Talagang pinanindigan na niya ang pagbabago. Simula hitsura at pananamit. Madami mg katrabaho niya ang nag aaya sa kanya ng date, minsan inililibre pa siya."Hi Jeff.. para sakin ba yan?" tanong ni Monet sa isa nilang katrabaho."Aah.. sorry Monet, para kay Marie kasi to" sagot nito."What? ako ang lagi mong inililibre ah, bakit ngayon, iba na?" nanlalaki ang mata nito."For the change" sagot ni Jeff saka lumapit sa kanya "hi Marie.. for you""Oi salamat.. " kinuha ni Marie ang iniabot na value meal "Nakakahiya naman.""Gusto kitang maging kaibigan Marie" sabi pa nito sa kanya "wala kasi tayong chance before. Nahihiya kasi ako, tahimik ka lang eh.""Naku, akala mo lang yun hahaha salamat dito ha." sabi niya."Anytime Marie. Sige dun muna ako" paalam nito.Kitang kita niya ang panlilisik sa mga mata ni Monet. Kulang na lang kainin siya nito ng buhay.Tiningnan niya lang ito saka nginitian ng nakakauyam. Akala kasi ng babaeng yun ay siya ang pinakamaganda sa office.Nagtatrabaho na siya
Sa tuwing lalabas siya ng opisina, lagi niyang nararamdaman na may sumusunod sa kanya ng tingin. Natatakot na siya baka mamaya multo ang magpakita sa kanya. Nagmamadali siya ng maramdaman niyang may humawak sa balikat niya."Wag nyo po akong papatayin, kunin niyo na po ang mga gamit ko at umalis na kayo.." nakapikit niyang sabi."Gaga.." hinila ni Domeng ang kanyang buhok."Diyos ko Domingo, kinabahan ako. Ano ba kasing ginagawa mo dito?" tanong niya "sana nagmesaage ka no" inayos niya ang kanyang sarili."Para ka kasing abnormal. Ano bang nangyayari sayo?""Ilang araw na kasi akong kinakabahan. Feeling ko may sumusunod sakin.""Napapraning ka na naman.. Tara..""Saan?""Hello? kakain.. as if naman imomotel kita!""Yuuuck.. baka bumuka ang lupa niyan""Alam mo nagbago ka na, pati pananalita mo.""Kailangan eh.. Alam mo na, mga bakla rin ang kasama ko.""Bakla ka na ba talaga?""Hindi no!""Eh ano ka?""Babae... babaeng babae""Baliw..." hinampas niya sa balikat ang kaibigan "halika na
POV: BernardMasaya siyang nabuo ang pamilya niya. Hanggang langit ang nararamdaman niyang kaligayahan. Dinala ng mama niya ang kanyang tatay at kapatid sa U.S, sa mga kapatid nito. Subalit durog na durog ang puso niya. Pakiramdam niya, galit sa kanya ang mundo. Bumalik siya sa dating gawi. Inom at babae. Mahirap kalimutan ang gaya ni Marie. Araw araw niya itong naaalala. Tiis na tiis na siya. Nagtatyagang makita ang babae kahit sa malayo at malaman kung may boyfriend na ito.Deserve niyang masaktan, dahil masama siyang klase ng lalaki. Mahina siyang karelasyon. Pinilit niyang magbago, pero siguro, ramdam pa ni Marie ang sakit ng pagkawala ng kanilang anak."Hi, alone?" bati ng isang babae sa kanya."Yeah, game ka ba?" tanong niya dito bago lagukin ang huling patak ng iniinom na brandy."Ang bilis ah..." sagot ng babae."Game or not? ayokong mag aksaya ng oras." sabi niya dito."Ang suplado mo naman.. game!"Hinila niya ang babae saka kinaladkad papunta sa VIP room. Hinalikan niya i
POV:MarieNakakahiya na kay Bernard pa siya magpapasama ngayon. Ilang buwang hindi niya ito kinausap tapos ngayon ,tinawagan niya lang dahil may kailangan siya.Kumakabog ang dibdib niya. Parang tambol sa lakas. Kinakabahan siya.May tumigil na sasakyan sa kanyang harapan. Ibinaba ang bintana."Marie.." nakangiti ito sa kanya."Ha,. hi" hindi niya alam kung ngiting totoo o ngiting plastic ang ibinigay niya sa lalaki. Hindi na niya hinintay na bumaba ito. Binuksan niya ang pinto saka siya sumakay.Medyo matraffic na, kaya mabagal ang kanilang takbo."Kumusta ka na?" sabay nilang sabi. Natawa pa sila."Ikaw muna" sabay pa rin sila."Eheemm" si Bernard "lalo ka atang gumanda at sumexy ngayon"Napangiti naman siya "salamat.. ikaw?. ang payat mo ah.. kumusta ka na?""Bumagsak nga ang katawan ko, pero okay na ko ngayon." sagot nito.Ngiti lang ang itinugon niya sa lalaki. Nahihiya siya dito. Hindi na siya mapakali."Aaahm... kumusta na si Dulce?" tanong niya dito"Okay naman siya. Kasama ng
"Oo!""Wala!"Magkasabay sila ng sagot ni Bernard. Na stress siya bigla sa kapatid. Napakataklesa talaga."Kaibigan siya ng boss ko" sabi niya kay Marlon sabay kurot sa tagiliran "wag kang matanong" bulong niya sa kapatid."Aaaaah... aaaahraaay" sigaw ni Marlon na ikinalingon ng mga tao sa kanila. Pinandilatan niya ang kapatid."Bakit?" nag aalalang taning ni Bernard.Inapakan niya ang paa nito na noon ay nakasapatos pero heels niya ang itinusok niya sa hinlalaki nito."Aaaah... aray ku pu" halos maiyak ito sa sakit "nadali ni ate ang ingrown ko.. ang sakit""Gusto mo ipapadoctor kita?" offer ni Bernard."Naku, hindi na.. mamasahihin ko na lang siya sa bahay" sabi niya. "kumain ka na.. ay.. wala pa palang pagkain. Wag mo kaming intindihin."Isa isa ng dumating ang inorder na pagkain ni Bernard. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya, at siya naman ay ipinagbalat ito ng alimango at hipon.Noong magkarelasyon pa sila, ganito sila kumain. Mahirap palang tanggalin yun kapag nakasanayan n
Kung pwede lang ilabas niya ang kanyang kaluluwa sa bintana habang nakasara ay ginawa na niya. Mahimbing ng natutulog ang kapatid niyang taklesa sa back seat. Gusto man niyang matulog, pero ang presensiya ng kanyang diwa ay nakafocus pa rin kay Bernard.Medyo siniraan niya ito ng konti sa kapatid niya.Kaya nakakahiya, matapos siyang tulungan, yun lang ang mapapala nito.Ang traffic ay hindi makisama sa kanya, madami ng nag uuwian at marami ng mga bus na nasa kalsada. Tumikhim si Bernard bago nagsalita."Totoo bang babanatan ako ng kapatid mo?" tanong nito sa kanya."Huh?" nagkunwari siyang naalimpungatan."Wag kang umarte na natutulog ka, kita kita sa salamin ng bintana, bukas na bukas ang mga mata mong maliliit.""Teka, ano bang sinasabi mo ha?" nagkunwari akong galit para hindi niya mahalatang kinakabahan ako."Bakit sinabi mo sa kapatid mo na sinaktan kita?""Wala akong sinabing pangalan.""Pero ako lang ang ex mo!""Sigurado ka ba?""Malamang, gusto mo ikwento ko pa sayo ngayon n
POV: BernardNagtataka siya kung saan nanggagaling ang galit ni Marie. Wala naman siyang alam na ginawang masama sa babaeng ito.Lagi itong nakataas ang kilay sa kanya, naka irap at nakasimangot. Akala niya ay magiging okay na silang dalawa ngayon subalit nagkamali siya.Hinarang siya ng gwardiya sa gate."Sir, bawal po kayo dito" pigil nito sa kanya pagkababa niya ng bintana."Kuya kasama niya ako" inaninag ngbgwardiya si Marie."Ah, Miss Marie, kayo pala, tuloy na po sir"Napangiti siya, matagal tagal ma siyang hindi nakakapasok ng lugar na ito. Narinig pa niya ang kapatid ni Marie."Wow.. ang gaganda at ang lalaki ng bahay dito ate.."Ibinaba niya ang mga gamit ni Marlon. Pagkabukas ni Marie ng pinto, kaagad pumasok si Marlon at inexplore ang buong bahay."Pasok ka muna para makapagkape" tinig ni Marie iyon, ngunit ang hatid sa kanya ay labis na ligaya."Talaga?" hindi siya makapaniwala."Ayaw mo ba?" tanong ni Marie."Ayaw kong tumanggi" nagmamadali siyang pumasok at baka magbago
"Kuya.... kuya Bernard.." narinig niya ang tinig ni Marlon. Inuuga nito ang kanyang balikat."Hmmmm" iminulat niya ang mata, bumungad sa kanya si Marlon na nakangiti."Okay ka lang ba? binabangungot ka ata?" sabi nito.Napabalikwas siya ng bangon. May unan at kumot siya. Bihis pa rin siya.' Ano yun? panaginip lang?'"Nasaan na ang ate mo?" tanong niya."Pumasok na. Wag ka daw gisingin at baka antok na antok ka pa. Binabangungot ka ba?""Bakit?""Yung ungol mo kasi parang may kumukuha ng kaluluwa mo eh"Natawa naman siya sa sinabi ni Marlon. Tinupi niya ang kumot at ipinatong sa unan."Itataas ko muna ito" sabi niya."Ako na lang kuya. Hayaan mo lang yan dyan. Kumain ka na. Nagluto si ate ng bulalo eh, favorite mo daw to.. saka sabi niya mukhang may hang over ka daw.""Hahaha ate mo talaga magaling manghula."Sumunod siya kay Marlon sa bar counter. Malinis talaga si Marie sa bahay. Lahat nasa lugar ang nga gamit."Alam mo kuya, nagtataka ako""Bakit naman?""Kasi, kung kaibigan ka lang