Share

Kabanata 36.1

May ngiti sa labi ni Scarlett nang matapos ang show nila sa Pampanga. Si Jared pa rin ang kasama niya hanggang sa makauwi sila. Nabawasan ang bigat na dala-dala ni Scarlett sa dibdib niya pero hindi dahil unti-unti ng bumabalik ang tiwala sa kaniya ng mga tao ay hindi niya na aalamin ang tungkol sa nakaraan.

Alam ni Scarlett na hindi natutuwa si Layla sa show nila kanina. Naging masaya ang show nila sa Pampanga at napakarami rin ang dumalo at halos pangalan lang ni Scarlett at Jared ang nangingibabaw sa mga sigaw nila.

“Tell me your address dahil ihahatid na kita.” Saad ni Jared nang makarating sila ng Manila.

“Hindi na kailangan, naghihintay na rin sa harap ng kompanya ang driver ko.” saad niya, hindi siya pwedeng ihatid ni Jared sa bahay ni Zion dahil kapag inihatid siya ni Jared sa bahay nila ni Zion paniguradong magtataka siya.

“Sure ka ba? Gusto ko lang naman sana na makauwi ka ng ligtas.” Aniya pa pero inilingan siya ni Scarlett. Kapag nalaman ni Zion na inihatid pa siya ni Jare
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status