"Oo!""Wala!"Magkasabay sila ng sagot ni Bernard. Na stress siya bigla sa kapatid. Napakataklesa talaga."Kaibigan siya ng boss ko" sabi niya kay Marlon sabay kurot sa tagiliran "wag kang matanong" bulong niya sa kapatid."Aaaaah... aaaahraaay" sigaw ni Marlon na ikinalingon ng mga tao sa kanila. Pinandilatan niya ang kapatid."Bakit?" nag aalalang taning ni Bernard.Inapakan niya ang paa nito na noon ay nakasapatos pero heels niya ang itinusok niya sa hinlalaki nito."Aaaah... aray ku pu" halos maiyak ito sa sakit "nadali ni ate ang ingrown ko.. ang sakit""Gusto mo ipapadoctor kita?" offer ni Bernard."Naku, hindi na.. mamasahihin ko na lang siya sa bahay" sabi niya. "kumain ka na.. ay.. wala pa palang pagkain. Wag mo kaming intindihin."Isa isa ng dumating ang inorder na pagkain ni Bernard. Nilagyan nito ng pagkain ang plato niya, at siya naman ay ipinagbalat ito ng alimango at hipon.Noong magkarelasyon pa sila, ganito sila kumain. Mahirap palang tanggalin yun kapag nakasanayan n
Kung pwede lang ilabas niya ang kanyang kaluluwa sa bintana habang nakasara ay ginawa na niya. Mahimbing ng natutulog ang kapatid niyang taklesa sa back seat. Gusto man niyang matulog, pero ang presensiya ng kanyang diwa ay nakafocus pa rin kay Bernard.Medyo siniraan niya ito ng konti sa kapatid niya.Kaya nakakahiya, matapos siyang tulungan, yun lang ang mapapala nito.Ang traffic ay hindi makisama sa kanya, madami ng nag uuwian at marami ng mga bus na nasa kalsada. Tumikhim si Bernard bago nagsalita."Totoo bang babanatan ako ng kapatid mo?" tanong nito sa kanya."Huh?" nagkunwari siyang naalimpungatan."Wag kang umarte na natutulog ka, kita kita sa salamin ng bintana, bukas na bukas ang mga mata mong maliliit.""Teka, ano bang sinasabi mo ha?" nagkunwari akong galit para hindi niya mahalatang kinakabahan ako."Bakit sinabi mo sa kapatid mo na sinaktan kita?""Wala akong sinabing pangalan.""Pero ako lang ang ex mo!""Sigurado ka ba?""Malamang, gusto mo ikwento ko pa sayo ngayon n
POV: BernardNagtataka siya kung saan nanggagaling ang galit ni Marie. Wala naman siyang alam na ginawang masama sa babaeng ito.Lagi itong nakataas ang kilay sa kanya, naka irap at nakasimangot. Akala niya ay magiging okay na silang dalawa ngayon subalit nagkamali siya.Hinarang siya ng gwardiya sa gate."Sir, bawal po kayo dito" pigil nito sa kanya pagkababa niya ng bintana."Kuya kasama niya ako" inaninag ngbgwardiya si Marie."Ah, Miss Marie, kayo pala, tuloy na po sir"Napangiti siya, matagal tagal ma siyang hindi nakakapasok ng lugar na ito. Narinig pa niya ang kapatid ni Marie."Wow.. ang gaganda at ang lalaki ng bahay dito ate.."Ibinaba niya ang mga gamit ni Marlon. Pagkabukas ni Marie ng pinto, kaagad pumasok si Marlon at inexplore ang buong bahay."Pasok ka muna para makapagkape" tinig ni Marie iyon, ngunit ang hatid sa kanya ay labis na ligaya."Talaga?" hindi siya makapaniwala."Ayaw mo ba?" tanong ni Marie."Ayaw kong tumanggi" nagmamadali siyang pumasok at baka magbago
"Kuya.... kuya Bernard.." narinig niya ang tinig ni Marlon. Inuuga nito ang kanyang balikat."Hmmmm" iminulat niya ang mata, bumungad sa kanya si Marlon na nakangiti."Okay ka lang ba? binabangungot ka ata?" sabi nito.Napabalikwas siya ng bangon. May unan at kumot siya. Bihis pa rin siya.' Ano yun? panaginip lang?'"Nasaan na ang ate mo?" tanong niya."Pumasok na. Wag ka daw gisingin at baka antok na antok ka pa. Binabangungot ka ba?""Bakit?""Yung ungol mo kasi parang may kumukuha ng kaluluwa mo eh"Natawa naman siya sa sinabi ni Marlon. Tinupi niya ang kumot at ipinatong sa unan."Itataas ko muna ito" sabi niya."Ako na lang kuya. Hayaan mo lang yan dyan. Kumain ka na. Nagluto si ate ng bulalo eh, favorite mo daw to.. saka sabi niya mukhang may hang over ka daw.""Hahaha ate mo talaga magaling manghula."Sumunod siya kay Marlon sa bar counter. Malinis talaga si Marie sa bahay. Lahat nasa lugar ang nga gamit."Alam mo kuya, nagtataka ako""Bakit naman?""Kasi, kung kaibigan ka lang
POV: Marie"Ate, dito ba talaga ako matutulog?" sabi ni Marlon "ang ganda.. ang lambot ng kama, saka may freezer""Freezer?" napakunot ang kanyang noo sa sinabi ng kapatid."Ayan oh" itinuro nito ang aircon."Loko loko!" hinampas niya ang kapatid "kahit kailan talaga puro kalokohan ka.""Hmmm si kuya pogi ba, kaibigan mo talaga?" tanong nito."Oo nga, bakit ba?""Parang hindi eh""Tumigil la na, baka hindi ka pa nakakatulog dito pauwiin na kita""Ito naman""Magtapat ka nga sakin Marlon, lalaki ka ba o lalaki rin ang hanap mo?""Atsiiiing!!" nagbakla na ito "Pwedi both?""Sira ulo ka talaga!""Gwapo nung si sir.. ramdam ko may gusto sayo yun""Matulog ka na at baka mamaya patulugin kita ng suntok dyan.""Si ate talaga..'"Oh, huhugasan ko pa yung mga tasa. Bubuksan ko na ang freezer mo" biro niya sa kapatid"dpat laging close ang bintana at pinto, baka lumabas ang aircon eh""Ano yan may paa? lamig lang ang lalabas ate, hindi aircon.""Pag hindi ka tumigil ng kakapilosopo sakin, lungs
'Aba.. at nawiwili naman ata ang lalaking ito!' sabi niya sa sarili ng matanawan ang sasakyan ni Bernard na nakapark pa rin sa harapan ng bahay. 'May kakapalan talaga ang mukha. Yari to sakin.'Nagmamartsa siyang naglakad patungo sa bahay. Sarado ang pinto, ngunit hindi nakalock.Binuksan niya ito, walang tao sa baba. Sarado ang mga pinto ng kwarto. 'Asan na yung kapatid ko?'"Marlooon? Marlooon!!" tawag niya sa kapatid.Lumabas buhat sa tulugan ni Marlon si Bernard."Andyan ka na pala" nakangiti nitong bati sa kanya."Hindi, drawing lang ako. Hindi ako to.." pamimilosopo niya "ano pang ginagawa ko dito? bakit hindi ka pa umuuwi?""Kasi...""Kasi ano? feeling mo okay na tayo ulit na welcome ka na dito?""Hindi naman, pero..""Pero ano? gusto mo pang mag stay? para ano? matikman ako, ganun? atat na atat ka ba sakin at hindi ka makamove on?""Grabe ka naman" napayuko si Bernard."Ano pa ba kasing ginagawa mo dito?" nakapameywang niyang tanong."Si Marlon kasi nilalagnat" sagot nito."Ha
POV: BernardNaningkit ang mata niya ng batiin ni Aand si Marie. Parang matagal na silang magkakilala."Hi Marie." bati ni Armand."Hello po doc" ganting bati ni Marie."Naku, doc Armand na lang sana. Para hindi naman ako masyadong maging matanda. Pakiramdam ko pamangkin na kita eh." sagot ni Armand."Mukha mo na talaga siyang pamangkin kasi forty four ka na" singit ni Bernard."Okay lang yun, age does'nt matter naman, di ba Marie?" kinindatan nito si Marie."Si Doc talaga, titingnan niyo na po ba ang kapatid ko? isasalang ko lang po itong manok""Sige lang, hihintayin ka namin dito" sagot ni Armand. Sumunod ito sa kanya sa salas."Maupo ka muna... DOC!" diniinan niya ang pagkakasabi dito."Bakit parang galit ka?" natatawang tanong ni Armand."Hindi no!""Alam mo, ang cute mong magselos.""Hindi ako nagseselos sayo, alam kong mas gwapo ako.""Eh bakit nanlalaki ang butas ng ilong mo?" pambubuska ni Armand."Doc, akin si Marie. Walang ibang pwedeng landi dyan kundi ako.""Ha? binati ko
POV: MarieNapatitig siya kay Bernard habang ginagamot ang kanyang paso. Mahapdi talaga ito. Ngunit hundi na niya ito maramdaman dahil mas nakakaramdam siya ng kaba.Kaba, dahil magkalapit at halos magdikit ang mukha nila ng lalaki. Sobrang lakas ng tensiyon na nararamdaman niya kapag malapit ito sa kanya. Kaya mas pinipili niyang sungitan ito para lumayo.Tinitingnan niya kung paano nito hipan at hawakan ang kanyang napasong balat..Nakaramdam siguro ang lalaki na nakatitig siya kaya napatingin ito sa kanya. Sinalubong ni Bernard ang kanyang mga mata.Lalo siyang kinabahan ng ilapit nito ng isa na lamang halos pulgada ang mukha nito sa kanya. Dito na siya lalong kinabahan. Hindi niya kayang pigilan ang lalaki dahil nababatu balani siya dito.Parang may kakaiba itong karisma na hindi niya kayang tanggihan. Ang kapirasong pagitan nila ay pinutil nito ng diretso, napapikit siya. Dampi lang ang halik na iyon, ngunit naghatid ito ng kakaibang sensasyon sa kanya. Parang nakalutang siya sa