Marahas s'yang tinulak ni Kherwin at napasadsad s'ya sa lupa. Takot na takot s'yang tumingin kay Kherwin na mabalasik ang mukha."Anong ginagawa mo ah Kherwin?!" Hiyaw n'ya."F*ck you Hainna! Dahil simula pa lang binalewala mo na ang damdamin ko para sa iyo!" Sigaw nito at marahas s'yang hinawakan sa mukha."Bitiwan mo ko!" "Akala mo ba hindi ko alam ang ginawa mo at naging Mrs. Alvarez ka! Pinikot mo si Shawn hindi ba?" Mala demonyong tanong nito.Natatakot na s'ya sa galit na itsura ni Kherwin, tila ano mang oras ay sasaktan s'ya nito, hindi s'ya sasantuhin nito, at wala s'yang kalaban-laban rito."Mas gusto mo pang ipagsiksikan 'yang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal! kesa sa akin na mahal na mahal ka!" Asik nito sa kanya."Tigilan mo na ito Kherwin! Pwede kang makulong pag nalaman ng asawa ko ang ginagawa mo!" Banta n'ya rito, hindi pinapansin ang mga sinasabi nito.Ngumis si Kherwin at tumawa ng malakas. Para bang may nakakatawa sa sinabi n'ya."Hindi ka mahal ng asawa mo Hai
Ibinaba s'ya ng asawa sa bathtub at binuksan ang shower, mahina lang ang tulo ng tubig, sakto lang na nababasa ang damit n'ya. Agad namang hinaplos ng asawa ang namumula n'yang pisngi, dahil sa pagkakasampal ni Kherwin sa kanya. Nakita n'ya ang galit sa mga mata ni Shawn."Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?" Tanong nito. Agad n'yang iniling ulo. Wala naman s'yang ibang injury, tanging sampal na dalawang beses lang ang nagawa sa kanya ni Kherwin, maliban sa pagsira ni Kherwin sa damit n'ya. Pinagpapasalamat n'yang dumating sa tamang oras ang asawa."I'm ok, Shawn. Salamat at dumating ka," pasalamat n'ya sa asawa at ngumiti."I will save you Hainna, no matter what," mariing sagot nito. "Thank you," pasalamat n'ya."Alisin mo na ang damit mo, para makaligo ka at mawala ang dumi mo galing sa buhangin," utos nito. Nahihiya s'yang tumango. Tinulungan s'ya ng asawang tanggalin ang coat na nakapatong sa kanya. Nakita n'yang nag-iba ang mukha ng asawa ng makita ang sirang damit n'ya, dum
"Hindi ko alam na may mga katulad ni Kherwin na 'yan dito sa San Miguel!" May galit na sabi ng Mama ni Shawn ng malaman ang nangyari sa kanya sa kakahuyan."He is in jail now Ma, matututu na 'yon sa ginawa n'ya kay Hainna," sagot ni Shawn. Nasa sala sila at hinihintay ang pagdating ng mga magulang n'ya at mga kapatid. Matapos malaman ng byenan ang nangyari sa kanya sa loob mismo ng Alvarez Beach ay nag alboroto rito, galit na galit ito kay Kherwin at agad na sinabi sa mga magulang n'ya ang nangyari. Ayaw pa man din sana n'yang iparating pa sa mga magulang n'ya ang nangyari, dahil baka mag-alala lang ang mga ito, pero agad nang nakapagsumbong ang byenan sa mga magulang n'ya. Nasa kulungan na si Kherwin ayon sa asawa n'ya, matapos s'yang samahan sandali ng asawa kanina sa silid n'ya ay nagpaalam itong aayusin ang gulong linikha ni Kherwin. Nagpunta na pala ang asawa sa presinto at nagsampa ng reklamo. Si Shawn na lang lahat ang gumawa ng paraan para makasuhan si Kherwin, ayaw na ka
Kinabukasan nagmulat s'ya ng mga mata at nakita ang braso ng asawang nakapulupot sa kanya. Napangiti s'ya at nilingon ang nahihimbing pang asawa.Ito ang ikalawang beses na nagtabi sila ng asawa sa pagtulog, but this time alam ni Shawn ang ginagawa nito. Walang nangyari sa kanila ng asawa kagabi, hindi naman n'ya kailangan madaliin ang bagay na 'yon, alam n'yang darating din ang tamang oras para sa bagay na 'yon. Ngayon may linaw na ang lahat ng aka-aka ng asawa sa kanya, at maaayos na n'ya unti-unti ang pagsasama nila, at sisimulan n'ya sa pagaasikaso sa asawa, hinaplos n'ya ang gwapong mukha ng asawa."I love you Shawn," bulong n'ya, at napangiti.Pinagsawa muna n'ya ang sarili sa pagtitig sa asawa bago bumangon para ipaghanda ng almusal ang asawa. Sabado ngayon, baka hindi ito papasok ng opisina, kaaya nais n'ya itong pagsilbihan.Pagbaba n'ya nasa kusina ang byenan naghahanda na ng almusal nila kasama si Manang Helen."Good morning po," magiliw n'yang bati."Gising ka na pala hija
Maaliwalas ang ngiti n'ya habang nasa biyahe sila ng asawa papuntang Baguio. Ibang Shawn kase ang nakikita n'ya ngayon, hindi ito galit sa kanya at nginingitian s'ya, at ito ang Shawn na matagal na n'yang nais makasama. Bago sila umalis kanina binulungan pa s'ya ng byenan na kung kinakailangan ay huwag daw silang tumigil para makabuo na ay gawin nila ng asawa. Nais na daw kasi ng byenan na magkabata na sa mansyon. 'Yon din ang plano n'ya ang makabuo na sila ng asawa. Alam n'yang makakabuo sila sa gagawin nilang honeymoon sa Baguio."Nagugutom ka ba?" Tanong ng asawa sa kanyan. Iniling n'ya ang ulo, busog s'ya, busog na s'ya sa kakatitig sa gwapong asawa, at nais ng makarating sa Baguio para masimulan na nila ang honeymoon."Busog pa ko," nakangiting sagot n'ya."Pwede tayong huminto para kumain," suhestion ng asawa. "Huwag na doon na lang sa bahay mo," sagot n'ya. Napag-alaman n'yang may bahay sa Baguio ang asawa. Tanging caretaker lang daw ang nagpupunta roon, para maglinis ng ba
"Hindi ko maalala ang unang gabing inangkin kita Hainna," he whispered habang nakatunghay sa kanya, hinaplos n'ya ang gwapong mukha ng asawa."Gusto kong angkinin kita sa paraang hindi ko malilimutan Hainna," patuloy ng asawa. Tumango s'ya rito."Please, Shawn,"Handa na s'ya sa ano mang mangyari sa kanila ng asawa. Napaghandaan na n'ya ito kaya handang-handa na s'yang ibigay ang sarili sa asawa ng buong-buo."You are so beautiful Hainna, kahit noong bata kapa maganda ka na," bulong nito at hinalikan s'ya nito sa mga labi. Sinalubong naman n'ya ang mga maiinit na halik ng asawa. Ang tagal na n'yang hinihintay ang pagkakataon na ito, ang tagal na n'yang pinapangarap ang ganitong sitwasyon nila ng asawa.Naramdaman n'yang hinawakan ng asawa ang kamay n'ya at dinala sa may pantalon nito. Nanlaki ang mga mata n'ya ng maramdaman ang matigas na bagay sa loob ng pantalon ng asawa."Do you feel me Hainna?" He gasped. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Pareho silang pinangangapusan ng hin
"Iwan mo ko Shawn! Iwan mo ko!" sigaw ng asawa sa kanya at dinapa ang katawan nito sa kama habang humahagulgol ng iyak. Bakit s'ya nakakaramdam ng awa sa asawa, ito naman ang may kasalanan, may karapatan s'yang magalit dahil nagsinungaling ito, mula simula nagsinungaling na ang asawa sa kanya, magpa hanggang ngayon nagsisinungaling pa rin sa kanya ang asawa, bakit s'ya nakakaramdam ng guilt?Nais n'yang lapitan ang asawa at yakapin ng mahigpit, at humingi ng tawad rito sa nagawa n'ya, pero wala s'yang lakas ng loob, at pilit sinisiksik na may kasalanan din ang asawa sa mga nangyari.Alam n'yang nasaktan n'ya ang asawa kanina sa biglaang pag angkin n'ya rito, hindi naman din n'ya nagawang pigilan ang sarili, huli na nang mapagtantong n'yang -yon ang unang karanasan ng asawa, na birhen ito at wala pang nagyayari sa kanila nito. Pinaniwala kasi s'ya nitong may nangyari na sa kanila ng gabing lasing na lasing s'ya, kaya hindi na s'ya nag expect na masasaktan ng sobra ang asawa. Kaya pala
Nagtatakbo s'ya palayo sa asawa. Nais n'yang lumayo muna sa asawa, oo may pagkakamali s'ya simula pa lang kasinungalingan na lahat, pero nagawa lang n'ya lahat 'yon dahil sa pagmamahal n'ya kay Shawn. Mahal na mahal n'ya ang asawa kaya kung anu-ano ang nagagawa n'ya para lang rito, at nasasaktan s'ya dahil tila hindi man nakikita ng asawa ang lahat ng ginagawa n'ya para rito, lahat ng sakripisyo n'ya para sa asawa, tanging nakikita lang sa kanya ng asawa ay ang mga pagkakamali n'ya at mga kasinungalingan n'ya."Ma'am ano po'ng nangyari?" Gulat na tanong ng may edad ng babae sa kanya ng makababa ng hagdan. Sinulyapan lang n'ya ito at nagtuloy sa pagtakbo.Nagtuloy s'ya sa may pintuan at tuluy-tuloy na lumabas ng bahay. Naririnig n'ya ang mga tawag sa kanya ng may edad na babae, pero binalewala lang n'ya 'yon, nais n'yang makalayo sa bahay ni Shawn, nais makalayo sa asawa.Nagtuloy s'ya sa gate at mabilis na lumabas ng gate, kung saan s'ya pupunta ay hindi n'ya alam, basta takbo lang s'