“WHERE do you want us to go first, Coreen? Palawan, Boracay, Sagada?” tanong kay Coreen ni Miranda. Mula sa ginagawang fruit salad ay ibinaling nito ang tingin sa kanya.
Mag-iisang linggo na siya sa bansa. Una niyang pinuntahan ang puntod ng ina sa Manila Xavier.
“Paano ang trabaho mo, Mir?” wika niya sa kaibigan. Nagpaplano ito na samahan siya sa kanyang bakasyon.
Tumigil ito sa paglalagay ng honey sa ginagawang salad. “Ano'ng ginagawa ng vacation leave ko sa kompanya?” balewala at kibit-balikat na sagot nito. “Aba, kapag hindi nila ako pinayagan, magre-resign ako. Kawalan nila iyon. Imagine, mawawala sa kanila ang pinakamagandang interior designer sa balat ng lupa.”
Natawa siya. “Let's go to Sagada.” Miranda was her opposite. Punong-puno ng self-confidence ang kaibigan na siya namang dating wala sa kanya.
But those were the days. Hindi na siya ang dating Coreen na walang lakas ng loob at tiwala sa sarili. Eigth years in Greece with her father taught her how to be a woman that she was now.
Kumakain sila ng fruit salad na ginawa ni Miranda nang dumating ang pinsan ng kaibigan na si Almira.
“Hi, couz!” bati ni Almira sa pinsan bago bumaling sa kanya. “Hi, Coreen!”
Bukod kay Miranda, ang pinsan lang nitong si Almira ang nakatira sa unit nito.
Ginantihan niya ng bati ang babae.
Dumiretso si Almira sa fridge. Uminom ito ng tubig bago kumuha ng bowl at tinidor at lumapit sa kanila ni Miranda.
“Nakaka stress sa office,” himutok ni Almira habang kumukuha ng salad. “Nakakaloka sa dami ang mga nag-apply kanina.”
Ayon kay Miranda, head ng HR si Almira sa isang kompanya sa Taguig.
“Hiring sa company niyo?” tanong ni Miranda sa pinsan.
“Iyon na nga, eh. Isang posisyon lang naman ang bakante pero ang dami-dami nilang nag-apply.
“Ano'ng posisyon naman ba at bakit pinagkakaguluhan?”
“Executive secretary ng CEO,” ani Miranda.
“Hmp, kaya naman pala...” Nakita niya ang bahagyang pag-ismid ng kaibigan.
“Bakit?” hindi niya napigilang itanong. “Ano'ng meron sa CEO ng kompanya niyo, Almira? Mataas magpasuweldo? O baka...guwapo?”
Huminto si Miranda sa ginagawa at tumingin sa kanya. “Ay, siguradong guwapo para sa 'yo, Coreen!” makahulugang wika ng kaibigan.
“Hay, ang guwapo-guwapo naman kasi talaga ni Sir Sandro! Hindi ko rin masisisi kung bakit marami ang gustong maging secretary niya.” Pumalatak si Miranda. “Lalong hindi ko rin masisisi kung bakit siya nagawang akitin ng dating secretary niya.”
Natigilan siya sa narinig na pangalan mula kay Miranda. “Sandro? Sandro...Madrigal? Sa Madrigal Group of Companies ka nagtatrabaho?” sunod-sunod na tanong niya kay Almira.
“Uh-huh,” sunod-sunod na tumango rin si Almira. “Kilala mo si Sir Sandro?”
“Kilalang-kilala kamo!” ani Miranda sa pinsan. “Patay na patay kaya iyan kay Sandro Madrigal.”
“Patay na patay talaga, Mir?” Bahagyang namula ang magkabilang pisngi niya.
“Eh, talaga naman!”
Hindi na siya nakasagot sa kaibigan. Tama naman kasi ito. Up until now, she was still head over heels in love with Sandro.
“Iyon nga lang, itong si Sandro Madrigal, hindi man lang alam na nag-e-exist itong si Coreen.”
“Don't worry, Coreen. Hindi ka naman nag-iisa.”
“So bakit kailangan na naman ni Sandro Madrigal ng secretary?” tanong ni Miranda. “Di ba no’ng nakaraang buwan lang naghanap ka rin ng secretary niya?”
“Well, ayon sa narinig ko, sinesante niya ang secretary niya dahil inakit siya nito,” sagot ni Almira sa pinsan.
“Walang mang-aakit kung walang magpapaakit. It was his fault he couldn’t keep his dick to himself,” sagot ni Miranda.
“Ano ka ba, Mirs. Kung ikaw si Sir Sandro, makakatanggi ka pa ba kapag palay na ang lumalapit sa manok?” banat ni Almira.
Binalewala niya ang pagtatalo ng dalawa. Bumaling siya kay Almira. “So... may natanggap na ba kayo para maging secretary ni Sandro?”
“SERYOSO ka ba talaga diyan, Coreen?” tanong kay Coreen ng kaibigang si Miranda habang lulan sila ng kotse nito.Nakahinto sila sa tapat ng Madrigal Towers, ang gusaling pagmamay-ari ng Madrigal Group kung saan matatagpuan ang opisina ng Madrigal Group of Companies.Bago pumasok si Miranda sa trabaho ay nagpahatid muna siya roon. Hindi nila kasabay si Miranda dahil sinundo ito ng nobyo nito kanina.Bumaling siya sa kaibigan. “Mir, ito na iyong pagkakataon para makalapit ako kay Sandro.”Nag-apply siya bilang executive secretary ni Sandro. Ngayon ang final interview niya. Pinaghandaan niya ang araw na iyon dahil ayon kay Almira, si Sandro ang makahaharap ng lahat ng aplikanteng nakapasa para sa final interview.
“WHY should I hire you?” tanong ni Sandro sa aplikanteng kaharap.His secretary for six years resigned three months ago. Kahit hindi niya gusto ay hindi na niya pinigilan ang pagre-resign ni Tita Mary. Matanda na rin kasi ito at kailangan nang magpahinga. Bago pa niya maging sekretarya ang matanda ay una nitong pinagsilbihan ang abuelo. She was his grandfather's secretary for twenty years.Madrigal Group of Company is a conglomerate built by his grandfather. He had two sons, but none of them inherit his grandfather’s passion for business. Sa kanilang dalawa ni Xavier ibinigay ng abuelo ang pamamahala sa kompanya. He was twenty-five when he become the CEO of the company.His job as the CEO of the company requires a competent secretary. Nang mag-resign si Tita Mary ay mabilis siyang nagpahanap
“KUMUSTA ang interview mo, Coreen?” tanong kay Coreen ni Miranda. Nanonood siya ng TV nang dumating ang kaibigan mula sa trabaho. Sa halip na sumagot ay isang buntong-hininga ang pinakawalan niya.Lumapit si Miranda sa kanya at naupo sa tabi niya. “I told you it was a foolish idea—”Before her friend finished, she turned to her and broke her lips into a wide smile. “Sandro picked me, Mir! I am going to be his secretary!” maligayang balita niya.Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala na natanggap siya bilang sekretarya ni Sandro. Sa dami ng mga nakasabay niya kanina ay hindi niya akalaing siya ang mapipili ng binata.Bumalik
“WELCOME home, Coreen,” wika ni Coreen sa sarili paglapag ng eroplanong sinasakyan sa runway ng Ninoy Aquino International Airport.After eight long years, she was finally back to her home country.“Coreen!”Lumapad ang ngiti niya nang matanawan ang best friend niyang si Miranda na naghihintay sa kanya sa arrival area ng airport.Nanlaki ang mga mata nito nang magtama ang mga mata nila. Kumaway-kaway ito at itinaas ang hawak na banner na may nakasulat na, Welcome home, Coreen.“Grabe ka, friend! Ibang-iba ka na talaga!” hindi makapaniwalang wika ni Miranda matapos siyang pakawalan mula sa isang mahigpit na yakap. Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya habang pinagmamasdan ang kab