Althea
Napangiti ako at umusal ng pasasalamat, ngayon nga ay halos tatlong taon na ako sa Olympus, ang Detective Agency na in-irekomenda ni Pulido. Habang buhay ko itong tatanawing utang na loob sa kaibigan.
Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing bumabalik sa alaala ang unang misyon. Kailangan kong makakuha ng ebidensya na nambabae ang asawa ng kilyente namin. Halos dalawang lingo kong sinundan ang asawa nito bago ako tuluyang nakakuha ng ebidensya.
Napilayan pa ako dahil sa pagkahulog mula sa tinutungtungang upuan habang patago kong kinukuhanan ng larawan habang may kahalikan ito sa isang tagong parke. Paika-ika man ay masaya akong bumalik sa Olympus dahil tagumpay ng unang misyon.
Bago ako pahawakin ng mabigat na misyon ay hindi birong training ang pinagdaanan ko. Madalas mang manganib ang aking buhay sa kasalukuyan, ay hindi ko pinagsisihan.
Kung noon ay kalamares ang ulam ko, ngayon ay kaya ko ng bumili ng lechon. Graduating na sa kolehiyo ang aking kapatid na sumunod sa akin. Ang bunso naman ay grade 12 na. Si nanay ay mayroon nang maliit na sari sari store sa harap ng aming bahay na kaunting panahon nalang ay tuluyan ko ng mababayaran.
Maayos na ang aming buhay, isa nalang ang laging inuungot ng aking ina, apo. Juicekolord naman, advance masyado mag-isip ang aking ina, ni wala nga akong boyfriend sa edad bente singko.
Keri lang naman, gusto ko si bossing my labs ang magiging first boyfriend ko. Kahit pa umabot ng dekada ang paghihintay ko. Mag-aampon nalang kami kapag hindi na ako pwedeng magkaanak sa panahong yun.
"Nay, aalis na po ang diyosa niyong anak." sigaw ko matapos maitali ang sintas ng aking rubber shoes.
Lumabas naman ito sa kusina habang pinupunasan ang basang kamay. "Hindi ka naba kakain, nak?"
Umiling ako "Hindi na, nay." makita ko lang si bossing my labs, busog na ako.
"Nasaan si Andrew?" tukoy ko sa aking bunsong kapatid. Si Abigail na sumunod sa akin ay nasa kabilang bayan at doon nag-aaral ng kolehiyo. Umuuwi lang ito tuwing long weekend.
"Tulog pa si bunso nak, hayaan mo na at sabado naman. "
Umiiling na iniwan ko ang aking ina. Tinungo ko ang kwarto Andrew.
Pagpihit ko ng door knob ay hindi ko mabuksan. Aba at nag-locked pa ang loko.
Napangisi ako, akala ba nito ay uubra sa akin ang paglo-locked nito ng pinto?
Tinanggal ko ang hairpin na ginamit kong pang-ipit sa aking bangs. Hindi ito basta bastang hairpin, pinasadya ito at pwedeng baluktutin sa paraang gusto mo.
Tinuwid ko iyon at sinimulang kalikutin ang door knob. Wala pang isang minuto ay tumunog na ito.
Tumaas ang dulo ng aking labi.
"Click."
Maingat kong pinihit ang sedura.
Tadaaaannnnn!
Bumukas ang pinto ng kwarto nito.
"Ang galing ko talaga."
Kung gugustuhin ko ay papasa akong leader ng bukas pinto gang. Ngunit isa akong vavaeng marangal, hinding hindi ko papasukin ang trabahong iyon.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko ang kapatid kong si Andrew. Humihilik pa ito habang yakap ang unan.
Lumamlam ang aking mata, umupo ako sa gilid ng kanyang kama at marahang hinaplos ang buhok nito.
"Binata na ang bunso namin."
Mula sa buhok nito ay dumausdos ang aking palad patungo sa tenga nito. Hinaplos haplos ko muna hanggang sa dumiin ang aking mga daliri.
"Aray, ano ba." Nabitawan nito ang unang yakap dahil sa pagpingot ko.
"Bumangon ka na, tulungan mo si nanay sa labas." Sabi ko habang
hawak hawak parin ang tenga nito."Aaaaah, aray, ate naman."
Pilit nitong hinihila ang aking kamay.
"Inaantok pa ako." Hindi na maipinta ang mukhaang saad nito.
"Alas nuebe na, kanina pa alas singko gising ang mga kapitbahay pero ikaw nakahilata ka pa dito?" Pinanlakihan ko ito ng mata. "Napuyat ka na naman ba sa kalalaro ng mobile legends na yan? " Inis na litanya ko.
Tinanggal ko ang kamay sa tenga nito. "Kung sana dahil sa pag re-review napuyat aba, magpapa-piyesta pa ako. Pero puro ka legend legend na yan. May pa-you have slain an enemy pa yang nalalaman. Eh kung i-slain ko kaya kung sino mang nakaimbento ng larong yan?"
Huminga ako ng malalalim at pumreno saglit sa kakatalak. "Aba Andrew binata ka na, magsipag ka naman huwag yang puro laro. Si nanay kawawa doon sa labas tulungan mo."
Ngunit tila wala itong narinig. Kinuha nito ang unan at tinakip ito sa mukha.
Napabuga ako ng hangin sa inis. Kung pwede ko lang balian ito ng buto para magsipag. Gigil kong pinagdikit ang mga ngipin at umambang sasakalin na ang kapatid.
Muli akong bumuga ng hangin at binawi ang kamay. Mukhang hindi uubra ang pagtatalak ko, kailangan kong makaisip ng ibang paraan.
Maya-maya pa ay napangisi na ako.
Ting.
Kung hindi pa uubra ang idea sa kapatid dadaanin ko na sa santong paspasan.
Tumikhim ako. "Hindi ka ba talaga babangon?"
Ni hindi ito gumalaw.
Binelatan ko ito.
Di huwag, alam kong hindi ka naman bingi.
" O di sige, kahit maghapon kang matulog. Madali lang naman ako kausap." Sinadya kong lakasan ang boses. "Papunta naman na ako ng trabaho, tumawag kasi di bossing."
Tumayo ako mula sa kama nito at mabagal na naglakad palabas. Sinadya ko ding pabigatin ang hakbang."May sahod na daw ako, sorry nalang mukhang walang bagong cellphone ang isa diyan."
Noong isang buwan pa kasi ito nangungulit na ibili ko ng bagong cellphone.
Bago pa ako makalabas ng pinto ay mabilis itong bumangon.
Lihim akong natawa.
Wow ang bilis ah.
"Sabi ko nga ate, tutulungan ko si nanay."
Mabilis ang kilos na basta nalang nitong pinag-patong patong ang mga unan at kumot nito.
"Ate ako na ang maglalaba."
Doon na tuluyang kumawala ang pinipigilang tawa. "Hanep ah bro, cellphone lang pala ang magic word. "
"Te iphone ah."Malambing nitong ikinawit ang kamay sa braso ko.
Ngumuso siako, pabiro kong pinilipit ito sa leeg. "Ang mahal nun bro, Cherry Mobile nalang."
Sumimangot ito at nagpapalag. "Ate naman, cherry mobile na nga yung lumang cellphone ko."
Tumatawang pinakawalan ko ito. "Basta ba ang grades eh wapak na wapak."
Sumilay ang ngiti sa labi ng kapatid "Call!"
"Call." Aniya at nakipag-fist to fist dito.
Nagpaalam ulit ako kay nanay bago tuluyang lumabas ng bahay.
Malakas na tawanan ng mga tambay naming kapitbahay ang bumungad sa akin paglabas ko ng gate.
Napatingin ako sa relo.
"9:45 am, hanep ah gin ang almusal ng mga ito. Goodluck nalang sa atay ng mga ito.."
"Thea, papasok ka na?" Tanong ni mang Kanor, mataba ito at puno ng tattoo ang katawan.
Tumango ako. "Oo mang Kanor," Nginuso ko ang kanilang mesa. "mukhang napa-aga ang session niyo ngayon ah?"
Humalakhak ang mga ito. "Birthday kasi nitong si Nanding, Thea." Tukoy ni Bigboy sa katabi matapos tumagay.
"Talaga ba?" Nginitian ko si Nanding. "Happy birthday, kuya." Bati ko.
'Salamat Thea, oh tagay mo." Nilagyan nito ng gin ang maliit na baso.
Gusto ko sanang tumanggi ngunit dahil birthday naman nito kaya sige, pagbibigyan. Hindi naman siguro ako magkakasakit sa isang tagay lang.
Mukhang wala pa namang antenna ang mga ito dahil malalaki naman ang katawan.
Tinanggap ko ang baso at mabilis itong tinungga. Napangiwi ako nang gumuhit ang pait sa aking lalamunan.
"Sagot ko na ang tatlong round, kumuha kayo ng tatlong bilog kay nanay." Sabi ko.
Nagpalakpakan ang mga ito "Wooooh!"
"Iba ka talaga, Thea."
Nag tumbs up pa ang mga ito. Tatlong bilog, ngunit parang nanalo na ang mga ito sa lotto.
Kinindatan ko ang mga ito "Basta alam niyo na, pakibantay bantayan sila nanay."
Kahit na lasenggo ang mga ito ay maasahan naman. Madalas kong ibilin sila nanay sa mga ito. Kapalit ng ilang round sa inuman.
Sumaludo ang mga ito "Makakaasa ka."
Pagdatingko sa Agency ay agad akong dumiretso sa opisina ni bossing my labs.Sumilip ako sa bahagyang nakaawang na pintuan.Seryoso ang mukha ngunit hindi ito nakabawas sa kagwapuhan nito.Noong sinagot ng Diyos ang panalangin ko na matanggap sa Agency ay may advance pang bonus.Ang kisig ng bossing ko.Althea ang babaeng pinagpala.Kinikilig kong itinirik ang mga mata.Bago ako pumasok, pinasadahan ko muna ng kamay ang medyo nagusot kong damit. Tinanggal ko ang nakasuot na pony tail sa aking bisig at ipinusod ang aking buhok.Hinayaan ko nalang ang ibang hibla ng bangs na kumawala mula sa pagkakaipit baka kapag inayos ko pa ay mas lalo lang gugumulo.Tumuwid ako ng tayo at itinapat ang palad sa bibig. Hiningaan ko ito at inamoy, kailangang makasiguradong fresh breath ako bago kausapin ang boss."Syet, amoy gin."Kinapa ko ang aking bulsa, baka sakaling magmilagro at
"Mahal, dahan-dahan lang."Pinaikot ko ang mga mata, hanep kung maka-acting ang epal.Nasa braso ko ang kamay niya, ina-alalayan ako habang naglalakad papunta sa dulo ng bangka."Kaya ko na."Palihim kong ipiniksi ang kamay niya, ngunit tila pader na hindi natinag.Pinigil ko ang inis dahil sa pagka-ilang na nararamdaman mula sa mainit at matigas nitong mga braso.Pagdating sa dulo ng bangka ay lihim akong nagpasalamat ng bitawan ni Zion ang aking braso at naunang bumaba. Akala ko ay maglalakad na siya patungo sa pampang ngunit humarap ito sa akin.Nabulabog ata ang mga ibon sa himpapawid ng mapatili ako. Bigla kasing hinawakan ni Zion ang aking baywang at ibinababa ako sa bangka.Sinamaan ko siya ng tingin, mumurahin ko na sana siya ng maunahan niya akong magsalita. "Gag---""You sure, you can do this?" Walang kangiti-ngiting saad niya.Natigilan ako, aba marunong din palang magseryo."If no
Mabilis na lumipas ang oras, matapos ang salu-salo kila tiyo Milo at pagpapakilala sa amin sa ibang mga taga isla ay madilim na.Hindi pa abot ng elektrisidad ang isla kaya lampara muna ang nagsisilbing liwanag ng mga kabahayan. Hampas ng alon at huni ng mga kuliglig ang nagsisilbing musika.Nakahiga ako sa papag, habang si Zion ay naglatag sa lapag. Lihim akong nagpasalamat, may itinatago din palang pagka-maginoo ang loko."Sleep, magpahinga muna tayo ngayong gabi."Hindi ko alam kung uto-uto ako oh ano, para kasing may mahika ang boses niya. Unti-unti akong napapikit, hanggang hindi ko namalayang nakatulog na ako.Pagmulat ng aking mga mata ay maliwanag na dahil sa sumisingit na sinag ng araw mula sa bintana. Wala na si Zion sa hinigaan nito. Tanging ang unan at nakatuping kumot nalang ang nakita ko.Bumangon ako at bumaba, matapos ayusin ang aking sarili ay ipinasya kong lumabas.Bumungad sa akin ang maaliwalas na paligid. Sa malay
"Sana ay madami silang huli ngayon." saad aling Sonia habang tinatanggal sa pagkakasalansan ang mga lalagyan ang mga banyera. "May order kasi sa akin, diyan sa malaking bahay sa kabilang bahagi ng isla."Isang linggo na kami ni Zion dito sa isla, kaya halos makasanayan na namin ang buhay dito.Sumasama si Zion sa pangingisda, ako naman ay sinasalubong siya sa umaga. Kasama ng mga kababaihang naghihintay din sa kani-kanilang asawa.Napahigpit ang hawak ko sa jacket ni Zion. Agad na nabuo ang hinala sa isip ko na ang tinutukoy nitong bahay ay ang dahilan ng pagpunta namin ni Zion dito sa isla."May malaking bahay ho pala dito?" kaswal na saad ko sa kabila nang malakas na pagpintig ng puso ko.Tumango si aling Sonia, lumapit ito at bumulong. "Oo ineng, napakagandang bahay.""Bakit hindi ko ho nakikita?"Mukhang malaki ang maitutulong ni aling Sonia sa amin."Sa kabilang bahagi iyon ng isla, ineng." Mahina ang boses na saad nito. "Pribado
Napatigil si Althea sa pagkuskos ng kilikili ng may kumalampag sa pintuan ng kanilang banyo."Althea nak, may tumatawag sa celpon mo." Palahaw ng kanyang ina mula sa labas.Binuhusan muna niya ng isang tabong tubig ang mukhang may sabon bago sumagot sa ina."Sino po nay?""Boss pogi nakalagay, nak."Nanlaki ang kanyang mga mata, sunod-sunod siyang sumalok ng tubig at binuhusan ang sarili."Saglit lang, nay."Hindi pa niya nababanlawanang maigi ang katawan ay hinablot na ni Althea ang tuwalyang nakasampay. Kinuskos niya ng tatlong beses ang buhok bago ito ibinalot sa katawan.Paglabas ng banyo, nabungaran niya ang inang nagwawalis habang hawak sa kabilang kamay ang tumutunog niyang cellphone."Nay, akin na."Maaagap naman nitong iniabot ang cellphone."Sir?""You have a mission."Tipid nitong salita.Bumilis ang pintig ng kanyang puso sa excitement.“Yes!”

AltheaNapangiti ako at umusal ng pasasalamat, ngayon nga ay halos tatlong taon na ako sa Olympus, ang Detective Agency na in-irekomenda ni Pulido. Habang buhay ko itong tatanawing utang na loob sa kaibigan.Hindi ko maiwasang matawa sa tuwing bumabalik sa alaala ang unang misyon. Kailangan kong makakuha ng ebidensya na nambabae ang asawa ng kilyente namin. Halos dalawang lingo kongsinundan ang asawa nito bago ako tuluyang nakakuha ng ebidensya.Napilayan pa ako dahil sa pagkahulog mula sa tinutungtungang upuan habang patago kong kinukuhanan ng larawan habang may kahalikan ito sa isang tagong parke. Paika-ika man ay masaya akong bumalik sa Olympus dahil tagumpay ng unang misyon.Bago ako pahawakin ng mabigat na misyon ay hindi birong training ang pinagdaanan ko. Madalas mang manganib ang aking buhay sa kasalukuyan, ay hindi ko pinagsisihan.Kung noon ay kalamares ang ulam ko, ngayon ay kaya ko ng bumili ng lechon. Graduating na sa kolehiyo an