Marie, version 2.0..Yun ang madalas niyang naririnig. Kahit sina Ericka ay nanibago sa kanya. Panahon na para siya naman ang magmahal sa kanyang sarili."Blooming ka ata ngayon?" tanong ni Ericka sa kanya."Hindi po.. Narealize ko lang po nitong nakaraan na napabayaan ko na ang sarili ko. Kailangan po siguro bumangon akong mag isa.." sagot niya."Good.. good!" sagot nito."Aah, mam, pwede ko po bang patuluyin sa bahay si Marlon? yung kapatid ko po? kakapasa niya lang po sa board, mag aapply po siyang trabaho.""Oo naman.. ano bang course ng kapatid mo?""Engineer na po siya, electrical.""Ooooh? tamang tama, hiring tayo, gusto mo ba?""Nakakahiya na po ata sa inyo mam" sagot niya."Basta maayos magtrabaho bakit ka mahihiya? ipaayos mo ang CV para maibigay na sa HR""Thank you po mam" masaya niyang sabi.Mas nagfocus siya sa trabaho. Lagi siyang busy. Kahit trabaho niya para bukas ginagawa na niya. Ayaw niyang pagdating sa bahay ay mulat siya ng matagal. Gusto niya makatulog agad.Pat
'I miss you? sino naman kayang loko ito'Bryan Espina? si Dulce, espina, pero hindi naman sila common friends.Isa pang mesaage ang dumating, nagsorry dahil wrong sent.'Hindi ko pa natatry makipag chat sa mga lalaki.. hmmmm' nireplyan niya ito ng 'it's okay''Sorry talaga, nagkamali kasi ako ng sent, that's for my ex'Ex mo na minimessage mo pa ng ganyan?'Bawal ba?'Sira ulo ka.. kung may boyfriend yun, magagalit yung boyfriend niya sayo. Hindi lahat ng pagmamahal pwede, lalo na kung ayaw na sayo!'Grabe ka naman.. bakit may boyfriend ka ba?'Hindi na niya nireplyan ang Bryan na yun. Siguro briken talaga kaya naghahanap ng kausap.Sinamsam na niya ang lahat ng gamit niya, uuwi na siya para maglaba. Napaparanoid siya dahil sa pakiramdam na may nakatingin sa kanya palagi.Pagtawid niya ng kalsada, okay na ang pakiramdam niya.'Siguro napapraning lang talaga ako.. baka wala naman talagang nakamasid sakin..'"Hi kuya!" bati niya sa mga gwardiya."Wow.. ang ganda niyo lalo Miss Marie." n
Talagang pinanindigan na niya ang pagbabago. Simula hitsura at pananamit. Madami mg katrabaho niya ang nag aaya sa kanya ng date, minsan inililibre pa siya."Hi Jeff.. para sakin ba yan?" tanong ni Monet sa isa nilang katrabaho."Aah.. sorry Monet, para kay Marie kasi to" sagot nito."What? ako ang lagi mong inililibre ah, bakit ngayon, iba na?" nanlalaki ang mata nito."For the change" sagot ni Jeff saka lumapit sa kanya "hi Marie.. for you""Oi salamat.. " kinuha ni Marie ang iniabot na value meal "Nakakahiya naman.""Gusto kitang maging kaibigan Marie" sabi pa nito sa kanya "wala kasi tayong chance before. Nahihiya kasi ako, tahimik ka lang eh.""Naku, akala mo lang yun hahaha salamat dito ha." sabi niya."Anytime Marie. Sige dun muna ako" paalam nito.Kitang kita niya ang panlilisik sa mga mata ni Monet. Kulang na lang kainin siya nito ng buhay.Tiningnan niya lang ito saka nginitian ng nakakauyam. Akala kasi ng babaeng yun ay siya ang pinakamaganda sa office.Nagtatrabaho na siya
Sa tuwing lalabas siya ng opisina, lagi niyang nararamdaman na may sumusunod sa kanya ng tingin. Natatakot na siya baka mamaya multo ang magpakita sa kanya. Nagmamadali siya ng maramdaman niyang may humawak sa balikat niya."Wag nyo po akong papatayin, kunin niyo na po ang mga gamit ko at umalis na kayo.." nakapikit niyang sabi."Gaga.." hinila ni Domeng ang kanyang buhok."Diyos ko Domingo, kinabahan ako. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya "sana nagmesaage ka no" inayos niya ang kanyang sarili."Para ka kasing abnormal. Ano bang nangyayari sayo?""Ilang araw na kasi akong kinakabahan. Feeling ko may sumusunod sakin.""Napapraning ka na naman.. Tara..""Saan?""Hello? kakain.. as if naman imomotel kita!""Yuuuck.. baka bumuka ang lupa niyan""Alam mo nagbago ka na, pati pananalita mo.""Kailangan eh.. Alam mo na, mga bakla rin ang kasama ko.""Bakla ka na ba talaga?""Hindi no!""Eh ano ka?""Babae... babaeng babae""Baliw..." hinampas niya sa balikat ang kaibigan "halika na
POV: BernardMasaya siyang nabuo ang pamilya niya. Hanggang langit ang nararamdaman niyang kaligayahan. Dinala ng mama niya ang kanyang tatay at kapatid sa U.S, sa mga kapatid nito. Subalit durog na durog ang puso niya. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang mundo. Bumalik siya sa dating gawi. Inom at babae. Mahirap kalimutan ang gaya ni Marie. Araw araw niya itong naaalala. Tiis na tiis na siya. Nagtatyagang makita ang babae kahit sa malayo at malaman kung may boyfriend na ito.Deserve niyang masaktan, dahil masama siyang klase ng lalaki. Mahina siyang karelasyon. Pinilit niyang magbago, pero siguro, ramdam pa ni Marie ang sakit ng pagkawala ng kanilang anak."Hi, alone?" bati ng isang babae sa kanya."Yeah, game ka ba?" tanong niya dito bago lagukin ang huling patak ng iniinom na brandy."Ang bilis ah..." sagot ng babae."Game or not? ayokong mag aksaya ng oras." sabi niya dito."Ang suplado mo naman.. game!"Hinila niya ang babae saka kinaladkad papunta sa VIP room. Hinalikan niya i
POV:MarieNakakahiya na kay Bernard pa siya magpapasama ngayon. Ilang buwang hindi niya ito kinausap tapos ngayon ,tinawagan niya lang dahil may kailangan siya.Kumakabog ang dibdib niya. Parang tambol sa lakas. Kinakabahan siya.May tumigil na sasakyan sa kanyang harapan. Ibinaba ang bintana."Marie.." nakangiti ito sa kanya."Ha,. hi" hindi niya alam kung ngiting totoo o ngiting plastic ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi na niya hinintay na bumaba ito. Binuksan niya ang pinto saka siya sumakay.Medyo matraffic na, kaya mabagal ang kanilang takbo."Kumusta ka na?" sabay nilang sabi. Natawa pa sila."Ikaw muna" sabay pa rin sila."Eheemm" si Bernard "lalo ka atang gumanda at sumexy ngayon"Napangiti naman siya "salamat.. ikaw?. ang payat mo ah.. kumusta ka na?""Bumagsak nga ang katawan ko, pero okay na ko ngayon." sagot nito.Ngiti lang ang itinugon niya sa lalaki. Nahihiya siya dito. Hindi na siya mapakali."Aaahm... kumusta na si Dulce?" tanong niya dito"Okay naman siya. Kasama ng
"Oo!""Wala!"Magkasabay sila ng sagot ni Bernard. Na stress siya bigla sa kapatid. Napakataklesa talaga."Kaibigan siya ng boss ko" sabi niya kay Marlon sabay kurot sa tagiliran "wag kang matanong" bulong niya sa kapatid."Aaaaah... aaaahraaay" sigaw ni Marlon na ikinalingon ng mga tao sa kanila. Pinandilatan niya ang kapatid."Bakit?" nag aalalang taning ni Bernard.Inapakan niya ang paa nito na noon ay nakasapatos pero heels niya ang itinusok niya sa hinlalaki nito."Aaaah... aray ku pu" halos maiyak ito sa sakit "nadali ni ate ang ingrown ko.. ang sakit""Gusto mo ipapadoctor kita?" offer ni Bernard."Naku, hindi na.. mamasahihin ko na lang siya sa bahay" sabi niya. "kumain ka na.. ay.. wala pa palang pagkain. Wag mo kaming intindihin."Isa isa ng dumating ang inorder na pagkain ni Bernard. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya, at siya naman ay ipinagbalat ito ng alimango at hipon.Noong magkarelasyon pa sila, ganito sila kumain. Mahirap palang tanggalin yun kapag nakasanayan n
Kung pwede lang ilabas niya ang kanyang kaluluwa sa bintana habang nakasara ay ginawa na niya. Mahimbing ng natutulog ang kapatid niyang taklesa sa back seat. Gusto man niyang matulog, pero ang presensiya ng kanyang diwa ay nakafocus pa rin kay Bernard.Medyo siniraan niya ito ng konti sa kapatid niya.Kaya nakakahiya, matapos siyang tulungan, yun lang ang mapapala nito.Ang traffic ay hindi makisama sa kanya, madami ng nag uuwian at marami ng mga bus na nasa kalsada. Tumikhim si Bernard bago nagsalita."Totoo bang babanatan ako ng kapatid mo?" tanong nito sa kanya."Huh?" nagkunwari siyang naalimpungatan."Wag kang umarte na natutulog ka, kita kita sa salamin ng bintana, bukas na bukas ang mga mata mong maliliit.""Teka, ano bang sinasabi mo ha?" nagkunwari akong galit para hindi niya mahalatang kinakabahan ako."Bakit sinabi mo sa kapatid mo na sinaktan kita?""Wala akong sinabing pangalan.""Pero ako lang ang ex mo!""Sigurado ka ba?""Malamang, gusto mo ikwento ko pa sayo ngayon n
"You may now, kiss the bride!" anunsiyo ng pari. Nagpalakpakan ang mga bisita. Itinaas ni Bernard ang kanyang belo, saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi at hinalikan siya. Akala niya smack lang, subalit hinawakan nito ang leeg niya. Nagkantiyawan ang mga bisita. "Hoooy mamaya na yan!" sigawan ng mga ito na nagtatawanan. Doon pa lang tumigil si Bernard. "I love you.." sabi ni Bernard sa kanya. "I love you more" sagot niya dito. Nagkaroon ng program. Magaling palang mag host si Dulce. Ito ang bumangka sa mga kalokohang laro. Ito rin ang may pasimuno ang mga bring me at hulaan. Lahat nakiparticipate. May mga game prizes pa. Masaya ang lahat na naroroon. Bumabaha din ang pagkain. Maraming nagpaabot ng regalo. Halos hindi na magkasya sa bahay ang mga regalo, kinailangan pa ang dalawang cottage para sa mga ito. Nagkaroon ng sayawan, gaya sa tradisyon ng mga batangenyo. Nilapitan sila ni Ellie saka personal na bumati. "Salamat.. "sagot niya, saka niyakap ang babae, "Kung hindi
Nauna siya kay Bernard sa ilog. Sabi kasi ni Mang Ador, manghuhuli ito ng hipon ng ganoong oras. Naghanap siya ng magandang spot. Inabot din siya ng halos isang oras paghihintay. Ang sabi sa kangya nina Dulce, exclusive ang buong linggo para sa kanila. Hindi sila tumanggap ng mga bookings at guest.Nong sabihin niya sa mga ito, na nais na niyang pakasalan si Bernard pero surprise wedding, agad ang mga itong pumayag. Si Monica ang naging wedding coordinator. Sina Dulce naman at tita Ludy sa lahat. Yung mga list nila bago sila ikasal ay nakuha nina Dulce sa kabinet ng kuya nito. Masayang masaya siya, na wala na siyang hirap na pinagdaanan. Doon sila ikakasal sa rest house ng mga ito. Wala pa rin daw kaalam alam ang lalaki. Maya maya pa, tinawagan siya ni Mang Ador, pababa na daw si Bernard.Nagtago siya sa likod ng bato. Paglusong ng lalaki, tinawag niya ito. Kitang kita niya ang takot sa mga mata nito. Lalo na ng lapitan niya ito na nagmula siya sa tubig kaya hindi niya napigilan ang ma
POV: Bernard Nasa bundok siya, sa kanilang rest house. Ang lugar kung saan niya pinaghinalaan ng hindi maganda si Marie. Ito ang lugar kung saan inakala niyang si Domeng ay ex boyfriend ng dalaga. Pinagyaman na ni Dulce ang lugar na ito. Magaling talaga sa negosyo ang kapatid niya. Ginawa niya itong event place. Lagi ditong may mga celebration lalo na ng kasal. Ang ilog na malapit dito ay ipinagawa pang resort ng kapatid, kaya nagkaroon ng trabaho ang mga anak ni Mang Ador. Kapag walang mga pasok ay nagiextra ang mga ito sa pagtatrabaho sa lugar. May sarili silang catering service. May mga cottages na sa paligid. Masasabi niyang successful itong ginawa ni Dulce. Mukhang may ikakasal na naman. Naghahanda na ang mga tauhan nila. Inaayusan na ng mga ito ang looban. Pinapanood niya ito mula sa glass wall ng kwarto sa itaas. May nagseset up ng lamesa, nag aayos ng arko at mga tent. Ang ganda ng kulay ng motiff ng ikakasal. Ganito ang motiff nila kung ikinasal sila ni Marie, moss green.
POV: Marie Naglalakad siya sa mall, ng mapansin ang isang babae na may kargang bata. May kasama itong ibang lalaki. Sinundan niya ang mga ito. Pinanood niya habang kumakain sa restaurant at nagsusubuan pa. "Anong klaseng babae ito? may asawa na nakikipagharutan pa sa iba. Pinakawalan ko si Bernard para sa kanya, tapos ganito lang ang gagawin ng babaeng ito? lagot ka sakin!" sabi niya sa sarili. Pumasok siya sa restaurant, at tyumayo sa harapan nina Ellie na noon ay masayang kumakain. Napaangat ang tingin sa kanya ng dalawa. "Yes?" nangunot ang noo ni Mark. "Hindi na kayo nahiya! ikaw Ellie, mahal ka pa naman ng asawa mo tapos niloloko mo siya?" nakahalukipkip siya, "ang kapal din naman ng mukha mo!" Nagkatinginan sina Mark at Ellie, saka tumingin sa kanya, bago ulit magtinginan at magkatawanan. "Teka miss, sino ka ba?" tanong ni Mark sa kanya. "Si Marie," sagot ni Ellie. "Ah, siya ba yun?" natawa si Mark "kaya naman pala lokong loko si Bernard sa kanya, batang bata na, maganda
POV: Bernard"Alam mo ba, ang bait ni Marie sakin" sabi niya kay Monte habang hinihintay sina Ellie. Sila ang nag aalaga kay baby Vince."Oooh? paano mo nasabi, kanina kulang na lang kainin ka niya. Parang galit siya sayo" sagot nito sa kanya."Nagtataka rin nga ako, pero base sa usapan namin kanina, parang okay na kami." saka niya nilaro sa Vince "di ba baby? magkakaroon ka na ng ninang.""Wag kang masyadong umasa," kinuha nito si Vince sa kanya, "di ba baby? ninong Bernard mo asyumero na naman.""Hindi naman. Balak ko siyang balikan mamaya at kidnappin" nakangiti niyang sabi sa kaibigan."Sige nga.. hindi ako babalik ng opis. alas sais yun nauwi.""Bakit late na? pinagtatrabaho mo ng matagal ang mahal ko?""Baliw! ayaw niya ng may mga naiiwang gamit at mga nakasaksak na computer. Supervisor na kasi sya.""Buti at iprinomote mo. Pagod na yun kakatrabaho.""Napaalis nga nun si Orlan.""Yung bakla?""Oo.""Bakit?""Binastos siya, pati si Ericka na nananahimik na dinamay pa. Bully talag
POV: MarieNagmamadali siya dahil yung files na i-i-scan niya ay naiwan niya sa bahay. Eksakto namang may sasakay sa elevator."Waiiiit!!! sasakay ako!!" sigaw niya.Sa pagmamadali niya, nadapa siya sa harapan ng lalaking kasabay niya."Okay ka lang ba?" tanong nito. Hindi niya mawari kung bakit inatake siya ng matinding kaba."Okay lang po ako--" iniangat niya ang kanyang paningin. Alam na niya ang rason, ang lalaking iniisip niya gabi gabi. Hindi niya malaman kung bakit madalas niya itong mapanaginipan. Parang magaan ang loob niya sa ex, walang halong galit.Inalalayan siyang tumayo nito "thank you po sir.""Mag iingat ka.." ngumiti ito sa kanya. "kumusta ka na?""Okay na po ako sir" nakangiti pang siya, dahil ang dibdib niya, parang sasabog na. Sobra ang pagkabog ng kanyang dibdib."Mabuti naman.. ang ganda mo lalo ah""Nakarecover na po kasi ako talaga." bumukas na ang elevator "sige po una na ko sir."Hindi na niya makayanan ang presensiya ng lalaki kaya nagmamadali sitang pumunta
POV: BernardMatagal tagal na simula nung huli siyang makatuntong sa opisina ng kaibigan niyang si Monte. Nag aaya itong kumain. Alam niya ang sakit na pinagdadaanan nito dahil sa pagkawala ng asawa. Dinaanan niya muna si Andrei."Ikaw na muna ang bahala dito," paalam niya sa secretary niya."Saan ka pupunta, sir?" tanong nito habang nagtatype sa computer."Sa San Miguel Building" inaayos niya ang kanyang coat."Pupuntahan niyo si Marie sir?" napatingin na ito sa kanya."Hindi.. si Monte ang pupuntahan ko, may lakad kasi kami ngayon," sagot niya dito."Aah.. akala ko makikioagbalikan na kayo kay Marie. Sige sir, ingat ka" muli nitong binalikan ang pagkocomputer.Kung hindi niya ito kilala, hindi niya masasabing may especial case ito. Magaling itong makipag usap sa mga tao. Medyo matabil lang ang dila nito. Saka mabilis maplease. Saka malalamang may menthal disorder si Andrei kapag kunausap na.Iniwan na niya ito. Dumiretso na siya sa elevator patungong parking area. Agad niyang nakita
POV: MarieA YEAR LATER.."Ma'am, papirma po" ibinigay ni Jhun sa kanya ang isang folder. Inabot niya ito saka pinirmahan."Yung schedule ni sir, paki double check. Baka may ma miss kang oras. Yung notes lagi mong ireready." bilin niya dito."Yes ma'am!" tinalikuran na siya ni Jhun.Isang taon na rin simula nung mawala si Rain at maganap ang trahedya sa kanyang buhay. Ilang buwan na rin simula nung pumanaw ang boss niyang si Ericka. Madami ang nangyari sa kanya sa loob lamang ng isang taon.Nadalaw niya na sa Japan ang puntod ni Rain, doon pa sila nagkita nina Dulce at tita Ludy. Doon niya rin nalaman na alam pala ng magulang ni Rain na ex niya si Bernard. Binibiro pa siya ng mga ito na pwede na siyang mag asawa.Napailing na lang siya sa isiping yun. Itinago na rin niya ang larawan ni Rain upang hindi niya ito paulit ulit na maalala.Nasa gitna siya ng pagmumuni muni ng marinig niya ang boses ni Orlan na pinaparinggan siya. Kakapalayas lang kay Monet ni Monte dahil sa pagiging tsismo
POV: MonteNalungkot siya ng malamang sumakabilang buhay na si Rain. Family friend nila ang mga ito. Naawa din siya kay Marie. Wala na siyang planong ligawan ang babae dahil alam niyang masaya na ito sa buhay nito. Na masaya na ito kay Rain. Magiging maligaya na lang siya na titigan ito kahit sa malayo lamang. At siguro, hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung may darating na sa kanya, hihintayin na lang niya ito.Pagpasok niya kung saan nakaburol si Rain, agad niyang nilapitan si tita Lily."Nakikiramay po ako sa inyo tita Lily" niyakap niya ang matanda, "pasensiya na po kayo at nasa U.S po si mama, may sakit po kasi si tito Benny.""Okay lang, nagkikita naman kami ng mama mo sa Japan. Kumusta ka na ba?magaling ka na ba? Balita ko ikaw na ulit ang nagm amanage ng kumpanya niyo.""Oo nga po, buti po naging okay na ako," ngumiti siya dito."Buti nga naalala mo pang dalawin si Rain Hijo.""Mukhang siya po ang hindi ako nakikilala, dahil minsan pong nagkita kami, hindi niya ata ako nam