Iniwan na ni Zion ang sasakyan niya at naglakad na para pumunta sa harap. Inisa-isa niyang tinitingnan ang mga nakahintong sasakyan dahil alam niyang naipit din si Scarlett sa traffic kung may nangyaring banggaan.Palapit na nang palapit si Zion sa aksidente pero hindi pa rin niya nakikita ang sasakyan ni Scarlett.“Damn it! Nakalampas na yata siya bago ang aksidente.” Aniya at tiningnan ang mga sasakyang nasa unahan pa pero tila ba biglang huminto sa pagtibok ang puso niya ng makita niya ang sasakyan ni Scarlett. “No, no, please,” mahina niyang usal saka siya tumakbo palapit sa aksidente. Tiningnan niya ang sasakyang nakatagilid na ngayon, sana lang ay hindi si Scarlett ang nasa loob ng sasakyan.“Scarlett?” mahina niyang tawag dito. Mabilis na binuksan ni Zion ang pintuan sa driver seat at kitang kita niya si Scarlett na wala ng malay.“Call an ambulance now!” sigaw niya. Aalisin na sana ni Zion si Scarlett nang pigilan siya ng isang lalaki.“Sir hindi niyo po muna pwedeng alisin.
Hindi kaagad nakagalaw si Zion sa kinatatayuan niya sa ibinalita ni Lance. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Anim na taon siyang naghintay, nawalan siya ng pag-asa na magigising pa si Kaylee.He should be happy right? Pero bakit parang nalulungkot siya?Ilang minuto lang ang lumipas at nagring na ang cell phone ni Zion. Kinuha niya yun sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang caller. Hindi nga nagbibiro si Lance dahil hindi naman tatawag sa kaniya ang kaniyang ama ng walang dahilan.Sinagot niya ang tawag.“Wala ka pa rin bang balak na bumalik dito? Gising na ang asawa mo!” sigaw ng kaniyang ama sa kanilang linya. “Palagi ka namang dumaladaw dito dati pero simula nang magpakasal ka sa artista na yan, nabaling na ang buong atensyon mo sa kaniya. Huwag mo na sanang hintayin na ako pa ang magsasabi sa babaeng pinakasalan mo ang lihim mo. Matagal na kitang pinagbigyan at binigyan ng oras para aminin sa kaniya ang lahat at putulin a
Lumipas ang dalawang linggo, dalawang linggo na ring walang malay si Scarlett na mas lalo namang ikinatutuwa ni Layla. Minsan nang dinalaw ni Layla si Scarlett at nakita niya ang kalagayan ni Scarlett. Punong-puno pa rin ng maraming apparatus ang buong katawan niya at nananatili pa rin siya sa ICU.Nagbabasa ng magazine si Lance habang nagbabantay kay Scarlett. Hindi naman namamalayan ni Lance ang paggalaw ng mga daliri ni Scarlett lalo na ang dahan-dahan na pagmulat ng mga mata niya.Dalawang linggo siyang nakatulog lang. Nakamulat na ang mga mata ni Scarlett pero hindi man kang ito kumukurap. Hindi pa napapansin ni Lance kaya hindi pa rin niya natatawag ang mga doctor ni Scarlett para maicheck ang kalagayan niya.Blangko pa ang isip ni Scarlett at hindi niya maalala kung anong nangyari. Tanging puting kisame lang ang nakikita niya. Gusto niyang igalaw ang mga mata niya pero tila ba hindi niya magawa.Iginagalaw niya rin ang mga daliri niya pero hindi pa rin niya magalaw ang paa niya
Nang makatulog na si Kaylee ay lumabas na muna si Zion para tawagan si Lance. Hindi niya pa natatawagan si Lance dahil palagi niyang kasama si Kaylee.“How is she?” tanong kaagad ni Zion nang sagutin ni Lance ang tawag.“She can’t remember anything.” Diretsong sagot ni Lance sa kaniya.“What? Are you kidding me?” bakas ang inis sa boses ni Zion pero alam niyang hindi nagbibiro si Lance. Napahilot na lang si Zion sa noo niya. Gusto niya ng puntahan si Scarlett pero hindi niya magawa dahil magtataka si Kaylee at paniguradong sasama ito kahit saan pumunta si Zion.“Ang sabi naman ng doctor pansamantala lang naman ang amnesia niya at babalik dun yun kaagad pero walang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Hindi niya maalala maging ang pangalan niya pero nagiging okay na rin ang kalagayan niya. Naghihilom naman na ang mga gasgas at sugat niya. She’s okay Sir so don’t worry.” Zion sigh, ganito na lang ba ang mangyayari sa mga babaeng minamahal niya?Maaaksidente at walang maaalala pagkagising
Tiningnan ni Scarlett ang papalubog ng araw saka siya napangiti. Wala siyang iniisip na problema pero merong parte sa puso niya na gusto niya ng makaalala.“Pero kung totoong boyfriend kita masaya na rin ako. You wanna know why? Ang sabi mo sa akin ay lumaki lang ako sa isang orphanage at pinasok ang showbiz. Kung boyfriend kita pasasalamatan kita ng buong puso dahil kahit na ganito na lang ako, kahit na ilang linggo mo na akong inaalagaan hindi mo pa rin ako iniwan at pinabayaan.” Nakangiti niyang wika habang nakatitig siya kay Lance.Napaiwas ng tingin si Lance saka siya bahagyang natawa. Bakit ba kasi iniisip ni Scarlett na siya ang boyfriend niya?“Paano naman kung hindi?” tanong ni Lance.“Well ganun pa rin pero bakit naman sana hindi diba? Kung may boyfriend akong iba o manliligaw, irerejct ko sila kasi ikaw lang yung nandyan para sa akin, ikaw yung nagtiis na alagaan at bantayan ako kahit na napupuyat ka na pero kung isa ka lang kaibigan sa buhay ko. Pwede naman kitang ligawan
Salubong na naman ang mga kilay ni Layla habang naglalakad. Nakakuyom din ang mga kamao niya pero sa tuwing may masasalubong siyang mga tao ay nginingitian niya ang mga yun kahit na kumukulo na ang dugo niya.Dumiretso siya kung saan banda ang dressing room ni Drew at pagbukas niya ng pintuan ay napatingin sa kaniya ang lahat habang tiningnan naman siya ni Drew sa repleksyon ng salamin na nasa harapan niya.“Can we talk?” malumanay na saad ni Layla kahit na gusto niya nang sigawan si Drew. Tiningnan ni Drew ang manager niya saka niya ito tinanguan. Inutusan na ng manager ni Drew ang mga staff na lumabas na muna.Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makalabas ang lahat ng kasama nila sa room.“What do you need?” blangko at walang ganang tanong ni Drew kay Layla.“What is this? Huh?!” inilapag ni Layla ang cell phone niya sa harapan ni Drew. Tiningnan naman ni Drew kung ano ba ang sinasabi ni Layla pero napangisi lang siya. Tumayo na si Drew at hinarap si Layla.“Are you threatening m
Nauna nang lumabas si Scarlett kaya hindi na lang yun pinansin ni Kaylee dahil baka nagbago lang talaga si Zion. Nang makalabas na si Scarlett at Kaylee ay mabilis na kwenelyuhan ni Zion si Lance at malakas na isinandal ito sa pader.“What do you think you are doing, huh?!” galit na saad ni Zion sa kaniya.“Sir wala naman po akong ginagawa. Ginawa ko lang po kung anong sinabi niyo sa akin, ang alagaan si Ma’am Scarlett.” Kalmado niyang saad pero diniinan ni Zion ang pagkakakwelyo niya kay Lance.“Sinabi ko yun pero hindi kasama ang landiin siya! What is that? Kailangan ba hawak mo ang kamay niya na lumabas ng opisina ko? Kung gawin mo yun parang wala ako sa harapan niyo ah. Akala mo ba hindi ko narinig ang pinag-usapan niyo ni Scarlett noong huli akong tumawag? She’s calling you babe!” may diin niyang saad. Napalunok si Lance dahil kahit na wala namang malisya sa kaniya ang lahat ay iba pa rin ang dating nun sa Boss niya.“Hindi mo sinabi sa kaniya kung anong relasyon naming dalawa? H
“Love hindi mo ba gusto yung Italian spaghetti nila?” tanong ni Kaylee kay Zion. “You asked me out on a date love pero parang wala kang gana na kumain. Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Kaylee. Iniwas ni Zion ang tingin niya kay Scarlett at bahagyang bumuntong hininga at nginitian si Kaylee.“I’m okay, let’s just eat.” Anas niya at kumain na pero para bang hindi niya malasahan ang kinakain niya dahil walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi si Scarlett na masayang nakikipag-usap kay Jared. Halata namang masaya at nag-eenjoy si Scarlett kasama ang co-artist niya pero hindi mapigilan ni Zion ang hindi magalit at magselos.Mahigpit na naman niyang hinawakan ang kutsawa niya ng makita niya ang masayang-masayang mukha ni Scarlett, ang matatamis niyang mga ngiti, ang mga mata niyang naghuhugis crescent moon sa tuwing ngumingiti siya.Kinagat ni Zion ang pang-ibaba niyang labi para pigilan ang sarili niya na lapitan si Scarlett. Ngayon na kilala ni Scarlett si Kaylee bilang asawa niya