"Hinintay kita Xander..." malambing na pumulupot ang mga braso ni Celeste sa batok ni Xander. Mabilis na dinampian ng halik ang labi ng bilyonaryo.Ni hindi man lang umiwas si Xander. Eksenang nadatnan ni Charline. Natigagal si Cha at nang tila nahimasmasan na ay tumalikod na lang at iniwan ang nasaksihan. "HINDI ka naman galit niyan?" kunot-noong tanong ni Anna kay Charline. Mabilis ang ginagawa nitong paghihiwa ng sibuyas. Kunwa'y hindi niya ito narinig at inis na isinalpak ang mga ginamit na panghiwa at chopping board sa lababong naroon. "Alright, mind your own business Anna." tumalikod na ito at bumalik na rin sa paghahalo ng niluluto. Naguguluhan na si Charline. Ano ba talaga ang meron sa kanila ni Xander? Bakit kailangang pakasalan pa siya? Tapos kung sinu-sino lang din naman pala ang kakalantariin. Sira ang araw niya. Nagpupuyos pa rin ang kaniyang kalooban habang nagsasandok na ng nilutong putahe na lapu-lapu escabeche na sweet & sour. Ang sauce naman ng steam-lobster ay i
Bahagyang natigilan si Charline, nakatayo si Dan sa hallway ng Hotel at mukhang may hinihintay. Iiwas sana siya pero huli na. Nakita na siya nito, kumaway at ngumiti. Humugot muna ng hangin si Cha saka nilapitan ang dating nobyo. "Hi! May hinihintay ka." tumango ito. Ang gwapo nito sa suot nitong white t-shirt at skinny jeans. Para itong oppa sa mga napapanood niyang korea-novela. "Yap." tumango ito. "Ah, sige." akmang lalampasan na ito ni Cha nang hawakan nito ang braso niya. "Ikaw ang hinihintay ko at yayayain ko sanang magdinner." masuyo at tila nakikiusap ang mga mata nito na tila ba hindi makapapayag na tanggihan. "Dan..." tatanggi sana siya pero nang makita niya sa di-kalayuan sina Xander at Celeste. Nakadama siya ng inis kaya umuo na lang siya sa binata. Ramdam niya ang tuwa ng katabi na inalok pa ang braso nito. Humawak siya rito at sinabayan na ito palabas ng Hotel. Hindi niya na nakita pa ang pagtagis ng bagang ni Xander habang nakatanaw sa kanila papalayo. Ipinagbukas
Panay ang halakhak ni Charline dahil sa mga corny na joke ni Dan. Nagpapaka-ipokrita siya. Alam niyang nakatingin mula sa likuran ang asawa. Sumimple siya ng lingon at nagkasalubungan ang tingin nila ni Xander. Malalamig ang tingin nito. Heto na naman ang pakiramdam na mas nasasaktan siya sa mga ganong tingin ng asawa. Nagpatay-malisya siya at kunwa'y nakikinig sa kausap. "Gusto mo pa ba ng drinks?" untag ni Dan. Umiling na lang si Charline. Gusto niya ng umuwi. Tila nakaramdam naman ang katabi kaya tinawag na nito ang waiter at nagbayad. Nakahinga siya ng maluwag dahil kanina pa siya uwing-uwi. Iniwasan niya ng mapatingin pa sa gawi nila Celeste at Xander. "ALAM kong hindi ka okey." sa gitna ng pagmamaneho ay wika ni Dan. Tumanaw siya sa labas ng bintana. Alam niyang hindi manhid si Dan. "Cha..." "Dan naman." bumuga siya ng mahinang hangin. "Dahil ba kay Xander?" Napabilis ang paglingon niya rito. "Cha, alam ko ang tungkol sainyo." ramdam niya ang pait sa tinig nito. "I'm sorr
Huminto ang puting SUV sa tapat ng bahay ni Charline. Umangat ang kaliwang-kilay niya, nakilala niya agad na isa ito sa company car ng Gallore. Pakana na naman marahil ni Xander. Hindi siya pumasok at nagdahilan. Nagpasa siya ng sick-leave. Hindi niya pa kayang humarap kay Xander at naiinis pa siyang makita si Celeste. "Ma'am, may mga ipinadala po ang Sir Xander." bungad na wika ng driver. Napatingin siya sa sandamakmak na groceries at isang bouquet ng red roses na nasa upuan ng sasakyan. "Para saan?" "Hindi ko ho alam eh. Ibababa ko na ho." Wala siyang nagawa ng isa-isa na itong ibaba ng driver at komportableng pumasok sa gate at inilagay sa center table na nasa balkonahe. Nagpasalamat na ito saka umalis din agad. Napahalukipkip si Charline at pinasadahan ng tingin ang mga ipinadala ng asawa. Kinumpleto nito ang pang-isang buwang konsumo nila, meron ding mamahaling gatas ni Aj. Inayos niya na lang sa kabinet ng foods ang mga de-lata at iba pang naka-sachet na gamit nila sa kusina
Inilalagay ni Charline ang mga pinamili sa cart. Mga ilang gamit lang naman sa cakeshop, dahil halos kinumpleto ni Xander ang konsumo nila para sa kusina. Bumili siya ng ilang boxes dahil nakita niyang konti na lang. Gusto niya rin bumili ng bagong mixer at ilang utensils. Pumila na siya sa harap ng cashier upang magbayad. "Charline?!" nagulat siya sa babaeng bigla na lang napatili at gulat na napatitig sa kaniya. Nagulat din siya. Syempre kilala at hindi niya pa rin naman nakakalimutan ang mukha ni Madam Olga. Ang floor-manager ng Club Halimuyak. "Madam Olga?" paniniyak niya. Ang luwang ng ngiti nito. Umalis na ito at hinawakan siya sa braso at hinila sa isang tabi. "Kumusta?" hindi nawawala ang ngiti nito. Walang make-up pero mahahalatang sa Club pa rin ito nagtatrabaho. "Okey naman ho. Kayo ho?" nginitian niya ito. "Mabuti naman, si Alyssa kumusta? Bakit hindi na kayo nagagawi sa Club?" "Busy na ho kasi eh." napatingin siya sa pila. May tatlo pa bago siya. "Oo nga, ang swert
"Ayoko ng umaaligid pa sayo 'yung Dan na 'yun, Charline." tiningnan niya ang mukha ng asawa at kung hindi siya nagkakamali nagseselos ito. "Xander, magkaibigan kami 'nung tao. Teka, bakit napunta naman 'dun ang usapan?" inirapan niya ito. Ang galing lang naman kasi nito manita pero kapag kasama naman ito ni Celeste halos magka-yakap na."Eh, kumusta naman ang Celeste mo?" "Mag-impake ka na ng gamit mo." tila pag-iiba na nito sa usapan. "Papasok pa nga ako sa Gallore." protesta niya. "Ako ng bahala." nawala na ito sa paningin ni Cha pero nakatingin pa rin sya sa pintuan kung saan ito lumabas. "Wala man lang akong alam?!" umikot ang eyeball ni Alyssa. "Kasal na pala kayo ni Xander pero wala akong alam?" pag-uulit nito."Eh, magpapa-annull naman kasi kami. Para saan pa?" "Annull? Ano 'yan? Kumain ka lang ng cotton candy tapos biglang ayaw mo na umay na? " "Ewan ko sayo." kahit naman kasi siya nahihirapan ding intindihin ang sarili. Pero kapag nakikita niya kung gaano kalayo ang agw
Ang sarap gumising kapag ganito ka-gwapo ang bubungad sa pagdilat ng mga mata. Nakapikit at mahimbing pang natutulog si Xander. Gustong-gusto niyang tinititigan ang perpektong mukha nito. Parang nananaginip pa si Charline na napangiti. Balot sa iisang kumot ang hubad nilang katawan. Nakayakap ang braso nito sa katawan niya. Malamig ang silid dahil sa aircon pero pakiramdam niya balewala ito dahil sa init na hatid ng katawan ng asawa. Marahan niyang hinaplos ang pisnge nito. Ramdam niya sa ilalim ng kumot ang paggalaw ng kamay ng asawa na unti-unti nang nagigising. Napahinto siya sa paghaplos nang bigla itong dumilat. Napapahiyang binawi niya ang kamay pero hindi ang mga titig rito."Hi!" ngumiti ito, kinilig siya ng pilyong kumindat ito. Naramdaman niyang naglilikot ang kamay ni Xander sa ilalim ng kumot. Dumadausdos patungo sa gusto nitong direksyon. Pilyong sumilay ang ngiti nito sa labi ng marating ng palad ang gusto nitong damahin. Napasinghap si Charline nang maglaro ang palad
Alam ni Charline na maganda siya. Pero nanliliit pa rin siya sa sarili kumpara sa mga babaeng nagkaka-gusto sa asawa. Ang dami niyang "what if"? Pinagmamasdan niya si Xander mula sa kinauupuan habang seryosong nakikipag-usap sa bagong business partner nito para sa itatayong Resort sa El Nido, Palawan. Nag-order siya ng Icetea habang pinapalipas ang oras habang hinihintay ang asawa na nasa ibang lamesa. Gusto siya nitong isamang makipag-usap pero tumanggi siya. Napapansin niya rin kasi ang malagkit na tingin sa kaniya ng mga kausap nito. Inisip niya tuloy kung nagmukha ba siyang prostitute dahil medyo sexy ang ipinasuot sa kaniya ni Xander. Isang light blue na knitted- dress na hindi umabot man lang sa tuhod. Pinalutang nito ang ganda ng kurba ng kaniyang katawan, naglagay siya ng manipis na make-up para naman kahit papano ay magmukha siyang elegante. Ayaw niya rin namang magmukhang chaperon at alalay ni Xander. Sumimsim siya ng konti sa straw ng icetea habang nakatingin sa asawa na
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin