Kanina pa s'ya hindi mapakali sa loob ng clinic ilang beses na rin s'yang tinanong ng nurse kung magpapalista na s'ya. Sabi n'ya hindi muna may hinihintay lang s'ya.Hinihintay n'ya ang asawa. 'Yun nga lang hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin kay Shawn. Kung sasabihin ba n'yang hindi s'ya buntis? O sasabihin n'yang buntis na s'ya? Alam n'yang una palang may kasinungalingan na, at kung magpapanggap s'yang buntis ay lalong lalaki ang kasinungalingan n'ya, patong, patong na kasinungaling na ang mga ginawa n'ya."Think Hainna, Think," bulong n'ya sa sarili. Kailangan na n'yang mag desisyon ngayon, kailangan alam na n'ya ang isasagot sa asawa pagdating nito. Sumilip s'ya sa labas ng clinic at nakita ang paparating na sasakyan ng asawa. Agad s'yang lumabas ng clinic, baka kase pumasok pa sa loob ang asawa at malaman na hindi pa s'ya nagpapa check up.Hinintay n'ya sa labas ng clinic ang asawa, habang tinatabi ang sasakyan. Nakailang buga pa s'ya ng hangin, kinakabahan kasi s'ya at hindi
Mabilis na lumipas ang mga araw, naging abala si Shawn sa trabaho, madalas hindi na ito nag-aalmusal sa umaga, kaya naman mag-isa lang n'yang kinakain ang mga inihahanda n'yang pagkain. Wala din kasi ang byenan, nasa Tagaytay kasama ang mga kaibigan nito. Sa tuwing gabi naman nakakatulog na s'ya kakahintay sa asawa. Nalulungkot s'ya dahil pakiramdam n'ya iniwasan s'ya ng asawa. Dahil ba sa hindi s'ya buntis? Nais tuloy n'yang pag-sisihan ang pag amin rito na hindi s'ya buntis. "Saan po kayo pupunta Ma'am?" Tanong ni Manang Helen ng pagbaba n'ya bihis na bihis s'ya. Nais muna n'yang mamasyal, naiinip na s'ya sa bahay. Magpapasama sana s'ya kay Bea kaso lang may pasok ito, kaya naman mag-isa nalang s'yang mamasyal."Ang sabi po ni Sir Shawn huwag daw po kayong payagan lumabas ng bahay," "Bakit naman ho?" Kunot noong tanong n'ya kay Manang Helen."Yon lang po ang bilin ni Sir Shawn," sagot nito.Nagkibit balikat s'ya. Nais n'yang magpunta sa Mall, para makapag relax at tumigil muna s'
"Damn it!" mura n'ya ng mailapag ng P.I ang lahat ng ebidensyang nakalap ng mga ito na nagtuturo kay Kherwin bilang stalker ng asawa. Ayon sa P.I maaaring obsessed i Kherwin sa asawa n'ya. Nanligaw daw si Kherwin sa asawa noong kabataan pa ng mga ito, at hindi ito sinagot ng asawa. At nang ikasal sila ng asawa at ipadala sa Canada ang asawa ay nag hired pala ng tao itong si Kherwin para sundan ang asawa n'ya sa Canada, at ito ang nag-uutos na sundan ang asawa saan man ito magpunta, at kuhanan ng mga larawan. 'Yon ang mga larawan na ipinadala sa kanya."I can't believe na ilang beses nakasama ni Hainna ang sirang ulong yan!" Galit na sabi n'ya."Maaring nang bumalik ang Misis n'yo itong si Kherwin na mismo ang sumusunod sa asawa n'yo, at nagpapakuha ng mga larawan sa inuupahan n'yang tao" Sabi ng P.I. Kamakailan lang may natanggap na,naman s-yang larawan ng asawa kausap si Kherwin. Kaya ilang araw na rin n'yang iniiwasan muna ang asawa. Nais muna n'yang matapos ang lahat ng gusot na
Marahas s'yang tinulak ni Kherwin at napasadsad s'ya sa lupa. Takot na takot s'yang tumingin kay Kherwin na mabalasik ang mukha."Anong ginagawa mo ah Kherwin?!" Hiyaw n'ya."F*ck you Hainna! Dahil simula pa lang binalewala mo na ang damdamin ko para sa iyo!" Sigaw nito at marahas s'yang hinawakan sa mukha."Bitiwan mo ko!" "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo at naging Mrs. Alvarez ka! Pinikot mo si Shawn hindi ba?" Mala demonyong tanong nito.Natatakot na s'ya sa galit na itsura ni Kherwin, tila ano mang oras ay sasaktan s'ya nito, hindi s'ya sasantuhin nito, at wala s'yang kalaban-laban rito."Mas gusto mo pang ipagsiksikan 'yang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal! kesa sa akin na mahal na mahal ka!" Asik nito sa kanya."Tigilan mo na ito Kherwin! Pwede kang makulong pag nalaman ng asawa ko ang ginagawa mo!" Banta n'ya rito, hindi pinapansin ang mga sinasabi nito.Ngumis si Kherwin at tumawa ng malakas. Para bang may nakakatawa sa sinabi n'ya."Hindi ka mahal ng asawa mo Hai
Ibinaba s'ya ng asawa sa bathtub at binuksan ang shower, mahina lang ang tulo ng tubig, sakto lang na nababasa ang damit n'ya. Agad namang hinaplos ng asawa ang namumula n'yang pisngi, dahil sa pagkakasampal ni Kherwin sa kanya. Nakita n'ya ang galit sa mga mata ni Shawn."Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Tanong nito. Agad n'yang iniling ulo. Wala naman s'yang ibang injury, tanging sampal na dalawang beses lang ang nagawa sa kanya ni Kherwin, maliban sa pagsira ni Kherwin sa damit n'ya. Pinagpapasalamat n'yang dumating sa tamang oras ang asawa."I'm ok, Shawn. Salamat at dumating ka," pasalamat n'ya sa asawa at ngumiti."I will save you Hainna, no matter what," mariing sagot nito. "Thank you," pasalamat n'ya."Alisin mo na ang damit mo, para makaligo ka at mawala ang dumi mo galing sa buhangin," utos nito. Nahihiya s'yang tumango. Tinulungan s'ya ng asawang tanggalin ang coat na nakapatong sa kanya. Nakita n'yang nag-iba ang mukha ng asawa ng makita ang sirang damit n'ya, dum
"Hindi ko alam na may mga katulad ni Kherwin na 'yan dito sa San Miguel!" May galit na sabi ng Mama ni Shawn ng malaman ang nangyari sa kanya sa kakahuyan."He is in jail now Ma, matututu na 'yon sa ginawa n'ya kay Hainna," sagot ni Shawn. Nasa sala sila at hinihintay ang pagdating ng mga magulang n'ya at mga kapatid. Matapos malaman ng byenan ang nangyari sa kanya sa loob mismo ng Alvarez Beach ay nag alboroto rito, galit na galit ito kay Kherwin at agad na sinabi sa mga magulang n'ya ang nangyari. Ayaw pa man din sana n'yang iparating pa sa mga magulang n'ya ang nangyari, dahil baka mag-alala lang ang mga ito, pero agad nang nakapagsumbong ang byenan sa mga magulang n'ya. Nasa kulungan na si Kherwin ayon sa asawa n'ya, matapos s'yang samahan sandali ng asawa kanina sa silid n'ya ay nagpaalam itong aayusin ang gulong linikha ni Kherwin. Nagpunta na pala ang asawa sa presinto at nagsampa ng reklamo. Si Shawn na lang lahat ang gumawa ng paraan para makasuhan si Kherwin, ayaw na ka
Kinabukasan nagmulat s'ya ng mga mata at nakita ang braso ng asawang nakapulupot sa kanya. Napangiti s'ya at nilingon ang nahihimbing pang asawa.Ito ang ikalawang beses na nagtabi sila ng asawa sa pagtulog, but this time alam ni Shawn ang ginagawa nito. Walang nangyari sa kanila ng asawa kagabi, hindi naman n'ya kailangan madaliin ang bagay na 'yon, alam n'yang darating din ang tamang oras para sa bagay na 'yon. Ngayon may linaw na ang lahat ng aka-aka ng asawa sa kanya, at maaayos na n'ya unti-unti ang pagsasama nila, at sisimulan n'ya sa pagaasikaso sa asawa, hinaplos n'ya ang gwapong mukha ng asawa."I love you Shawn," bulong n'ya, at napangiti.Pinagsawa muna n'ya ang sarili sa pagtitig sa asawa bago bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa. Sabado ngayon, baka hindi ito papasok ng opisina, kaaya nais n'ya itong pagsilbihan.Pagbaba n'ya nasa kusina ang byenan naghahanda na ng almusal nila kasama si Manang Helen."Good morning po," magiliw n'yang bati."Gising ka na pala hija
Maaliwalas ang ngiti n'ya habang nasa biyahe sila ng asawa papuntang Baguio. Ibang Shawn kase ang nakikita n'ya ngayon, hindi ito galit sa kanya at nginingitian s'ya, at ito ang Shawn na matagal na n'yang nais makasama. Bago sila umalis kanina binulungan pa s'ya ng byenan na kung kinakailangan ay huwag daw silang tumigil para makabuo na ay gawin nila ng asawa. Nais na daw kasi ng byenan na magkabata na sa mansyon. 'Yon din ang plano n'ya ang makabuo na sila ng asawa. Alam n'yang makakabuo sila sa gagawin nilang honeymoon sa Baguio."Nagugutom ka ba?" Tanong ng asawa sa kanyan. Iniling n'ya ang ulo, busog s'ya, busog na s'ya sa kakatitig sa gwapong asawa, at nais ng makarating sa Baguio para masimulan na nila ang honeymoon."Busog pa ko," nakangiting sagot n'ya."Pwede tayong huminto para kumain," suhestion ng asawa. "Huwag na doon na lang sa bahay mo," sagot n'ya. Napag-alaman n'yang may bahay sa Baguio ang asawa. Tanging caretaker lang daw ang nagpupunta roon, para maglinis ng ba