Tahimik silang naghapunan. Wala pa ang mga Kuya n'ya kaya sila lang ng Mommy't Daddy n'ya at ni Shawn ang nasa hapag. Pansin n'yang maganang kumakain ang asawa, marahil nagustuhan nito ang luto ng Mommy nya. Alam n'yang namana n'ya ang galing sa pagluluto sa Mommy n'ya, kaya sure na gusto din ng asawa ang luto n'ya."Kumusta naman ang pagsasama n'yong mag-asawa ngayon?" Tanong ng Daddy n'ya na medyo kinagulat pa n'ya.Nag de-dessert nalang sila at ang dalang bake lasagna ni Shawn ang kinakain nila. Pasimple n'yang sinulyapan si Shawn at nagkatinginan sila nito, mabilis s'yang nag-iwas ng tingin, nagkunwaring busy sa pagkain."Maayos naman ho," tipid na sagot ni Shawn. Hahayaan n'ya ang asawa na ma hot seat sa Daddy n'ya."Mabuti naman, aba'y dapat mag anak na kayo, at nang magka apo ba kame," natatawang sabi ng Daddy n'ya na muntik pa n-yang ikinabulunan. Umubo-ubo pa s'ya."Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya at agad na inabutan s'ya nito ng basong tubig. Tinanggap naman n'ya 'yon
Kanina pa n'ya tinititigan ang asawang natutulog, sinamahan n'ya ang asawa sa silid, iyak ito ng iyak dahil sa mga larawang pinadala rito. Alam n'yang natakot ang asawa, kitang-kita n'ya ang takot sa mga mata nito kanina habang umiiyak. Kaya naman hindi na muna n'ya iniwan ang asawa sa silid, sinamahan n'ya ito hanggang sa makatulong na sa kakaiyak. Nakahiga ito sa kama patagilid at kitang-kita n-ya ang kagandahan ng asawa. Maganda naman talaga si Hainna kahit noon pa mang kabataan nito, at alam n'yang maraming lalaking nagagandahan sa asawa. Isa na ang kumukuha ng mga larawan ng asawa, at kung sino ang gumagawa nito ay hindi pa n'ya alam. Tinawagan n'ya ang P.I kanina at sinabing inaayos pa ang mga lead nito at humihingi pa ito ng dalawa hanggang tatlong araw pa, bago may maibigay na sagot sa kung sino ang sumusunod sa asawa."Hainna," he whispered and touched her beautiful face. Gumalaw ito ng bahagya at agad na inalis ang kamay sa maamong mukha ng asawa.Hindi n'ya ito iiwan ngayo
Pagbaba n'ya dumeretcho na s'ya sa komedor. Agad n'yang nakita ang Mama ni Shawn na naghahanda ng almusal nila. Nakaramdam s'ya ng hiya, s'ya dapat ang gumagawa noon. "Good morning hija," magiliw na bati ng byenan sa kanya. Ngumiti s'ya rito."Good morning po," nahihiya n'yang bati."Gising na ba si Shawn?""Opo, pababa na rin po siguro s'ya," "Buti naman, halika na maupo kana, puro mga healthy foods ang pinahanda ko, you need to start to eat healthy," Alanganin s'yang ngumiti rito, nang maunawahan ang ibig nitong sabihin."Meron na ba hija?" Bulong ng byenan sa kanya. "Ho?" Gulat na sabi n'ya."I mean meron na bang laman ang t'yan mo?" Nakangiting tanong ng byenan sa kanya. "Hindi ko pa po sure,""Magpa check up kana kaya hija," suhestion nito. Nagulat s'ya hindi alam ang isasagot."Good morning ladies," masiglang bati ni Shawn nang makapasok na ito sa komedor. Hindi na n'ya nagawang sagutin ang sinabi ng byenan."Hijo, breakfast ready," sabi ng byenan."Hi," bati sa kanya ng asa
Kanina pa s'ya hindi mapakali sa loob ng clinic ilang beses na rin s'yang tinanong ng nurse kung magpapalista na s'ya. Sabi n'ya hindi muna may hinihintay lang s'ya.Hinihintay n'ya ang asawa. 'Yun nga lang hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin kay Shawn. Kung sasabihin ba n'yang hindi s'ya buntis? O sasabihin n'yang buntis na s'ya? Alam n'yang una palang may kasinungalingan na, at kung magpapanggap s'yang buntis ay lalong lalaki ang kasinungalingan n'ya, patong, patong na kasinungaling na ang mga ginawa n'ya."Think Hainna, Think," bulong n'ya sa sarili. Kailangan na n'yang mag desisyon ngayon, kailangan alam na n'ya ang isasagot sa asawa pagdating nito. Sumilip s'ya sa labas ng clinic at nakita ang paparating na sasakyan ng asawa. Agad s'yang lumabas ng clinic, baka kase pumasok pa sa loob ang asawa at malaman na hindi pa s'ya nagpapa check up.Hinintay n'ya sa labas ng clinic ang asawa, habang tinatabi ang sasakyan. Nakailang buga pa s'ya ng hangin, kinakabahan kasi s'ya at hindi
Mabilis na lumipas ang mga araw, naging abala si Shawn sa trabaho, madalas hindi na ito nag-aalmusal sa umaga, kaya naman mag-isa lang n'yang kinakain ang mga inihahanda n'yang pagkain. Wala din kasi ang byenan, nasa Tagaytay kasama ang mga kaibigan nito. Sa tuwing gabi naman nakakatulog na s'ya kakahintay sa asawa. Nalulungkot s'ya dahil pakiramdam n'ya iniwasan s'ya ng asawa. Dahil ba sa hindi s'ya buntis? Nais tuloy n'yang pag-sisihan ang pag amin rito na hindi s'ya buntis. "Saan po kayo pupunta Ma'am?" Tanong ni Manang Helen ng pagbaba n'ya bihis na bihis s'ya. Nais muna n'yang mamasyal, naiinip na s'ya sa bahay. Magpapasama sana s'ya kay Bea kaso lang may pasok ito, kaya naman mag-isa nalang s'yang mamasyal."Ang sabi po ni Sir Shawn huwag daw po kayong payagan lumabas ng bahay," "Bakit naman ho?" Kunot noong tanong n'ya kay Manang Helen."Yon lang po ang bilin ni Sir Shawn," sagot nito.Nagkibit balikat s'ya. Nais n'yang magpunta sa Mall, para makapag relax at tumigil muna s'
"Damn it!" mura n'ya ng mailapag ng P.I ang lahat ng ebidensyang nakalap ng mga ito na nagtuturo kay Kherwin bilang stalker ng asawa. Ayon sa P.I maaaring obsessed i Kherwin sa asawa n'ya. Nanligaw daw si Kherwin sa asawa noong kabataan pa ng mga ito, at hindi ito sinagot ng asawa. At nang ikasal sila ng asawa at ipadala sa Canada ang asawa ay nag hired pala ng tao itong si Kherwin para sundan ang asawa n'ya sa Canada, at ito ang nag-uutos na sundan ang asawa saan man ito magpunta, at kuhanan ng mga larawan. 'Yon ang mga larawan na ipinadala sa kanya."I can't believe na ilang beses nakasama ni Hainna ang sirang ulong yan!" Galit na sabi n'ya."Maaring nang bumalik ang Misis n'yo itong si Kherwin na mismo ang sumusunod sa asawa n'yo, at nagpapakuha ng mga larawan sa inuupahan n'yang tao" Sabi ng P.I. Kamakailan lang may natanggap na,naman s-yang larawan ng asawa kausap si Kherwin. Kaya ilang araw na rin n'yang iniiwasan muna ang asawa. Nais muna n'yang matapos ang lahat ng gusot na
Marahas s'yang tinulak ni Kherwin at napasadsad s'ya sa lupa. Takot na takot s'yang tumingin kay Kherwin na mabalasik ang mukha."Anong ginagawa mo ah Kherwin?!" Hiyaw n'ya."F*ck you Hainna! Dahil simula pa lang binalewala mo na ang damdamin ko para sa iyo!" Sigaw nito at marahas s'yang hinawakan sa mukha."Bitiwan mo ko!" "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo at naging Mrs. Alvarez ka! Pinikot mo si Shawn hindi ba?" Mala demonyong tanong nito.Natatakot na s'ya sa galit na itsura ni Kherwin, tila ano mang oras ay sasaktan s'ya nito, hindi s'ya sasantuhin nito, at wala s'yang kalaban-laban rito."Mas gusto mo pang ipagsiksikan 'yang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal! kesa sa akin na mahal na mahal ka!" Asik nito sa kanya."Tigilan mo na ito Kherwin! Pwede kang makulong pag nalaman ng asawa ko ang ginagawa mo!" Banta n'ya rito, hindi pinapansin ang mga sinasabi nito.Ngumis si Kherwin at tumawa ng malakas. Para bang may nakakatawa sa sinabi n'ya."Hindi ka mahal ng asawa mo Hai
Ibinaba s'ya ng asawa sa bathtub at binuksan ang shower, mahina lang ang tulo ng tubig, sakto lang na nababasa ang damit n'ya. Agad namang hinaplos ng asawa ang namumula n'yang pisngi, dahil sa pagkakasampal ni Kherwin sa kanya. Nakita n'ya ang galit sa mga mata ni Shawn."Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Tanong nito. Agad n'yang iniling ulo. Wala naman s'yang ibang injury, tanging sampal na dalawang beses lang ang nagawa sa kanya ni Kherwin, maliban sa pagsira ni Kherwin sa damit n'ya. Pinagpapasalamat n'yang dumating sa tamang oras ang asawa."I'm ok, Shawn. Salamat at dumating ka," pasalamat n'ya sa asawa at ngumiti."I will save you Hainna, no matter what," mariing sagot nito. "Thank you," pasalamat n'ya."Alisin mo na ang damit mo, para makaligo ka at mawala ang dumi mo galing sa buhangin," utos nito. Nahihiya s'yang tumango. Tinulungan s'ya ng asawang tanggalin ang coat na nakapatong sa kanya. Nakita n'yang nag-iba ang mukha ng asawa ng makita ang sirang damit n'ya, dum
Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na
"Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l
Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa
Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para
"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos
Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng
Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay
Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S
Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay