang dalang balita, hindi naman kasi pumasok sa kanyang isipan na ganu'n pala ang magiging epekto ng balitang 'yon sa kanyang pamilya."Ma?" tawag niya sa ginang habang ang lahat ng nandu'n ay kakaibang atmosphere na ang nararamdaman sa kanilang paligid na unti-unting bumabalot sa kanilang lahat.Napatingin si Sabrina sa ginang at nang makita niya ang mahigpit na pagkakahawak nito sa basong may lamang tubig ay nagmamadaling agad niya itong nilapitan saka niya hinawakan ang kamay nitong nakahawak sa may baso."Tita," tawag niya rito na siyang nagpagising sa diwa ng ginang.Napangiti siya nang kaytamis nang n
Parang biglang nag-slow motion lahat ng nasa paligid ni Sabrina nang marinig niya ang sinabi ni Matthew. Pakiramdam niya, pati ang bosesng binata ay nag-slow motion na rin dahil sa sakit na unti-unting bumabangon mula sa kanyang kaibuturan."Hoy! Naririnig mo ba ako?" tanong ni Matthew sa kanya na siyang nagpagising sa kanyang damdamin na unti-unti nang sinasaksak ng sakit na naidulot nito sa kanya."O-oo naman!" sagot naman niya sabay ngiti kahit na nasasaktan na siya."Eh, mukhang hindi naman, ah!""Nakikinig kaya ako," pagrarason pa niya."Eh, bakit mukhang hindi ka masaya para sa akin?"Diretsong napatingin siya sa mga mat
Nakauwi na si Sabrina sa kanilang bahay habang si Matthew naman ay napakalapad ng ngiti sa mga labi nito habang kausap ang nobyo nitong si Alheia. Dahil sa pagkagiliw niya sa nobya ay hindi na sumagi pa sa kanyang isipan ang mga taong nasa paligid niya.Ni hindi naman sumagi sa kanyang isipan na mahal na pala siya ng kanyang kaibigang si Sabrina na kasalukuyan nang umiiyak dahil sa sinabi niyang magpo-propose siya kay Alheia.Tahimik namang nakatayo lamang ang ina ng dalagang si Sylvia. Dinig na dinig niya ang paghikbi ng kanyang anak sa loob ng kwarto nito. Bilang ina ay hindi talaga niya kaya na hanggang pakikinig na lamang ang kanyang magagawa kaya dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan ng kwarto nito at nang silipin niya ang anak ay nakita niya itong nakasandal sa gilid ng kama nito habang nakaupo sa sahig.Nakataas ang dalawang tuhod nito habang nakadikit naman sa sahig ang magkabila niyang paa. Nakapatong ang dalawa niyang magkahawak na braso sa ibabaw ng
“Ano sa tingin mo? Maganda kaya?” tanong ni Matthew kay Sabrina matapos nitong sabihin sa dalaga ang ideya nito kung papaano nito iso-sorpresa ang nobya para sa wedding proposal nito.“Okay lang naman siya. Maganda,” sagot naman ng dalaga.“Magugustuhan kaya niya?”Bahagyang nakatingalang tanong ng binata habang si Sabrina naman ay lihim na nasasaktan.“Hindi naman importante kung papaano ka nag-propose sa kanya, ang mahalaga du’n totoo ka sa nararamdaman mo,” litanya ng dalaga.Napapiksi na lamang si Sabrina nang bigla siyang niyakap ng kanyang kaibigan sa tuwa.“Masaya talaga ako dahil ikaw ang kaibigan ko. Sana, hindi ka na magbabago pa,” madamdamin nitong saad at sapilitan namang napangiti si Sabrina para naman masabi nito na okay lang siya at masaya rin siya dahil naging kaibigan din niya ito.Masaya rin naman talaga siya pero ang hindi lang niya maintindihan ay ku
Ang buong akala ni Sabrina ay maniniwala na sa kanya ang kanyang kaibigan pero hindi pala dahil matapos siya nitong lingunin ay napatawa lamang ito na para bang ginagawa nitong biro ang kanyang ipinagtapat dito.“Brin, alam kong pagod ka pero pwede bang huwag mo siyang gawan ng isang bagay na hindi naman niya magagawa?” natatawa nitong saad at masakit iyon para kay Sabrina dahil nais lang naman niyang mailayo ang binata sa mapanlukong si Alheia.“Nagsasabi ako ng totoo saýo. Hindi ko gawa-gawa ang bagay na ýon at alam mo kung anong klaseng tao ako, Matt kaya sana naman, paniwalaan mo ako kahit ngayon lang,” pagsusumamo pa niya pero talagang hindi na naniniwala pa sa kanya ang kanyang kaibigan.Ganito nga siguro kapag sobrang nagmamahal, nakakabulag at nakakabingi!Naglakad palapit sa kanya ang binata saka siya nito matamang tinitigan sa kanyang mga mata.“Thank you for your information. Alam kong concern
Nang maayos nang naibaba ni Matthew ang kanyang kamao ay mapagkumbabang binalingan ni Sabrina ng tingin ang mga kalalakihan lalo na ang sinapak ng kanyang kaibigan.“Pasensiya na kayo, lasing lang siya at hindi niya alam kung ano ang kanyang ginagawa,” paghingi niya ng paumanhin.“Ilayo mo na ýan mula rito dahil baka kung ano pa ang magagawa namin diyan,” sabi ng isa sa mga ito habang nakahawak ito sa kabilang braso ng kaibigan nitong nasapak ng binata.“Anong sabi mo?!” galit na tanong ni Matthew pero agad naman niya itong binalingan.“Tumigil ka na,” saway niya saka niya ito pinandilatan ng mga mata.“Pasensiya na po talaga sa inyo ulit,” muling paghingi ni Sabrina ng paumanhin sa mga ito. Mabuti na lang at hindi ganu’n kainit ang ulo ng mga ito kaya imbes na manggulo at gumanti dahil sa ginawa ni Matthew ay mas pinili na lang ng mga ito ang pagpasensiyahan na lamang sila.
“What? No!” sigaw ni Matthew sabay tayo. Napatingin ang lahat sa binata habang si Sabrina naman ay nanatiling nakayuko at pilit na pinipigilan ang sarili nitong mga luha sa pagdaloy.“Matthew!” awat ni Arturo sa anak.Nahihiya naman ang mag-asawa nang napatingin ang mga ito sa mga magulang ni Sabrina. Napailing na lamang din si Roman dahil sa inasal ni Matthew ng mga sadaling ýon.“Hindi ako papaya na makasal kau Sabrina. Ma, alam naman ninyong kapatid lang ang turing ko sa kanya at kahit kailan, hindi na ýon magbabago pa,” katwiran ng binata na siyang lalong sumaksak sa puso ni Sabrina nang lihiman.“If you don’t love her then, why did you sleep with her?!” singhal na tanong ni Slyvia sa anak na gustong magrebelde sa kanila.“I was drunk last night. I was unconscious. I was not in-----”“Kahit ano pang sasabihin mo, sa ngalan na nakipagsiping ka sa kanya,
Pagkatapos ng kanilang secret wedding ay mas pinili ng dalawa na dumiretso na lamang sa Boracay para sa kanilang honeymoon. Ang nasabing honeymoon ay pinlano rin ng ina ni Matthew. Wala na rin sa kanilang kukuti na magkakaroon pa sila ng kasiyahan pagkatapos ng kasal dahil alam naman nila na magmumukha lang silang namatayan dahil sa mga nangyayari sa kanila.Walang imikang na namamagitan sa kanilang dalawa habang nagba-biyahe sila papunta sa kanilang destinasyon. Hindi rin magawa ni Sabrina ang ibuka ang kanyang mga bibig para magsalita dahil sa takot nab aka bulyaw lang ang kanyang matatanggap na tugon mula sa kanyang asawa lalo na at wala talaga ito sa mood na makipag-usap matapos itong ikasal sa kanya ng sapilitan.Hanggang sa mga sandaling ýon ay hindi pa rin talaga mawala-wala sa kanyang isipan na ang labis na pagsisisi kung bakit mas pinili niya ang kagustuhan niyang matikman ang higpit na yakap ni Matthew pati na ang matikman ang tamis ng bawat halik nito
Inabutan ni Leo si Sabrina ng mineral water habang nakaupo ito sa isang bench para pakalmahin ang sarili. Umiiyak pa rin ito pero hindi na katulad kanina. Kumalma na ito ng konti.Agad naman nitong tinanggap ang inabot niyang bote ng mineral water habang nakatuon ang mga mata nito sa unahan.Umupo siya sa tabi nito habang pinakikiramdaman niya ang bawat kilos nito. Mabuti na lang at nasdaanan niya ito kaninang naglalakad pauwi kaya naisipan niyang sundan ito at sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nakita niya kung papaano ito sinubukang saktan ng isang lalaki. ngNi-report na rin nila ang tungkol sa nasabing lalaki at inaasikaso na ito ng mga pulis para maagapan at hindi na makapanakit pa ng ibang tao lalo na ng babae.“Sigurado ka bang okay ka na?” nag-aalala niyang tanong dito nang maihatid na niya ito sa tapat ng bahay nito. Marahan namang napatango si Sabrina bilang tugon sa naging tanong niya rito. Gusto pa sana niyang maniguro sa kalagayan nito pero wala na siyang nagawa dahil na
Matapos ang eksenang ‘yon ay ganu’n pa rin ang pakikitungo ni Matthew sa kanyang asawa at para maging malinis ang pangalan niya sa mga mata ng kanyang pamilya ay ipinalabas nilang hiwalay na silang dalawa ni Alheia. May mga naniniwala pero mayroon ding hindi naniniwala. Kinausap nilang dalawa si Alheia patungkol sa bagay na ‘yon at agad din naman itong pumayag dahil sa pangako ni Matthew na pagkatapos ng tatlong buwan ay pakakasalan siya nito.Masayang-masaya si Alheia para du’n habang si Sabrina ay tahimik lang na nakikinig sa gilid habang ang puso ay palihim na nawawasak. Pero, dahil mahal niya ang kaibigan ay kailangan niyang tiisin ang sakit na ‘yon.Tahimik siyang naglalakad sa gitna ng maraming tao na nakakasabay niya habang ang iba naman ay nakakasalubong niya. Parang wala siya sa katinuan habang naglalakad dahil ang tanging laman ng kanyang utak ay ang pangako ng kanyang asawa sa ibang babae. Ang pangako nitong kasal!Bakit ba kailangan pang masaktan ang taong nagmamahal? Tano
Matapos iparada ni Leo ang sasakyan nito sa harapan ng bahay kung saan nakatira sina Sabrina at Matthew ay agad itong lumabas para ipagbukas ng pintuan ang babaeng minamahal.“Thank you for bringing me home,” baling ni Sabrina sa binata.“If you need help, just give a beep. Okay?”Marahan siyang tumango bilang tugon sa sinabi nito sa kanya at nang hahakbang na sana ito papunta sa sasakyan nito ay siya namang pagdating ng sasakyang minamaneho ng kanyang asawang si Matthew.Napasunod ang kanilang tingin sa sasakyan hanggang sa tuluyan na nga itong pumasok sa garahe at maya-maya lang ay umibis mula rito ang kanyang asawa na kanina pa niya hinahanap, kanina pa niya hinihintay.“Good evening, sir,” magalang na bati ni Leo rito.“It’s already late in the evening but you still here. What’s the matter?” tanong ni Matthew sa isa sa kanyang directors sa kompanya.“Hinatid ko lang si Sabrina.”“Sabrina?” tanong ni Matthew sabay tawa ng nakakainsulto, “Ganu’n ba talaga kayo ka-close sa isa’t-isa
Isang restaurant ang naging hantungan nina Alheia at Matthew ng mga sandaling ‘yon. Kung saan sila madalas pumupunta ay du’n siya dinala ng kanyang nobya.Sa totoo lang, naging masaya naman siya dahil ang buong akala niya ay hindi na siya kakausapin ng dalaga. Hindi niya alam kung tungkol saan ang pag-uusapan nilang dalawa pero ang alam lang niya ay naging masaya siya para du’n.“A-anong pag-uusapan natin?” tanong niya rito matapos kunin ng waiter ang kanilang order.Napatingin sa kanya ang nobya habang siya naman ay naghihintay sa mga sasabihin nito sa kanya.“Don’t you have anything to tell me?” balik-tanong nito sa kanya. “Don’t you have a plan to explain everything that happened or to say sorry for not considering my feelings before you make a plan to tell everybody about your real relationship with Sabrina?”Ramdam n ani Matthew ang galit sa boses ng dalaga. Hindi naman niya ito masisisi dahil alam niyang nasaktan niya ito ng labis-labis.“Sabrina asked me to act as her husband a
Napatigil si Sabrina sa kanyang paglalakad papasok sa kanilang bahay nang dire-diretsong naglakad si Matthew papasok na para bang hindi siya nito napapansin.Padabog na isinara nito ang pintuan ng kwarto nito nang nakapasok na ito. Nanlulumong napaupo siya sa sofa na nasa loob ng kanilang sala habang ang kanyang mga luha ay nagbabadya namang umagos mula sa kanyang mga mata. Hindi na niya tuloy alam kung tama pa ba ang kanyang kasunduan na gustong mangyari.Oo, alam na ng lahat ang tungkol sa kanilang dalawa ni Matthew pero alam naman niyang nasaktan niya ang kanyang asawa. Alam naman niyang nahihirapan din ito sa naging sitwasyon nilang dalawa at para lang mapagbigyan siya sa kanyang kagustuhan ay pinilit nitong magiging okay kahit na hindi naman.“Anong kailangan mo?” malamig na tanong ni Matthew sa kanya nang pasukin niya ito sa loob ng kwarto nito. Nakahiga na ito sa ibabaw ng kama nito habang nakatagilid patalikod mula sa kanya.“Nag-usap na ba kayo ni Alheia?” lakas-loob niyang
“Please, Alheia don’t make a mess,” muli pang pakiusap ni Matthew sa nobya pero mukhang ayaw na nitong makinig dahil sa galit n anadama.“Alheia?” sambit nito sa sariling pangalan. Hindi kasi ito sanay na tawagin ni Matthew sa pangalan lang dahil babe talaga ang naging tawagan ng mga ito. “I am your girlfriend, Matthew tapos tatawagin mo lang akong Alheia? Bakit kasali ba ýan sa naging usapan niyo ng babaeng ‘to?” muli nitong tanong kasabay ng muling pagduro nito sa kinaroroonan ni Sabrina.“Alheia, let’s get out of here. Let’s talk about it outside not here.” Sinubukang hawakan ni Matthew sa kamay ang dalaga pero hindi na niya nagawa pa dahil agad namang umiwas si Alheia palayo sa kanya.“Hindi ko alam kung ano pa ang napag-usapan niyo. Ang alam ko lang na kaya pinakasalan ng boss niyo ang secretary niya dahil sa inakit siya nito at may nangyari sa kanila,” pagbubutyag ni Alheia.Napaawang ang mga labi ng mga nakarinig habang si Sabrina naman ay hiyang-hiya sa narinig pero wala siyan
“Are you sure?”“Yes,” matapang niyang sagot.Sa loob ng tatlong buwan, gagampanan nila pareho kung ano-ano ang mga responsibilidad ng isang mag-asawa. Gagawin nila ang buhay ng mag-asawa. Hindi pwedeng makipagharutan si Matthew kay Alheia at hindi rin pwedeng makipagharutan sa ibang lalaki si Sabrina. Dapat kailangan nilang isipin na pareho na silang may asawa na hindi na pwedeng makipaglambingan sa iba.Ang nais lang naman ni Sabrina ay ang maipadama niya kay Matthew ang tunay niyang nararamdaman dito. Gusto niyang ipakita rito na tunay ang pagmamahal niya para rito. Gusto niyang ipadama na asawa siya nito at hindi kung ano lang. Gusto rin niya sa loob ng tatlong buwan na magsasama silang dalawa ay madarama niya ang pagiging asawa nito sa kanya kahit pa hindi siya ang mahal nito.Ýon lang ang gusto niyang maramdaman bago pa man sila tuluyang magkahiwalay. Alam kasi niyang pagkatapos ng lahat ng mayroon sila ngayon ay mawaw
Napatingin si Sabrina sa kanyang kamay nang walang anu-anoý hnawakan ito ni Leo.“Give me a chance to prove my feelings for you, please,” pakiusap nito.Nang titigan niya ito sa mga mata nito ay kakaibang emosyon ang nakadungaw na siyang sumalubong sa kanyang mga mata.“Leo, alam mo naman ang totoo kong sitwasyon. Alam mo namang kasal na ako at---”“At hihiwalay din kayo pagkatapos ng tatlong buwan, di ba?” agad nitong putol sa iba pa sana niyang sasabihin.“Leo?”“I’m willing to wait. I promise, I won’t give up until you will totally free from him,” madamdamin nitong pahayag.Bakit ba hindi na lang ikaw si Matthew? Tanong ng kanyang isipan habang pinagmamasdan niya sa mga mata ang lalaking kaharap niya ng mga sandaling ýon.Ang hindi alam ni Sabrina ay nasa labas pala ng pintuan ng kanilang department ang kanyang asawa habang may bitbit itong
“Finish them all.”Pabagsak na inilapag ni Matthew sa ibabaw ng mesa ni Sabrina ang patong-patong na folder na dala nito mula sa opisina nito pagkatapos niyang makaupo sa harap ng kanyang mesa ng tanghaling ýon. Kararating lang niya galing mag-lunch kasama si Leo pero ganito na ang agad na isinalubong sa kanya. Hindi pa nga siya nakapagpahinga kahit saglit mula sa kinain niya ay sangkatutak na folders ang inilapag nito sa ibabaw ng kanyang mesa.“I need your report about it before you can go home,” dagdag pa nito.Gusto niyang mag-react pero hindi na niya nagawa pa dahil agad naman itong umalis mula sa kanyang harapan. Hindi na siya nakapagsalita pa dahil mabilis pa sa alas-kwatro ang naging kilos nito.Matamlay na napatingin siya sa bulto-bultong folders na nasa harapan niya. Mas okay pa naman sana ang kanyang asawa kanina pero bakit bigla na lang itong nag-iba.Naiintindihan naman niya kung hanggang sa mga sandaling