POV: Marie"Ateeee!!!" malakas na katok sa pintuan ng kwarto niya ang pumukaw sa kanyang diwa.Biglang mulat ng kanyang mga mata. 'Si Marlon! patay... anong oras na ba? alas siyete? my God' Nagmamadali siyang bumangon at kiniha ang bathrobe. Tinakpan ng kumot si Bernard.Binuksan niya ang pinto saka lumabas, isinara ulit niya ito."So..sorry hindi ako nagising agad. Gutom ka na ba?" taning niya."Kanina pa ko gising ate. Nakapagluto na nga ako at nakakain. Andyan pa ang sasakyan ni kuya Bernard, asan siya?" tanong nito."Uhmm... hindi ko alam" pagkakaila niya."Baka andyan yan sa loob ha?""Hoy wala no!""Patingin nga..""Hindi pwede.. madumi dyan..""Oow?""Oo nga, bababa na ako" sabi niya dito."Hindi ba kayo magjowa?""Hindi nga.""Baka dyan siya natulog?""Ang kulit mo.""Pakikuha ate nung gamot ko sa kwarto""Okay!" Nagkamali siyang sumunod sa kapatid. Nagmamadali nitong binuksan ang pinto. "Hooy! anong ginagawa mo?" hinabol niya ito.Wala sa kama si Bernard. Nakahinga siya ng ma
"Mababa ang platelet ni Marlon, Marie, may dengue sya" sabi ni Armand habang hawak ang mga test results ng kapatid "maaaring bago siya dumating dito, may sakit na talaga siya.""Anong gamot po doc ang maaaring ipainom sa kanya?" tanong niya kay Armand."Iuwi nyo na lang siya, sasama ako, para maikabit ang dextrose. Walang gamot sa dengue, kailangan mo lang siyang pakainin ng mga pagkaung pwedeng magdagdag ng red blood gaya ng mga ampalaya at madadahong gulay. Kung mananatili siya dito, paracetamol lang din naman ang i ibigay sa kanya, magbabayad ka pa ng bill. At least kung sa inyo, libre na, imomonitor mo nga lang siya." malumanay na wika ni Armand.Nasa Emergency room sila. Alalang alala siya sa kapatid. Ang dami ng naganap sa buhay kahit kakarating lang sa poder niya.Dumating si Bernard na may dalang pagkain. Hindi pa nga pala sila nag aalmusal."Kumain ka muna" iniabot nito ang plastic na may lamang pagkain sa kanya. "kumusta na Armand? anong lagay ng bayaw ko?""Bayaw mo?" nagug
Mabilis mag isip si Bernard. Naipagbook agad nito ng flight ang pamilya niya. Kinabukasan, nakalipad na agad papuntang Manila. Ito pa ang sumundo sa mga ito sa airport. Iba talaga ang may connections.Sa ospital agad dumiretso ang mga ito. Nag iyakan sila ng mga kapatid niya at ina."Hindi na nakasama ang tatay mo anak. Yung mga alaga kasi natin walang mag babantay." sabi ng nanay niyang nagpupunas ng luha "ang ganda mo naman anak..""Miss na miss ko na kayo nanay" niyakap niya ang ina. Napansin niyang naluluha din si Bernard."Ang gwapo ng boyfriend mo anak.. ang bait pa" bulong sa kanya ng nanay niya. "Ano ngang pangalan mo to? Gerard?""Bernard po nay" tugon nito."Salamat at hindi mo pinababayaan ang mga anak ko. Lalo na itong pinakamaganda kong anak" ngumiti ang nanay niya."Wala naman kaming ibang kapatid na babae nanay" sabi ni Marlon, "natural pinakamaganda si ate.""May sakit ka na, epal ka pa" saway niya sa kapatid."Totoo bang nobya mo ang anak ko Gerard?" tanong ng nanay n
Hawak ni Bernard ang kanyang kamay habang nagmamaneho ito. Hinihila niya pero lalo nitong hinihigpitan."Paano ka magdadrive kung hinaharot mo ako" sita niya dito."Hawak ko lang ang kamay mo, unless ilalagay ko yan dito" ipinatong nito sa harapan nito ang kanyang kamay. Nanlaki ang kanyang mata."Bastos ka" simangot niya sa lalaki."Bakit naman ako naging bastos aber? sayo lang ito, ilalabas ko?""Baliw..""Baliw na baliw sayo." Natawa naman siya sa hirit nito."Puro ka talaga kalokohan Bernard!""Oops..""Bakit?" "Don't call me Bernard. Call me, mahal..""Mahal?""Oo, bakit""Mura gusto ko.""Anong mura?""Putang ina" binanggit niya ito sa malanding paraan."Isa pa nga" napangiti si Bernard at hinawakan ang kanyang pisngi."Shit.. putang ina" natatawa siya."Ang sarap sa tenga ng dirty talk mo mahal.. mamaya ka sakin" pinisil nito ang pisngi niya."Anong mamaya?" tanong niya dito."Hindi ko ulit naririnig ang malakas mong ungol eh, siyempre, dalawa lang tayo sa bahay" sabi nito."
Naiuwi na nila ng bahay si Marlon. Tumawag na lang siya sa opisina upang hindi mahirapan ang nanay at mga kapatid niya.Si Bernard pa rin ang sumundo sa kanila. Kumain muna sila sa Mi Unica Hija."Totoo ngang kapatid mo si Dulce" sabi niya habang tinitingnan ang mga bagong larawan sa dingding. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin kung sino ang babaeng kasama nina Bernard sa picture. "si... si..""Mama ko yan" inakbayan siya ni Bernard."Mama mo si.. si tita Ludy?" nakakunot ang noo niyang tanong dito."Yes.. at salamat sayo, nakilala niya si Dulce" nakatingin ito sa picture."You mean, ikaw pala ang inirereto niya sakin?""Yes, at ikaw din pala ang inirereto niya sakin. Siguro sayo niya ibinigay yung bag na Emerald?'"O.. oo.. pasasalamat daw niya sakin yun.""Ipinabili ko yun sa kanya, para ibigay sayo""Sa akin mo sana ibibigay?""Yes, pero naunahan ako ni mama. Tingnan mo ang destiny no? nakilala mo ang future biyenan mo""Alam nya?""Malamang magkwento na dun si Dulce. Lagi silan
Kaagad niyang niyakap si Dulce. Nagtatalunan silang dalawa at nag iiyakan."Kumusta ka na? bakit mo ako blinocked" tanong nito sa kanya."Mahabang istorya. saka ko na ikukwento sayo. Kumusta po kayo tita Ludy""Sabi ko na nga ba, ang ending sa anak ko pa rin ikaw mapupunta" niyakap siya nito "paayaw ayaw ka pa ha." biro pa ng matanda."Kaya nga po eh.. kumusta na po kayo?" tanong niyang ginantihan ng yakap ang ina ni Bernard."Naku, ito ,masayang masaya. Nakita ko na ulit ang mag ama ko""Ang swerte no Dulce" sabi niya "hindi ka pinabayaan ni Lord""Maswerte nga ako, tapos kasundo kp pa amg magiging hipag ko, san ka pa!" sagot nito."Kamag anak nyo ko" tawag ni Bernard sa dalawang babae."Ay, nagtampo ang binata ko" nilapitan ni tita Ludy si Bernard. Hinalikan sa pisngi."Kuya" yumakap din si Dulce dito "baka awayin mo na naman tong hipag ko ha. Itatakwil kita.""Hindi no, mahal ko kaya yan" inakbayan siya ng ni Bernard."Mama ko po pala" pakilala niya sa kanyang ina "mga kapatid ko p
"Congrats Marie.. ikakasal ka na pala" bati sa kanya ni Ericka."Nakakahiya nga po ma'am, kasi baka mapadalas ang pag absent ko kasi po mag aayos ako ng papers.""Okay lang yun, naiintindihan naman kita. Kumusta naman?""Masaya po ma'am. Nandyan po pala ang mga kapatid at nanay ko, pasensiya na po kayo at biglaan lang sila napadalaw.""Okay lang yun. Mas okay nga na hindi nawawalan ng tao sa bahay eh. Madali kasing maaira ang bahay kapag walang nakatira.""Kukunin ko kayong abay ma'am. Sigurado namang si sir ang Best man ni Bernard.""Okay sakin yan.. saan ba ako assign?""Siyempre po maid of honor.""Eh paano si Dulce?""Dalawa kasi sila ni Flor kaya po hindi ko na rin sila nilagay sa maid of honor, candle po sila saka veil.""Masaya ako para sayo Marie..""Salamat po ma'am.""Sana, magtino na talaga ang Bernardong yan.""Thank you po pala, ma'am" naluluha niyang sabi."Bakit ka nagpapasalamat?""Kasi po kung hinsi niyo siya inayawan, baka wala siya sakin ngayon.""Sus.. di ko talaga
"Anong nangyayari dito?" nakakunot ang noo ni Ericka papalapit sa table niya kasunod ang dalawang lalaki. "May meeting dito na hindi namin alam?""Ma'am totoo po bang ikakasal na si Marie?" tanong ni Orlan. "kinicongratulate lang po namin.""At kaninong makating dila naman nanggaling ang balitang yan?" nakataas ang kilay ng boss nilang babae."Narinig lang po namin ma'am" sagot ni Monet."Kayo.. nakikinig kayo ng usapan namin?" tanong ni Monte."Hindi naman po sir" sagot ni Monet "naulinigan lang po namin.""Tutal naman, narinig niyo na rin, oo, ikakasal siya, ano, magreregalo ba kayo?" sagot ni Ericka."Ah.. opo Ma'am" mabilis na sagot ni Monet "eh di kailangan nyo na ng bagong secretary habang pwede pang turuan ni Marie?""At bakit ako hahanap ng bagong secretary?" nakapameywang si Ericka ng sagutin si Monet. Waring naiirita na ang boss niya sa usapang iyon."Kasi aa Japan na po siya titira, hindi ba?" sagot naman ni Orlan.Hindi na nakatiis si Bernard kaya nakisawsaw na rin ito."B
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam