Kaagad niyang niyakap si Dulce. Nagtatalunan silang dalawa at nag iiyakan."Kumusta ka na? bakit mo ako blinocked" tanong nito sa kanya."Mahabang istorya. saka ko na ikukwento sayo. Kumusta po kayo tita Ludy""Sabi ko na nga ba, ang ending sa anak ko pa rin ikaw mapupunta" niyakap siya nito "paayaw ayaw ka pa ha." biro pa ng matanda."Kaya nga po eh.. kumusta na po kayo?" tanong niyang ginantihan ng yakap ang ina ni Bernard."Naku, ito ,masayang masaya. Nakita ko na ulit ang mag ama ko""Ang swerte no Dulce" sabi niya "hindi ka pinabayaan ni Lord""Maswerte nga ako, tapos kasundo kp pa amg magiging hipag ko, san ka pa!" sagot nito."Kamag anak nyo ko" tawag ni Bernard sa dalawang babae."Ay, nagtampo ang binata ko" nilapitan ni tita Ludy si Bernard. Hinalikan sa pisngi."Kuya" yumakap din si Dulce dito "baka awayin mo na naman tong hipag ko ha. Itatakwil kita.""Hindi no, mahal ko kaya yan" inakbayan siya ng ni Bernard."Mama ko po pala" pakilala niya sa kanyang ina "mga kapatid ko p
"Congrats Marie.. ikakasal ka na pala" bati sa kanya ni Ericka."Nakakahiya nga po ma'am, kasi baka mapadalas ang pag absent ko kasi po mag aayos ako ng papers.""Okay lang yun, naiintindihan naman kita. Kumusta naman?""Masaya po ma'am. Nandyan po pala ang mga kapatid at nanay ko, pasensiya na po kayo at biglaan lang sila napadalaw.""Okay lang yun. Mas okay nga na hindi nawawalan ng tao sa bahay eh. Madali kasing maaira ang bahay kapag walang nakatira.""Kukunin ko kayong abay ma'am. Sigurado namang si sir ang Best man ni Bernard.""Okay sakin yan.. saan ba ako assign?""Siyempre po maid of honor.""Eh paano si Dulce?""Dalawa kasi sila ni Flor kaya po hindi ko na rin sila nilagay sa maid of honor, candle po sila saka veil.""Masaya ako para sayo Marie..""Salamat po ma'am.""Sana, magtino na talaga ang Bernardong yan.""Thank you po pala, ma'am" naluluha niyang sabi."Bakit ka nagpapasalamat?""Kasi po kung hinsi niyo siya inayawan, baka wala siya sakin ngayon.""Sus.. di ko talaga
"Anong nangyayari dito?" nakakunot ang noo ni Ericka papalapit sa table niya kasunod ang dalawang lalaki. "May meeting dito na hindi namin alam?""Ma'am totoo po bang ikakasal na si Marie?" tanong ni Orlan. "kinicongratulate lang po namin.""At kaninong makating dila naman nanggaling ang balitang yan?" nakataas ang kilay ng boss nilang babae."Narinig lang po namin ma'am" sagot ni Monet."Kayo.. nakikinig kayo ng usapan namin?" tanong ni Monte."Hindi naman po sir" sagot ni Monet "naulinigan lang po namin.""Tutal naman, narinig niyo na rin, oo, ikakasal siya, ano, magreregalo ba kayo?" sagot ni Ericka."Ah.. opo Ma'am" mabilis na sagot ni Monet "eh di kailangan nyo na ng bagong secretary habang pwede pang turuan ni Marie?""At bakit ako hahanap ng bagong secretary?" nakapameywang si Ericka ng sagutin si Monet. Waring naiirita na ang boss niya sa usapang iyon."Kasi aa Japan na po siya titira, hindi ba?" sagot naman ni Orlan.Hindi na nakatiis si Bernard kaya nakisawsaw na rin ito."B
Abala sila ni Bernard sa pag aasikaso ng kasal nila. Tulad ng request ng kanyang biyenang hilaw, dinala nila ang kanyang ina at mga kapatid sa bahay ng mga ito. Lalong humanga ang mga kapatid sa hitsura ng bahay ng lalaki."Ang laki ng hardin nyo.. wow may pool.. pwede po maligo?" paalam ni Vahn."Oo naman, sige lang mag enjoy kayo" sagot ni tita Ludy. "magpapahanda ako ng pagkain.""Nasaan si Dulce?" tanong niya sa nobyo."May bahay siya, pumupunta lang siya dito kapag walang ginagawa. Pero si mama, halos doon na tumitira sa kanila. Binibiro pa nga namin ni Dulce na baka magkaroon kami ng bagong kapatid."Napahalakhak naman siya sa sinabi nito. Hindi niya akalaing puro kalokohan pala ang alam ng lalaking ito."Loko loko ka.. nakakahiya" sabi niya dito. "ang ganda ng bahay nyo..""Bahay natin" pagkocorrect nito "ititira kita dito kapag ikinasal na tayo.""Ha? eh malapit ang trabaho ko dun kina ma'am" sagot niya dito."Kailangan, aasikasuhin mo ang asawa mo di ba? pwede naman sina Marl
POV: BernardMay naiisip na naman siyang kalokohan.Habang sumisilip si Marie sa bintana, at tinatanaw ang labas ng bakuran, napatingin siya sa katawan nitong nakatalikod.Ang magandang pigura ng babae na maaaring marami ang nagpapantasya, ay siya ang umaangkin at aangkin pa hanggang sa huli. Minamarkahan niya ang babaeng ito bilang "private property."Bumuntong hininga siya ng malalim, at saka napangiti. Hindi niya akalaing ito ang magpapatino sa kanya. Sa dinami dami ng babaeng nakilala niya.Pinihit niya ang lock ng pinto. Napaigtad ang dalaga saka siya nilingon."Anong ginagawa mo?" tanong nito sa kanya na nakangiti. Marahil ay kinakabahan ito, dahil papagurin na naman niya ito. Niyakap niya ito buhat sa likod, saka sinapo ang mga dibdib ng dalaga na bahagya pang napapikit."Aangkinin kita dito, sa sarili kong pamamahay" bulong niya dito."Paano mo ako itotour niyan kung ako ang aatupagin mo?" natatawang sabi pa nito.Hinalik halikan niya ito sa batok at leeg, saka sa punong teng
POV: MarieHanda na ang lahat para sa kanilang kasal. Pati mga abay at sponsors ay nasabihan na rin. Ang kulang na lang ay ang araw ng kaganapan ng kanilang kasal.Nagpaalam si Bernard na pupunta muna sa U.S para personal na masabihan ang mga kamag anak na naroroon. Nag alala siya bigla."Di ba may kasabihanh wag magbiyahe madalas ang ikakasal?" sabi niya dito habang kumakain sila. Nasa bahay sila ni Bernard. Wala doon ina ng lalaki dahil pinuntahan si Dulce dahil may sakit ito."Naku mahal, wag kang masyadong maniwala sa ganun, hindi yan totoo." nakangiting sagot nito sa kanya."Wala namang masamang maniwala hindi ba?" sagot niya dito."Mahal.." hinawakan ni Bernard ang kamay niya "okay lang ako. Ikaw ang laging mag iingat.""Dapat sayo ako mag ingat" wika niya dito. Hinihimas na naman nito ng kakaiba ang kanyang kamay."At bakit naman sa akin? ang misis ko, masyadong mapaghinala.." sagot nito sa kanya."Ayoko ng ganyang hawak.. parang gusto mo na naman akong iakyat sa kwarto at halay
Iginala niya ang kanyang mata. 'Nasaan ako?' Hindi niya maigalaw ang kanyang katawan. Hindi niya mawari kung saan may masakit. Parang may nakadagan sa kanyang mabigat na bahay. Hindi niya maibiling ang kanyang ulo.Tahimik ang paligid. Oh wala talaga siyang naririnig? Nakamulat lang siya at nakatingin sa ilaw.May naaaninag siyang tao, hindi niya mawari kung sino. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. May itinatanong ito sa kanyang hindi niya talaga marinig 'Anong nangyayari?' bulong niya sa isipan."Gising na siya!" yun ang umalingawngaw sa kanyang pandinig.May mga yabag na papalapit sa kanya. 'Sino sila?'"Anak.... anak ko----" niyakap siya ng isang babaeng maedad na."Na---nas--saan a--ko?" mahuna niyang tanong."Nasa ospital ka anak," sagog ng babae "naaksidente kayo.""Ka--kami?""Wag ka na munang magsalita. Magpahinga ka lang muna. Ang mahalaga, may malay ka na" sabi ng ina sa kanya.May mga lumapit sa kanyang mga naka uniform na tao. Hindi niya makilala ang mga ito. Wala
"Anak, wag ka munang mag isip ng kung anu ano," nginitian siya nito."Bakit parang... parang ang init ng aking likod? gaano na ako katagal dito?" inililibot niya ang mukha sa buong paligid "sino sila?""Yan ang tatay at kapatid mong si Vahn,""Tatay ko siya?""Oo""Ang bata naman niya para maging tatay ko. At ang kapatid ko, mukha ng matanda.""Anak, Marie, yung matanda ang tatay mo..""Kuya ko siya?" itinuro niya si Vahn."Ate ka niya. Panganay ka.""Isa lang ang kapatid ko?""Tatlo sila. Si Marlon, may trabaho na. Si Vohn, kakambal ni Vahn, naiwan siya para mag asikaso sa bahay""Ako? may trabaho din?""Meron anak. Pero saka ka na mag isip ng ganyan kapag magaling ka na.""Masakit ang likod ko""Vahn, tawagin mo si Doc Armand.""Opo nay"Nagmamadaling umalis si Vahn. Pagbalik nito kasama na nito si Doc Armand at dalawang nurse."Gising ka na pala Marie, anong nararamdaman mo?" tanong ni doc Armand."Masakit ang likod ko doc" sabo ni Marie."Dalawang buwan kang nacomma, kaya matagal