Share

Ep2 Chapter 14

POV: Marie

Napatitig siya kay Bernard habang ginagamot ang kanyang paso. Mahapdi talaga ito. Ngunit hundi na niya ito maramdaman dahil mas nakakaramdam siya ng kaba.

Kaba, dahil magkalapit at halos magdikit ang mukha nila ng lalaki. Sobrang lakas ng tensiyon na nararamdaman niya kapag malapit ito sa kanya. Kaya mas pinipili niyang sungitan ito para lumayo.

Tinitingnan niya kung paano nito hipan at hawakan ang kanyang napasong balat..

Nakaramdam siguro ang lalaki na nakatitig siya kaya napatingin ito sa kanya. Sinalubong ni Bernard ang kanyang mga mata.

Lalo siyang kinabahan ng ilapit nito ng isa na lamang halos pulgada ang mukha nito sa kanya. Dito na siya lalong kinabahan. Hindi niya kayang pigilan ang lalaki dahil nababatu balani siya dito.

Parang may kakaiba itong karisma na hindi niya kayang tanggihan. Ang kapirasong pagitan nila ay pinutil nito ng diretso, napapikit siya. Dampi lang ang halik na iyon, ngunit naghatid ito ng kakaibang sensasyon sa kanya. Parang nakalutang siya sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status