"Iyang underwear mo, labhan mo agad! 'Wag mo ng isama 'yan sa labahan!" sigaw ng nanay ko sa labas. Umagang umaga sumisigaw. Dapat talagang gawing soundproof ang banyo namin. Hindi ako maka-focus sa pagligo.
"Opo!" Muli kong binuksan ang shower saka nagpatuloy sa pagligo. Wala naman na akong nakuhang sagot sa kaniya. Matapos kong maglagay ng conditioner ay naghilod muna ako. Isang linggo kasi akong walang hilod at alam kong sangkatutak na ang libag ko sa katawan. Nakakahiya naman kay Calum.
Habang naghihilod ay gawain ko na ring bumirit. Nagiging dance at recording studio ko na nga ang banyo namin kapag naliligo. Dito ko lang kasi nalalabas ang talent ko. Siguro lahat naman tayo?
Napatigil ako sa sunod sunod na katok. Sinigawan ko kung sino 'yun.
"Ate! Dalian mo naman! Nasa dulo na ng pwet ko 'yung tae!" Si Lyle pala. Kapatid ko.
"Edi hilahin mo para hindi ka na umire!" Nilakasan ko na ang shower dahil magbabanlaw na ako. Napakaepal talaga ng kapatid ko. Bahala siya d'yan. Manigas siya sa labas.
"MAMA! SI ATE OH!" rinig kong sumbong niya kay mama.
"Sumbungera kahit kailan, tss." Umiling ako at nagpatuloy sa pagbanlaw. Kaso biglang nawalan ng tubig. Nako naman! Alam ng may liligo pa, 'e!
"Ma! 'Wag mo muna gamitin gripo sa lababo! Naliligo pa 'ko!"
Mahina ang daloy ng tubig ngayon kaya hindi pwedeng magsabay ang gripo sa lababo sa labas at sa CR. Kapag malakas naman, wala naman problema.
"Aba! Dalian mo kasi ang kilos d'yan!"
Inikutan ko lang siya ng mata kahit hindi niya nakikita saka bumuga ng hangin.
Katulad ng sabi ng nanay ko ay binilisan ko na ang kilos. Nilabhan ko na din ang underwear ko at sinampay sa alambre sa loob. Kuntento naman na ako sa bango at linis ng katawan ko. Nag-skin care na din ako kaya alam kong presentable na akong tignan. Wala pa nga akong suklay pero baka mag-propose na si Calum sa'kin sa sobrang ganda ko kahit walang ayos.
Paglabas ko, nakabihis na ako. Nasa ulo ko pa ang tuwalya. Tapos handa na din ang breakfast sa mesa. May tuyo, itlog na may kamatis saka sinangag. My favorite!
Nakaupo na din ang kapatid ko habang... nakangiti?
"Mukhang nakatae ka na, ah." Kumuha ako ng mga plato at kutsara. Si mama naman ay nagsasalin ng noodles sa lalagyan."Kila Tita Vane na 'yan na nag-CR, ang tagal mo kasi," sagot ng nanay ko saka inilapag ang noodles sa mesa.
Tumango tango ako. "Ahh kaya pala ngiting aso ang gaga."
"Layla!" suway ni mama nang marinig ang salitang 'gaga'. Allergic siya sa mga mura kahit hindi naman mura iyong sinabi ko. Basta kapag hindi magandang pakinggan, agad niya kaming sasawayin. Take note, nanay ko lang ang pwedeng tumawag sa'kin ng Layla.
"Oops, sorry po." Inilapag ko na sa mesa ang mga pinggan. Nakaupo na si mama at sinasalinan na niya ng pagkain ang kapatid ko na nawala na ang ngiti ngayon. "Bakit ma? Boto ka ba kay Noah para kay Lyle?" Nagtimpla ako ng milo ko. Pasimple na naman ngumiti ang kapatid ko! Magaling!
Si Noah, anak ni Tita Vane, ang kapitbahay naming binalak kong hintayin na lumaki dahil napakagwapo at talino ng batang 'yon. 10 years old pa lang, pang-college na ang utak. Habang ako na 18 years old, pang-10 years old ang utak. Hindi ko na siya hinintay dahil baka 'pag nalaman ni Calum ay hindi na niya ako ligawan.
Kaya sige, sa kapatid ko na lang. Magka-edad pa sila. Tapos crush din pala niya si Noah. Oh sige, sila na.
"Anong sinasabi mo? Ang bata bata pa ng kapatid mo. 'Wag mong igaya 'yan sa'yo."
"Ako na naman!" angil ko saka umupo na sa tabi nila.
Umiling lang ang nanay ko at ngumisi naman ang kapatid ko. Tinarayan ko lang siya bago sumubo ng sinangag.
Nagkwentuhan lang kami habang kumakain. Kinamusta ni mama ang pag-aaral ko. Wala naman problema, sagot ko dahil kinuwento ko sa kaniya ang ginawa ng head ng guidance office namin kahapon.
Gano'n lang naman palagi ang scenario t'wing umaga. Mangangamusta siya sa pag-aaral namin tapos papaalahanin na 'wag munang mag-bo-boyfriend hangga't hindi pa tapos ng college. Nalulungkot ako syempre. Makakapaghintay kaya si Calum?
Isang mananahi ang nanay ko. May pwesto siya sa palengke. Wala na kaming tatay dahil katulad ng iba, sumakabilang bahay na din. Mabuti na lang nand'yan ang kapatid ni mama na patuloy na nagpapadala ng pera sa'min mula sa abroad kaya kahit papaano ay hindi kami nagigipit kahit na maliit ang sweldo ni mama.
Nang matapos na kaming kumain ay mabilis na lang ako nag-ayos. Habang si Lyle ay inasikaso ni mama. Elementary pa lang kaya ang daming bilin dito. Kahit hindi paalalanin ni mama si Lyle, alam naman niya ang ginagawa niya. Mula pagpasok mag-isa at pag-uwi, kayang gawin ni Lyle 'yan. Mature na ang isip nito kaya madalas napagkakamalang panganay. Char!
Pero totoo, mabait at masunurin si Lyle. Hindi tulad ko, isang barumbado.
Paglabas namin ng bahay ay agad nang bumungad ang babaeng may hawak na salamin habang nagsusuklay sa tabi ng gate namin. Mayroon itong brown wavy hair na hanggang balikat pero puno ng kuto. Buti pa ang long hair kong palaging naka-side ponytail, malinis at mabango. Patpatin ito at mas matangkad na hindi tulad ko ay chubby na nga maliit pa. Gasul ka ghorl? Gayunpaman, mas maganda pa din ako sa kaniya.
"Good morning, Ate Caroline!" masiglang bati ni Lyle sa kaniya saka niyakap ito.
"Good morning, Lyle Emillia!" Niyakap niya ito pabalik.
Ganiyan sila, magbabatian sa full name.
"Good morning, madam bruha!" bati naman niya sa akin matapos nilang magyakapan na parang sila ang totoong magkapatid.
Pero pagdating sa'kin, gan'yan ang pagbati. Magaling. Sarap niyang itakwil.
"Morning, gaga." Inirapan ko sila tapos nauna nang maglakad.
Siya si Caroline Lexus Agapito. 'Carol' ang nickname niya. Magmula pa noong Junior high ay palagi na kaming sabay pagpasok at pag-uwi. Halos anim na taon na din pala kaming magkaibigan kaya sawang sawa na ako sa pagmumukha niya.
Hinatid lang namin si Lyle sa sakayan ng jeep tapos kami nag-ibang way na.
Pagdating namin sa school ay sa canteen kami dumiretso. Maaga pa naman tapos saktong hindi pa nag-a-almusal si Carol.
"May masamang elementong paparating." Kumagat ako sa burger niya matapos kong maaninag ang mga anino ng mga gusto akong pabagsakin. "Nararamdaman ko." Sabay inom sa gulaman na binili niya.
Nasa gitna kasi kami nakapwesto. Tapos sakto pa ang pwesto ko kung saan nakikita ko ang mga pumapasok sa canteen.
"Ha? Sino?" Naging malikot ang mata nito sa paligid.
Ngumuso ako sa kaliwa ko. Mga bagong dating na sila Cadence, 'yung petite na babae at 'yung lalaking kasama niya noong nahuli ako sa kalokohan ko. Mas lalong sumama ang mukha ko nang makita si Criza. Hindi niya kasama ang boyfriend ni Linda. I wonder kung break na ba sila o ipinagpatuloy nila ang relasyon nila.
Bale apat sila. Nakakainis lang dahil wala si Calum. Nasa'n kaya siya?
"Masamang elemento ba 'yan? Parang mga campus prince and princesses kaya!"
Kumunot ang noo ko. "Magsalamin ka na kaya?" sabi ko sabay irap.
Napalingon tuloy ako sa kanila at bigla na lang ako napa-ayos. Pagkatapos tumayo ng kasama nilang lalaki para pumunta sa counter ay tinaasan ko ng kilay si Cadence nang mahuli ko siyang masama ang tingin sa akin habang busy sa pagkekwentuhan ang ibang kasama niya.
"Huy! Gaga ka! Akala ko ba okay na? Wala ka ng atraso?" tanong ni Carol nang mahuli niya din si Cadence na pinapatay ako sa tingin.
"Meron pa," matigas kong tugon habang nakikipaglaban ng tinginan sa impaktong 'yon. "Tinapakan ko paa niya kahapon," saka na ako umiwas ng tingin tapos muling sumubo sa burger niya.
Nanlaki naman ang mata nito. "Ha?! Anong sabi niya? Bakit mo naman ginawa 'yun?!"
"Ginalit niya ako, 'e! Hindi ko na rin nalaman sinabi niya dahil tinakbukhan ko na siya. Pero alam kong kotang kota na ako sa sumpa sa utak niya."
"Kakaiba ka talaga!" Mahina niya akong hinampas sa balikat. "Tapos ang lakas pa ng loob mong magpakita sa kaniya ngayon... kaya pala nakakamatay ang tingin sa'yo." Umiling ito.
Nagkibit balikat lang ako.
"Ewan. Baka may pasabog mamaya. Wait ko na lang kung gaganti." Inagaw ko ang burger na dapat ay isusubo niya pero naunahan ko na siya. Tinulungan ko na siyang ubusin 'yun.
"Wow, akala ko ba nag-almusal ka na?"
Nag-peace sign lang ako. Inirapan ko naman ang mga taong nasa tabi namin. Mabilaukan sana sila. Mabilis din naman lumipas ang oras at oras na nga ng klase. Wala talagang bago sa araw ko t'wing nag-aaral. Kung hindi dumadaldal, nag-paplano ng kalokohan sa utak. Haaay.
"BARUNGGONG!"
Nang breaktime ay halos tumambling na ako sa hagdan nang masilayan ko si Barunggong sa gazebo malapit sa canteen na kinakausap ng ilang mga estudyante. Ang dating presidente! Ang pinakamamahal naming si Barunggong ay nandidito!
Nang makita niya ako ay nag-wave naman siya. Nagsialisan naman ang mga kausap niya. Sinunggaban ko siya ng yakap nang makalapit ako sa kaniya. Grabe! Nakakamiss ang malaman niyang katawan!
Sa totoo lang, ang katawan niya ang ginagawa kong unan at sandalan noon kapag tumatambay kami dito sa gazebo.
Totoong masarap kasama ang mga taong extra large! May extra pillows ka na nga, may extra protection ka pa!
"Millie!" Niyakap naman niya ako pabalik. "Musta na?" tanong niya nang magkahiwalay kami pero ang kamay ko ay nasa tagiliran niya pa din.
Pinisil ko muna iyon bago sumagot. "Hindi ako okay simula nang mapalitan ka." Ngumuso ako. Sineniyasan naman niya akong umupo. Nasa banyo si Carol at susunod na lang daw siya kapag tapos na siyang tawagin ng kalikasan.
Nakakalungkot talaga na makita siya ngayon na naka-civillian na at isang bisita na lang sa school. Parang dati lang sabay kaming mag-lunch. Kwentuhan pa sa gazebo kasama madalas ang mga old officers na kasundo ko. Ililibre niya pa ako ng meryenda kapag uwian. Favorite part ko talaga ay sa t'wing may kalokohan ako, pinapalampas niya. Pero ang mas paborito ko talaga ay ibinibigay niya sa akin ang sagot para sa mga exam. Charot! Tinutulungan niya lang ako mag-review.
Para ko na siyang kuya dito. Kaya sobrang attached ako sa kaniya.
"Nakakatakot siya 'no? Tiklop ka ba?"
Umirap ako. Isinandal ko sa mesa ang kamay ko saka pinatong ang mukha doon. Bale nakatagilid ako kay Barunggong. "Kilala mo ba siya personal? Sino ba 'yung espasol na 'yon?"
Nanginig ang lawlaw niyang leeg nang tumawa ito. "Siya si Cadence Lou Montes. Transferee last sem lang. Tumakbong presidente since pasok naman siya sa hinihinging requirements. Kahit na bago pa lang, nakakuha agad ng supporters at simpatya ng mga tao noong nangangampanya pa lang siya. Gwapo 'e, tapos palangiti." Umiling ito.
Nasuya naman ako sa narinig ko. Gwapo daw?! Duda ako! Lalo na sa part na 'palangiti'?!
"Kaya noong Meeting De Avance, alam kong siya na mananalo. Pero nang mahalal na siya akala ng lahat easy peasy lang 'yan. Palangiti noong nangangampanya pa lang pero nang magsimula na ang termino, strikto pala,"
"Nag-take advantage siya." Nagkibit balikat ako.
"Don't get him wrong. He's good, actually. He really wanted to make a change here,"
Nagusot ang noo ko.
"May mga platforms siya na hindi ko man lang naisipan dati na may malaking tulong sa mga estudyante.”
Tumaas ang kilay ko. "Like?"
"Nakikita mo ba 'yon?" Tinuro niya ang grounding area na nasa gitna. May mga barricade na ito. Unlike dati, wala. Ang pangit pa tignan.
But so what?"Iyon?" Namilog ang mata ko. Bakit hindi ko napansin na may mini waiting shed na malapit sa entrance?!"Eh iyon?"
Lumunok ako. Naayos niya din ang basketball court?! Pwede ng paglaruan, ah!
"Tapos yung hand sanitizer and free napkin for girls ay nasa bawat banyo ninyo. Hindi mo ba napansin? Unlimited pa 'yon,"
Natigilan ako. "Hindi pa ako nagbabanyo... pero arghh! kahit na!" Humalukipkip ako at ngumuso. "Ikaw pa din ang dabest na presidente dito!"
Natawa naman siya at marahang pi-nat ako sa ulo. "Try to appreciate that guy, Millie. You'll realize soon how great he is in improving this school."
Inirapan ko lang siya.
"Oh siya. Kailangan ko ng umalis. Tapos na ang visiting hours ko." Tumayo na ito kaya tumayo na din ako.
Yumakap ulit ako sa kaniya. "Barunggong!" Totoong luha na. Hindi na eme. Pramis, sobrang ma-mi-miss ko kasi siya!
Niyakap naman niya ako pabalik habang tumatawa. "Hay nako." Tinapik niya ng marahan ang balikat ko. I'll miss this kaya mas lalo ko pa siyang niyakap.
"Excuse me."
Bumitaw lang kami sa isa't isa nang may isang pangit na pamilyar na boses ang narinig namin. Matic na nawala ako sa mood nang makita ko siya kasama ng mga alipores niya. Syempre nangunguna si Criza. Wala na naman si Calum!
Tinaasan ko sila ng kilay isa-isa. Tinalo ko ang pekeng kilay ni Criza sa pagtaray. Akala mo ang ganda, mukha naman kapatid ni chuckie.
Ang laki ng daan sa gilid namin pero sa pwesto kung saan nakatabi naman kami ni Barunggong, dito pa talaga nila napiling dumaan?
"Lah, epal," bulong ko at hihilain ko na sana si Barunggong palayo sa kanila nang magsalita ito.
"What did you say?”
"Ha? May sinabi ba 'ko-"
"Ah eh, sorry Cadence. Harang kami sa daan. Sige, alis na kami!" Si Barunggong na ang humila sa akin pero hindi pa kami nakakalayo nang magsalita na naman ang impakto. Mariin akong napapikit.
"PDA is prohibited now. Try to do this again, I'd make sure you'll get what you deserve."
Bumitaw ako kay Barunggong para harapin siya. "Talaga? So, naparusahan na ba ang 'yang katabi mo?" Humalukipkip ako. Sinubukan akong pigilan ni Barunggong pero hindi ako nagpatinag.
Tumaas ang kilay nito nang tumingin kay Criza. "A-Anong sinasabi mo?!" sabat niya. Halatang guilty, oh!
"Hoy! Hindi lang naman ako ang nakakita na naglalampungan kayo ng jowa ng kaklase ko noong isang araw, ah! May mga record kaya ang ibang studen-"
Pinutol ako ni Cadence. "Making false statements to someone, now? You're really unbelievable.”
"Ano?!" sigaw ko.Umiling lang ito at bago nito kami lampasan, pinasadahan niya ng tingin si Barunggong mula ulo hanggang paa. Hindi man lang nito binati o nginitian ang dating presidente, basta na lang ito nag-walk out at sumunod naman ang mga alipores niya!
Susugurin ko sana si Criza nang mag-make face ito sa akin pero pinigilan ako ni Barunggong. Huminga ako nang malalim at pilit na pinakalma ang sarili.
Hindi ako makapaniwalang tuluyan ng mababago ang sistema ng eskwelahan dahil sa bagong presidente. Paano ko na magagawa ang gusto ko?!
“Argh!” Padyak ko sa lupa.
“Bruha, sa tingin mo single ang bagong presidente ng student council?” bulong ni Carol saka niya ako siniko. Oras ng klase pero palihim niya akong dinadaldal. Nasa second to the last naman kami nakaupo kaya kampante akong hindi kami agad mahuhuli ni Sir Gardon na kasalukuyang nagtuturo ng Pol sci. Pero sumulyap pa rin ako sa kaniya bago ako lumapit ng kaunti kay Carol. “Imposible. Sa itsura niya pa lang, alam kong marami na siyang napaiyak at may jowa ‘yun ngayon,” wika ko saka ipinagpatuloy ang pag-do-doodle sa likod ng binder ko. Playboy. Ayan ang tamang tawag sa kaniya. Sa mukhang ‘yun? Single? Inosente sa relasyon? Utut. “Hindi ba sa inyo nakarating ang magandang balita?” Sabay kaming napalingon sa likuran ni Carol. Inusog pala ni Hannie ang upuan niya palapit sa amin. “No girlfriend since birth si Pres!” malakas niyang bulong. Nagkatinginan kami ni Carol. Tumaas ang kilay niya. Siya umeschos dito. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yun, NG
"Kailan ka pa naging wonder woman?! May bayad ka ba, ah?! Alam mo bang muntik na akong atakihin nang malaman ko ang nangyari sa'yo! Bakit kasi sumugod ka pa do'n?!" Nagkasalubong kami ni Carol sa hallway dahil papunta siya sa clinic para kumustahin ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit tapos inalalayan ako papasok sa room. Medyo iika ika kasi akong maglakad buhat ng masakit pa ang katawan ko. Pagkatapos ko kasing makausap si Cadence, hindi na rin ako nagtagal sa clinic. Nag-walk out na ako. Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Wala naman kwenta. Nakakawalang gana lang. Makita nga lang siya, nasusuka na ako. Matagalan pa kaya ng tingin sa kaniya? Naiinis ako dahil naiwan ko pa ang jacket ni Calum! Kaya nag-tuck in na lang ako para hindi mahalata ang butas sa uniporme ko sa likod. Bwisit kasi 'yang Cadence! Mabuti na lang walang teacher. Bakante pala ang oras namin ngayon. Hay, mukhang kailangan kong tiisin ang sakit ng katawan hangg
"Hindi ako ang nauna! Sila!" Turo ko sa apat na tiyanak na katabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang apat na tiyanak sa tabi ko. Lahat sila nakayuko na animo'y mga inosente. Sa ginagawa nilang pagpapanggap, malamang ako ang dehado sa huli. Lalo pa't mas mukha silang kaawa awa sa lagay nila habang ako ay kaunting ayos lang, babalik na ako sa dati. "Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo?" bulong ko. Sandali kong natikom ang bibig nang dumapo sa akin ang seryosong tingin ni Ma'am Rosyl. Pinandilatan ako ng mata ni Cadence kaya inirapan ko siya. Bumuga ako ng hininga saka sumandal sa upuan nang wala na akong magawa kundi ang tumahimik. Bahagya pa akong napangiwi nang kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, nadagdagan na naman ng sakit.
"Ah suspended," Poker face akong tumingin sa kapatid kong nangunguna sa akin sa paglalakad. Parang wala siyang kasama at talagang hindi nya ako sinasabayan sa paglalakad. Kung hindi lang ako natakot sa walis tingting ni mama, hindi ko susunduin ang kuto na 'to. Inutusan niya kasi ako na sunduin si Lyle, nagpumilit ako na ayaw ko pero nang ambang ihahampas na sa'kin ang walis tingting, dali dali na akong lumayas ng bahay. Hindi na siya nagulat nang makita niya ako sa labas ng school nila. Alam na niya agad ang dahilan kung bakit wala ako sa school ngayon. Hindi ko naman kasi gawain ang um-absent. "Hoy, bata. Gusto mo milktea?" tanong ko nang maaninag ang isang milk tea shop. Nagtayo na pala sila dito malapit sa gate ng baranggay. T
"Anong ginagawa mo dito?!" Dinuro ko siya ng toothpick. "Sinundan mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Ayoko nga ng stress, tapos makikita ko pa siya? Nasira na tuloy ang araw ko! Napatigil siya sa pagpupunas, ngumisi saka umiwas ng tingin. "Asa." Pinagmasdan ko siya. "Eh bakit nandito ka nga?" "Because as far as I know I'm free to go here whenever I want," sagot niya saka saglit lang akong sinulyapan. Lumapit siya nang bahagya sa stall. Nang magsalita siya upang mag-order ay tinignan lang siya ni ateng tindera dahil kausap pa din nito ang honeybunchsugarplum. Mukhang na-gets niya rin naman ang order niya kaya nagsimula na siyang maghanda. Napalingon ako kay Cadence nang bigla siyang nagsalita. "You should make your day productive, not like this. Clean your house, take care of your sister, help your mom, read a book, advanc
"Hindi ka mag-u-unli rice?" Umiling ako kay Carol. Nang uwian ay nagyaya sila Mia at Hannie na kumain sa sisigan malapit sa school namin. Madalas kasi silang kumain dito. Sulit na sulit raw ang singkwenta. Unli rice na, juice pa ang drinks nila. Madami pa silang maglagay ng sisig. Ayan ang sabi nila kaya napapayag kami ni Carol. "Ay, diet 'yan?" rinig kong tanong ni Mia. Siya ang kaharap ko sa mesa. Katabi naman niya si Hannie tapos si Carol katabi ko. "Anong diet? Walang gano'n," rinig kong sabat ni Hannie. Nagpatuloy ako sa pag-s-scroll sa f******k ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Natatae lang siya, guys." Kibit balikat ni Carol.
"Hi, Jude!" masigla kong bati sa kaniya paglabas niya pa lang ng room. Napatigil ito at kunot noo akong pinasadahan ng tingin."Excuse me? Who are you?" tanong nito. Palihim ko siyang inirapan at nanatiling kalma.May biglang umakbay dito na meztisong lalaki. "Ayos pre! May syota ka na pala!" Tinapik nito ang balikat habang nakatingin sa akin. Nang kumindat ito ay saglit kong nakalimutan ang pakay ko. Bakit ang gwapo ng nilalang na 'to?Pero ano daw? Syota?!"Hindi-""Whoop whoop~""Yieee, si Jude may girlfriend na!"Hindi na ako nakapagsalita dahil sunod sunod na lumabas ang mga classmate niya na nang-aasar. Gano'n din siya, speechless. Ang epic nga ng mukha niya!Nang makaalis na silang lahat ay doon lang ako nagkaroon ng pagkakataon para hilahin siya sa dulong hallway kung saan din siya dinala ni Yza kanina. Hindi naman siya agad nakatanggi dahil biglaan ang ginawa ko.
"Kung gusto mong patawarin ka ni Lord sa ginawa mong pagsisinungaling, kilayan mo 'ko." Tinapat ko ang pangkilay sa leeg ni Innie na parang handa kong tusukin ito sa leeg niya. Naistobro ko siya sa paglalagay ng face powder kaya dahan dahan itong umangat ng tingin sa akin saka malawak na ngumiti. "Akala mo nakalimutan ko na ang ginawa mong traydor ka? Neknek mo. Kaya kilayan mo 'ko!""Ah... hehe... oo ba! No problem!" Agad siyang tumayo at pinaupo ako sa upuan niya. Napangisi ako. Kahit na kating kati ang kamay kong sampalin siya ng kaliwa't kanan, mas pinili kong magtimpi at mag-take advantage na lang. Dahil kailangan kong bumalik sa normal na ginagawa ko, kailangan kong magpaganda.At si Innie ang isa sa mga maymagical handspagdating sa pagkikilay.Ibinaon
The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N
Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot
“Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.
Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son
“Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t
Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma
Tumango ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Unting unti ng dumadami ang mga tao. Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang inubos ang milk tea ko. “We’re not close dahil late ko na siyang nakilala, through eavesdropping pa.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ngunit natatawa. “Chismoso,” ani ko. Tumawa siya. Itinaas niya ang dalawang paa at pinatong sa tuhod ang dalawang braso niya. Nakalawit ang kamay. Malayo ang naging tingin niya at kalauna’y ginaya ko siya. “I was in high school that time when I overheard my parents and Aria’s parents talking in our living room. Cadence was also there. It was that day when I knew Cadence’s girlfriend got into an accident. I was shocked because I never thought he has a girlfriend. He’s an introvert, inside and outside of our house. Daddy niya lang ang kinakausap niya which is reasonable for us. Galit siya sa amin dahil pinalitan namin ang mommy niya. That day, they were talking about what really
Si Aria ang nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya ang nasa tabi ni Cadence noong nasa madilim na parte siya ng mundo. Nagsilbi siyang ilaw sa buhay nito. Ilang taon nilang minahal ang isa’t isa kaya alam kong malaki pa rin ang parte ni Aria sa puso niya.Hindi naman ako pinalaki ni mama para lang maging saling kitkit sa buhay ng tao. Pero… willing ako… willing akong akuin ang kaunting espasyo ni Aria sa puso niya kasi mahal na mahal ko siya.Pero tangina… wala akong karapatan. Hindi ko iyon tungkulin at hindi deserve ni Aria ang magkaroon ng kahati sa puso ng mahal niya. Hindi niya deserve na masaktan kapag nalaman niyang nagkaroon ng ibang girlfriend si Cadence habang nag-aagaw buhay siya sa hospital ng ilang taon.“L-Look at me…”Umiling ako habang patuloy sa paghikbi. Walang silbi ang paulit ulit kong pagpunas sa mukha ko dahil segu segundong bumabagsak na parang ulan ang luha sa mukha ko. Se
Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort.“’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq