Share

Ep2 Chapter 9

POV: Bernard

Nagtataka siya kung saan nanggagaling ang galit ni Marie. Wala naman siyang alam na ginawang masama sa babaeng ito.

Lagi itong nakataas ang kilay sa kanya, naka irap at nakasimangot. Akala niya ay magiging okay na silang dalawa ngayon subalit nagkamali siya.

Hinarang siya ng gwardiya sa gate.

"Sir, bawal po kayo dito" pigil nito sa kanya pagkababa niya ng bintana.

"Kuya kasama niya ako" inaninag ngbgwardiya si Marie.

"Ah, Miss Marie, kayo pala, tuloy na po sir"

Napangiti siya, matagal tagal ma siyang hindi nakakapasok ng lugar na ito. Narinig pa niya ang kapatid ni Marie.

"Wow.. ang gaganda at ang lalaki ng bahay dito ate.."

Ibinaba niya ang mga gamit ni Marlon. Pagkabukas ni Marie ng pinto, kaagad pumasok si Marlon at inexplore ang buong bahay.

"Pasok ka muna para makapagkape" tinig ni Marie iyon, ngunit ang hatid sa kanya ay labis na ligaya.

"Talaga?" hindi siya makapaniwala.

"Ayaw mo ba?" tanong ni Marie.

"Ayaw kong tumanggi" nagmamadali siyang pumasok at baka magbago
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status