Masarap. Masaya. Nakakakilig. Tanging pakiramdam na alam ni Charline kapag kasama niya ang ama ng anak. Kakain, matutulog, mamamasyal na magkahawak- kamay. Kahit paminsan- minsan ay sinusumpong ito ng pagiging seloso. Pinapalitan naman ng ibayong saya kapag pinaparamdam ni Xander ang pagiging babae niya. Busog siya sa sex at alaga sa mamahaling materyalna na bagay. Binibili nito ang lahat ng kailangan niya kahit hindi niya naman hinihiling. Parang nagtatapon lang ito ng grasya sa bawat maibigan nito na gusto nitong bilhin para sa kaniya. Mamahaling damit, alahas at dinadala sa mamamahaling Hotel- Restaurant. At ngayon nga, nandito sila sa Amanpulo. Isa sa pinaka-sikat na Island Resort sa Pilipinas. Pero tanging ang presensya lang naman nito ang gusto niya. Ang makasama ito. "Exclusive na po ang buong island, Mr. Vergara para po sainyo." narinig niyang wika ng manager, nabasa niya ang name tag nito. Bigla niyang naalala na gusto ni Celeste magbakasyon rito kasama si Xander. Nap
"Talaga bang okupado natin ang buong Island?" namamanghang tanong ni Charline. Yumakap sa kaniya si Xander mula sa likuran."Yes.""Nagtatapon ka talaga ng pera para sa ganito?" "Anong masama?" kunot- noong tanong ni Xander. "Kahit bilhin ko pa ang islang ito kaya ko." Naiiling na humarap si Charline sa asawa. "Maraming pwedeng paggamitan ang pera mo Xander." nakita niyang natigilan ito. "Tulad ng?" "Charity. Pagtulong sa mga kapus- palad." "Hindi ko sila obligasyon, Charline." bahagya itong natawa. Ganito ba talaga ang mindset ng mga mayayaman? Pero bakit tinulungan siya nitong makapagtapos ng pag- aaral pagkatapos niya itong tanggihan noon? Nasa tabing aplaya sila at nakaupo sa buhangin habang pinagmamasdan ang bonfire na pinaka- tanglaw nila sa gitna ng buhanginan. Alas- nuebe na ng gabi at tanging huni na lang ng kuliglig ang maririnig sa paligid. Nasa di- kalayuan ang mga lifeguard na nagbabantay sa isla 24/7. Mabibilang ang staff ng Resort na halatang masaya naman sa tra
"Grabe! Nakita mo ba kung paano siya halikan ni Sir?" kinikilig na saad ng nagbukas ng gripo ng lababo. "Oo, nakakakilig sobra! Sana all." Sagot naman ng kausap nito. Dala ng kuryosidad, huminto sa paghakbang si Charline at nagkubli sa likod ng pinto. "Pang- ilan na kaya siya sa mga babae ni Sir Xander? Akala ko pa naman si Celeste ang girlfriend niya ngayon." tila nanghinayang pa ang kausap nito. "Oo nga, mas bagay sila. Maganda at sexy." nakadama ng bahagyang selos at insecure si Charline. "Hay naku! Baka pagsawaan lang din 'yan ni Sir Xander gaya ng mga babaeng dinala niya na rito-" Mabilis nang umalis sa pinagkukublihan si Charline. Masakit ang katotohanan at hindi niya kinakaya. "Umuwi na tayo!" nakapameywang siya habang pinapaahon niya mula sa tubig ang asawa. Wala na siyang pakialam kung pinagmukha niya itong bata na tila inuutusan ng nanay. Nagtatakang tiningnan siya ni Xander. Umahon ito sa tubig. K***"@! Napamura siya sa isip. Nakakapanlambot talaga ang karisma at pag
Nagkalat sa newsfeed ang memes ni Charline. Mang- aagaw at gold digger. May mga basher na din siya, mga negatibong opinyon ng netizens at karamihan mga fans ni Celeste. Nagdeactivate na siya ng account sa isang sikat na application site, hindi niya kinakayang basahin pa ang mga salitang ipinupukol sa kaniya ng iba na para bang ang laki ng ambag sa buhay niya at kung pagsalitaan siya ganon na lang. Humugot siya ng malalim na hangin saka sinagot ang tawag ni Alyssa. "May mga reporter na nasa labas ng cakeshop-" naputol ang gusto pa nitong sabihin. Nag- aalalang idinayal niya ang numero ni Alyssa pero hindi nito sinasagot. Nagmadali na siyang nagbihis, pupuntahan niya ang kaibigan. Malayo pa lang ay tanaw niya na ang ilang sasakyan na marahil ay sa iilang reporter na naroon. "Hi Ms. Charline...Pwede ba kayong ma- interview?" seryosong bungad ng isa sa mga reporter. Halatang ayaw umalis na hindi man lang siya nakakausap."Please excuse us. Kakausapin ko lang ang kaibigan ko." magalang
"Nasayo na nga ang lahat pero para ka namang preso." nakasimangot si Alyssa habang naglalagay ng icing sa ibabaw ng binake nitong chocolate cake. "Alyang-" "Eh, bakit hindi pa kasi nyo sabihin sa publiko na mag- asawa naman talaga kayo ni Xander?" suhestiyon nito. "Ayoko ng kumplikadong buhay. Nakita mo naman kung gaano kahirap maging bahagi ng buhay ng isang Alexander Vergara." ang totoo, nahihirapan na din siya unawain ang sitwasyon. "Panay pa ang tawag ng ex mo. Hindi ba talaga siya mapapagod na mahalin ka?" umingos si Alyssa. "Magkaibigan naman kasi kami ni Dan." "Putulin mo na." "Hindi ganon kadali 'yun, Alyang." Marami rin kasing naitulong sa kaniya si Dan 'nung nasa France pa siya. Naging takbuhan niya kapag nagkaka- problema siya. Napaka-buti nito para balewalain. INAYOS niya ang pagkakatali ng buhok at nagsuot ng shades. Nagsuot din siya ng sumbrero para matakpan ang pagkakakilanlan. Naka- skinny jeans siya at t-shirt para komportable. "Dan!" tawag niya rito. Sa isa s
Humalik muna si Xander sa pisnge ni Charline bago sumakay ng kotse. Kapag ganitong may malalaki itong transaction, hindi humihiwalay rito ang dalawang driver-bodyguard."Mommy, hindi na ba tayo babalik sa dati nating house?" Sa gitna ng paglalaro ay tanong ni Aj. "Babalik naman anak. Pero hindi pa sa ngayon-" natigilan siya nang matanaw mula sa di kalayuan ang itim na Van. Bigla siyang kinabahan. Pakiramdam niya kasi ay may nagmamanman sa kanila araw-araw. "Alyang, napapansin mo ba 'yung sasakyan na 'yon?" Tumingin sa direksyon nang tinitingnan niya si Alyssa. "Parang iba kasi 'yung pakiramdam ko eh." Kinakabahan niya itong tiningnan. "Praning ka lang. Baka sa kapitbahay." Kibit-balikat nitong sagot. "Ang layo naman ng kapit-bahay Alyang. Bakit kailangang d'yan pa magpark?" "Huwag ka ngang praning. Baka trip niya lang." Nagsawalang-kibo na lang siya at pinilit kinalma ang utak. Magbubukas sana siya ng TV para manood pero nagbago ang isip niya. Iniwan niya na ang kaibigan na aba
"Magpahinga ka na." Hinalikan ni Xander ang noo ni Charline. Nakaupo ito sa terasa ng bahay at nakatanaw sa labas. Punong-puno ng pag-aalala sa anak. "Nag-aalala ako Xander baka kung anong gawin nila kay Aj." Hinihintay nilang tumawag ang mga kidnapper ngunit magda-dalawang araw na ang lumipas wala pa ring tumatawag. "Relax..." "Relax?!" naiinis na tiningnan niya ang asawa. "Paano ko gagawin 'yun? Mamamatay ako sa pag-aalala Xander." Masuyo siya nitong niyakap. "Hindi nila sasaktan ang bata Charline. Hindi pera ang kailangan nila kundi ako." Napatitig siya sa asawa. Nagtatanong ang mga mata. "Kung pera ang kailangan nila, hindi nila palilipasin ang magdamag na hindi tatawag para humingi ng ransom money." "Si Celeste ba ang tinutukoy mo?!" galit niyang tanong.Gusto niyang magwala pero napapakalma siya ng mga bisig ni Xander. "Hindi niya inamin. Pero sinisigurado ko sayo kung sino man siya mabubulok siya sa kulungan." may diin nitong sagot. "Matulog na tayo. Kailangan mong mag
"Mr. Vergara, may posibilidad ho na dinala sa malayong probinsya ang anak n'yo. Nakakuha na po kami ng mga kopya ng cctv footages na nakunan ang Van na sinakyan ng mga kidnapper." pagbabalita ni General Bundal. Tumango-tango si Xander. Mahigpit na napahawak sa braso niya ang katabing asawa na nakikinig habang kausap ang pulis sa cellphone na humahawak ng kaso ng anak."Salamat." tinapos na ni Xander ang pakikipag-usap at masuyong kinabig ang naluluhang asawa. "Xander, baka kung napano na ang anak ko?" hindi na ito sumagot, naikuyom lang ang mga kamao. Sinikap nilang mag-asawa na maging normal sa harap ng mga empleyado ng Gallore. Kailangan nilang maging maingat na hindi malaman ng media ayon sa bilin ng Heneral. "WELCOME BACK, Ms. Cha!" ang tamis ng ngiti ni Ana nang bumungad siya sa pintuan ng kitchen ng Gallore. Pilit na nginitian ito ni Charline at kaswal na kumilos tulad ng dati. "Oy, babalik ka na ba sa kitchen? Kala ko pa naman, P.A ka na ni Sir Xander?" nagtatakang tanong
ISANG malakas na pagsabog sa harap ng mansyon ni Walter, kasabay ng magkakasunod na putok ng baril. Mabilis na kumilos ang mga tauhan niyang nagkalat sa paligid. Handa sa nakaambang digmaan sa pagitan ng dalawang maimpluwensyang tao."Ang sasakyan mo Boss!" ani Galaps na nakatingin sa monitor ng CCTV. Nagliliyab na ang dalawang mamahaling sasakyan nito. Ngumisi lang si Walter. "Pulbusin n'yo ang mga 'yan!" mariin nitong utos. Nakapalibot na sa paligid ng mansyon ang mga sundalo at pulis, grupo ng Swat Team na masusing pinag-aralan ang Dynamite Syndicate. Mas malakas na pwersa para sa grupo ni Walter. Kailangang higitan ng doble ang lakas ng grupo nito. "Sir Xander, lulusob na sa loob ng bakuran ang team ko." saad ni General Bacoza. Tumango lang si Xander. Walang mababasang emosyon. Handa sa pinapasok na panganib ang grupo ng mga ito kaya buo ang tiwala niya na maililigtas ang pamilya niya ng ligtas. Maingat ngunit aral ang bawat kilos na nakipagsabayan ang grupong mula sa Gobyerno
DUMAUSDOS ang likod ng palad ni Walter sa pisnge ni Charline, napahugot siya ng malalim na hangin. Pilit nilalabanan ang takot. Ang matinding kilabot."Please, gusto ko ng makita ang magninang." Pakiusap niya. Ngumisi si Walter. Dumako ang palad nito sa umbok ng tiyan ni Charline. Humaplos. "Malapit nang lumabas ang baby natin, mahal ko." Nanlaki ang mga mata ni Charline. "H-huwag ang mga anak ko Walter, wala silang mga kasalanan." naluluhang pilit na tinitigan ni Charline ang mukha ng lalakeng baliw na baliw sa kaniya."Hindi ko sila sasaktan, mahal ko. Magiging mga anak ko na din sila. Bubuo tayo ng pamilya." Masuyo na nitong hinahaplos ang mahabang buhok ni Charline. Gumapang na ang kilabot sa buong-katawan ni Charline, naglandas ang luha sa pisnge ang mga luha. Ngunit patuloy na pilit na pinagana ang utak kung paano maililigtas ang magninang. "Walter-" "Magiging malaya ka sa Xander na iyon, mahal ko. Pangako." Natigilan si Charline, tiyak nakita na ni Xander ang ipinadala n
MAINGAT ang bawat paghakbang ni Charline habang bumababa ng hagdan, napatingala siya sa CCTV at natitigilang nagkunwaring pupunta ng kusina. "Ma'am, iutos n'yo na lang ang kailangan n'yo." tinig mula sa likuran niya. Napapitlag si Charline saka nawawalan na ng pag-asa na makakalabas pa ng bahay. Humigpit ang pagkakahawak niya sa susi ng isang kotse ni Xander. "Kailangan ko din namang gumagalaw-galaw, Ricky." Pagdadahilan niya. Pero gusto niya talagang tumakas para puntahan ang magninang. Ibinigay ni Walter ang eksaktong address ng hide-out nito na nagkataong nasa Batangas din. "Anong gusto n'yong miryenda, ipapabili ko ho." Magalang na tanong ni Ricky. "Pakibilhan ako ng custard cake with blueberries." Sagot niya na nakahinga ng maluwag. Siguro naman hindi siya nahalata nito na may pinaplano siya. Hindi siya mapakali, wala siyang natatanggap na update man lang mula sa asawa. Nakita niyang umalis ang isang sasakyan ni Xander sakay ang ilang tauhan nito. Nagtungo siya sa kitchen at
MALUWANG ang mataas na bakuran ng bahay-bakasyunan ni Xander sa Batangas. Nasa pinaka-dulong bahagi na ng Bauan, Batangas na may mangilan-ngilang kapit-bahay na halatang hindi naman naglalagi doon ang mga nagmamay-ari kundi tanging bakasyunan lang din. "Xander, si Aj?" Hindi niya na kinakaya ang pag-aalala sa anak. "Walang masamang mangyayari sa anak natin." Kinabig ni Xander ang asawa payakap saka hinalikan sa noo para kumalma. Gustong magwala ni Charline. Paano siya kakalma ngayong nasa kamay ni Walter ang magninang? "Ako ang kailangan ni Walter. Ako lang ang makakapagligtas sa buhay ng magninang, Xander." Desperada na siyang masigurong ligtas ang mga ito. Alam niyang siya ang kahinaan ni Walter. Napatiim-bagang si Xander. Hindi niya papayagan iyon, mamamatay na muna siya. "Hindi niya magagawang saktan ang magninang." paniniyak ni Xander. "Kailangan niya muna akong patayin." Naluluhang kinagat ni Charline ang pang-ibabang labi para pigilan ang pagpatak ng luha. Dama niya ang
BUMULAGA sa harapan ni Alyssa ang duguang tauhan ni Xander, napatili siya at tumakbo papasok sa loob ng bahay. "Aj!" Hinihingal na umakyat siya sa ikalawang palapag ng Mansyon. Mabilis na hinawakan si Aj sa braso at patakbong lumabas ng silid."Ninang, saan po tayo pupunta?" nagtatakang tanong ng bata."Huwag ka munang magtanong!" Halos kaladkarin na ni Alyssa ang inaanak para tawirin ang hallway ng mansyon. Lakad-takbo na halos madapa na silang magninang. "Ninang," napahinto sila sa pagtakbo nang makita ang mga armadong kalalakihan na nakaharang sa daraanan nila. Humigpit ang pagkakahawak ni Alyssa sa munting bisig ng inaanak. "A-anong kailangan n'yo?!" Sinubukan niyang magpakita ng katapangan. Hindi siya sinagot ng mga ito na mabilis silang hinawakan ni Aj sa braso at nagmamadaling iginiya pababa sa hagdan. Pakaladkad."Ano ba, bitiwan n'yo nga kami!" Hinanap ng paningin ni Alyssa ang asawa. Napatili siya nang makitang duguan ang ulo nito habang nakadapa sa sahig. Nagpumiglas siya
"BUHAY si Xander?! Ang tatanga n'yo!" Umalingawngaw ang baritonong tinig ni Walter at nanlilisik ang mga matang isa-isang tinitigan ang mga tauhan. "Boss, madadamay ho si Ma'am Charline," sagot ni Emman. Ang pinaka-tirador na hitman ng grupo ni Galaps. "Ang bobo n'yo kasi! Akala ko ba pinag-aralan n'yo na ang pasikot-sikot sa Gallore?!" Inihagis nito ang hawak na baso ng alak, nagkapira-piraso sa sahig at nagkalat ang bubog. Itinanim nila ang bomba sa mismong opisina ni Xander ngunit higit na mas matalino ang mga bodyguard ni Xander na naglagay ng hidden camera sa bawat sulok ng building. "Anong nangyari sa mahal ko?" Kalmado na si Walter. "Dinugo Boss, muntik makunan." sagot ni Mark. Ito ang pinaka-magaling namang spy sa grupo at naka-monitor sa bawat galaw ng mga empleyado ng Gallore. Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Walter sa mukha nito. Pinahid ng likod ng palad nito ang dugo sa pumutok nitong labi. "Papatayin n'yo ang babaeng mahal ko?! Magsilayas kayo sa harapan ko!
ISANG malakas na pagsabog ang nagpabalikwas kay Charline mula sa pagkakahiga. Nahihilo siya kaya pinili niya sanang magpahinga sa Room 101 ng Gallore. Nahintakutang bumangon siya at napatakbo sa labas. "Ricky, anong nangyayari?!" Alerto naman ang mga itong inalalayan na siyang makalabas. Nakita niya ang nagkakagulo at natatarantang pagtakbo ng maraming guest at empleyado. "Ma'am, dadalhin namin kayo sa ligtas na lugar." Hindi na siya sumagot pa dahil kumakapal na ang usok sa buong establisiyemento. Nagsimula na siyang umubo ng umubo dahil sa usok. Nakita niya ang mga bodyguard ni Xander sa 'di kalayuan. "Ang asawa ko?!" Kinakabahan niyang sigaw. "Sina Choi na po ang bahala, Ma'am!" Hindi maintindihan ni Charline kung saan humuhugot ng pagiging kalmado ang mga ito sa kabila ng nangyayari? Sumabay sila sa hugos ng maraming tao papalabas ng building. Umikot ang tingin ni Charline sa paligid at hinanap ang asawa pero wala si Xander. "Ang asawa ko?!" Wala siyang narinig na sagot, igi
"Kumusta?" Baritonong tinig na mabilis na nagpakabog sa dibdib ni Charline. Mabilis na nagpalingon sa kaniya ang pinagmulan ng tinig. Napaatras siya sa wall at mabilis na rumehistro ang takot sa mukha. "W-walter?" Umikot ang paningin niya sa paligid. Nasa ikatlong palapag siya ng Gallore. Nas'an si Ricky? Ang bodyguard niya? Humigpit ang pagkakahawak niya sa sling-bag at kahit pa halos mangatog na siya sa takot ay iniisip niya pa ring tumakbo palayo. Ngumisi si Walter. Ngunit mabilis na naging masuyo ang mga tingin nito kay Charline. Napatili si Charline nang hilain siya nito palapit sa katawan nito. Halos mabingi siya sa lakas ng pagkabog ng dibdib. Langhap niya ang hininga ni Walter. "Mabilis lang ito, namiss lang kita." Mabilis na sumapo sa dibdib niya ang kamay nito, gumapang ang kilabot sa buong katawan ni Charline, ang takot na hatid ng bawat dantay ng palad ni Walter. "Wag-" Iniwas ni Charline ang katawan tila nag udyok lang kay Walter na damahin pa ang pa ito. Nagpumiglas
"Ipatumba n'yo na si Alexa! Lahat ng walang silbi sa organisasyon, alisin sa landas ng samahan!" Tumango si Galaps at sumenyas sa tauhan. Mabilis namang tumalima ang mga ito na alam na ang gagawin. "Anong gagawin namin kay Celeste, Boss?" Bungad nang kapapasok lang ng isa pang tauhan ni Walter. "Ibaon n'yo ng buhay!" Nagtagis ang bagang ni Walter. Natuklasan nito ang pagtatraydor ni Celeste at pakikipagsabwatan kay Dan. Ang ginawang pagtatangka ni Dan kay Charline ay hindi niya matatanggap. Lahat ay ipapapatay niya! "Masusunod Boss!" Inihulog sa malawak na ilog ang wala ng buhay ng katawan ni Celeste. Walang awang iniwan nang mabilis ng grupo ng mga tauhan ni Walter na nagpalutang-lutang sa tubig. NAGKIKISLAPAN ang mga camera habang ini-interview si Xander ng mga reporter. Matapos mapabalita ang magkakasunod na pagkatuklas sa pagkamatay nina Dan at Celeste tila naging mas mainit na pinag-usapan ang Kahlvati Gallore Empire. Naging kontrobersyal ang pagkakadawit ng mga ito sa gin