Althea may have a face of an angel, but don't underestimate her. Zion, his mere presence shouts authority. Okay na sana, gwapo, mabango at mayaman. Ngunit nakakainis, dahil ipinaglihi ata ito sa kayabangan.
view more"Sana ay madami silang huli ngayon." saad aling Sonia habang tinatanggal sa pagkakasalansan ang mga lalagyan ang mga banyera. "May order kasi sa akin, diyan sa malaking bahay sa kabilang bahagi ng isla."Isang linggo na kami ni Zion dito sa isla, kaya halos makasanayan na namin ang buhay dito.Sumasama si Zion sa pangingisda, ako naman ay sinasalubong siya sa umaga. Kasama ng mga kababaihang naghihintay din sa kani-kanilang asawa.Napahigpit ang hawak ko sa jacket ni Zion. Agad na nabuo ang hinala sa isip ko na ang tinutukoy nitong bahay ay ang dahilan ng pagpunta namin ni Zion dito sa isla."May malaking bahay ho pala dito?" kaswal na saad ko sa kabila nang malakas na pagpintig ng puso ko.Tumango si aling Sonia, lumapit ito at bumulong. "Oo ineng, napakagandang bahay.""Bakit hindi ko ho nakikita?"Mukhang malaki ang maitutulong ni aling Sonia sa amin."Sa kabilang bahagi iyon ng isla, ineng." Mahina ang boses na saad nito. "Pribado
Mabilis na lumipas ang oras, matapos ang salu-salo kila tiyo Milo at pagpapakilala sa amin sa ibang mga taga isla ay madilim na.Hindi pa abot ng elektrisidad ang isla kaya lampara muna ang nagsisilbing liwanag ng mga kabahayan. Hampas ng alon at huni ng mga kuliglig ang nagsisilbing musika.Nakahiga ako sa papag, habang si Zion ay naglatag sa lapag. Lihim akong nagpasalamat, may itinatago din palang pagka-maginoo ang loko."Sleep, magpahinga muna tayo ngayong gabi."Hindi ko alam kung uto-uto ako oh ano, para kasing may mahika ang boses niya. Unti-unti akong napapikit, hanggang hindi ko namalayang nakatulog na ako.Pagmulat ng aking mga mata ay maliwanag na dahil sa sumisingit na sinag ng araw mula sa bintana. Wala na si Zion sa hinigaan nito. Tanging ang unan at nakatuping kumot nalang ang nakita ko.Bumangon ako at bumaba, matapos ayusin ang aking sarili ay ipinasya kong lumabas.Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid. Sa malay
"Mahal, dahan-dahan lang."Pinaikot ko ang mga mata, hanep kung maka-acting ang epal.Nasa braso ko ang kamay niya, ina-alalayan ako habang naglalakad papunta sa dulo ng bangka."Kaya ko na."Palihim kong ipiniksi ang kamay niya, ngunit tila pader na hindi natinag.Pinigil ko ang inis dahil sa pagka-ilang na nararamdaman mula sa mainit at matigas nitong mga braso.Pagdating sa dulo ng bangka ay lihim akong nagpasalamat ng bitawan ni Zion ang aking braso at naunang bumaba. Akala ko ay maglalakad na siya patungo sa pampang ngunit humarap ito sa akin.Nabulabog ata ang mga ibon sa himpapawid ng mapatili ako. Bigla kasing hinawakan ni Zion ang aking baywang at ibinababa ako sa bangka.Sinamaan ko siya ng tingin, mumurahin ko na sana siya ng maunahan niya akong magsalita. "Gag---""You sure, you can do this?" Walang kangiti-ngiting saad niya.Natigilan ako, aba marunong din palang magseryo."If no
Pagdatingko sa Agency ay agad akong dumiretso sa opisina ni bossing my labs.Sumilip ako sa bahagyang nakaawang na pintuan.Seryoso ang mukha ngunit hindi ito nakabawas sa kagwapuhan nito.Noong sinagot ng Diyos ang panalangin ko na matanggap sa Agency ay may advance pang bonus.Ang kisig ng bossing ko.Althea ang babaeng pinagpala.Kinikilig kong itinirik ang mga mata.Bago ako pumasok, pinasadahan ko muna ng kamay ang medyo nagusot kong damit. Tinanggal ko ang nakasuot na pony tail sa aking bisig at ipinusod ang aking buhok.Hinayaan ko nalang ang ibang hibla ng bangs na kumawala mula sa pagkakaipit baka kapag inayos ko pa ay mas lalo lang gugumulo.Tumuwid ako ng tayo at itinapat ang palad sa bibig. Hiningaan ko ito at inamoy, kailangang makasiguradong fresh breath ako bago kausapin ang boss."Syet, amoy gin."Kinapa ko ang aking bulsa, baka sakaling magmilagro at
AltheaNapangiti ako at umusal ng pasasalamat, ngayon nga ay halos tatlong taon na ako sa Olympus, ang Detective Agency na in-irekomenda ni Pulido. Habang buhay ko itong tatanawing utang na loob sa kaibigan.Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing bumabalik sa alaala ang unang misyon. Kailangan kong makakuha ng ebidensya na nambabae ang asawa ng kilyente namin. Halos dalawang lingo kongsinundan ang asawa nito bago ako tuluyang nakakuha ng ebidensya.Napilayan pa ako dahil sa pagkahulog mula sa tinutungtungang upuan habang patago kong kinukuhanan ng larawan habang may kahalikan ito sa isang tagong parke. Paika-ika man ay masaya akong bumalik sa Olympus dahil tagumpay ng unang misyon.Bago ako pahawakin ng mabigat na misyon ay hindi birong training ang pinagdaanan ko. Madalas mang manganib ang aking buhay sa kasalukuyan, ay hindi ko pinagsisihan.Kung noon ay kalamares ang ulam ko, ngayon ay kaya ko ng bumili ng lechon. Graduating na sa kolehiyo an
Napatigil si Althea sa pagkuskos ng kilikili ng may kumalampag sa pintuan ng kanilang banyo."Althea nak, may tumatawag sa celpon mo." Palahaw ng kanyang ina mula sa labas.Binuhusan muna niya ng isang tabong tubig ang mukhang may sabon bago sumagot sa ina."Sino po nay?""Boss pogi nakalagay, nak."Nanlaki ang kanyang mga mata, sunod-sunod siyang sumalok ng tubig at binuhusan ang sarili."Saglit lang, nay."Hindi pa niya nababanlawanang maigi ang katawan ay hinablot na ni Althea ang tuwalyang nakasampay. Kinuskos niya ng tatlong beses ang buhok bago ito ibinalot sa katawan.Paglabas ng banyo, nabungaran niya ang inang nagwawalis habang hawak sa kabilang kamay ang tumutunog niyang cellphone."Nay, akin na."Maaagap naman nitong iniabot ang cellphone."Sir?""You have a mission."Tipid nitong salita.Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa excitement.“Yes!”
Napatigil si Althea sa pagkuskos ng kilikili ng may kumalampag sa pintuan ng kanilang banyo."Althea nak, may tumatawag sa celpon mo." Palahaw ng kanyang ina mula sa labas.Binuhusan muna niya ng isang tabong tubig ang mukhang may sabon bago sumagot sa ina."Sino po nay?""Boss pogi nakalagay, nak."Nanlaki ang kanyang mga mata, sunod-sunod siyang sumalok ng tubig at binuhusan ang sarili."Saglit lang, nay."Hindi pa niya nababanlawanang maigi ang katawan ay hinablot na ni Althea ang tuwalyang nakasampay. Kinuskos niya ng tatlong beses ang buhok bago ito ibinalot sa katawan.Paglabas ng banyo, nabungaran niya ang inang nagwawalis habang hawak sa kabilang kamay ang tumutunog niyang cellphone."Nay, akin na."Maaagap naman nitong iniabot ang cellphone."Sir?""You have a mission."Tipid nitong salita.Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa excitement.“Yes!”...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments