Share

Chapter 4

Author: brownladyyy
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

“Bruha, sa tingin mo single ang bagong presidente ng student council?” bulong ni Carol saka niya ako siniko. Oras ng klase pero palihim niya akong dinadaldal.

Nasa second to the last naman kami nakaupo kaya kampante akong hindi kami agad mahuhuli ni Sir Gardon na kasalukuyang nagtuturo ng Pol sci. Pero sumulyap pa rin ako sa kaniya bago ako lumapit ng kaunti kay Carol.

“Imposible. Sa itsura niya pa lang, alam kong marami na siyang napaiyak at may jowa ‘yun ngayon,” wika ko saka ipinagpatuloy ang pag-do-doodle sa likod ng binder ko.

Playboy. Ayan ang tamang tawag sa kaniya. Sa mukhang ‘yun? Single? Inosente sa relasyon? Utut.

“Hindi ba sa inyo nakarating ang magandang balita?”

Sabay kaming napalingon sa likuran ni Carol. Inusog pala ni Hannie ang upuan niya palapit sa amin. “No girlfriend since birth si Pres!” malakas niyang bulong.

Nagkatinginan kami ni Carol. Tumaas ang kilay niya. Siya umeschos dito. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yun, NGSB siya?! Saan mo naman napulot ‘yan?” Mas inilapit niya ang mukha kay Hannie. Hay, mukhang dalawa na ang dakilang chismosa dito.

“Siya mismo ang nagsabi,” sabat ni Mia na katabi niya. Ang boyish. Nakangisi ito sa amin at maya’y maya nag-move forward din sa amin. “Narinig ko lang sa OSA. Ganito, ‘Yes, I’m single for almost 18 years, and I don’t have plan to have a girlfriend as long as I’m studying. Sana nasagot ko ang pinagbubulungan niyo d’yan sa sulok. Now, get back to your work and stop meddling with other’s life.’” Tumango tango pa siya.

Kumurba sa O ang mga bibig namin. Pagdating sa chismis, si Mia talaga ang palaging maaasahan. Naaalala niya lahat ng pinagsasabi ng mga tao. Actually, silang dalawa ni Hannie ang source namin ng chismis. Magbabarkada kami pero madalas nakahiwalay ang dalawa sa amin. May sariling mundo. Pero kapag nagkasama sama naman kami, daig pa namin ang isang baranggay sa ingay. 

Mabuti na nga lang ay naisipan na nilang pumasok ngayon matapos ang ilang araw na bakasyon sa lola ni Hannie. 

“As expected, Mia Joy! Kakaiba talaga memorization skills mo!” Mahina siyang hinampas ni Hannie.

“Gago.” Inirapan niya si Hannie na tawang tawa. Ayaw na ayaw niya kasing sinasama ang second name nito.

Bumalik naman sa unahan ang tingin ko. Magaspang talaga ang pananalita ng bagong presidente. Well, may karapatan naman siya dahil hindi nga naman tama na pag-chismisan ang lovelife niya.

“Wow. Ngayon lang ako naka-encounter ng taong ubod ng kagwapuhan pero walang experience sa relationship,” rinig kong saad ni Carol. “Ano sa tingin mo? Naniniwala ka ba sa sinabi ni Mia?” Siniko na naman niya kaya napalingon ako sa kaniya.

“Hindi,” mabilis kong sagot. “Imposible.”

“Sabagay, kung iisipin mo nga naman, ang hirap paniwalaan.” Tumango siya,

Pero nang biglang lumawak ang ngiti niya habang nanlalaki ang mata sa akin ay kumunot ang noo ko.

“Ano?”

“Hindi mo type?”

“Sino?”

“Tanga. Si Pres. Si Cadence,” mahina siyang tumawa.

Napaayos ako ng upo. Pinigilan ko ang sarili na matawa sa narinig. “Ayos ka lang? Alam mo naman loyal ako kay Calum. At kung ipagkukumpara silang dalawa, mas angat sa lahat ng aspekto si Calum, ‘no.”

“Hindi mo naman lubusang kilala si Pres ah. Malay mo—“

“Malay niyo ibagsak ko kayong dalawa ngayong semester kung hindi pa kayo titigil magkwentuhan dyan,"

Nanlaki ang mata naming dalawa nang sabay kaming umangat ng tingin. Nasa tabi na pala ni Carol si Sir habang seryoso kaming pinagmamasdan. Hindi man lang naming namalayan pagdating niya.

“Sorry po,” ani Carol.

“Sorry, sir,” ani ko.

Umiling lang ito saka bumalik na sa unahan. Napakamot ako sa ulo at bahagyang lumayo kay Carol. Sumulyap siya sa akin habang natatawa. Inirapan ko lang siya.

Kinuha ko ang oras ng vacant namin na 30 minutes para ipa-print ang assignment ko sa Creative Writing. Kung hindi lang ngayon ang pasahan, hindi ko kailangang pumunta sa OSA. Automatic tuloy na nasira ang araw ko nang bumungad sa akin si Cadence. Busy ito sa pagsusulat ng kaniyang notes kaya saglit niya lang akong sinulyapan. Ginawang room ang OSA, magaling. Inirapan ko siya.

Balita ko ay may printing service sila. Ito siguro ang sinasabi ni Barunggong na hindi nila naisipan dati. Hindi ko lang talaga maatim ang mga ugali ng mga bago lalo na 'yung president.

Nang ibinigay ko sa bagong officer ang flash drive, itinuro ko agad ang file na ip-print. Habang naghihintay, sumandal muna ako sa mesa habang nakakrus ang kamay sa dibdib. Pinagmasdan ko ang kabuuan ng office at madalas ay hindi ko maiwasang hindi sumulyap kay Cadence.

Puno ang mesa niya ng iba’t ibang folders. Tapos may nakasabit na bulletin board pa sa likod niya at punong puno iyon ng announcements, schedules, tapos mga upcoming events. Mukhang malaki talaga ang responsibilidad ng isang presidente.

“Gwapo ‘no?”

Napa-ayos ako ng tindig saka napalingon kay Cassidy. Ang bagong officer na in charged sa printing service.

“Hindi, ah,” deny ko saka ibinaling ang tingin sa printer.

Tumawa naman siya.

“I know he’s good looking. Even teachers and staff can’t take off their eyes on him. Para kasi talaga siyang artista.”

“Talaga...” bulong ko.

“By the way, maniniwala ka bang wala pa siyang nagiging girlfriend, ever since?” Sumulyap ako sa kaniya. “Like, it’s really impossible right? He has got everything. Looks, traits and wealth. But he never got into relationship.” Umiling siya.

Nagkibit balikat ako.

Hindi talaga makapaniwala ang lahat na single siya. Sobrang big deal para sa kagaya niyang biniyayaan ng nakakasilaw na mukha.

Nang makita kong tapos na mag-print, kinuha ko na iyon isa isa. “Hindi naman siguro siya bading, ‘no? Kasi karamihan sa mga gwapo ngayon, gwapo din hanap.” Magbabayad na sana ako pero biglang natulala sa kawalan si ate girl. “Te, ‘wag mong dibdibin sinabi ko. Haka haka ko lang naman.” Inilagay ko na lang sa tupperware ang bayad ko bago ako tumalikod.

Hay, nako. Halos lahat yata ay patay na patay na sa kaniya. Tss.

Hindi pa ako tuluyang nakakalabas nang biglang may pumasok. Napunta tuloy ako sa gilid. Muntik ko pa mabitawan ang hawak ko dahil saktong palabas ako nang bigla siyang pumasok. Halatang nagmamadali.

“Pres! May nagsusuntukan sa room 205!" anunsyo niya habang hinahabol ang hininga. “Inaawat na ni Vice. Pero sinabihan na niya ako na tawagin ka na.”

Naalarma ang tainga ko nang marinig ko ang posisyon niya. Nasa suntukan si Calum?

Napatayo naman si Cadence at mula sa nakakabwisit niyang mukha kanina ay sumeryoso ito. "Where's the teacher?"

"Diba may meeting lahat ngayon?"

May binulong si Cadence saka umiling. Sa isang iglap, naglaho ang lahat sa loob. Naiwan akong mag-isa pero agad din akong sumunod dahil bugbugan daw iyon. Gusto kong makisali lalo na nandoon si Calum!

Walang nakapansin na sumunod ako sa kanila.

Pagdating namin doon ay nanlaki ang mata ko nang makita si Calum na kinewelyuhan ng isang lalaki. Nasa 4th floor kami at pinakadulong room. No wonder kung bakit palaging palengke ang room na 'to. Nakakalat ang mga upuan, may vandalism sa pader, pati mga b****a makikita kahit saan!

Nakita ko ang nakapaskil sa pintuan nila. GAS- C ang section nila, Napasinghap ako. Akala ko hanggang B lang ang section, may C pa pala.

Mukhang hindi pa napupuntahan ni Cadence ang lugar na ito.

Nang magsidatingan kami ay napatigil sila sa mga ginagawa nila. Tinatarayan kami ng mga babae. Tapos matic na nagsitayuan ang ilang lalaki na parang maghahamon ng suntukan kay Cadence at sa isang lalaking officer.

Kapag ganitong may suntukan, ibabalandera lang ni Barunggong ang katawan niya tapos sisigaw siya na hindi siya magdadalawang isip na daganan ang lahat kapg hindi pa sila naawat. Pagkatapos ay solve na ang kaguluhan. Kaya bilib ako sa taba ni Barunggong, ‘e!

Pumasok sa loob si Cadence at ‘yung kasama niyang officer. Nanatili naman ako sa gilid ng pintuan nila.

"ANGAS KA AH! PORKET OFFICER KA?! TANGA! KAMI BATAS DITO! ANO SUNTUKAN?!"

Dumako ang tingin ko sa lalaking kalbo na harap harapang sinigawan si Calum saka hinila pa ang kwelyo ng uniform niya. Nanlaki ang mata ko at pahakbang na sana nang maunahan na ako ni Cadence.

"Let him go. Ako ang harapin mo," mahinahon niyang sabi do'n sa lalaki. Lumingon naman ito sa kaniya at binitawan si Calum tapos siya naman ang kinewelyuhan. Umingay ang paligid. Ayan kasi, bida bida.

Tumingin ako kay Calum. Inaayos na niya ang uniform niya habang umiiling. Okay lang kaya siya?

"Umalis na kayo dito. Let me handle this,” ani Cadence habang hawak pa rin siya ng kalbo. Lumingon siya mga officers. Nang makita niya ako ay kumunot ang noo niya pero saglit lang din ay ibinalik niya ang tingin sa tyanak na nasa harapan niya.

Agad naman sinunod ng mga officers ang utos niya. Pero dahil nanatili si Calum, nanatili din ako. Bale, tatlo na lang kaming natira. Nanatili ang tingin ko kay Calum. Bakas sa mukha niya ang kapaguran. Kumirot ang puso ko.

"Ah! Ikaw 'yung bagong presidente? Mas maangas ka ba, ha?! Suntukan? Ano?! Palag ka?!" Mas lalo inilapit ng kalbo ang mukha kay Cadence.

Ngunit natakpan ang aking paningin nang may sumulpot na tatlong babae sa harapan ko.

“At sino ka naman? Isa ka rin ba sa mga officer?” tanong ng babaeng nasa gitna. Mataas ang pagkakapusod ng buhok niya kaya malinaw kong naaaninag ang bilugan niyang mukha.

Lumapit naman sa gilid ko ang babaeng maikling ang buhok na katabi niya sa kanan. “Nako, kung ako sa’yo, tumakbo ka na kung ayaw mong mapagtripan din katulad ng bagong presidente,” bulong niya sa akin habang nakangisi.

Inakbayan naman ako ng pinakamaliit sa kanila. Pareho sila ng hairstyle ng unang babaeng nagsalita pero may bangs lang siya. “Binibigyan ka namin ng pagkakataon para tumakbo, girl. Hindi mo kasi magugustuhan ang gagawin namin sa’yo kung mananatili ka pa dito.”

Marahas kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin saka pinagpagan ang uniform ko. Mukhang na-offend ko siya kaya agad nanlaki ang mata niya. Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong nasa harapan ko.

Napansin kong pareho silang may makapal na make up. Nakatupi ang manggas ng uniporme at above the knee ang kanilang palda. Alam kong labag iyon sa rules ng school. Nakaramdam ako ng inggit dahil iyon ang mga gusto kong gawin ko sa sarili ko pero hindi ko magawa dahil mahigpit ang classroom officers namin.

“Nanay ko lang pwede umutos sa akin. Pwede bang umalis na kayo sa harapan ko? Nakakasuya kasi ang pagmumukha niyo, ‘e.” Humalukipkip ako at isa isa silang tinarayan.

Umawang ang mga labi nila saka nagkatinginan sa isa’t isa.

Bumalik naman ang tingin ko kila Cadence.

"Kapag pumayag ako sa gusto mo, tuparin mo rin ang gusto kong mangyari," mahinahon niyang tugon sa kalbo. “Diretso tayo guidance pagkatapos nito.” Ngumisi siya.

"Aba! Maangas ka nga!" Akmang susuntukin na sana siya ng kalbo nang biglang nalipat ang tingin ko sa patakbong isang kaklase nila na may hawak na trash bin at handa ng ihampas kay Calum. Mabuti na lang walang lamang b****a!

Malakas kong itinulak ang mga harang sa harapan ko saka umentra sa harapan ni Calum. Kaya imbes na siya ang nahampas, ako ang nakatamo ng sakit. Muntik pa akong mitumba kung hindi lang ako hinawakan ni Calum sa balikat.

"Shit! Are you okay?!"

Lumunok ako at pinilit na ngumiti. Nag-okay sign ako sa kaniya kahit na malapit na akong humandusay sa sakit. Mukhang si Calum ang talagang target nila.

Marahan kong tinanggal ang pagkakahawak niya sa balikat ko. Pinilit kong tumuwid ng tayo at inayos ang sarili. Huminga ako ng malalim saka humarap sa kanila.

Lintek lang ang walang ganti.

"Ikaw ba 'yun?" tanong ko sa lalaking may malaking katawan na nasa harap ko. Napatigil ang lahat. Maski si Cadence at ang kalbong nasa harapan niya ay nasa akin na ang atensyon. Nakakunot ang noo ni Cadence habang nakaawang ang labi nito.

Umalis ang tingin ko sa kaniya nang maangas na humakbang palapit sa'kin ang lalaki sa harapan ko. Halos sakupin niya ang buong pagkatao ko dahil sa laki niya. Papapuntahin na sana ako ni Calum sa likod niya nang mabilis ko siyang pinigilan.

"Oo bakit-"

Hindi ko na pinatapos magsalita ang lalaki nang nang sa isang iglap ay pinahalik ko siya sa nangangati kong kamao. Nagulat ang lahat sa ginawa ko.

"Shet." Hinipan at saka ko ipinagpag ang kamao ko. Nakaramdam ako ng panghihina pero agad akong sinalo ni Calum.

“Whooo! Isang suntok ka lang pala, Tabursyo!”

“Isa pa! Isa pa!”

Sari’t saring mga reaksyon ang nanaig sa room. Nagkagulo na silang lahat dahil lang sa ginawa ko.

“Bring her to the clinic now, Calum.”

Lumingon ako kay Cadence na kasalukuyan ng inaayos ang uniporme niyang nagusot. Nakisali na rin kasi ang lalaking kumwelyo sa kaniya sa kaguluhan.

Nanlaki ang mata ko nang bigla akong buhatin ni Calum na parang bagong kasal. Kaagad akong napahawak sa leeg niya. Wala siyang imik hanggang sa makalabas na kami ng room. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang pangarap ko lang ito dati, at ngayon nagkatotoo na!

Dahan dahan lang akong humiga. Tinulungan pa nga ako ni Calum. Siya na din ang naglagay ng kumot sa akin. Grabe, parang sasabog na ang puso ko.

“Thank you,” sabi ko habang nakangiti sa kaniya.

“Thank you rin. Magpahinga ka muna. Ako na ang magsasabi sa mga teacher mo na excuse ka muna sa klase.” Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa gilid ko upang kuhain ang jacket sa mesa malapit sa bintana. “Suotin mo kapag lalabas ka na.” Agad kong kinuha iyon saka niyakap.

“Okay!” Kaya pala siya lumabas saglit kanina habang ginagamot ako, kinuha niya pala ang jacket niya para ipasuot sa akin!

Tumawa siya.

“I’ll go ahead. Hintayin mo na lang si Pres na dumating para kumustahin ka.”

Mabilis na nawala ang saya ko. Napanguso ako.

Narinig ko na naman ang tawa niya. “Sige, rest well.” Mahina niyang tinapik ang balikat ko saka na siya lumabas.

Ilang saglit lang ay bumungad na rin si Cadence sa harapan ko. Bahagya akong tumagilid para hindi makita ang pagmumukha niya. Yakap yakap ko lang ang jacket ni Calum.

 “Was your hobby is to always be the main character in every situation? Why did you meddle in chaos earlier? Gusto mo lagi sa kaguluhan? Why? It gives you satisfaction? Happiness? Ngayong nasaktan ka, are you still happy?”

Mariin akong napapikit sa inis. Nasaan na ‘yung sinabi ni Calum na kukumustahin niya ako?

Huh. Ano nga ba aasahan ko sa kaniya? Kung una pa lang, bwisit na bwisit na siya sa akin.

Kung si Barunggong pa rin ang presidente, tatanungin niya agad ko kung anong nararamdaman ko, kung ayos lang ba ko. Hindi niya pa ako napagsalitaan ng ganito.

Pinilit kong bumangon. Medyo napapangiwi pa ako dahil masakit pa ang likuran ko. “Hindi ka na lang sana pumunta kung pagsasalitaan mo ‘ko ng ganiyan. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang bagong presidente ng student council.” Nagsuot ako ng sapatos. “Sana kung anong ikanaganda ng mukha mo, gano’n din ang ugali mo,” dugtong ko pa.

Humarang siya sa daanan ko kaya napaangat ako ng tingin. Ngayon ko lang napansin na mas matangkad siya kaysa kay Calum. Pero lamang naman sa ugali si Calum, no.

“Is it wrong to do my job? Mali bang malaman ko ang rason sa likod ng kalokohan ng bawat estudyante para maiwasan mangyari ulit ang nangyari?” seryoso ang mukha niya nakatingin sa akin. “I bet the old president never did this that’s why you’re being sulky now. But let me remind you…” Humakbang pa siya palapit sa akin. Mabilis tuloy akong umatras.

“I’m now the new president, and I’ll do my own ways to maintain the discipline in this school. Whether you like it or not, wala kang magagawa sa huli kundi ang magpasakop sa’kin,” matigas ang bawat salita niya.

Nakipaglaban ako ng titigan dito. Hindi naman ako nagpatalo. Sinagot ko siya.

“Pag-aralan mo muna magkaroon ng malasakit sa kapwa bago mo sabihin ‘yan. Dahil sa huli, iyang pagiging makasarili mo ang siyang magpapabagsak sa’yo."

Related chapters

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 5

    "Kailan ka pa naging wonder woman?! May bayad ka ba, ah?! Alam mo bang muntik na akong atakihin nang malaman ko ang nangyari sa'yo! Bakit kasi sumugod ka pa do'n?!" Nagkasalubong kami ni Carol sa hallway dahil papunta siya sa clinic para kumustahin ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit tapos inalalayan ako papasok sa room. Medyo iika ika kasi akong maglakad buhat ng masakit pa ang katawan ko. Pagkatapos ko kasing makausap si Cadence, hindi na rin ako nagtagal sa clinic. Nag-walk out na ako. Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Wala naman kwenta. Nakakawalang gana lang. Makita nga lang siya, nasusuka na ako. Matagalan pa kaya ng tingin sa kaniya? Naiinis ako dahil naiwan ko pa ang jacket ni Calum! Kaya nag-tuck in na lang ako para hindi mahalata ang butas sa uniporme ko sa likod. Bwisit kasi 'yang Cadence! Mabuti na lang walang teacher. Bakante pala ang oras namin ngayon. Hay, mukhang kailangan kong tiisin ang sakit ng katawan hangg

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 6

    "Hindi ako ang nauna! Sila!" Turo ko sa apat na tiyanak na katabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang apat na tiyanak sa tabi ko. Lahat sila nakayuko na animo'y mga inosente. Sa ginagawa nilang pagpapanggap, malamang ako ang dehado sa huli. Lalo pa't mas mukha silang kaawa awa sa lagay nila habang ako ay kaunting ayos lang, babalik na ako sa dati. "Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo?" bulong ko. Sandali kong natikom ang bibig nang dumapo sa akin ang seryosong tingin ni Ma'am Rosyl. Pinandilatan ako ng mata ni Cadence kaya inirapan ko siya. Bumuga ako ng hininga saka sumandal sa upuan nang wala na akong magawa kundi ang tumahimik. Bahagya pa akong napangiwi nang kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, nadagdagan na naman ng sakit.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 7

    "Ah suspended," Poker face akong tumingin sa kapatid kong nangunguna sa akin sa paglalakad. Parang wala siyang kasama at talagang hindi nya ako sinasabayan sa paglalakad. Kung hindi lang ako natakot sa walis tingting ni mama, hindi ko susunduin ang kuto na 'to. Inutusan niya kasi ako na sunduin si Lyle, nagpumilit ako na ayaw ko pero nang ambang ihahampas na sa'kin ang walis tingting, dali dali na akong lumayas ng bahay. Hindi na siya nagulat nang makita niya ako sa labas ng school nila. Alam na niya agad ang dahilan kung bakit wala ako sa school ngayon. Hindi ko naman kasi gawain ang um-absent. "Hoy, bata. Gusto mo milktea?" tanong ko nang maaninag ang isang milk tea shop. Nagtayo na pala sila dito malapit sa gate ng baranggay. T

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 8

    "Anong ginagawa mo dito?!" Dinuro ko siya ng toothpick. "Sinundan mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Ayoko nga ng stress, tapos makikita ko pa siya? Nasira na tuloy ang araw ko! Napatigil siya sa pagpupunas, ngumisi saka umiwas ng tingin. "Asa." Pinagmasdan ko siya. "Eh bakit nandito ka nga?" "Because as far as I know I'm free to go here whenever I want," sagot niya saka saglit lang akong sinulyapan. Lumapit siya nang bahagya sa stall. Nang magsalita siya upang mag-order ay tinignan lang siya ni ateng tindera dahil kausap pa din nito ang honeybunchsugarplum. Mukhang na-gets niya rin naman ang order niya kaya nagsimula na siyang maghanda. Napalingon ako kay Cadence nang bigla siyang nagsalita. "You should make your day productive, not like this. Clean your house, take care of your sister, help your mom, read a book, advanc

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 9

    "Hindi ka mag-u-unli rice?" Umiling ako kay Carol. Nang uwian ay nagyaya sila Mia at Hannie na kumain sa sisigan malapit sa school namin. Madalas kasi silang kumain dito. Sulit na sulit raw ang singkwenta. Unli rice na, juice pa ang drinks nila. Madami pa silang maglagay ng sisig. Ayan ang sabi nila kaya napapayag kami ni Carol. "Ay, diet 'yan?" rinig kong tanong ni Mia. Siya ang kaharap ko sa mesa. Katabi naman niya si Hannie tapos si Carol katabi ko. "Anong diet? Walang gano'n," rinig kong sabat ni Hannie. Nagpatuloy ako sa pag-s-scroll sa f******k ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Natatae lang siya, guys." Kibit balikat ni Carol.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 10

    "Hi, Jude!" masigla kong bati sa kaniya paglabas niya pa lang ng room. Napatigil ito at kunot noo akong pinasadahan ng tingin."Excuse me? Who are you?" tanong nito. Palihim ko siyang inirapan at nanatiling kalma.May biglang umakbay dito na meztisong lalaki. "Ayos pre! May syota ka na pala!" Tinapik nito ang balikat habang nakatingin sa akin. Nang kumindat ito ay saglit kong nakalimutan ang pakay ko. Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to?Pero ano daw? Syota?!"Hindi-""Whoop whoop~""Yieee, si Jude may girlfriend na!"Hindi na ako nakapagsalita dahil sunod sunod na lumabas ang mga classmate niya na nang-aasar. Gano'n din siya, speechless. Ang epic nga ng mukha niya!Nang makaalis na silang lahat ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para hilahin siya sa dulong hallway kung saan din siya dinala ni Yza kanina. Hindi naman siya agad nakatanggi dahil biglaan ang ginawa ko.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 11

    "Kung gusto mong patawarin ka ni Lord sa ginawa mong pagsisinungaling, kilayan mo 'ko." Tinapat ko ang pangkilay sa leeg ni Innie na parang handa kong tusukin ito sa leeg niya. Naistobro ko siya sa paglalagay ng face powder kaya dahan dahan itong umangat ng tingin sa akin saka malawak na ngumiti. "Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong traydor ka? Neknek mo. Kaya kilayan mo 'ko!""Ah... hehe... oo ba! No problem!" Agad siyang tumayo at pinaupo ako sa upuan niya. Napangisi ako. Kahit na kating kati ang kamay kong sampalin siya ng kaliwa't kanan, mas pinili kong magtimpi at mag-take advantage na lang. Dahil kailangan kong bumalik sa normal na ginagawa ko, kailangan kong magpaganda.At si Innie ang isa sa mga maymagical handspagdating sa pagkikilay.Ibinaon

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 12

    "Okay, back to practice Humss-B! Let's go! Let's go!"Napalingon ako kay Frenzy, leader namin sa sabayang pagbigkas. Wala naman akong balak sumali pero nang pina-required na ay wala na akong nagawa. Hindi ko naman ugali sumali sa mga ganito, 'e.Si Carol, siya ang mahilig dito. Kaya nga bago pa man magsalita si Frenzy, nasa pwesto na agad siya. Habang ako bored na bored sa upuan ko. Ang dami talaga naming pagkakaiba.Nang tumayo ako at akmang pahakbang na ay biglang may umakbay at umangkala sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa amoy pa lang, kilalang kilala ko na sila."Tahimik natin, ah. Ganiyan ba talaga kapag broken hearted?" tanong ni Mia. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang wala siyang ideya. 

Latest chapter

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 2)

    The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 1)

    Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 56

    “Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 55

    Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 54

    “Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 53

    Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 52

    Tumango ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Unting unti ng dumadami ang mga tao. Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang inubos ang milk tea ko. “We’re not close dahil late ko na siyang nakilala, through eavesdropping pa.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ngunit natatawa. “Chismoso,” ani ko. Tumawa siya. Itinaas niya ang dalawang paa at pinatong sa tuhod ang dalawang braso niya. Nakalawit ang kamay. Malayo ang naging tingin niya at kalauna’y ginaya ko siya. “I was in high school that time when I overheard my parents and Aria’s parents talking in our living room. Cadence was also there. It was that day when I knew Cadence’s girlfriend got into an accident. I was shocked because I never thought he has a girlfriend. He’s an introvert, inside and outside of our house. Daddy niya lang ang kinakausap niya which is reasonable for us. Galit siya sa amin dahil pinalitan namin ang mommy niya. That day, they were talking about what really

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 51

    Si Aria ang nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya ang nasa tabi ni Cadence noong nasa madilim na parte siya ng mundo. Nagsilbi siyang ilaw sa buhay nito. Ilang taon nilang minahal ang isa’t isa kaya alam kong malaki pa rin ang parte ni Aria sa puso niya.Hindi naman ako pinalaki ni mama para lang maging saling kitkit sa buhay ng tao. Pero… willing ako… willing akong akuin ang kaunting espasyo ni Aria sa puso niya kasi mahal na mahal ko siya.Pero tangina… wala akong karapatan. Hindi ko iyon tungkulin at hindi deserve ni Aria ang magkaroon ng kahati sa puso ng mahal niya. Hindi niya deserve na masaktan kapag nalaman niyang nagkaroon ng ibang girlfriend si Cadence habang nag-aagaw buhay siya sa hospital ng ilang taon.“L-Look at me…”Umiling ako habang patuloy sa paghikbi. Walang silbi ang paulit ulit kong pagpunas sa mukha ko dahil segu segundong bumabagsak na parang ulan ang luha sa mukha ko. Se

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 50

    Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort.“’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq

DMCA.com Protection Status