Share

Kabanata 54

Author: sweetjelly
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56
Bumilog ang mga mata ni Gwin nang maglapat ang mga labi namin. Hindi niya tinugon ang halik ko pero ang sarap pa rin lalo't hinayaan niya lang ako. Hindi ko alam kung dahil sa gulat o dahil nagustuhan niya ang halik ko.

"Sir—" Biglang sulpot ni Nana Puring na kaagad tumalikod nang makita kami.

Kaagad naman akong tinulak ni Gwin, natatarantang lumayo sa akin, at wala sa isip naglakad kung saan. Hindi ko mapigil ang tumawa.

"Gwin, saan ka pupunta?" Nagtatakang tanong ni Nana Puring.

"Sa kwarto po, matutulog," balisa niyang tugon.

"Ah, matutulog ... sa C.R?" natatawa kong sabi.

Nag-angat siya ng tingin. Kagat ko ang labi at hindi siya nilubayan ng tingin. Nanunukso naman ang ngiti ni Nana Puring.

Natiim niya ang labi at muling yumuko. Namula ang mukha. Hindi ko naman maawat ang tumawa.

"Sus, Gwin 'wag ka nang mahiya. Wala naman akong nakita—"

"Talaga po?" bigla tanong nito sa matanda.

Paulit-ulit na tumango si Nana Puring. Pero pigil ang pagngiti. Napapapikit pa at napatiim labi.

"A
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
sweetjelly
Kawawang Fred...hehe
goodnovel comment avatar
sammy
ang rupok nmn ni gwin gusto ko pag hinahalikan sya sinasampal nya ih ang pangit na ng kwento nakakasawa na basahin
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 55

    GWIN POVPaulit-ulit akong napapailing habang tanaw ang sarili sa salamin. Nakakalutang ang mga kinikilos ni Fred. Ang layo sa Fred na nakasama namin sa Negros na laging mainit ang ulo, laging nakasimangot, at laging galit.Napahawak ako sa labi ko na ilang beses na niyang n*******n. "Gago. Ang gago mo Fred," nasabi ko. Nag-init kasi ang mukha ko. Halikan ba ako kanina. Alam naman niyang bagong gising ako. Nakakahiya, may muta at bakas ng laway pa yata ako sa gilid ng labi.Napatakip ako ng mukha. Para akong nahihiya sa sarili kong repleksyon. Bagong ligo lang ako pero pawis na naman."Ma, ang tagal mo naman po," mahinang katok ang kasabay ng pagtawag ni Widmark sa akin."Nand'yan na Anak," tugon ko. Naghilamos na rin muna ako. Baka sakaling mawala ang pag-iinit at pamumula ng mukha ko. "Ma, bilisan mo na po, kanina pa naghihintay si Papa Fred," salubong ni Widmark sa akin. Tapos na siyang magbihis at bitbit na niya ang bag.Kumunot ang noo ko. "Bakit naman siya maghihintay, Anak?" t

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 56

    "I'm sorry, do I know you?" Pinipilit lumayo ni Fred sa babae na feeling close at biglang yumakap sa kanya. "I don't mean to be rude, but hindi talaga kita kilala." Hinawakan niya ang balikat nito at tinulak palayo sa kanya.Hindi ko maawat ang pag-ikot ng mga mata. Kunwari pa kasi pero gusto naman niya ang ginawa ng babae. Napakagat labi pa nga siya nang dumikit ang katawan nito sa katawan niya."Fred, 'wag mo naman akong ipahiya sa kasama mo," maarting sabi ng babae. Inipit nito ang ilang hibla ng buhok sa tainga niya, saka malanding lumingkis ang kamay sa braso Fred, may kasabay pang himas at kagat labi. "Oo nga naman, Sir Fred. 'Wag mo namang e-deny na kilala mo siya—" Biglang bumaling ang tingin ni Fred sa akin. Nagtangis pa talaga ang bagang. "Sir Fred?" Nagsalubong ang mga kilay niya, saka ngumisi ng kakaiba. "Tinawag mo akong Sir Fred, asawa ko?" Tumiim na naman ang bagang niya. Napanganga ako. Anong pumasok sa utak nito. Mas lumakas pa tuloy ang bulungan sa paligid. Animal

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 57

    Hindi kaagad ako nakapagsalita. Maski na si Fred ay gano'n din. Anong pumasok sa utak nitong mga magulang niya na basta na lamang magdisisyon sa buhay ko.Wala namang problema kung gusto nilang ipakilala ang Anak ko sa madla bilang Anak ni Fred. Kaya lang, ang isama ako at gawing kasinungalingan ang relasyon namin ng Anak nila 'yon ang hindi pwede."Ma'am Leanne, Sir Franc. Walang problema po kung gusto n'yo man na ipapakilala si Widmark bilang parte ng pamilya n'yo.Nilingon ko si Fred na hanggang ngayon ay tahimik pa rin. Bahagyang pang nakaawang ang labi."Pero ang maging fake fiancee ni Fred—" umiling ako at yumuko ako. "Ayoko ko po, pasesnya na—""Sino ba ang may sabi na magiging fake fiance ka nitong Anak namin?""May oras pa naman kayong maayos ang relasyon n'yo. Plano naming isabay sa pagbubukas ng bagong branch ng hotel ang pagpapakila namin sa inyo." Nagpalipat-lipat ang tingin nila sa amin. Pero huminto kay Fred, kalaunan habang duro na siya."Kaya ikaw Fred, galingan mo an

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 58

    "Mommy..." Sumulyap sa akin sa Fred. Naiilang at tipid na ngumiti si Gwin, saka nagyuko ng ulo. Natiim niya rin ang labi. "Ah, Widmark, tapos ka na bang kumain?" Tumayo si Tonyo. Na sa akin na rin ang tingin niya at bahagyang ngumiti.Alam niya kaagad na seryoso ang topic na binuksan ni Mommy, at hindi maaring marinig nila. Lalong hindi pwedeng marinig ni Widmark."Yes po, Uncle Tonyo." Matamis na ngumiti si Widmark, sabay inum ng tubig at nagpunas ng labi. "Sige, wash your hands na at maglalaro tayo sa labas." Kaagad namang tumayo si Widmark at patakbong nagtungo si sink at kaagad naghugas ng kamay. "Tara na muna sa kusina," sabi naman ni Nana Puring sa mga kasama na kaagad namang sumunod sa kanya.Tumayo na rin si Patrick, pero sandaling sumulyap kay Gwin, na hindi na magawang mag-angat ng ulo.Naging awkward na tuloy sa amin ang sitwasyon. Ewan ko ba rito sa mga magulang ko. Talagang sinabay pa sa hapunan ang topic na 'to. Imbes na ganado akong kumain, nawala tuloy ang gana ko

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 59

    Naningkit ang mga mata ni Gwin, bakas ang pagkalito. Umawang pa ang bibig na parang gustong magtanong pero hindi magawa."Masyado bang nakakagulat?" Mapakla akong ngumiti."Paanong inagaw, Fred? Ano ba ang nangyari?" Nagawa niya rin ang magtanong matapos ang sandaling pagkabigla.Mapakla na naman akong ngumiti at nag-iwas ng tingin. " 'Wag mo nang alamin. Kung maari, 'wag mo nang isipin. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Ang isipin mo lang ay blessing in disguise ang nangyari, kasi 'yon kasi ang dahilan kung bakit nabuo ang baby natin na si Widmark." Hinapit ko ang baywang niya."Aww!" Lumagapak naman kaagad ang noo ko. Bumitiw na lamang ako kaagad. Baka sapak na ang kasunod."Maparaan ka talaga, 'no? Kala mo naman kunting pa sweet mo lang, bibigay na ako." Tinulak niya rin ako at dinuro pa.Himas ko na ang noo ko at dumistansya ng kunti. "Naman! Talagang lahat ng paraan ay gagawin ko, makuha lang ang matamis mong Oo." Matamis na ngiti at kindat ang kasabay ng sinabi ko."Hoy, Fre

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 60

    GWIN POVNapapikit si Fred at mapait na ngumiti. "Oo nga naman, hindi mo nga pala ako mahal." Nahagod niya ang buhok niya, bumuga ng hangin at sandaling yumuko. "Ang sabi mo noon, nakakatakot akong mahalin pero ang totoo, ikaw 'yong nakakatakot mahalin, ang sakit mahalin, at nakakapagod mahalin, Gwin." Humakbang siya palayo mula sa akin matapos sabihin 'yon. Alam ko naman na masyado na siyang nasasaktan sa mga sinasabi ko, sa mga pagpapakipot ko. Kaya lang, kung magpapadala kaagad ako mga paglalambing niya, panunuyo niya, baka sa huli ako lang din ang masasaktan at muling mahirapan. Grabe na ang sakit na dinanas ko noon dahil nga sa nangyari sa amin at ayokong maranasan ulit 'yon. Ayong sumugal kung hindi man lang ako sigurado kung totoo nga niya akong mahal.Mapakla akong tumawa na kaagad nagpahinto sa paghakbang niya at muli akong hinarap. Bakas ang lungkot sa mga mata niya. Wala na rin ang matamis na ngiti."Ang bilis mo na naman palang sumuko, Fred. Hindi ka pa nga umabot ng isa

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 61

    Medyo nakaramdam ako ng sama ng loob pero ako nga ang may gustong mag-inarte at magpakipot kaya wala akong karapatan na magdamdam."Tara, Tonyo." Nauna na rin akong pumasok pero huli ko pa ang sabay na pag-iling ng dalawang lalaki. "Salamat, Tonyo." Ngiti ang tugon nito matapos maingat na ilapag si Widmark at kaagad na ring lumabas ng kwarto ni Fred. Pagod na rin ako at gusto na rin sanang humiga pero ayoko namang iwanan ng mag-isa ang Anak ko. Nagpunta na lamang muna ako sa balcony. Kita ko mula rito sa balcony ng kwarto ni Fred ang malaking pool at si Fred na parang manok na sinisipon. Nakayuko kasi at laylay ang mga kamay. Ewan ko ba at ayaw na maalis ang tingin ko sa kanya. Ang lungkot kasi niya. Napabuntong-hininga ako at sandaling natiim ang mga mata. Nagkataon namang pagdilat ko ay siya namang pagtalon ni Fred sa tubig. Hinintay kong umahon siya pero hindi. Unti-unti na akong nakaramdam ng kaba."Gago!" Talagang gago siya kung lulunurin niya ang sarili. Taranta na akong b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 62

    FRED POVNanlaki ang mga mata ko at napalunok pa ng paulit-ulit. Tama ba ang rinig ko o nabingi lang ako dahil sa matagal na pagsisid sa ilalim ng tubig?"T-tulog tayo? Sa kwarto ko? Sigurado ka? Seryoso ka?" Putol-putol kong tanong. Wala akong paki-alam kung magmukha man akong tanga dahil sa pinagsasabi ko. Gusto ko lang makasiguro kung tama ba talaga ang dinig ko. "Nabingi ka na ba?" Hindi ko na magawang tumugon. Tumitig na lang ako sa kanya. Nag-rumble na kasi ang utak ko. Kung ano-ano kaagad ang pumasok isip ko. Kaming dalawa, magkatabi sa iisang kama. Kumabog ng malakas ang dibdib ko. "Gwin, magsalita ka naman," bagot kong sabi. Gusto ko nga na marinig ulit ang sinabi niya.Kagat ng pang-ibabang labi ang tugon. Humigpit pa ang pagkapit niya sa batok ko at lalong dumiin ang katawan niya sa akin.Muli akong napalunok. May pakagat labi pa kasi, sinabayan pa ng kapit na mahigpit. Hindi ko tuloy mapigil ang paggalaw ng ulong walang utak na nasa baba ko at ngayon ay bahagyang kumiski

Latest chapter

  • My Best Friend's Baby   Special Chapter

    "Francine, dahan-dahan naman," mahinahong sabi ni Tonyo sa Anak niya. Oo, sa wakas ay natanggap na rin ni Tonyo ang Anak nila ni Mitch na si Francine. Naisip nga kasi niya, wala namang kinalaman ang bata sa maling ginawa ng Ina nito. At kahit ilang beses pa niya itanggi o pagbaliktarin ang mundo, dugo at laman pa rin niya ang bata. Mabuti na lang at mababait na rin ang mga magulang ni Mitch. Sa katuyan nga ay tanggap na rin siya ng mga ito, bilang ama ng Apo nila. Kaya masasabi na hindi lang ang mga kaibigan ni Tonyo ang masaya, siya rin. Hindi man gaya ng saya na nararamdaman ng mga kaibigan niya ang saya na nararamdaman niya ngayon, masasabi namang kumpleto na rin ang buhay niya kahit anak lang ang mayro'n siya. Anak na nagpapasaya ng buhay niya. Isang taon matapos ang kasal nina Patrick at Beth, ay nagpakasal din kaagad sina Gwin at Fred, at ngayon nga ay pareho ng buntis ang mga kaibigan niyang babae. Si Gwin ay buntis sa pangatlong anak nina Fred, at si Beth naman ay bun

  • My Best Friend's Baby   Wakas

    Tahimik na nakatayo, at maluha-luha ang mga mata ng mag-ama na Fred at Widmark habang hawak ang puting rosas.Bakas ang lungkot habang nakatingin kay Gwin na nakasalampak sa damuhan at umiyak habang himas ang lapida ni Aling Taning. Isang buwan na ang lumipas matapos ang trahedyang nangyari sa mga buhay nila. Sariwang-sariwa pa sa mga alaala nila ang sakit, takot, at galit. Akala ni Gwin, no'ng araw na 'yon ay magtatapos na ang buhay niya pero hindi pala, sakto kasi na dumating si Fred, at nailigtas siya.Si Fred ang bumaril sa lalaki na nangahas na e-hostage siya. 'Yon nga lang ay nahimatay naman siya dahil sa sobrang takot at pagod. "Gwin, tahan na," mahinahon na sabi ni Fred. Umupo na rin siya sa tabi ni Gwin at hinaplos ang likod nito, saka naman niya nilagay ang bulaklak sa lapida ni Aling Taning. Gano'n din ang ginawa ni Widmark, na humiga pa sa lap ng Mama niya matapos ilagay ang bulaklak sa lapida ng Lola Taning niya. "Don't cry na po, Mama," malambing na sabi ni Widmark.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 119

    Kahit nanginginig ang buong katawan at halos hindi na maihakbang ang mga paa, sinisikap pa rin ni Gwin na tumakbo ng mabilis habang hawak ang tiyan. Sa isip niya hindi pwedeng mahuli na naman siya ng tauhan ni Brent. “Mitch—” Awtomatiko huminto ang pagtakbo niya nang makarinig ng putok ng baril mula sa bahay kung saan niya iniwan si Mitch. Iba kaagad ang naisip niya. May tama na nga kasi si Mitch, alam ni Gwin na hindi na nito kayang protektahan ang sarili.Napatakip ng bibig si Gwin, kasabay ang pagpatak ng mga luha. Kita nga rin niya kung paano pinigilan ni Mitch ang demonyong si Brent. Kahit nasasaktan na at may tama pa, buong lakas pa rin nitong pinigil si Brent, hindi lang siya nito mahabol. “Mitch— a-anong gagawin ko?” Napahawak sa ulo si Gwin. Hindi na rin siya maperme sa kinatatayuan niya. Akmang babalik siya sa bahay at aatras naman. Walang tigil ang pagpatak ng luha niya habang tanaw ang bahay. Nalito pa rin siya kung babalik ba o hindi. Pero alam niya naman na kapag b

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 118

    Habang nakakaputukan sa loob ng Farm. Dahan-dahan namang gumalaw si Fred. Siniguro niya na hindi siya mahuhuli ng mga naka-antabay na mga pulis. Kanina pa siya kating-kati na pumasok kasama ang mga pulis pero ayaw siyang payagan. Kanina niya pa gustong alamin kung okay lang ba si Gwin. Kung hindi ba siya nasaktan o buhay pa ba siya. Sa isip niya, para siyang inutil. Parang lumpo na hindi makagalaw na naghihintay lang sa tabi at nagtatago habang si Gwin ay nasa panganib.“Fred, dito ka lang sabi! Sana talaga, hindi ka na sumama,” pigil ni Patrick, sabay hawak sa braso niya. "Pabayaan n'yo ako!" Winaksi niya ang kamay ni Patrick. Ayaw na niya talagang paawat. Hindi na niya kayang maghintay na lang kung kilan lalabas si Gwin sa Farm. "Fred naman! 'Wag ka na ngang dumagdag sa problema! Dito ka na lang, hayaan mo na lang ang mga pulis na gawin ang trabaho nila," giit ni Patrick, determinado siya na hindi papayagan ang pinsan na ipahamak na naman ang sarili niya. "Hindi n'yo ako naiin

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 117

    Abot-abot ang kaba na nararamdaman nina Gwin at Mitch habang naririnig ang nanggalaiting sigaw ni Brent mula sa labas. Ilang ulit na rin nitong sinuktok at pinagsisipa ang pinto. Kung walang harang, siguradong kanina pa ito nakapasok at malamang ay kinaladkad na sila palabas o ‘di kaya ay sinaktan na sila.Buong lakas na diniin ng dalawang babae ang kama sa pinto, para kahit paano ano ay hindi kaagad mabuksan ni Brent. Pero hindi nila maiwasan na mapapikit sa tuwing maririnig ang umalingawngaw na sigaw nito. Tinatawag ang mga tauhan niya. “Ano? Sisilip na lang ba kayo riyan? Buksan n’yo ang pinto mga inutil!” utos ni Brent sa mga tauhan niya. Maya maya ay nagmamadaling mga yabag na ang naririnig nina Gwin at Mitch. Kapwa may luha na sa mga mata ang dalawa at nanginginig na ang mga kamay.Habang ginagawa nina Gwin at Mitch ang lahat, hindi lang mabuksan kaagad ang pinto. Humaharorot naman ang mga police car, papunta sa lugar na tinutumbok ng tracker sa hawak nilang cell phone. Cel

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 116

    "Anong pagkamatay ng Nanay mo? Sinong Nanay ang sinasabi mo?" naguguluhan na tanong ni Gwin. Alam naman niya na walang ibang tinatawag na Nanay si Mitch, kung hindi si Aling taning lang. Pero hindi niya kayang tanggapin ang narinig. Hindi kayang e-absurb sa utak niya. Hindi niya matanggap na wala na si Aling Taning. Sobrang pagpipigil na rin ang ginagawa niya, huwag lang mapahagulgol at huwag sumigaw. Paulit-ulit niya rin na pinilig-pilig ang ulo. “Gwin—” Tinangka ni Mitch na hawakan si Gwin, pero tinampal lang nito ang kamay niya. Walang salita na lumabas mula sa bibig niya pero ang mga tingin naman ay parang sinasaksak ang puso ni Mitch sa talim. Yumuko na lamang si Mitch at sandaling nagtiim ng mga mata. "Gwin, si Nanay Taning—" Sinubukan ni Mitch na magsalita pero hindi niya magawang ituloy ang gustong sabihin. Pumipiyok ang boses niya sa kada salita niya. "Mitch?!" pigil na sigaw ni Gwin. Na ikinataranta ni Mitch. “Gwin–" nasambit niya. Pero nasa pinto ang tingin. Na

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 115

    "Mitch! Nahihibang ka na ba? Tanggalin mo nga 'yan!" Hindi napigil ni Gwin ang magtaas ng boses. Nagtataka kasi siya sa ginagawa ni Mitch. At saka, natatakot din na baka madamay siya sa galit ni Brent dahil sa kalokohang pinaggagawa nito. Pero imbes na sumunod, pinandilitan lang siya nito habang tuloy pa rin sa pagsigaw sa pangalan ni Brent. Hindi maintindihan ni Gwin kung ano ang binabalak ni Mitch. Nilagyan ba naman ng harang ang pinto. At paminsan-minsan din niya iyong hinahampas na parang nagwawala pa rin siya. Sinasabayan niya pa ng sipa. "Brent, let me out! Nakakasakal rito sa loob–" "Mitch, tumigil ka na nga! Ano bang ba kasing drama 'tong ginagawa mo? Pwede ba, tigilan mo na 'yan bago pa pumasok ang demonyong si Brent dito at pati ako madamay sa galit niya!" sita na naman ni Gwin. Nilakasan niya pa lalo ang boses. Intensyon niya talaga na marinig ni Brent ang pagsaway niya kay Mitch, para hindi siya madamay, sakaling maubos ang pasensya nito dahil sa ginagawa ni Mitch.

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 114

    THIRD PERSON POVHinablot ni Brent mula sa kamay ni Gwin ang hawak nitong cell phone at kaagad lumabas. Naiwang tulala si Gwin sa loob ng kwarto. Kahit sandali niya lang narinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Kilala na kaagad niya kung sino ang tumawag–si Mitch.Ang pinagtatakahan niya ay kung bakit umiiyak ito at parang takot na takot?Lumapit si Gwin sa pinto at diniin ang tainga niya doon. Gusto niyang marinig ang mga sasabihin ni Brent, magkaroon man lang siya ng clue kung ano ang nangyayari. O baka, makakuha rin siya ng balita tungkol kay Fred, at sa pamilya niya. Umaasa pa rin kasi siya na buhay si Fred, kahit paulit-ulit at pinagdidiinan ni Brent na wala na nga ito.Sa kabilang banda, galit na kinausap ni Brent si Mitch. Naiinis siya lalo't alam na nito na kasama niya si Gwin, at siya ang dumukot dito. “Anong pumasok sa utak mo at tumawag ka—” "Brent, tama ba ang narinig ko? Kasama mo si Gwin? Ikaw ang dumukot sa kanya?" gulat na tanong ni Mitch. Bakas na bakas ang

  • My Best Friend's Baby   Kabanata 113

    Brent's words paralyzed me. Nanigas ang dila ko and I was unable to speak. I just gazed at him, shaking my head as tears streamed down my cheeks. Gusto kong sumigaw at gusto kong magwala pero hinang-hina na ako. Habang nakatingin kay Brent, nandoon ang kagustuhan kong saktan siya, at iparamdam sa kanya kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Pero paano? Paano ko kakalabanin ang demonyong gaya niya? Sa lakas pa lang niya, wala na akong laban. Parang gusto ko na lang mawalan ng buhay. Wala na rin naman si Fred, at kasalanan ko. Kasalanan ko kaya nangyari ang lahat ng ’to. Kasalanan ko kaya napahamak si Fred. Kung hindi lang sana ako nagtiwala ng sobra kay Brent, hindi sana humantong ang lahat sa ganito. Kung nakinig lang ako, wala sana ako rito ngayon, at walang nangyaring masama kay Fred. “Hayop ka, Brent! Ang sama mo, Demonyo ka—” “Shut up, Gwin! Ang sakit na sa tainga ng mga ngawa mo. Nakakarindi nang marinig ang mga sinasabi mo! Puro ka pa rin Fred. Wala na nga ang tarant

DMCA.com Protection Status