"Mahal, dahan-dahan lang."Pinaikot ko ang mga mata, hanep kung maka-acting ang epal.Nasa braso ko ang kamay niya, ina-alalayan ako habang naglalakad papunta sa dulo ng bangka."Kaya ko na." Palihim kong ipiniksi ang kamay niya, ngunit tila pader na hindi natinag.Pinigil ko ang inis dahil sa pagka-ilang na nararamdaman mula sa mainit at matigas nitong mga braso.Pagdating sa dulo ng bangka ay lihim akong nagpasalamat ng bitawan ni Zion ang aking braso at naunang bumaba. Akala ko ay maglalakad na siya patungo sa pampang ngunit humarap ito sa akin.Nabulabog ata ang mga ibon sa himpapawid ng mapatili ako. Bigla kasing hinawakan ni Zion ang aking baywang at ibinababa ako sa bangka.Sinamaan ko siya ng tingin, mumurahin ko na sana siya ng maunahan niya akong magsalita. "Gag---""You sure, you can do this?" Walang kangiti-ngiting saad niya.Natigilan ako, aba marunong din palang magseryo."If no
Huling Na-update : 2021-06-09 Magbasa pa