Share

Ep2 Chapter 20

Mabilis mag isip si Bernard. Naipagbook agad nito ng flight ang pamilya niya. Kinabukasan, nakalipad na agad papuntang Manila. Ito pa ang sumundo sa mga ito sa airport. Iba talaga ang may connections.

Sa ospital agad dumiretso ang mga ito. Nag iyakan sila ng mga kapatid niya at ina.

"Hindi na nakasama ang tatay mo anak. Yung mga alaga kasi natin walang mag babantay." sabi ng nanay niyang nagpupunas ng luha "ang ganda mo naman anak.."

"Miss na miss ko na kayo nanay" niyakap niya ang ina. Napansin niyang naluluha din si Bernard.

"Ang gwapo ng boyfriend mo anak.. ang bait pa" bulong sa kanya ng nanay niya. "Ano ngang pangalan mo to? Gerard?"

"Bernard po nay" tugon nito.

"Salamat at hindi mo pinababayaan ang mga anak ko. Lalo na itong pinakamaganda kong anak" ngumiti ang nanay niya.

"Wala naman kaming ibang kapatid na babae nanay" sabi ni Marlon, "natural pinakamaganda si ate."

"May sakit ka na, epal ka pa" saway niya sa kapatid.

"Totoo bang nobya mo ang anak ko Gerard?" tanong ng nanay n
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status