Share

My Amnesia Boss
My Amnesia Boss
Penulis: Clefairy

Chapter One

Penulis: Clefairy
last update Terakhir Diperbarui: 2021-07-23 15:32:59

“WELCOME home, Coreen,” wika ni Coreen sa sarili paglapag ng eroplanong sinasakyan sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.

After eight long years, she was finally back to her home country.

“Coreen!” 

Lumapad ang ngiti niya nang matanawan ang best friend niyang si Miranda na naghihintay sa kanya sa arrival area ng airport.

Nanlaki ang mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Kumaway-kaway ito at itinaas ang hawak na banner na may nakasulat na, Welcome home, Coreen.

“Grabe ka, friend! Ibang-iba ka na talaga!” hindi makapaniwalang wika ni Miranda matapos siyang pakawalan mula sa isang mahigpit na yakap. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya habang pinagmamasdan ang kabuuan niya. “Kung hindi tayo madalas mag-video chat, hindi kita makikilala!”

Natawa na lang siya sa litanya ng kaibigan. “I missed you, Mir.”

Sa kabila ng walong taong pagkawala sa bansa ay hindi siya nawalan ng komunikasyon kay Miranda.

Eight years ago, isa lang siyang simpleng babae na ang tanging pangarap ay makatapos ng pag-aaral at mabigyan ng magandang buhay ang kanyang ina.

Lumaki si Coreen na walang kinikilalang ama. Sa loob ng labinwalong taon, ang kanyang inang si Dalia ang tanging kasama niya sa buhay. Isang Greek national ang kanyang ama. Iyon ang dahilan kung bakit kulay berde ang kanyang mga mata.

Subalit bukod sa pangalan at sa larawan, wala na siyang impormasyong alam tungkol sa kanyang ama. 

Ayon sa kuwento ng ina, nakilala nito ang ama niya noong nagtatrabaho ito bilang assistant chef sa Singapore. Hindi nagtagal ang relasyon ng mga ito dahil kailangang bumalik ng kanyang ama sa Greece. Naghiwalay ang mga ito nang hindi alam ng ama niyang Greek na nabuntis nito ang ina.

Mag-isa siyang itinaguyod ng kanyang ina. Kahit hindi marangya ang buhay nila, naging masaya pa rin siya sa piling ng ina. Subalit nasira ang pangarap niya para sa kanila ng ina nang dapuan ito ng sakit na breast cancer. Stage four na ang sakit ng ina nang madiskubre ito kaya hindi kalaunan ay binawian ito ng buhay. 

Bago ito pumanaw, ibilin sa kanya ng ina na hanapin niya ang kanyang ama. Subalit hindi na pala niya kailangang gawin iyon. Isang buwan matapos ang pagkamatay ng ina, isang Greek National na may mga matang kakulay ng kanya ang dumating sa apartment niya.

Iyon na nga si Hector Niarchos, ang kanyang ama.

Napag-alaman niya mula sa ama na matagal na nitong hinahanap ang kanyang ina. Isinama siya ng ama sa Greece. Doon niya ipinagpatuloy ang pag-aaral. Sa isang iglap, nabago ang buhay niya. She became Coreen Navarro-Niarchos, daughter of a Greek tycoon. 

Her father was the best father she could ever have. Sa loob ng walong taong pagsasama nila ng ama, nagawa nitong punan ang labinwalong taong pagkawala nito sa buhay niya.

“Gaano katagal ang bakasyon mo, Coreen?” tanong sa kanya ng kaibigan habang naglalakad sila patungo sa sasakyan nito.

“Three months.” She wanted to stay longer, subalit hindi naman niya pwedeng iwan ng matagal ang responsibilidad niya sa Greece. Her father owned chains of five-star hotels and resorts in Greece. Katulong siya ng ama at ng pinsang si Mikail sa pamamahala sa negosyo nito. 

Ipinasok niya sa backseat ang luggage bago dumiretso sa front seat. Si Miranda naman ay umikot para makapasok sa driver's seat.

Sa Quezon City ang destinasyon nila kung saan naroon ang condo unit ng kaibigan. Bago pa siya umuwi ng Pilipinas ay naka-book na ang reservation niya sa Shangri-La, subalit napilit siya ni Miranda na doon tumuloy na sa condo unit nito pag-uwi niya ng bansa. Hindi siya nakatanggi sa kaibigan.

Si Miranda ang nag-iisang kaibigang naiwan niya sa Pilipinas nang umalis siya ng bansa walong taon na ang nakalilipas. She was her best friend. Unang araw niya sa kolehiyo nang magkakilala sila. Magkaklase sila sa isang minor subject. University scholar siya sa prestihiyosong St. Claire University, habang si Miranda ay nagmula sa isang mayamang angkan sa Davao.

Sa kabila ng malaking pagkakaiba ng estado nila sa buhay, naging malapit na magkaibigan sila ng dalaga. 

Habang bumibiyahe ay ibinaling niya ang tingin sa mga nadadaanan nila. Kasabay ng paghinto ng sasakyan nila dahil sa mabigat na traffic, tila pansamantalang huminto rin ang mundo niya nang makita ang isang billboard sa EDSA.

Sandro Madrigal, one of the most sought-after bachelors in the country, was in the billboard in his sexy suit and tie. Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya habang nakatingala sa mukha nito. 

Bumaling sa kanya si Miranda. Pumalatak ito. “Grabe! Huwag mong sabihing hanggang ngayon, patay na patay ka pa rin kay Sandro Madrigal?”

Sa halip na sumagot ay nanatili lang siyang nakatingin sa billboard ni Sandro.

“Grabe ka, Coreen!” tila hindi makapaniwalang suminghap pa ang kaibigan. “After eight long years, hindi pa rin nag-eexpire ang pagsinta mo sa lalaking iyan.”

Sandro Madrigal was her ultimate crush. No. He was the man of her dreams. He was in love with him, then and now. Sandro was the campus king way back in college. He was the most popular guy in the university. At isa si Coreen sa mga babaeng napahumaling at napaluhod ng binata.

Unang beses pa lang niyang nasilayan si Sandro ay nahulog na ang puso niya sa guwapong binata. It was almost ten years ago since she first saw him and yet she could still remember everything.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso siya sa school library. Tuwing bakanteng oras at hindi niya kasama si Miranda ay inilalaan niya ang oras sa library para magbasa ng libro. 

Inayos niya ang suot na salamin habang hinahanap ang Shakespeare Book of Sonnets na kailangan niya sa English Literature subject. Kahit hindi malabo ang mga mata ay nagsusuot siya ng salamin. Naiilang kasi siya sa tuwing napapansin ng mga tao ang berde niyang mga mata.

Sa wakas ay nahanap niya ang kailangang libro. There was only a single copy of it and it was placed on top part of the shelf. Tumingkayad siya para abutin ang libro sa tuktok ng shelf. Nanlaki ang mga mata niya nang mawalan siya ng balanse. Subalit sa halip na matumba at bumagsak sa sahig ay isang matipunong bisig ang sumalo sa kanya.

Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang guwapo at mala-anghel na mukha ng isang lalaki.

    He has deep set eyes, pointed nose, perfectly angled jaw, a pair of pinkish red lips. And boy, he smelled so good. 

“Miss?” Pakiramdam niya, nang mga samdaling iyon ay huminto ang buong paligid niya.

“Yes?” Napakurap-kurap siya.

“Okay ka lang?”

Natauhan siya. “Ah, oo. S-salamat.” Nahihiyang kumalas siya sa lalaki.

Ngumiti ito sa kanya bago inabot ang libro sa pinakataas na estante ng shelf. Kung siya ay halos matumba sa pag-abot lang niyon, ito ay walang kahirap-hirap na nakuha ang libro. He was that tall.

Pagkatapos kuhanin ang libro ay bumaling sa kanya ang lalaki. “You’re reaching for this book, right?”

“Y-yes. Uhm, thank you.”

Muli niyang nasilayan ang ngiti nito. That moment, her heart skipped a beat.

Simula noon, hindi na nawala sa isip niya ang guwapong mukha at matamis na ngiti ng binata. 

Unti-unti ay inalam niya ang mga bagay-bagay tungkol kay Sandro. Ang pamilyang pinagmulan nito, ang birthday nito, ang kursong kinukuha nito, hanggang sa mga paborito nito.  Kahit wala siyang hilig sa basketball ay nagpupunta siya sa gym para manood ng laban dahil kay Sandro. Team captain ng varsity team ang binata. Kahit malayo ang building ng College of Arts sa College of Business ay sinasadya niyang pumunta sa College of Business para lang makita si Sandro. Hindi nabubuo ang araw niya kapag hindi niya nasisilayan ang binata. Lagi ngang sinasabi sa kanya ni Miranda noon na stalker na siya ng binata.

Subalit sa kabila ng malalim na pagtingin niya kay Sandro, ni minsan ay hindi siya nagtangkang lumapit o magpakilala man lang sa binata. Malinaw naman sa kanya na imposible siyang magustuhan ni Sandro.

Sino ba naman siya? She was just a nobody. Isa lang siyang simpleng scholar sa university na bukod sa hitsurang nerd ay wala pang kataglay-taglay na self-confidence.

Kahit madalas sabihin ni Miranda na maganda siya sa kabila ng salamin at mahabang paldang nakasanayang suotin, hindi niya magawang maniwala sa kaibigan. Akala niya noon ay binobola lang siya nito.

Sa loob ng dalawang taong pananatili niya sa St. Claire, nakuntento na lang siya sa araw-araw na pagsulyap sa malayo kay Sandro.

Napatunayan niya na hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya kay Sandro nang isama siya ng ama sa Greece. Akala niya, dahil wala na siya sa St. Claire, maglalaho na rin ang nararamdaman niya kay Sandro. Subalit hindi iyon nangyari.

Hindi nagawang burahin ng milya-milyang distansya niya sa Pilipinas ang nararamdaman niya para sa lalaki.

“Sa dinami-rami ng guwapong papable sa Greece, hindi ka man lang nakahanap ng ipapalit kay Sandro,” pagpapatuloy ni Miranda.

She met a lot of men in Greece. Some of them were even as good-looking as Sandro. Ilan sa mga lalaking nakilala niya ang nagpahayag ng interes sa kanya. Subalit wala ni isa man sa mga ito ang nakakuha ng atensiyon niya.

Umismid si Miranda habang nakatingin sa billboard. “Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makuha kung bakit patay na patay ka sa lalaking iyan. Oo nga at sobrang guwapo, ubod naman ng palikero. That guy's a disgusting manwhore. Then and now.”

Isa ang kaibigang si Miranda sa maliit na porsyento ng kababaihang hindi tinablan ng kaguwapuhan ni Sandro. Miranda hated playboys. And Sandro was a notorious womanizer. Kalat na kalat noon sa campus kung gaano kababaero si Sandro Madrigal. Walang babaeng nagtatagal dito. Subalit sa kabila ng ugaling iyon ni Sandro, nanatili pa rin ang espesyal na pagtingin niya sa binata.

Sa mga lumipas na taon, kahit malayo sa bansa ay patuloy pa rin siyang nakasubaybay sa buhay ni Sandro. Sa edad na tatlumpu, wala pang asawa ang lalaki. Wala pa rin itong seryosong nakakarelasyon. Patunay niyon ang mga nakikita niyang larawan nito sa internet kasama ang iba't-ibang mga babae.

Sa loob ng walong taong lumipas, isa lang ang sigurado niyang hindi nagbago sa kanya. Iyon ay ang pagtingin niya kay Sandro Madrigal.

Bab terkait

  • My Amnesia Boss    Chapter Two

    “WHERE do you want us to go first, Coreen? Palawan, Boracay, Sagada?” tanong kay Coreen ni Miranda. Mula sa ginagawang fruit salad ay ibinaling nito ang tingin sa kanya.Mag-iisang linggo na siya sa bansa. Una niyang pinuntahan ang puntod ng ina sa Manila Xavier.“Paano ang trabaho mo, Mir?” wika niya sa kaibigan. Nagpaplano ito na samahan siya sa kanyang bakasyon.Tumigil ito sa paglalagay ng honey sa ginagawang salad. “Ano'ng ginagawa ng vacation leave ko sa kompanya?” balewala at kibit-balikat na sagot nito. “Aba, kapag hindi nila ako pinayagan, magre-resign ako. Kawalan nila iyon. Imagine, mawawala sa kanila ang pinakamagandang interior designer sa balat ng lupa.”Natawa siya. “Let's go to Sagada.” Miranda w

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-23
  • My Amnesia Boss    Chapter Three

    “SERYOSO ka ba talaga diyan, Coreen?” tanong kay Coreen ng kaibigang si Miranda habang lulan sila ng kotse nito.Nakahinto sila sa tapat ng Madrigal Towers, ang gusaling pagmamay-ari ng Madrigal Group kung saan matatagpuan ang opisina ng Madrigal Group of Companies.Bago pumasok si Miranda sa trabaho ay nagpahatid muna siya roon. Hindi nila kasabay si Miranda dahil sinundo ito ng nobyo nito kanina.Bumaling siya sa kaibigan. “Mir, ito na iyong pagkakataon para makalapit ako kay Sandro.”Nag-apply siya bilang executive secretary ni Sandro. Ngayon ang final interview niya. Pinaghandaan niya ang araw na iyon dahil ayon kay Almira, si Sandro ang makahaharap ng lahat ng aplikanteng nakapasa para sa final interview.

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-23
  • My Amnesia Boss    Chapter Four

    “WHY should I hire you?” tanong ni Sandro sa aplikanteng kaharap.His secretary for six years resigned three months ago. Kahit hindi niya gusto ay hindi na niya pinigilan ang pagre-resign ni Tita Mary. Matanda na rin kasi ito at kailangan nang magpahinga. Bago pa niya maging sekretarya ang matanda ay una nitong pinagsilbihan ang abuelo. She was his grandfather's secretary for twenty years.Madrigal Group of Company is a conglomerate built by his grandfather. He had two sons, but none of them inherit his grandfather’s passion for business. Sa kanilang dalawa ni Xavier ibinigay ng abuelo ang pamamahala sa kompanya. He was twenty-five when he become the CEO of the company.His job as the CEO of the company requires a competent secretary. Nang mag-resign si Tita Mary ay mabilis siyang nagpahanap

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-23
  • My Amnesia Boss    Chapter Five

    “KUMUSTA ang interview mo, Coreen?” tanong kay Coreen ni Miranda. Nanonood siya ng TV nang dumating ang kaibigan mula sa trabaho. Sa halip na sumagot ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.Lumapit si Miranda sa kanya at naupo sa tabi niya. “I told you it was a foolish idea—”Before her friend finished, she turned to her and broke her lips into a wide smile. “Sandro picked me, Mir! I am going to be his secretary!” maligayang balita niya.Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na natanggap siya bilang sekretarya ni Sandro. Sa dami ng mga nakasabay niya kanina ay hindi niya akalaing siya ang mapipili ng binata.Bumalik

    Terakhir Diperbarui : 2021-07-23

Bab terbaru

  • My Amnesia Boss    Chapter One

    “WELCOME home, Coreen,” wika ni Coreen sa sarili paglapag ng eroplanong sinasakyan sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.After eight long years, she was finally back to her home country.“Coreen!”Lumapad ang ngiti niya nang matanawan ang best friend niyang si Miranda na naghihintay sa kanya sa arrival area ng airport.Nanlaki ang mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Kumaway-kaway ito at itinaas ang hawak na banner na may nakasulat na, Welcome home, Coreen.“Grabe ka, friend! Ibang-iba ka na talaga!” hindi makapaniwalang wika ni Miranda matapos siyang pakawalan mula sa isang mahigpit na yakap. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya habang pinagmamasdan ang kab

DMCA.com Protection Status