“I know that you’re good at singing too Jared. Then let’s open the show together.” Aniya kay Jared. Pinag-isipan naman ni Jared at di kalaunan ay pumayag na rin dahil ayaw niyang iwan si Scarlett. “Kantahin na lang natin yung theme song ng drama natin.” saad ni Scarlett. Binigyan naman na ng organizer ng mic si Scarlett at Jared. “Let’s welcome of applause our leading man and her leading lady!” wika ng host sa stage. Nagsigawan naman ang lahat ng mga nagpunta ng mall para manuod sa show nila. Napakunot naman ng noo si Layla ng marinig niya ang sinabi ng host. “Are they serious?” tanong niya dahil alam nilang hindi naman talaga si Jared at Scarlett ang mag-uumpisa ng show pero wala na silang magagawa lalo na nang sabay nang lumabas ng stage si Jared at Scarlett. Napangiti si Scarlett nang salubungin sila ng malakas na sigawan ng mga manunuod. Unang kumanta si Scarlett ng theme song ng drama nila. Lalong nagsigawan ang mga nanunuod sa kanila dahil sa napakagandang boses ni Scarlett.
May ngiti sa labi ni Scarlett nang matapos ang show nila sa Pampanga. Si Jared pa rin ang kasama niya hanggang sa makauwi sila. Nabawasan ang bigat na dala-dala ni Scarlett sa dibdib niya pero hindi dahil unti-unti ng bumabalik ang tiwala sa kaniya ng mga tao ay hindi niya na aalamin ang tungkol sa nakaraan.Alam ni Scarlett na hindi natutuwa si Layla sa show nila kanina. Naging masaya ang show nila sa Pampanga at napakarami rin ang dumalo at halos pangalan lang ni Scarlett at Jared ang nangingibabaw sa mga sigaw nila.“Tell me your address dahil ihahatid na kita.” Saad ni Jared nang makarating sila ng Manila.“Hindi na kailangan, naghihintay na rin sa harap ng kompanya ang driver ko.” saad niya, hindi siya pwedeng ihatid ni Jared sa bahay ni Zion dahil kapag inihatid siya ni Jared sa bahay nila ni Zion paniguradong magtataka siya.“Sure ka ba? Gusto ko lang naman sana na makauwi ka ng ligtas.” Aniya pa pero inilingan siya ni Scarlett. Kapag nalaman ni Zion na inihatid pa siya ni Jare
“Libre ko sana sayo yun pero if you’re not available I understand naman. Maybe next time?” tumango na lang si Scarlett sa kaniya. Sumimsim na si Scarlett sa iced coffee niya at kinain ang mga dessert na inorder ni Jared.Hanggang ngayon parang panaginip pa rin sa kaniya ang mga nangyari. Tama si Jared pagkatapos ng nakakatrauma niyang nakaraan may maganda pa ring naghihintay sa kaniya sa kasalukuyan.“Do you have a boyfriend, Scarlett?” tanong ni Jared na ikinalingon ni Scarlett sa kaniya. Bakit natanong ni Jared ang tungkol dun? Napaubo pa siya dahil nagulat siya sa tanong nito.“Pasensya na, ano ulit yun?” paninigurado niya kung hindi lang ba siya nabingi sa tanong ni Jared sa kaniya.“I’m sorry for asking, never mind.” Napatango na lang si Scarlett. Nakahinga naman siya ng maayos dahil hindi na siya tinanong ni Jared dahil hindi niya alam kung anong isasagot niya sa tanong na yun.Matapos nilang magmeryenda ay umuwi na rin si Scarlett. Ramdam niya ang pagod niya kaya nang makapasok
Hindi mawala sa isip ni Lance ang tanong ni Scarlett sa kaniya. Tumawag lang ito para tanungin kung may kambal ba si Zion?“Lance, where’s the other documents I need?” tanong ni Zion pero tila ba malalim ang iniisip ni Lance kaya hindi niya narinig ang sinabi ni Zion sa kaniya.“Lance!” malakas na tawag ni Zion kay Lance kaya nabalik na sa wisyo si Lance saka niya hinarap ang Boss niya.“Kanina ka pa ba dyan Sir?” kakamot kamot pa siya sa batok niya.“Kanina pa rin kita kinakausap pero hindi mo ako sinasagot. Ano bang problema mo?” inis na tanong ni Zion. Hindi na nga maganda ang araw niya dadagdagan pa ng mga empleyado niya.“Tumawag po kasi sa akin si Ma’am Scarlett, nakakapagtaka lang kasi yung tanong niya eh.” Sagot ni Lance. Si Zion naman ang napakunot ng noo, ano naman sanang dahilan ni Scarlett para tawagan ang secretary niya?“What did she ask?”“Tinanong niya lang po kung may kakambal ba kayo tapos nung sinabi kong wala, ibinaba niya na rin po ang tawag. Narinig ko pang paran
Iniwan na ni Zion ang sasakyan niya at naglakad na para pumunta sa harap. Inisa-isa niyang tinitingnan ang mga nakahintong sasakyan dahil alam niyang naipit din si Scarlett sa traffic kung may nangyaring banggaan.Palapit na nang palapit si Zion sa aksidente pero hindi pa rin niya nakikita ang sasakyan ni Scarlett.“Damn it! Nakalampas na yata siya bago ang aksidente.” Aniya at tiningnan ang mga sasakyang nasa unahan pa pero tila ba biglang huminto sa pagtibok ang puso niya ng makita niya ang sasakyan ni Scarlett. “No, no, please,” mahina niyang usal saka siya tumakbo palapit sa aksidente. Tiningnan niya ang sasakyang nakatagilid na ngayon, sana lang ay hindi si Scarlett ang nasa loob ng sasakyan.“Scarlett?” mahina niyang tawag dito. Mabilis na binuksan ni Zion ang pintuan sa driver seat at kitang kita niya si Scarlett na wala ng malay.“Call an ambulance now!” sigaw niya. Aalisin na sana ni Zion si Scarlett nang pigilan siya ng isang lalaki.“Sir hindi niyo po muna pwedeng alisin.
Hindi kaagad nakagalaw si Zion sa kinatatayuan niya sa ibinalita ni Lance. Hindi niya alam kung magiging masaya ba siya, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya. Anim na taon siyang naghintay, nawalan siya ng pag-asa na magigising pa si Kaylee.He should be happy right? Pero bakit parang nalulungkot siya?Ilang minuto lang ang lumipas at nagring na ang cell phone ni Zion. Kinuha niya yun sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang caller. Hindi nga nagbibiro si Lance dahil hindi naman tatawag sa kaniya ang kaniyang ama ng walang dahilan.Sinagot niya ang tawag.“Wala ka pa rin bang balak na bumalik dito? Gising na ang asawa mo!” sigaw ng kaniyang ama sa kanilang linya. “Palagi ka namang dumaladaw dito dati pero simula nang magpakasal ka sa artista na yan, nabaling na ang buong atensyon mo sa kaniya. Huwag mo na sanang hintayin na ako pa ang magsasabi sa babaeng pinakasalan mo ang lihim mo. Matagal na kitang pinagbigyan at binigyan ng oras para aminin sa kaniya ang lahat at putulin a
Lumipas ang dalawang linggo, dalawang linggo na ring walang malay si Scarlett na mas lalo namang ikinatutuwa ni Layla. Minsan nang dinalaw ni Layla si Scarlett at nakita niya ang kalagayan ni Scarlett. Punong-puno pa rin ng maraming apparatus ang buong katawan niya at nananatili pa rin siya sa ICU.Nagbabasa ng magazine si Lance habang nagbabantay kay Scarlett. Hindi naman namamalayan ni Lance ang paggalaw ng mga daliri ni Scarlett lalo na ang dahan-dahan na pagmulat ng mga mata niya.Dalawang linggo siyang nakatulog lang. Nakamulat na ang mga mata ni Scarlett pero hindi man kang ito kumukurap. Hindi pa napapansin ni Lance kaya hindi pa rin niya natatawag ang mga doctor ni Scarlett para maicheck ang kalagayan niya.Blangko pa ang isip ni Scarlett at hindi niya maalala kung anong nangyari. Tanging puting kisame lang ang nakikita niya. Gusto niyang igalaw ang mga mata niya pero tila ba hindi niya magawa.Iginagalaw niya rin ang mga daliri niya pero hindi pa rin niya magalaw ang paa niya
Nang makatulog na si Kaylee ay lumabas na muna si Zion para tawagan si Lance. Hindi niya pa natatawagan si Lance dahil palagi niyang kasama si Kaylee.“How is she?” tanong kaagad ni Zion nang sagutin ni Lance ang tawag.“She can’t remember anything.” Diretsong sagot ni Lance sa kaniya.“What? Are you kidding me?” bakas ang inis sa boses ni Zion pero alam niyang hindi nagbibiro si Lance. Napahilot na lang si Zion sa noo niya. Gusto niya ng puntahan si Scarlett pero hindi niya magawa dahil magtataka si Kaylee at paniguradong sasama ito kahit saan pumunta si Zion.“Ang sabi naman ng doctor pansamantala lang naman ang amnesia niya at babalik dun yun kaagad pero walang kasiguraduhan kung hanggang kailan. Hindi niya maalala maging ang pangalan niya pero nagiging okay na rin ang kalagayan niya. Naghihilom naman na ang mga gasgas at sugat niya. She’s okay Sir so don’t worry.” Zion sigh, ganito na lang ba ang mangyayari sa mga babaeng minamahal niya?Maaaksidente at walang maaalala pagkagising
Mabilis na lumipas ang mga buwan, natataranta na silang lahat nang pumutok ang panubigan ni Scarlett. This is her first time kaya maging siya ay kinakabahan na. Natatakot siyang lumabas na ang anak niya ng hindi pa sila nakakarating sa hospital.“Pwede bang pakibilisan, sa bagal nang patakbo mo para tayong nakikiparada!” sigaw ni Richelle kay Lance na nagdadrive. Si Richelle ang natawagan ni Scarlett nang pumutok ang panubigan niya dahil naggrocery si yaya Precious.Nasa business trip naman si Zion at pauwi pa lang siya. Hindi naman na alam ni Scarlett ang gagawin niya, hindi niya alam kung saang parte ba ng katawan niya ang masakit.“Manganganak na yata ako rito,” wika niya habang hawak-hawak niya ang tiyan niya.“Iabot mo sa hospital please, hindi namin alam ang gagawin namin sayo rito!” natatarantang saad ni Richelle. “Bilisan mo naman, Lance!” sigaw niya na naman kaya walang nagawa si Lance kundi ang bilisan ang patakbo niya kahit na lumampas na sila sa speeding limit.“Oh my gosh
“He really loves his mother, close na close silang dalawa. He’s in 8th grade when someone ambushes his mother. Pauwi na silang dalawa noon nang may bigla na lang nagpaulan ng bala sa sinasakyan nila. Niyakap ng asawa ko ang anak namin. Si Zion lang ang nakaligtas noong araw na yun. Malakas siyang tingnan sa panglabas pero mabilis masaktan ang puso niya. Hindi ko akalain na nasasaktan na pala siya noong panahong comatose pa si Kaylee. He’s good hiding his feeling, Scarlett.” Napapaisip na lang si Scarlett kung ano bang naging buhay ni Zion sa mga nakalipas na taon.Kaya ba ganun na lang ang galit niya noong muntik din siyang maambush?“Don’t worry po, I won’t hurt your son.” Ngumiti naman si Mr. Grayson sa sinabi ni Scarlett. Ayaw niya na sanang makita pa na masaktan ulit ang anak niya at malaki ang tiwala ni Mr. Grayson kay Scarlett na hindi niya yun gagawin.Pagkatapos ng pag-uusap nilang dalawa ay bumalik na sa office si Scarlett. Naupo na lang siya sa sofa dahil wala pa rin si Zion
Inasikaso kaagad ni Lance ang presscon ni Zion at ni Scarlett. Tama na ang dalawang linggong pananahimik nila. Marami na rin ang nakaabang sa live nila para malaman ang totoong nangyari at kung paanong si Scarlett ang naging legal wife ng isang Zion Grayson.Sasama rin si Kaylee sa presscon para maipaliwanag din ang side nilang dalawa ni Zion. Wala namang nakaalam ng kasal nila noon dahil mas pinili nilang ilihim ang relasyon nila para magkaroon sila ng tahimik na buhay.Humarap si Scarlett sa human size niyang salamin at napahawak na lang sa tiyan niya dahil kitang kita na ang baby bump niya. Napasimangot na lang siya dahil para bang naggain siya ng weight lalo na at halata na ang tiyan niya.“Is everything okay?” tanong ni Zion kay Scarlett nang makababa siya ng hagdan. Tumabi si Zion kay Scarlett at tiningnan din sa repleksyon ng salamin ang itsura ng asawa niya.“Look at me, I gain weight.” Anas niya, tiningnan naman ni Zion ang katawan ni Scarlett pero hindi niya naman napapansin
“Hindi pa, masyado pa siyang busy sa mga ginagawa niya saka hindi ko rin naman alam kung malalaman ko ba sa kaniya kung sino ang nagplano nun. Kung sino man siya hahanapin ko siya para mapasalamatan na rin. Hindi ko rin alam kung may kinalaman ba si Drew sa nangyari dahil minsan niya na akong kinausap at winarningan tungkol kay Layla pero hindi ko pa rin siya nakakausap.”“Hanapin mo na ang mga kasagutan sa mga katanungan mo Scarlett. Okay lang ako rito saka marami namang nagbabantay at bumibisita sa akin. Gawin mo na ang mga kailangan mong gawin para matahimik ka na rin.” Tumango at ngumiti si Scarlett. Tumayo na si Scarlett saka niya niyakap si Jared.“Thank you so much for everything Jared. You are one of the best people that I have ever met. Magpagaling ka.” aniya saka siya kumalas sa pagkakayakap. Tumango naman si Jared.Pagkatapos nang pag-uusap nilang dalawa ay bumalik si Scarlett sa kompanya at tiningnan si Zion kung nakabalik na bai to sa opisina niya pero ang naabutan niya l
Matapos nang nangyari sa party ay nagkakagulo pa rin sa social media. Lahat sila ay nalilito pa rin sa mga nangyari at sa mga nalaman nila lalo na at wala pang kompirmasyon mula kay Zion. Nananatili silang tahimik kaya hanggang ngayon marami pa ring katanungan sa mga isip nila ang mga tao.Inasikaso ni Zion at Scarlett ang pagsasampa nila ng kaso kay Layla at kay Eric. Inuna nilang asikasuhin yun kesa ang magpaliwanag sa publiko kung ano ba talagang namamagitan sa kanilang dalawa.“Attorney siguraduhin niyong mabubulok sa kulungan si Layla at hindi siya makakakuha ng parole pala makalaya ganun din sa fiancé niyang si Eric.” Wika ni Zion sa attorney niya habang naglalakad sila papuntang police station kung saan nakakulong si Layla at Eric.Nang makarating sila dun ay kinausap ni Zion ang mga pulis habang si Scarlett naman ay dumiretso kung nasaan si Eric. Tahimik na nakaupo si Eric sa dulong bahagi ng kulungan at nakayuko habang magkasalikop ang mga kamay niya.“Miss Scarlett,” tawag n
Hello po, pasensya na po kung hindi ako nakapag-update ng ilang araw. Nagkaroon po kasi kami ng intrams sa school at ang abang lingkod niyo po ay sumali sa mga laro HAHAHA. Last year na po kasi kaya I want to enjoy my last year being student bago tahakin ang totoong buhay. Sana po maintindihan niyo ako, don't worry two chapters na lang po ang gagawin ko kasi patapos na talaga siya. Gusto ko sanang sumulat ng isang chapter ngayon kaso pagod na po talaga ako. Sana naiintindihan niyo po ako. Thank you so much. Sa nagbabasa rin sa The Billionare's Son nakapag-advance na po kasi ako dun kaya may update pa rin ako araw-araw. Kapag nakapagpasa ako ng new story sana suportahan niyo po ulit. Marami pong salamat sa inyong lahat:)
Natutop na lang ni Scarlett ang labi niya dahil sa dami niyang narinig ngayong gabi. Hindi siya makapaniwalang si Eric at Scarlett pala ang mastermind ng lahat ng mga nangyayari sa kaniya. Napalunok na lang siya at para bang nanghihina ang mga tuhod niya. “Scarlett,” nag-aalalang wika ni Jared saka niya ito inalalayan para kung sakali mang mawalan ng balanse si Scarlett ay hindi siya babagsak sa malamig na sahig. “Uminom ka muna ng tubig,” inabutan ni Oliver ng tubig si Jared para ibigay kay Scarlett. Ininom naman yun ni Scarlett dahil pakiramdam niya ay natutuyuan ang lalamunan niya. “Oh my gosh. Totoo ba ang lahat ng sinabi niya? Like what the hell?” komento na ng mga nasa paligid nila. “This is a crime, she’s a criminal.” Dagdag pa ng iba. Patuloy pa rin ang pagtatalo ni Eric at Layla sa likod ng stage. Hindi pa rin nila namamalayan na pinagpyepyestahan na ang mga pangalan nila. “Kung hindi mo lang naman sana naisipan na iset-up silang dalawa ni Drew hindi mangyayari ang lahat
Nang pumasok sila ng function hall ay napatingin sa kanila ang mga tao sa loob. Napataas ang kilay ni Layla ng makita niya kung sino ang kasama ni Zion na naglakad ng red carpet. Napatingin din sila kay Jacob na hindi nila kilala.Kaniya-kaniyang bulungan na ang mga artista na pumunta dahil inaasahan nilang magkasama sa red carpet si Scarlett at Jared.“Hindi mo ba inakit si Scarlett na maging partner mo?” tanong ni Oliver kay Jared. Hindi naman umimik si Jared. Sigurado si Jared na may dahilan kung bakit hindi si Zion at Scarlett ang magkasama ngayon na naglakad sa red carpet.Ang hindi lang maintindihan ni Jared bakit ibang lalaki pa ang inaya ni Scarlett na makasama niya kung pwede naman siya? Tanggap niya naman na pagmamay-ari na siya ni Zion at willing lang din siyang maging partner ni Scarlett kung pinoprotektahan ni Zion ang pangalan niya dahil ang alam ng lahat na asawa niya ay si Kaylee.“Okay good evening, everyone. Let’s give a round of applause for Mr. Grayson, our Preside
Natapos na ang taping nila kaya magkakaroon sila ng Victory Party sa gabi ng linggo. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ni Layla kay Eric dahil sa ginawa ni Eric. Kung hindi lang sana nangialam si Eric baka tapos na ang problema nilang dalawa.Natatakot pa rin si Layla dahil sigurado siyang nasa paligid niya lang ang taong nagbabanta sa kaniya. Wala siyang pinaghihinalaan na iba kundi si Scarlett kaya gusto niyang mawala ito sa landas niya. Ayaw niyang mawala ang lahat sa kaniya sa isang iglap lang.“Are you still mad?” tanong ni Eric kay Layla pero inirapan lang siya ni Layla. Nag-aayos ngayon si Layla dahil dadalo siya ng Victory Party nila. “You’re still mad at me. Ayaw ko lang naman na papatay ka ng tao Layla just because of me. Kung malaman man ng lahat ang tungkol sa ginawa natin malalampasin naman natin yun just like Scarlett.”“You don’t understand me, Eric. Please, just leave me alone. You betrayed me.” masungit pa rin niyang wika. Napabuntong hininga na lang si Eric.