Nagtatakbo s'ya palayo sa asawa. Nais n'yang lumayo muna sa asawa, oo may pagkakamali s'ya simula pa lang kasinungalingan na lahat, pero nagawa lang n'ya lahat 'yon dahil sa pagmamahal n'ya kay Shawn. Mahal na mahal n'ya ang asawa kaya kung anu-ano ang nagagawa n'ya para lang rito, at nasasaktan s'ya dahil tila hindi man nakikita ng asawa ang lahat ng ginagawa n'ya para rito, lahat ng sakripisyo n'ya para sa asawa, tanging nakikita lang sa kanya ng asawa ay ang mga pagkakamali n'ya at mga kasinungalingan n'ya."Ma'am ano po'ng nangyari?" Gulat na tanong ng may edad ng babae sa kanya ng makababa ng hagdan. Sinulyapan lang n'ya ito at nagtuloy sa pagtakbo.Nagtuloy s'ya sa may pintuan at tuluy-tuloy na lumabas ng bahay. Naririnig n'ya ang mga tawag sa kanya ng may edad na babae, pero binalewala lang n'ya 'yon, nais n'yang makalayo sa bahay ni Shawn, nais makalayo sa asawa.Nagtuloy s'ya sa gate at mabilis na lumabas ng gate, kung saan s'ya pupunta ay hindi n'ya alam, basta takbo lang s'
Dumaan ang mahabang sandali, nakatitig lang sa kanyan si Shawn. Tila itp naghahanap ng maisasagot sa sinabi n'ya sa patuloy na pag amin n'ya damdamin n'ya para sa asawa. Alam n'yang matagal nang alam ng asawa ang damdamin n'ya para rito, at hindi kailanman s'ya nagsinungaling sa nararamdaman sa asawa.Nakita n'yang sinuklay ng asawa ang mga daliri sa kamay nito, tila ito nahihirapan. Wala naman s'yang magagawa kung wala talagang damdamin sa kanyan ang asawa, tanggap na n'ya 'yon, at kahit ganoon pa man, hindi magbabago ang damdamin n'ya para sa asawa, mahal pa rin n'ya ito, mahal na mahal."Nagugutom na ko Shawn," sabi n'ya makaraan ang mahabang sandaling pananahimik nila, at mukhang wala din naman isasagot ang asawa sa sinabi n'ya. Masakit man kailangan na n'yang tanggapin.Alam n'yang wala s'yang maaasahan sa asawa. Alam n'ya at tanggap n'yang hindi s'ya kailanman mamahalin ng asawa, kaya kahit anong amin n'ya sa tunay n'yang nararamdaman para rito ay wala s'yang maaasahan sa asawa.
"Anong sinabi mo?" Gulat na tanong n'ya sa asawa. Tama ba s'ya ng narinig kay Shawn, babangon sana s'ya muli dahil sa sinabi ni Shawn, pero pinigilan s'ya nito sa balikat."Ang sabi ko I love you Mrs. Alvarez," ulit nito sa sinabi nito, tama nga ang narinig n'ya."Mahal mo ko?" Naiiyak na tanong n'ya sa asawa. "Mahal mo ko Shawn?" Ulit na tanong n'ya at niyakap ng mahigpit ang asawa. Halos masakal na nga n'ya ito sa sobrang higpit ng pagkakayakap n'ya sa asawa."Oh god, Shawn mahal mo ko," sabi n'ya at hindi mapigilan ang mapaiyak, habang nakayakap sa asawa. Paulit ulit na sinasabing mahal s'ya ng asawa, na tila musika sa kanyang pandinig."Yes, Hainna mahal kita," sagot ng asawa sa paulit-ulit na tanong n'ya.Kumalas s'ya sa pagkakayakap sa asawa, naramdaman n'ya ang mga kamay ng asawa sa bewang n'ya, at tinignan ito sa mga mata."Yes Hainna, mahal kita kahit naiinis ako sa iyo, kahit madalas galit ako sa iyo, malahal pa rin kita," litanya nito habang walang tigil ang pagtulo ng mga
Kinabukasan nagmulat s'ya na mag-isa na lang sa kama wala na sa tabi si Shawn. Marahil nauna ng nagising ang asawa, nais pa naman sana n'yang mabungaran ang asawa pag gising n'ya.Tumihaya s'ya at napansin ang kumot na tanging nakatakip sa hubad n'yang katawan. Ano nga ba ang mga nangyari sa kanila ni Shawn kagabi? Ilang beses ba nilang paulit-ulit ginawa ang mga bagay na yon? Napangiti s'ya at naramdaman ang pag-iinit ng kanyang pisngi. Kung hindi s'ya nagkakamali tatlong beses s'yang paulit-ulit na inangkin ni Shawn at sa bawat pag angkin sa kanya ng asawa ay binubulong nito ang salitang I love you na tila musika sa pandinig n'ya."I love Shawn," nakangiting sabi n'ya at napatingala sa kisame. Tila nakikita pa n'ya roon ang eksena ng ginawa nila ng asawa. Sa tatlong beses na pag angking sa kanya ng asawa kagabi, nanghina ang katawan n'ya, but still she want more and more from her husband. Napailing s'ya sa naisip at lalong lumalim ang mga ngiti sa labi.Narinig n'ya ang pagbukas n
Nakauwi sila ni Shawn sa San Miguel, na walang kibuan, binubuhos ng asawa ang galit nito sa pagmamaneho, natatakot naman s'yang magtanong sa asawa. Naiintindihan naman n'ya ang nakita nila ni Shawn, malinaw na may karelasyon ang Mama ni Shawn sa isang Mr. Del Castillo. Hindi s'ya sigurado kung ang Mr. Del Castillo na nakita nila ni Shawn sa Baguio ay ang nagmamay-ari ng Del Castillo Resorts a bayan nila."Shawn," tawag n'ya sa asawa ng makapasok na sila sa silid. Liningon lang s'ya nito at naupo sa sofa. "Why?" He asked."About sa nakita natin kay Mama kanina-""Drop it ayokong pag-usapan!" Matigas na sagot nito at tumayo mula sa kinauupuan. "Shawn," tawag n'ya sa asawa. Pero natuloy lang sa paglabas ng silid ang asawa. Damay na s'ya sa galit ng asawa, kahit wala naman s'yang kinalaman, pati s'ya napagbubuntunan nito ng galit.Nagkibit balikat s'ya at naupo sa malaking ama, dahil yata sa pangyayaring 'yon muling malalagay sa panganib ang pagsasama nila ng asawa. Naiintindihan naman
Halos isang linggo na mula ng makabalik sila ni Shawn sa San Miguel, at mula ng makabalik sila at nangyari ang tungkol sa Mama ni Shawn at Mr. Del Castillo, ay nagkaroon sila ng ilangan ng asawa. Lalo na ng marinig mismo sa asawa ang mababang tingin nito sa isang pagsasama o pag-ibig.Pakiramdam n'ya naging malamig ang pakikitungo ni Shawn sa kanya, at s'ya naman naiilang s'ya sa asawa. Ganoon pa man ginagampanan pa rin n'ya ang papel n'ya bilang asawa ni Shawn. S'ya pa rin ang nag-aasikaso ng mga kailangan ng asawa. "May meeting ako mamaya, baka ma late ako ng uwi," malamig na sabi ni Shawn habang kumakain sila ng breakfast.Mula ng mangyari ang lahat ng gulo ay hindi na sumasabay kumain ang Mama ni Shawn sa kanila. Baka nga hindi rin nag-uusap ang mag-ina, hindi lang s'ya sigurado. Tuwing papasok ng trabaho si Shawn ay doon palang lalabas ng silid ang Mama nito, umaalis ito ng bahay pero hindi na s'ya nag-uusisa pa."Huwag ka nang magluto ng dinner for me, sa labas na ko mag di-din
"Shawn," tawag n'ya sa asawa at bahagya s'yang lumayo. Kita n'ya ang gulat sa mga mata ni Shawn sa ginawa n'ya. Tila ito nawalan ng kalasingan. Marahil dahil naramdaman nito ang pagtanggi n'ya sa kauna-unahang pagkakataon."Magpahinga na tayo Shawn," sabi n'ya at akmang bababa na sa kama."Hainna," tawag nito sa kanya sabay pigil sa kamay n'ya."Galit ka ba?" "May dahilan ba para magalit ako Shawn?" balik tanong n'ya sa asawa.Humugot ito ng malalim na paghinga at sinuklay ang mga daliri sa buhok at muli s'yang tinignan sa mga mata."I'm sorry," seryosong sabi nito, kita n'ya ang pagsusumamo nito at sakit sa mga mata. "Sorry sa mga narinig mo sa library," patuloy nito habang nakamata lang sa asawa. Mula nang mangyari 'yon sa library hindi pa nila napapag-usapan ng asawa ang mga bagay na 'yon. Naramdaman n'ya ang pag-iwas nito sa kanya, kaya naman hinayaan na muna n'ya ang asawa."Wala naman akong magagawa kung 'yon ang pananaw mo Shawn," malungkot na sagot n'ya."Is not like that H
Kinabukasan nagising s'yang nakadagan sa kanya si Shawn. Sinulyapan n'ya ang asawang mahimbing pang natutulog. Humugot s'ya ng malalim na paghinga habang pinagmamasdan ang gwapong asawa. "Shawn," bulong n'ya at dahan-dahang hinaplos ang gwapong mukha ng asawa."I still love you, mahal na mahal kita Shawn," bulong n'ya.Inangkin s'ya ni Shawn kagabi nang paulit-ulit. Noong una may dahas at nasasaktan s'ya pero unti-unti namang nagbago ang pagkilos ng asawa, at hindi n'ya naramdaman ang ano mang pwersa ng pamimilit ni Shawn sa nangyari sa kanila kagabi, kusa s'yang bumigay sa asawa at nasiyahan s'ya.Alanganin s'yang ngumiti habang nakatitig sa asawa. Tinatanong sa sarili kung bakit kahit anong gawin ni Shawn sa kanya ay andoon pa rin ang pagmamahal n'ya para sa asawa. Kagabi nasabi n'yang hindi na n'ya hahayaang magpagamit sa asawa pero hindi rin naman nangyari dahil bumigay din naman s'ya, dahil ganoon n'ya kamahal ang asawa, napakarupok n'ya pagdating sa asawa.Matapos ang mahabang
Makalipas ang dalawang linggo. Naisaayos na nila lahat ang mga kailangan para sa kasal nila ni Shawn. Dumating na rin ang Mama ni Shawn para tumulomg sa pag-aasikaso. Pagkatapos ng kasal nila ay lilipad din daw ito pabalik ng ibang bansan. Nasanay na daw kasi roon ang Mama ni Shawn, at isa pa nais daw nitong sila lang muna ni Shawn ang manirahan sa Mansion ng mga Alvarez. Para daw maasikaso n'ya ng husto ang asawa.Sa pangalawang pagkakataon ihaharap s'yang muli sa altar ni Shawn at mangangako muli ng pag-ibig na wagas sa kanya, at sa pagkakataong ito, ay mahal na s'ya ni Shawn, kaya iba ang pakiramdam na excitement at kaba sa araw na ito.Sa Alvarez beach gaganapin ang kasal nila. Tanging malalapit na kaibigan at mga kamag-anak lang ang invited. Ayaw na din naman kasi n'ya ng masyadong crowded, lalo na't buntis s'ya iniiwasan n'yang mapagod ng husto."I can't believe na ikakasal ka na naman Hainna," tinig ng Kuya Harvey n'ya, ang napabalikwas sa kanya, mula sa pagtanaw sa malawak na
"Hindi naman siguro natin masasaktan si baby diba?" Tanong ni Shawn nang makarating na sila sa loob, napangiti s'ya at hinaplos ang pisngi ng asawa, saka iniling ang ulo."Our baby will be safe," nakangiting sagot n'ya."Good," nakangiting sagot nito at nagyuko ng ulo para halikan s'ya sa mga labi. Pinikit n'ya ang mga mata at buong pusong sinalubong ang mga halik ni Shawn sa kanya.Dahan-dahan humakbang si Shawn, at pag atras naman sa kanya patungo sa malaking kama, kung saan unang beses n'yang pinagkaloob kay Shawn ang sarili."I love you Hainna," bulong nito, nang makahiga na sila ng asawa sa kama at nakaibabaw na ito sa kanya."How much do you love me Shawn?" Ewan n'ya kung bakit n'ya natanong, basta nais n'yang malaman kung gaano s'ya kamahal nito."Why you are asking that?" Kunot noong tanong nito at hinawi ang hibla ng buhok na kumakalat sa pisngi n'ya."Gusto ko lang malaman Shawn, gusto kong marinig mula sa iyo,""I love you Hainna more than anything, I realized now I can't l
Taranta n'yang buhat-buhat ang asawa habang tumutulo ang dugo nito sa braso. "Hold on Hainna, hold on," sabi n'ya sa asawa.Halos sigawan n'ya ang mga staff n'ya para ihanda ang sasakyan n'ya at dadalhin sa ospital ang asawa. Mamaya na n'ya haharapin si Patricia, ang mahalaga ngayon ay ang kaligtasan ni Hainna. Sinakay n'ya sa likuran ng kotse ang asawa at s'ya na rin mismo ang nagmaneho. Malapit lang naman ang Donya Feliza Hospital rito wala man limang minuto mararating na nila ang ospital."Hainna are you ok?" Tanong n'ya sa asawa at panay sulyap sa salamin para makita kung ok pa ba ito."Shawn," tawag nito sa kanya."Eto na nasa ospital na tayo," sabi n'ya at dali-daling bumaba ng driver seat at tumawag ng emergency sa Nurse na nakatayo roon na agad naman kumilos."Are you ok?" Muli n'yang tanong asawa."I am," sagot ni Hainna at binuhat ang duguan na asawa. May sumalubong sa kanilang mga nurse at maya-maya pa napansin n'yang nawalan ng malay ang asawa."Hainna?! Hainna!" "Nawa
Kinabukasan pinilit n'ya si Shawn na isama sa opisina nito. Ngayon kasi kokomprontahin ng asawa si Patricia. Nangako si Shawn na dahil sa ginawang pagbabanta ni Patricia sa kanya ay paaalisin na nito si Patricia.Inamin kasi n'ya kay Shawn ang mga pagbabantang sinabi ni Patricia sa kanya.Patricia wants to kill her, kaya naalarma na ang asawa at paaalisin na nito si Patricia ngayon din."Ayokong ma stress ka Hainna, kaya mas gusto kong maiwan ka na lang muna sa bahay," sabi ni Shawn ng pareho na silang makasakay sa kotse nito. May inis n'yang sinulyapan si Shawn at hinila ang seat belt, sinuot 'yon habang nakatingin rito.Bumuntong hininga si Shawn at binuhay na ang makina, sinumulan ng magmaneho. Nais n'yang sumama para makita si Patricia, kahit sa huling sandali man ay makahingi din s'ya ng tawad kay Patricia, aminin man n'ya o hindi may kasalanan pa din s'ya kay Patricia. Pagdating sa kompanya sabay na silang umakyat ni Shawn patungo sa opisina nito. Agad na tumayo si Patricia para
"Are you ok?" Tanong ni Shawn sa kanya ng makalabas ng comfort roomHindi n'ya alam kung paano s'ya nakalabas ng comfort room, nanginginig ang buong katawan n'ya sa takot sa pagbabanta sa kanya ni Patricia."Shawn," anas n'ya at liningon ang pinanggalingan, hindi na n'ya makita si Patricia.Kung magsusumbong s'ya kay Shawn ngayon, baka isipin ng asawa na masyado s'yang na o-obsessed kang Patricia, baka isipin ni Shawn na pinapapadali n'ya rito ang pagtanggal kay Patricia sa trabaho."Namumutla ka Hainna, may nangyari ba?" Nag-aalalang tanong ni Shawn sa kanya.Napatitig s'ya sa mga mata ng asawa. Paano ba n'ya sasabihin kay Shawn na pinagbantaan s'ya ni Patricia, at sinusundan sila ni Patricia."Wa- wala," utal na sagot n'ya. "Umuwi na tayo Shawn, baka pagod lang to," sabi n'ya."Yeah, sure let's go," sagot ni Shawn at hinawakan s'ya sa kamay at naglakad na sila.Niningon n'ya muli ang loob ng restaurant at nakita si Patricia na masamang nakatingin sa kanila. Sa nakikitang pagkilos
Pagdating sa opisina nakita nanaman n'ya si Patricia. Hindi talaga s'ya kumportable kay Patricia. Isipin pa lang na ilang taon ng kasama ni Patricia ang asawa n'ya sa trabaho ay naiinis na s'ya, dahil kung anu-ano ang pumapasok sa isip n'ya.Pagpasok sa loob ng opisina ni Shawn pabagsak n'yang iniupo ang sarili sa sofa."Hainna," tawag ni Shawn sa kanya na marahil nakita ang ginawa, sinulyapan n'ya ang asawa."Why?" Taas kilay na tanong n'ya rito."Let's talk about Patricia," sabi nito."Shawn isa lang ang gusto ko, ang palitan mo si Patricia," agad na sabi n'ya."Hainna kung ang dahilan mo sa pagpapaalis kay Patricia ay selos, hindi magandang dahilan 'yan," sagot nito at naupo sa swivel chair nito. Sumimangot s'ya at sinandal sa sofa ang likod. Pinagsalikop ang mga kamay sa dibdib."What if ex ko ang makatrabaho ko Shawn ok lang ba sa iyo 'yon?" Tanong n'ya sa asawa."Hell no!" Mabilis na sagot nito."Exactly Shawn," at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa, lumakad palapit sa mesa ng
Iniharap s'ya ni Shawn rito at hinawakan ang mukha n'ya."I'm so sorry for everything Hainna. For all the pain I've cause you. I'm really sorry," bulong ni Shawn sa kanya, habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsisisi."Hayaan mo kong makabawi sa lahat ng pagkukulang ko, sa lahat ng nagawa kong mali sa pagsasama natin," patuloy nito habang hinahaplos ang pisngi n'ya.Napapikit s'ya at dinama ang bawat haplos nito sa kanya at ninamnam ang bawat salita nito."Let me make it up to you Hainna," he said. She opened her eyes at look at his eyes."Yes Shawn, we can make it up, maaayos natin lahat ng mga mali natin noon," sagot n'ya at hinawakan ang kamay nito.Ngumiti si Shawn sa kanya at dahan-dahang lumapit ang mga labi nito sa mga labi n'ya. Pinikit ang mga mata at sinalubong ang mga labi nito.Naramdaman n'ya ang bahagyang pagtulak ni Shawn sa kanya sa salamin at napasandal s'ya roon, kasabay ang pagdikit ng katawan ni Shawn sa kanya. Unti-unti na ring naglalakbay ang mga kamay
Pagdating sa bahay naunang bumaba ng sasakyan si Shawn at mabilis itong umikot para pagbuksan s'ya ng pintuan. Pigil ang kilig n'ya ng buksan ni Shawn ang pintuan, inalalayan pa s'ya nito sa pagbaba."Salamat," pasalamat n'ya. Hawak kamay silang naglalakad papasok ng mapatingin s'ya sa malinis na dagat. May mangilan-ilan na naglalakad para mamasyal. Bukas ang Alvarez Beach para sa mga tao sa San Miguel, kaya hindi nakakapagtaka kung laging maraming tao sa Beach. Huminto s'ya sa paglalakad, nilingon s'ya ni Shawn."Pwede ba tayong maglakad sa tabing dagat?" Anyaya n'ya kay Shawn, ngumiti ito sa kanya at humigpit ang hawak sa kamay n'ya sabay tango.Ngumiti s'ya sa asawa, at naglakad na sila pababa sa mahabang hagdan pababa sa tabing dagat. Magkahawak kamay silang naglakad ni Shawn sa tabing sa dagat. Ito ang unang beses na nakapamasyal silang mag-asawa sa tabing dagat."Ang ganda," bulalas n'ya. Habang pinanoood ang pag hampas ng tubig palapit sa nilalakaran nila, sinulyapan n'ya si S
Pagdating sa G. Saavedra Airlines binigyan muna n'ya ng space ang mag-ina para makapag-usap ng maayos ay makapagpaalam sa isat-isa.Pansin n'ya ang panay sulyap sa kanya ng byenan kaya duda n'ya s'ya ang pinag-uusapan ng mga ito. Baka sinasabi ng byenan kay Shawn ang sinabi nito kanina sa kanya kanina.Maya-maya pa ay tinawag s'ya ng byenan at sinenyasang lumapit. Naglakad s'ya palapit sa mag-ina. Sinulyapan s'ya ni Shawn, bahagya s'yang ngumiti kay Shawn, pansin n'yang naiilang sa kanya ang asawa. Marahil dahil sa mga nangyari sa kanila kagabi. Hindi pa kasi nila napapag-usapan ni Shawn ang tungkol sa bagay na 'yon, at tiyak mamaya 'yon ang pag-uusapan nilang mag-asawa."Take care to my son hija ah," sabi ng byenan. Tumango s'ya at ngumiti rito"Thank you Hainna," sabay yakap ng byenan sa kanya."Do everything for your marriage," bulong ng byenan sa kanya. "Yes po," sagot n'ya agad. Aayusin talaga n'ya ang lahat sa kanila ni Shawn. Aayusin n'ya ang pagsasama nila ng asawa.Pagsakay