Share

Mr. President Cheated That Day
Mr. President Cheated That Day
Author: brownladyyy

Chapter 1

Author: brownladyyy
last update Last Updated: 2021-08-15 16:43:39

"Oo, Millie, s-siya nga,"

Pumaywang ako habang tumatango kay Linda. Pinanliitan ko ng mata ang dalawang haliparot na nakaupo sa bench sa ibaba. Dito pa talagang naglalampungan. Tama ba 'yon sa mga single?

"Ihanda mo na ang armor," sabi ko habang pasama nang pasama ang tingin sa dalawa. Nakanang. Hindi yata na-inform na school ang pinasukan nila, hindi park. Kulang na lang mag-check-in sila sa hotel.

Kumunot ang noo ko nang wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Nang lumingon ako ay nakayuko na ito at pinaglalaruan ang kamay.

Nako kung papatagalin pa namin 'to, maabutan kami ng susunod na klase! 30 minutes lang ang breaktime namin kaya dapat maging matagumpay ito! Mabuti na lang iilan lang kaming nasa room. Kaunti lang ang makakasaksi sa panibagong kalokohan ko.

"Anong tinutunganga mo d'yan? Napalitan na ba ang gagamitin nating armor? Baba mo na ba? Oh akin na, matulis naman.” Sinenyasan ko siya na lumapit pero nanatili siyang tuod sa pwesto niya. Umangat lang ito ng tingin. Ano ba naman 'to!

"M-Millie... s-sigurado ka na ba? S-She's Crizalda Montemayor. Ang anak ng-"

Mas lalong sumama ang mukha ko. Biglang kumulo ang dugo ko from head to toe. Siguro kung may period lang ako ngayon, isang nagbabagang dugo bubulwak sa akin. Humakbang ako palapit sa kaniya. Tinuktukan ko ang malapad niyang noo. "Ngayon natatakot ka ng gantihan ang gagang 'yun dahil ngayon lang nag-sink in sa maliit mong kukute na anak siya ng ISANG DEAN?! Saka ikaw ang humingi ng tulong sa'kin para mapuksa ang insekto na 'yun, tapos ngayon mag-ba-back out ka?!" Pumaywang ako sa harap niya.

Napayuko na naman ito. Argh! Letse naman!

"Bahala ka diyan!"

Kinuha ko ang basurahan na nasa tabi niya at saka humarap muli sa bintana para masulyapan ang dalawa sa ibaba kahit na masakit sa mata.

Ayokong umatras sa laban na 'to. Planado na ang lahat. Isasagawa na lang. Saka kung susundin ko siya, magiging balewala ang plano ko.

Bumwelo na ako. Itatapon ko lang talaga ang basurang hawak ko at kapag hindi ako nakuntento syempre hindi ako titigil!

Mariin ko silang tinitigan. Nakuha pa nilang magyakapan. Talagang tinakasan na sila ng hiya sa katawan. Mga tanga lagot kayo sa akin! B****a naman yayakap sa inyo! Isang mang-aagaw ng jowa at isang nagpa-agaw.

Itinaas ko na ang b****ahan na punong puno ng b****a. Since breaktime na, madaming estudyante ang nagkalat sa ibaba kaya siguradong masasaksihan nila ang gagawin ko. Hindi na ako nagpatumpik tumpik pa, baka umentra pa si Linda kaya mabilis ko nang itinapon ang b****a sa ibaba.

BOOM.

Sakto at hindi sumablay!

"Yes!" Success!

Mabilis na naglapitan ang ilang kaklase ko sa bintana. Tawang tawa ang iba at proud pa sa ginawa ko. Nakakainis lang talaga dahil may iilan na ang sama na naman ng tingin sa akin. Sinamaan ko din sila ng tingin. Ganiyan talaga, may mga taong ayaw sa’yo. Kahit nga wala ka pang gawin, naiinis na sila sa’yo. Pwe.

Mabilis na lumayo ang dalawa sa isa't isa. Sabay silang tumayo at tumingala sa floor namin. Maski ang ilang estuydanteng nakasaksi sa ibaba ay tumigil saka lumingon sa amin.

"MILLIE!"

Tumakbo palapit sa akin si Linda at tumingin sa ibaba. Napatakip ito sa bibig nang lumingon sa akin. Umiling siya bago kumaripas ng takbo at iniwan ako.

Umirap lang ako sa hangin.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM?!" dinig kong sigaw ni Criza kaya bumalik ang tingin ko sa kanila. Tinatanggal na niya ang b****ang dumikit sa uniform niya. Habang ang lalaki naman ay busy sa pagpunas ng ilang likidong dumikit sa uniform niya. Nagkalat ang b****a sa buong paligid. May sumabit pa sa puno at napunta sa mga halaman.

Napangisi ako habang pinagmamasdan sila. Walang pinagkaiba sa b****a!

Nagsimula ng magbulungan ang mga estudyante at maglabasan ng kani-kanilang phone upang i-video ang nangyayari. Tama iyan!

“I'LL TELL YOU TO MY DAD! YOU B*TCH!" muli niyang sigaw.

Saglit akong natawa."Ang sakit niyo kasi sa mata. Hindi ko lang natis. Kumusta? Mabaho ba? Wala naman pinagkaiba iyan sa ugali niyong dalawa.” Ngisi ko.

Bineletan ko pa siya para mas lalo siyang mainis. I won kaya para mas maging intense ang pangyayari, sunod kong itinapon 'yung pangalawang batch kung saan mas marami ito kumpara nung nauna. B****a 'to ng kabilang room. Halatang walang basurahan sa bahay kaya dito naghahasik ng mga kalat nila. Mga balahura.

Patuloy lang ako sa pag-make face sa kanila. Inis na inis si bruha at wala naman pakialam ang lalaki. Pinipigilan niya pa si Criza na magwala. Hindi siya maawat noong una pero nang maagaw ang atensyon nilang dalawa sa bagong dating ay agad na tumakbo si Criza doon.

"Millie! Si Cadence! Bagong president! Tapos ka na, baliw!” Tapik sa akin ng kaklase kong si Dorothy. Tinuro niya ang lalaking naglalakad palapit sa dalawang binuhusan ko ng b****a. May kasunod ito sa likuran na isang lalaki at babae. Saglit na kumunot ang noo ko.

"Bagong president?” Hawak ko pa din ang trashbin habang nakatingin dun sa lalaking nakasalamin na matangkad. Presidente ng student council? Siya ba ang nanalo?

Biglang tumahimik ang lahat at unting-unti nagsialisan sa ibaba.

Seryoso ang awra nito nang tumigil sa harp ni Criza.

"C-Cadence!"

Napamura ako sa hangin nang biglang ngumuwang parang tyanak si Criza sa harap niya. Mukhang close sila, ah!

Pinasadahan niya ito ng tingin. Gayundin ang lalaking nananahimik sa likod ni Criza. Pagkatapos ay lumipat ang tingin sa paligid na puno na ngayon ng b****a.

Napahilot ito sa sentido. Tumaas ang kilay nito. "What's this chaos all about?!" Nagsilabasan ang litid nito sa ulo na siyang nagpamula sa buong mukha niya.

Pakingshet. Nag-iba na talaga ang presidente at mas maawtoridad ang boses nito kumpara kay Barunggong. 

At hindi talaga nagdalawang isip si Criza na ituro ako. Sabay sabay silang tumingala.

Mas lalong sumama ang mukha ng lalaki nang magtama ang paningin naming dalawa. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Hindi porke’t may itsura ka, mapapaamo mo na ako!

"YOU!" Turo niya sa akin. "IN.OSC.NOW!" may diin ang bawat sigaw niya kaya nagulat ang mga kaklase ko at nagmadaling nagsialisan sa bintana saka bumalik sa kanilang mga upuan.

(OSC- Office of Student Council)

"Millie! Suko ka na! Deds ka d'yan!"

"He's not what you think! He's scary than Barunggong!

"Magtago ka na, ngayon pa lang!”

Bakit ba ako nagkaroon ng mga kaklaseng mga duwag?!

Hindi ko sila pinansin at nakipaglaban pa ako ng titigan sa kaniya. Sorry siya, hindi niya ako mapipigilan.

Pinatong ko sa upuan ang trashbin para ayusin muna ang sarili ko. Nang sumilay ang ngisi ko sa mukha ay hudyat na iyon na ang huling bala ko sa laban na ito.

"MAMA MO OSC!"

Hinagis ko ang bin at hindi ko inasahan ang sunod na nangyari. Nanlaki ang mata ko nang sumuot ito sa ulo ng lalaki. Wala naman akong babatuhin! Pantakot lang iyon pero bakit hindi kasi siya umilag?!

Mas lalong nagulat ang mga tao sa ibaba. Agad siyang tinulungan ng kaniyang mga alila sa pagtanggal ng bin sa ulo. Nang matanggal ay natawa ako. Dumikit ang ilang natirang maliit na kalat sa buhok niya. May mga likido ding tumutulo mula sa ulo at uniform nito. Mukhang siyang pulubi! Pfft!

Sari-saring mura ang natanggap ko sa mga kaklase ko. Pero 'yung iba ay natatawa din sa itsura niya ngayon.

Pero...

"Shet."

Tumigil ako sa pagtawa nang magsimula na itong magmartsa papasok sa building namin. 

Lagot na ako!

Mabilis na akong tumalikod upang maghanap ng tataguan ko.

"Lagot ka na naman sa nanay mo," dinig kong sabi ni Caroline na prenteng nakaupo lang sa gilid habang nagkukutkot ng maduming daliri.

"Mas lagot ka sa'kin kapag sinumbong mo 'ko!"

Kumaripas na ako takbo palabas nang mapagtanto kong wala akong matataguan sa room naming maliit at mabaho. Ano nga ba ang aasahan ko sa room namin?! Hindi din naman ako tutulungan ng bestfriend ko! Kung nanidto lang sina Mia at Hannie, sila ang tutulong sa akin!

Paglabas ko ay agad akong umakyat ng 4th floor. Pero talaga naman, nakakandado ang mini gate doon. Bwisit!

Muli akong bumaba at tinahak ang hallway namin. Kumaway pa ang ibang mga kaklase ko at good luck daw sa akin. Mga siraulo talaga!

Nang lumiko ako ay automatic akong napatigil.

Saktong nakita ko ang aking love of my life na paakyat sa floor namin.

Nanlaki ang maganda kong mata. Bigla tuloy akong napatingin sa itsura ko. Agad kong pinunasan ang buong mukha ko at iginilid sa tainga ang mga harang na hibla sa mukha ko. Mahirap na kapag nagkamalan akong dugyot!

Magpapakyut lang naman ako sa kaniya tapos gogora na ako agad!

Nang makatungtong na siya floor namin ay agad siyang nag-angat ng tingin. For the 2nd time, hindi lang nanlaki ang mata ko kundi napanganga din ako nang ngumiti siya!

Ngumiti siya sa akin! I swear! Hindi ako assumera!

At...

Papalapit siya sa akin....

Pakshet! Totoo ba 'to, G?! Hindi ako nananaginip?!

KAILANGAN KO NG BUMILI NG WEDDING GOWN.

Kahit anong pigil ko upang kumalma ay patuloy pa din ang paa ko sa pag-indak sa kilig. Halos dumugo na nga ang labi ko sa sobrang pagpipigil ko. Bawat kalamnan ko ay nag-te-twerk na din sa kilig at saya.

ILAN KAYA GUSTO NIYANG ANAK? Ako, okay na sa lima!

Napapikit ako nang tumigil siya sa harap ko. Hindi ako handa sa liwanag na dala niya. Nakakasilaw. Pati ang pabango niya, sumusuot sa lahat ng butas ng katawan ko. Tila'y gusto akong angkinin. Argh! Hindi naman ako magpapapigil!

"You're from Humss-B, right?"

Mabilis akong napadilat. Hindi lang niya akong nginitian. Kinakausap din ako ng isang Calum Montenegro?!

Mabilis akong tumango. "O-Oo, Celem," pabebe kong sagot saka mahinhin na inipit ang buhok sa tainga ko.

His body. His face. His smile. His voice. His clothes. His shoes.

Wala akong mapintasan.

Tumawa siya at lumabas ang dalawang dimples nito na laging dahilan upang maging mas maliwanag ang paligid.

Kakaiba. Wala siyang pinagbago. 2 years ko na siyang crush at patuloy niya pa din akong binabaliw sa mga simpleng kilos niya. Vice President na outstanding student pa. Halos nasa kaniya na lahat. 

2 years na din akong humihiling kay G na mapa sa'kin ang lalaking 'to. Kaya lang hanggang ngayon hiling pa din. Pangarap ko pa din siya!

"All right. I'm glad I've bumped into you. I just need someone from that class. So, if you don't mind, can we go to OSC right now?" nakangiti niyang tanong.

Hala. Nagpapakyot ba siya sakin?!

"Kahit sa langit pa, basta ikaw ang kasama."

"Ha?"

Hatdog.

Umiling ako at ngumiti. "Tara?" Pakasal na us?

Pagbaba namin ay bumungad agad ang OSC. Pagpasok namin sinalubong ako ng maiitim na awra na nanggagaling sa mga officers? Base sa mga pin na nasa uniform nila, sila ang bagong officers ng student council. Wala man lang akong ideya.

Para tuloy akong takas na preso tapos muling nahuli. Bakit nakataas ang kilay at masama ang tingin nilang lahat sa akin?!

Taasan ko nga din ng kilay. Attitude ah!

Nang makuha ng isang lalaking tumayo mula kinauupuan nito ang atensyon ko ay napa-ayos ako ng tindig.

Nanlaki na naman ang beautiful eyes ko.

Lumingon ako kay Calum. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Umawang ang labi ko nang maglakad ito patungo sa tabi ng ibang mga officers. Bale mga anim silang hindi ko kilala na nakatayo sa tabi ng lalaking tumayo kanina. Syempre si Calum, my baby, siya lang ang kilala ko. 

Si Calum lang ang talagang alam kong tatakbo for VP, last year pa. Kaya hindi ko na kilala ang iba. Lalo na ang naging bagong presidente. Ngayon ko lang siya nakita. Mas intimidating ang aura niya. Kala mo naman gwapo, pwe.

Well, sige, totoo naman na may itsura siya. Pero nakakainis pa rin siya!

Isa-isa ko silang sinamaan ng tingin. Mukhang na-set up ako. 

Tumigil ang tingin ko kay Calum. "Pasalamat ka, mahal kita," bulong ko sabay irap.

Related chapters

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 2

    "So, you're Layla?" tanong niya. Nakataas ang kilay nito, seryoso ang tingin sa akin habang magka-intertwined ang kamay na nakatapong sa isang folder na sa tingin ko ay record ko. Mataray ko siyang pinagmasdan. Mukha siyang paltos na sinabuyan ng harina sa sobrang puti. Halatang may lahi. Matangos ang kaniyang ilong. May manipis at mapula itong labi. May suot itong salamin na parang wala naman grado. Design? Nakahati sa gilid ang kaniyang buhok habang naka-wax pa. Malinis at talagang karespe respetado ang kaniyang datingan. Aminado akong gwapo siya pero hindi iyon sapat para mahumaling sa kaniya. Tss. Never. Lalo na kung nakaka-intimidate ang aura niya. Halatang hindi kami magkakasundo ng taong 'to. Well, kahit presidente pa siya, wala akong paki. Siguro kung katulad lang ako ng iba, manginginig na ako sa takot sa paraan pa lang ng tingin niya pero hindi 'e. Simula nang tumungtong ako ng senior high, wala na akong kinatatakutan. "Millie na lan

    Last Updated : 2021-08-15
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 3

    "Iyang underwear mo, labhan mo agad! 'Wag mo ng isama 'yan sa labahan!" sigaw ng nanay ko sa labas. Umagang umaga sumisigaw. Dapat talagang gawing soundproof ang banyo namin. Hindi ako maka-focus sa pagligo."Opo!" Muli kong binuksan ang shower saka nagpatuloy sa pagligo. Wala naman na akong nakuhang sagot sa kaniya. Matapos kong maglagay ng conditioner ay naghilod muna ako. Isang linggo kasi akong walang hilod at alam kong sangkatutak na ang libag ko sa katawan. Nakakahiya naman kay Calum.Habang naghihilod ay gawain ko na ring bumirit. Nagiging dance at recording studio ko na nga ang banyo namin kapag naliligo. Dito ko lang kasi nalalabas ang talent ko.Siguro lahat naman tayo?Napatigil ako sa sunod sunod na katok. Sinigawan ko kung sino 'yun."Ate! Dalian mo naman! Nasa dulo na ng pwet ko 'yung tae!" Si Lyle pala. Kapatid ko."Edi hilahin mo para hindi ka na umire!" Nilakasan ko na ang shower dahil magbabanlaw na ako. Napakaepal talaga ng

    Last Updated : 2021-08-16
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 4

    “Bruha, sa tingin mo single ang bagong presidente ng student council?” bulong ni Carol saka niya ako siniko. Oras ng klase pero palihim niya akong dinadaldal. Nasa second to the last naman kami nakaupo kaya kampante akong hindi kami agad mahuhuli ni Sir Gardon na kasalukuyang nagtuturo ng Pol sci. Pero sumulyap pa rin ako sa kaniya bago ako lumapit ng kaunti kay Carol. “Imposible. Sa itsura niya pa lang, alam kong marami na siyang napaiyak at may jowa ‘yun ngayon,” wika ko saka ipinagpatuloy ang pag-do-doodle sa likod ng binder ko. Playboy. Ayan ang tamang tawag sa kaniya. Sa mukhang ‘yun? Single? Inosente sa relasyon? Utut. “Hindi ba sa inyo nakarating ang magandang balita?” Sabay kaming napalingon sa likuran ni Carol. Inusog pala ni Hannie ang upuan niya palapit sa amin. “No girlfriend since birth si Pres!” malakas niyang bulong. Nagkatinginan kami ni Carol. Tumaas ang kilay niya. Siya umeschos dito. “Talaga? Sa gwapo niyang ‘yun, NG

    Last Updated : 2021-08-18
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 5

    "Kailan ka pa naging wonder woman?! May bayad ka ba, ah?! Alam mo bang muntik na akong atakihin nang malaman ko ang nangyari sa'yo! Bakit kasi sumugod ka pa do'n?!" Nagkasalubong kami ni Carol sa hallway dahil papunta siya sa clinic para kumustahin ako. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit tapos inalalayan ako papasok sa room. Medyo iika ika kasi akong maglakad buhat ng masakit pa ang katawan ko. Pagkatapos ko kasing makausap si Cadence, hindi na rin ako nagtagal sa clinic. Nag-walk out na ako. Ayoko ng marinig ang iba pa niyang sasabihin. Wala naman kwenta. Nakakawalang gana lang. Makita nga lang siya, nasusuka na ako. Matagalan pa kaya ng tingin sa kaniya? Naiinis ako dahil naiwan ko pa ang jacket ni Calum! Kaya nag-tuck in na lang ako para hindi mahalata ang butas sa uniporme ko sa likod. Bwisit kasi 'yang Cadence! Mabuti na lang walang teacher. Bakante pala ang oras namin ngayon. Hay, mukhang kailangan kong tiisin ang sakit ng katawan hangg

    Last Updated : 2021-08-23
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 6

    "Hindi ako ang nauna! Sila!" Turo ko sa apat na tiyanak na katabi ko. Sinamaan ko ng tingin ang apat na tiyanak sa tabi ko. Lahat sila nakayuko na animo'y mga inosente. Sa ginagawa nilang pagpapanggap, malamang ako ang dehado sa huli. Lalo pa't mas mukha silang kaawa awa sa lagay nila habang ako ay kaunting ayos lang, babalik na ako sa dati. "Sino nga ba naman ako para paniwalaan mo?" bulong ko. Sandali kong natikom ang bibig nang dumapo sa akin ang seryosong tingin ni Ma'am Rosyl. Pinandilatan ako ng mata ni Cadence kaya inirapan ko siya. Bumuga ako ng hininga saka sumandal sa upuan nang wala na akong magawa kundi ang tumahimik. Bahagya pa akong napangiwi nang kumirot ang likuran ko. Hindi pa nga magaling, nadagdagan na naman ng sakit.

    Last Updated : 2021-08-24
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 7

    "Ah suspended," Poker face akong tumingin sa kapatid kong nangunguna sa akin sa paglalakad. Parang wala siyang kasama at talagang hindi nya ako sinasabayan sa paglalakad. Kung hindi lang ako natakot sa walis tingting ni mama, hindi ko susunduin ang kuto na 'to. Inutusan niya kasi ako na sunduin si Lyle, nagpumilit ako na ayaw ko pero nang ambang ihahampas na sa'kin ang walis tingting, dali dali na akong lumayas ng bahay. Hindi na siya nagulat nang makita niya ako sa labas ng school nila. Alam na niya agad ang dahilan kung bakit wala ako sa school ngayon. Hindi ko naman kasi gawain ang um-absent. "Hoy, bata. Gusto mo milktea?" tanong ko nang maaninag ang isang milk tea shop. Nagtayo na pala sila dito malapit sa gate ng baranggay. T

    Last Updated : 2021-09-04
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 8

    "Anong ginagawa mo dito?!" Dinuro ko siya ng toothpick. "Sinundan mo ba ako?" Pinanlakihan ko siya ng mata. Hindi ko talaga inaasahan na makikita ko siya dito. Ayoko nga ng stress, tapos makikita ko pa siya? Nasira na tuloy ang araw ko! Napatigil siya sa pagpupunas, ngumisi saka umiwas ng tingin. "Asa." Pinagmasdan ko siya. "Eh bakit nandito ka nga?" "Because as far as I know I'm free to go here whenever I want," sagot niya saka saglit lang akong sinulyapan. Lumapit siya nang bahagya sa stall. Nang magsalita siya upang mag-order ay tinignan lang siya ni ateng tindera dahil kausap pa din nito ang honeybunchsugarplum. Mukhang na-gets niya rin naman ang order niya kaya nagsimula na siyang maghanda. Napalingon ako kay Cadence nang bigla siyang nagsalita. "You should make your day productive, not like this. Clean your house, take care of your sister, help your mom, read a book, advanc

    Last Updated : 2021-09-07
  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 9

    "Hindi ka mag-u-unli rice?" Umiling ako kay Carol. Nang uwian ay nagyaya sila Mia at Hannie na kumain sa sisigan malapit sa school namin. Madalas kasi silang kumain dito. Sulit na sulit raw ang singkwenta. Unli rice na, juice pa ang drinks nila. Madami pa silang maglagay ng sisig. Ayan ang sabi nila kaya napapayag kami ni Carol. "Ay, diet 'yan?" rinig kong tanong ni Mia. Siya ang kaharap ko sa mesa. Katabi naman niya si Hannie tapos si Carol katabi ko. "Anong diet? Walang gano'n," rinig kong sabat ni Hannie. Nagpatuloy ako sa pag-s-scroll sa f******k ko habang nakapangalumbaba sa mesa. "Natatae lang siya, guys." Kibit balikat ni Carol.

    Last Updated : 2021-09-13

Latest chapter

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 2)

    The ambiance was getting lighter and lighter as their chitchat got longer. The four suddenly lost in their world to catch up with each other’s life. Tila’y kulang pa ang isang araw para sa kwentuhan nilang apat sa mga nangyari sa loob ng apat na taon. They also told each other’s plans for the future or did they even wanted to get married. While the three are happily telling their plans, Millie is only smiling the whole time. She wanted to get married. She wanted to have children. But how will that happen kung single pa rin siya hanggang ngayon? Kung mahal na mahal niya pa rin ang nakaraan? She knew her wound had already healed. Wala na siyang pait na nararamdaman sa nakaraan. Gusto na niya lang itong patawarin. Sa apat na taon na nagdaan, wala naman siyang ibang ginawa kundi pagpahingain ang puso. She also tried to forget him, but she failed. Iniisip niya pa lang na kalimutan ito, hindi na niya magawa. Cadence left a huge space in her heart. N

  • Mr. President Cheated That Day   Epilogue (Pt 1)

    Nobody’s perfect. Nothing is perfect. Even love that makes everything in its place is flawless. There will be times when things won’t fit in their respective place. There will be chaos. We will doubt. We will get hurt. We will fight weak, and people will leave us in the middle of a battle. But how ironic that even love makes us tired; we keep trying to love and be loved. Love may be flawless, yet it is one of the beautiful things in the world. Hindi napagbigyan ang kahilingan ni Cadence na magkaroon ng second chance ang pagmamahalan nila ni Millie. It’s because of one reason—she was drained. She’s tired. Iniisip niya na baka lalong masira sila kung susubok pang muli si Millie. Cadence got no choice but to accept her decision. She has a point after all. Why you will tumble into a battle restless and weak? Hindi ba’t sa huli, hindi ka rin makakaligtas? You will die right away because you’re too weak to fight against the enemy. You’re too weak to hold a sword. On the ot

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 56

    “Congratulations, Pres!” People who pass by greet me as soon as they see me. I greeted them back with a genuine smile. While making my way through the venue, I couldn’t help but wander my eyes around. As expected, everybody’s excited while doing an errand. Wearing their best dresses and polo, with toga’s on, we’re all going to leave this place together, indeed. They are scattered all over the lobby. May nag-pi-picture taking, may kinakausap ng teachers, and some are crying… tears of joy? I hope. After six years in high school, finally, we will be able to step out of our little zone. This is not the end. This is just the beginning of our life or maybe another chapter. Then, after four years of college, it will be another chapter of our life. Life is life, indeed. It will continue to evolve as years passes by. I just hope that when it’s another chapter of my life, I’m now with her… My feet automatically stop halfway as soon as my eyes spot her with her friends.

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 55

    Cadence's POV “L-Lou?” Aria immediately got up as soon as she saw me. “You’re here?” Her eyes widened as if she saw a ghost or something. Palipat lipat ang tingin niya sa akin at sa parents niya na nasa likuran ko. After a while, they left us para makapag-usap kami. Confused and shocked still registered on her face. I shook my head while a smile lingered on my face. I placed the flower I brought on my way on the side table. I also noticed some fresh flowers. Nasa sahig na nga ‘yung iba dahil sa sobrang dami. A lot of people must have visited her before me. I’m glad that she still got people who have loved her through the years. Who would forget this woman? Her existence has a significant impact on everyone’s lives. Suddenly, I remember how we started. I was 12 when I prison myself in my zone. I got a broken family when my mom caught my dad cheating. So, my mom left for Canada. I was left with my father until his affair and son

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 54

    “Look how my wish become true in an instant.”Pinagmasdan niya ang sarili saka umiling. Napatingin din ako sa wheelchair niya na nakatiklop sa tabi niya, sa gilid. Bigla akong nalungkot. Dahil malala ang natamo niya, hindi pa niya mailakad nang maayos ang mga paa. Kakailnganan niya pa ng wheelchair pansamantala. Mabuti nga't may pag-asa pa siyang makalakad. 'Yung mga napapanood ko kasi, forever na silang naka-wheel chair. Mas nakakalungkot iyon.“As soon as I woke up, I looked for Cadence. Siya kasi ang huling nasa isip ko before I slept for too long. But he’s not around,” lumungkot ang boses niya.Tumango ako. Sumubo ako ng pasta. Kaunti lang ang tao sa resto kaya payapa kaming nakakapag-usap. Mayroon pang mabagal na kanta sa paligid. "When I realized Cadence was nowhere to be found, I suddenly burst out of crying in front of my parents. I begged them na I needed to see him, to talk to him. Even it seems like it was against t

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 53

    Nagtuloy tuloy ang normal na buhay ko hanggang sa sumapit ang Marso. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpokus sa pag-aaral. Tinutulungan ako ng mga kaibigan ko kapag nakikita nila na nawawala na naman ako sa sarili, meaning kung nalulugmok ako sa lungkot dahil naiisip ko ang natapos naming relasyon. Kasi hanggang ngayon, kumikirot pa rin ang puso ko sa t’wing naaalala ko siya. Gustuhin ko mang iwasan siya, hindi ko magawa. Araw araw ko siyang nakikita. Ngayon ko lang napagtanto na ang liit pala ang eskwelahan namin.Kung nasaan ako, nakikita ko siya, naririnig ko siya.Kahit wala siya, siya pa rin ang bukambibig ng paligid.Kaya kung gusto kong mawala siya sa sistema at buhay ko, kailangan kong um-absent. Hindi ko naman magawa dahil kailangan kong mag-comply sa requirements ng mga guro para makasama ako sa graduation.Hindi ko naman pwedeng isakripisyo ang graduation ko dahil lang sa kaniya. Sino ba siya? Isa lang naman siyang cheater, ma

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 52

    Tumango ako at ibinalik ang tingin sa unahan. Unting unti ng dumadami ang mga tao. Hindi ako sumagot. Tahimik ko lang inubos ang milk tea ko. “We’re not close dahil late ko na siyang nakilala, through eavesdropping pa.” Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakakunot ang noo ngunit natatawa. “Chismoso,” ani ko. Tumawa siya. Itinaas niya ang dalawang paa at pinatong sa tuhod ang dalawang braso niya. Nakalawit ang kamay. Malayo ang naging tingin niya at kalauna’y ginaya ko siya. “I was in high school that time when I overheard my parents and Aria’s parents talking in our living room. Cadence was also there. It was that day when I knew Cadence’s girlfriend got into an accident. I was shocked because I never thought he has a girlfriend. He’s an introvert, inside and outside of our house. Daddy niya lang ang kinakausap niya which is reasonable for us. Galit siya sa amin dahil pinalitan namin ang mommy niya. That day, they were talking about what really

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 51

    Si Aria ang nagturo sa kaniya kung paano magmahal. Siya ang nasa tabi ni Cadence noong nasa madilim na parte siya ng mundo. Nagsilbi siyang ilaw sa buhay nito. Ilang taon nilang minahal ang isa’t isa kaya alam kong malaki pa rin ang parte ni Aria sa puso niya.Hindi naman ako pinalaki ni mama para lang maging saling kitkit sa buhay ng tao. Pero… willing ako… willing akong akuin ang kaunting espasyo ni Aria sa puso niya kasi mahal na mahal ko siya.Pero tangina… wala akong karapatan. Hindi ko iyon tungkulin at hindi deserve ni Aria ang magkaroon ng kahati sa puso ng mahal niya. Hindi niya deserve na masaktan kapag nalaman niyang nagkaroon ng ibang girlfriend si Cadence habang nag-aagaw buhay siya sa hospital ng ilang taon.“L-Look at me…”Umiling ako habang patuloy sa paghikbi. Walang silbi ang paulit ulit kong pagpunas sa mukha ko dahil segu segundong bumabagsak na parang ulan ang luha sa mukha ko. Se

  • Mr. President Cheated That Day   Chapter 50

    Kung nakatayo lang ako, siguradong matutumba ako sa mga nalalaman ko. Wala talagang taong perkpekto. Ang taong inakala kong perkepto mula ulo hanggang paa ay siya pala ang may madilim na nakaraan sa amin. Sumandal na lang ako saka pumikit. Naramdaman ko ang mahinang pagtapik ni Carol sa akin na sinusubukan akong i-comfort.“’Yung mga oras na dapat kasama niyo ako, pero dinadahilan ko na may emergency sa bahay o pumunta ako sa bahay ng lola ko… hindi totoo ang lahat ng iyon.”“Kasi nag-i-imbestiga ka,” sabat ni Carol.Narinig ko ang mahinang tawa ni Mia. “Oo. Saka hindi ko na kayang makita si Cadence noong mga oras na iyon. Mas lumalaki lang ang duda ko sa kaniya. Baka kapag sumama pa ako sa inyo, may masabi ako na gugulantang sa inyo. Nagkaroon naman ako ng lakas na sabihin sa’yo ang lahat pero iyon ang araw na dinala ka niya sa beach upang bumawi sa naging kasalanan niya. Kaya hindi ko na nagawa…&rdq

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status