"Hindi ako ang nauna! Sila!" Turo ko sa apat na tiyanak na katabi ko.
Sinamaan ko ng tingin ang apat na tiyanak sa tabi ko. Lahat sila nakayuko na animo'y mga inosente. Sa ginagawa nilang pagpapanggap, malamang ako ang dehado sa huli. Lalo pa't mas mukha silang kaawa awa sa lagay nila habang ako ay kaunting ayos lang, babalik na ako sa dati.
"Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo?" bulong ko.
Sandali kong natikom ang bibig nang dumapo sa akin ang seryosong tingin ni Ma'am Rosyl. Pinandilatan ako ng mata ni Cadence kaya inirapan ko siya. Bumuga ako ng hininga saka sumandal sa upuan nang wala na akong magawa kundi ang tumahimik. Bahagya pa akong napangiwi nang kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, nadagdagan na naman ng sakit.
"Ah suspended," Poker face akong tumingin sa kapatid kong nangunguna sa akin sa paglalakad. Parang wala siyang kasama at talagang hindi nya ako sinasabayan sa paglalakad. Kung hindi lang ako natakot sa walis tingting ni mama, hindi ko susunduin ang kuto na 'to. Inutusan niya kasi ako na sunduin si Lyle, nagpumilit ako na ayaw ko pero nang ambang ihahampas na sa'kin ang walis tingting, dali dali na akong lumayas ng bahay. Hindi na siya nagulat nang makita niya ako sa labas ng school nila. Alam na niya agad ang dahilan kung bakit wala ako sa school ngayon. Hindi ko naman kasi gawain ang um-absent. "Hoy, bata. Gusto mo milktea?" tanong ko nang maaninag ang isang milk tea shop. Nagtayo na pala sila dito malapit sa gate ng baranggay. T
"Anong ginagawa mo dito?!" Dinuro ko siya ng toothpick. "Sinundan mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Ayoko nga ng stress, tapos makikita ko pa siya? Nasira na tuloy ang araw ko! Napatigil siya sa pagpupunas, ngumisi saka umiwas ng tingin. "Asa." Pinagmasdan ko siya. "Eh bakit nandito ka nga?" "Because as far as I know I'm free to go here whenever I want," sagot niya saka saglit lang akong sinulyapan. Lumapit siya nang bahagya sa stall. Nang magsalita siya upang mag-order ay tinignan lang siya ni ateng tindera dahil kausap pa din nito ang honeybunchsugarplum. Mukhang na-gets niya rin naman ang order niya kaya nagsimula na siyang maghanda. Napalingon ako kay Cadence nang bigla siyang nagsalita. "You should make your day productive, not like this. Clean your house, take care of your sister, help your mom, read a book, advanc
"Hindi ka mag-u-unli rice?" Umiling ako kay Carol. Nang uwian ay nagyaya sila Mia at Hannie na kumain sa sisigan malapit sa school namin. Madalas kasi silang kumain dito. Sulit na sulit raw ang singkwenta. Unli rice na, juice pa ang drinks nila. Madami pa silang maglagay ng sisig. Ayan ang sabi nila kaya napapayag kami ni Carol. "Ay, diet 'yan?" rinig kong tanong ni Mia. Siya ang kaharap ko sa mesa. Katabi naman niya si Hannie tapos si Carol katabi ko. "Anong diet? Walang gano'n," rinig kong sabat ni Hannie. Nagpatuloy ako sa pag-s-scroll sa f******k ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Natatae lang siya, guys." Kibit balikat ni Carol.
"Hi, Jude!" masigla kong bati sa kaniya paglabas niya pa lang ng room. Napatigil ito at kunot noo akong pinasadahan ng tingin."Excuse me? Who are you?" tanong nito. Palihim ko siyang inirapan at nanatiling kalma.May biglang umakbay dito na meztisong lalaki. "Ayos pre! May syota ka na pala!" Tinapik nito ang balikat habang nakatingin sa akin. Nang kumindat ito ay saglit kong nakalimutan ang pakay ko. Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to?Pero ano daw? Syota?!"Hindi-""Whoop whoop~""Yieee, si Jude may girlfriend na!"Hindi na ako nakapagsalita dahil sunod sunod na lumabas ang mga classmate niya na nang-aasar. Gano'n din siya, speechless. Ang epic nga ng mukha niya!Nang makaalis na silang lahat ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para hilahin siya sa dulong hallway kung saan din siya dinala ni Yza kanina. Hindi naman siya agad nakatanggi dahil biglaan ang ginawa ko.
"Kung gusto mong patawarin ka ni Lord sa ginawa mong pagsisinungaling, kilayan mo 'ko." Tinapat ko ang pangkilay sa leeg ni Innie na parang handa kong tusukin ito sa leeg niya. Naistobro ko siya sa paglalagay ng face powder kaya dahan dahan itong umangat ng tingin sa akin saka malawak na ngumiti. "Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong traydor ka? Neknek mo. Kaya kilayan mo 'ko!""Ah... hehe... oo ba! No problem!" Agad siyang tumayo at pinaupo ako sa upuan niya. Napangisi ako. Kahit na kating kati ang kamay kong sampalin siya ng kaliwa't kanan, mas pinili kong magtimpi at mag-take advantage na lang. Dahil kailangan kong bumalik sa normal na ginagawa ko, kailangan kong magpaganda.At si Innie ang isa sa mga maymagical handspagdating sa pagkikilay.Ibinaon
"Okay, back to practice Humss-B! Let's go! Let's go!"Napalingon ako kay Frenzy, leader namin sa sabayang pagbigkas. Wala naman akong balak sumali pero nang pina-required na ay wala na akong nagawa. Hindi ko naman ugali sumali sa mga ganito, 'e.Si Carol, siya ang mahilig dito. Kaya nga bago pa man magsalita si Frenzy, nasa pwesto na agad siya. Habang ako bored na bored sa upuan ko. Ang dami talaga naming pagkakaiba.Nang tumayo ako at akmang pahakbang na ay biglang may umakbay at umangkala sa akin. Hindi na ako lumingon dahil sa amoy pa lang, kilalang kilala ko na sila."Tahimik natin, ah. Ganiyan ba talaga kapag broken hearted?" tanong ni Mia. Hindi ko alam kung nang-aasar ba siya o talagang wala siyang ideya. 
Sa isang iglap natapos ang lahat. Nagpupunas ako ng pawis sa mukha at katawan habang nakatayo lang sa gilid. Pagkatapos ng performance namin, madami pa ang sumunod. Dahil pangalawa kami sa nag-perform, ang tagal namin naghintay hanggang sa i-announce na ang winner. Maganda nga ang venue pero kinulang sa electric fan. Hindi sapat ang hangin na sumisilip sa bintana. Kada magpupunas ako ng pawis, may panibagong pawis na naman ang lalabas. Ganito kainit sa venue. Hindi kami na-inform na free trial pala sa impyerno ang mararanasan namin dito. "Pucha, ang init talaga," reklamo ko habang sariling sikap na pinapaypayan ang sarili gamit ang aking panyo. Bumaling ang tingin ko sa paligid. Hindi pa rin matapos ang yakapan a
"When are you going to appreciate all my efforts?! Ginagawa ko naman ang lahat para matanggap mo 'ko! I treat you more like my own child than to my real son! I even stayed unfair to Calum just to make you feel that you have someone that's on your side! I was always there!" pagsusumamo ng step mom niya."Why everything wasn't still enough for you?!" punong puno ng pait ang boses niya. Para bang sobrang bigat ng dinadala niya. Mabigat talaga at mukhang ngayon lang siya sumabog sa harap ni Cadence. Pero ang hindi ma-sink in sa utak ko...Magkapatid si Calum at Cadence sa ama?! "It's because you are not my real mom! And you'll never be! My mom is my mom... and no one can ever replace her!" angil ni Cadence. Muli akong napatakip sa bibig. Oo, nasigawan na niya ako pero hi
The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N
Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot
“Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.
Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son
“Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t
Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Unting unti ng dumadami ang mga tao. Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang inubos ang milk tea ko. “We’re not close dahil late ko na siyang nakilala, through eavesdropping pa.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ngunit natatawa. “Chismoso,” ani ko. Tumawa siya. Itinaas niya ang dalawang paa at pinatong sa tuhod ang dalawang braso niya. Nakalawit ang kamay. Malayo ang naging tingin niya at kalauna’y ginaya ko siya. “I was in high school that time when I overheard my parents and Aria’s parents talking in our living room. Cadence was also there. It was that day when I knew Cadence’s girlfriend got into an accident. I was shocked because I never thought he has a girlfriend. He’s an introvert, inside and outside of our house. Daddy niya lang ang kinakausap niya which is reasonable for us. Galit siya sa amin dahil pinalitan namin ang mommy niya. That day, they were talking about what really
Si Aria ang nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya ang nasa tabi ni Cadence noong nasa madilim na parte siya ng mundo. Nagsilbi siyang ilaw sa buhay nito. Ilang taon nilang minahal ang isa’t isa kaya alam kong malaki pa rin ang parte ni Aria sa puso niya.Hindi naman ako pinalaki ni mama para lang maging saling kitkit sa buhay ng tao. Pero… willing ako… willing akong akuin ang kaunting espasyo ni Aria sa puso niya kasi mahal na mahal ko siya.Pero tangina… wala akong karapatan. Hindi ko iyon tungkulin at hindi deserve ni Aria ang magkaroon ng kahati sa puso ng mahal niya. Hindi niya deserve na masaktan kapag nalaman niyang nagkaroon ng ibang girlfriend si Cadence habang nag-aagaw buhay siya sa hospital ng ilang taon.“L-Look at me…”Umiling ako habang patuloy sa paghikbi. Walang silbi ang paulit ulit kong pagpunas sa mukha ko dahil segu segundong bumabagsak na parang ulan ang luha sa mukha ko. Se
Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort.“’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq