"G-GIANNA, what happened!"Nilingon ni Gianna si Gabriel na kakapasok lang sa silid kung saan naka-admit si Nora. Umiiyak siya dahil sa takot at pag-aalala sa kaniyang ina."G-Gabriel!"Agad niyang niyakap ang binata nang makalapit ito sa kaniya. Kailangan niya ng makakapitan dahil pakiramdam niya'y anumang sandali ay bibigay na siya dahil sa sunod-sunod na hirap at problemang binibigay sa kaniya ng dahil kay Oliver.Umiyak lang siya nang umiyak habang mahigpit na yakap ang binata. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kaniyang likod."Everything will be ok, maniwala ka. You're mom is a strong woman and I know she won't leave you. Lalaban siya para sa iyo," anito."N-natatakot ako, Gabriel...h-hindi ko kaya kapag may nawala pa sa pamilya ko. S-sila na lang ang mayroon ako at tanging pinanghuhugutan ko ng lakas." Humagulhol na siya."Bukod sa kanila, nandito ako, Gianna. Hindi kita iiwan. Pwede mo rin akong maging lakas."Naramdaman niya ang palad nitong hinaplos ang kaniyang buhok."H
BUMUNTONGHININGA muna si Gianna bago siya tuluyang pumasok sa gusali na pag-aari ng pamilya ni Oliver. Agad siyang pumunta roon nang sabihin ni Gabriel na sinend na nito sa account ni Oliver ang utang ng pamilya niya rito at na-settle na rin ang ibang utang ng daddy niya sa mga investors na nag-invest sa pekeng investment na iyon.Gusto niyang ipamukha kay Oliver na malaya na siya mula sa pagkakautang nila rito at wala na itong magagamit laban sa kaniya, para hawakan at kontrolin pa siya."Nandiyan ba si Oliver?" tanong agad niya sa secretary nito."And why you're looking to my fiance?"Napalingon siya at tumambad sa kaniya si Madison na mataray na nakatingin sa kaniya.Suminghap siya at saka bahagyang yumuko. "Kailangan ko siyang makausap.""For what? To seduce him? Para landiin siya and you'll begging for him to come back to you?" mapanuya nitong sabi.Kumunot ang noo niya. Siya pa talaga ang gagawa niyon?"Sa akin mo ba talaga sinasabi 'yan o sa sarili mo? Who was the one who sedu
LAYLAY ang mga balikat na naglalakad si Gianna sa hallway patungo sa silid kung saan naka-admit ang kaniyang mommy. Lutang pa rin at magulo ang isip niya dahil sa mga sinabi ng daddy niya sa kaniya na hanggang ngayon hindi niya pa rin maintindihan. Kahit anong isip niya, wala siyang makuhang sagot."Gianna!"Napaigtad siya nang marinig ang galit na boses na iyon. Napaangat siya ng ulo at nagulat nang makita si Oliver na nakatayo sa gilid ng silid ng kaniyang ina."Sa tingin mo matatakasan mo ako? Nagkakamali ka kung akala mo makakatakas ka sa mga kamay ko." Kita niya ang galit sa mukha nito nang lapitan siya at hawakan siya sa braso. "Bakit? May pinagmamalaki ka na ba huh? Sinong lalaki ang ginamitan mo ng katawan mo para bayaran ka at lahat ng utang ng daddy mo, huh?""O-Oliver, ano ba? Nasasaktan ako!" Sinubukan niyang alisin ang kamay nito sa braso niya pero mahigpit iyon."Si Gabriel ba? Siya ba ang pinagmamalaki mo, huh? Akala mo hindi ko malalaman ang relasyon ninyong dalawa?" N
"ARE you ok, Gianna?"Napapitlag siya nang maramdaman niya si Gabriel sa likod niya. Hinawakan nito ang braso niya. Ngumiti siya nang lingunin ito."O-ok lang ako, Gabriel iniisip ko lang si daddy dahil excited na akong makalaya siya at makasama ulit." Pero ang totoo iniisip niya ang mga sinabi ni Oliver sa kaniya kanina. Ginugulo pa rin siya nito ang ang nararamdaman niya."Iyon lang ba?"Lumungkot ang mukha niya. "Actually, Marami akong iniisip Gabriel. H-hindi ko alam kung pagkatapos ba ng lahat ng ito, tapos na rin ang paghihirap ng pamilya ko. Baka kasi umpisa pa lang ito," nababahala niyang sambit.Marahan nitong hinaplos ang braso niya. Nakaupo sila sa upuan na nasa tabi ng kaniyang ina na hanggang ngayon ay wala pa ring malay."Gianna, ang mahalaga ang isipin mo 'yong ngayon. Makakalaya na ang daddy mo at isipin mo na lang kung paano mo mababawi 'yong nga panahong hindi mo siya kasama. We know that this is not the end of all the hardship, but this is the way of preparing you t
"A-ANONG nangyari sa daddy ko?" naghehestirikal na tanong ni Gianna sa mga police nang makarating sila ni Gabriel sa kulungan. Kanina pa siyang hindi mapakali dahil sa binalita ng police."M-Ma'am, dinala ho sa hospital ang inyong ama matapos niyang mawalan ng malay dahil sa matinding pangbubugbog sa kaniya," malungkot na sabi ng officer ng kulungan. "I'm sorry, Maam for what happened to your dad."Napaawang ang bibig niya. Tinakasan siya ng lakas at muntik nang matumba kung wala roon si Gabriel para alalayan siya.Sunod-sunod na tumulo ang luha sa mga mata niya. Hindi pa ba tapos? Paanong nangyari iyon sa kaniyang ama? Kulang pa ba lahat ng pahirap sa pamilya niya? Paano niya kakayanin lahat?"N-nasaan siya...n-nasaan si Daddy!" puno ng takot niyang tanong. Pumasok siya sa kulungan pero agad siyang pinigilan ni Gabriel."Dinala na ho sa hospital ang ama ninyo.""P-paano nangyari sa daddy ko iyon?" Puno ng galit at pagtataka na tiningnan niya ang mga police na nasa harap niya. "H-hind
"W-WHAT is the meaning of this, Gabriel?"Agad naghiwalay sa pagkakayakap is Gabriel at Gianna nang marinig nila ang boses ni Oliver. Bumakas ang gulat sa kanilang mga mukha."So, tama nga? May relasyon kayong dalawa ni Gabriel? How desperate and pathetic you are, Gianna para pumatol sa kaniya?"Nagkatinginan sila ni Gabriel. Wala siyang mabasang emosyon sa mukha nito.Pinahid niya ang luha sa kaniyang pisngi at tumayo, saka lumapit kay Oliver."At anong pakialam mo kung pumatol man ako kay Gabriel?" diretsong tanong niya. "Wala ka nang pakilam kung kaninong lalaki man ako pumatol, Oliver dahil hindi mo ako pag-aari." Lumabas ang galit sa emosyon niya.Ngumisi ito at suminghap. "At sa tingin mo naka-jackpot ka sa kaniya?"Saglit siyang yumuko. Matatalim na tingin ang pinukol niya rito."Oliver, kung nandito ka para insultuhin ang pagkatao ko, para magbunyi sa paghihirap ko, umalis ka na. Mahabag ka naman sa akin kahit konti lang. Kahit ngayon lang, pagbigyan mo naman ako. Umalis ka na
KANINA pang tulala si Gianna habang iniisip niya ang mga sinabi ni Gabriel kanina. Hindi niya alam kung tama ba ang gusto nitong pakasalan siya kahit hindi ito sigurado sa nararamdaman para sa kaniya."Marry me, Gianna!"Alam niyang may utang na loob siya at nangako kay Gabriel na gagawin niya ang lahat ng gusto nito dahil sa kabutihang ginawa nito sa pamilya niya kaya wala siyang karapatang tumanggi kahit hindi malinaw sa kaniya ang totoong dahilan nito para bigla siyang alukin ng kasal pero alam niyang sa loob niya, may naramdaman siyang saya pero hanggang saan?"Gianna! Gianna!"Napapitlag siya nang maramdaman niyang may tumapik sa balikat niya. Tumambad sa kaniya si Stella na nagtataka."Kanina pa ako rito pero parang walang kang nakikita. Ok ka lang ba?" Kumurap siya at inayos ang buhok na humarang sa kaniyang mukha."I'm sorry, Stella malalim lang ang iniisip ko.""Gaano ba kalalim at hindi mo man lang napansin na pumasok ako.""Marami lang gumugulo sa isip ko, Stella at hindi
"MOM, I'm getting married soon kaya sana gumising ka na para samahan akong maglakad sa aisle kasama si dad. Gusto kong masaksihan ninyo ang araw na iyon kahit hindi ako sigurado sa nararamdaman ni Gabriel para sa akin. Ang alam ko lang, he's the best groom for me at kung siya man ang pakakasalanan ko at makakasama sa habang buhay ok lang dahil napakabuti niya sa pamilya natin. At kung sa paraang iyon masusuklian ko siya, handa ako." Marahan niyang hinaplos ang palad ng kaniyang ina at inangat iyon."Marami nang nangyari, mom at gusto ko paggising niyo, maayos na ang lahat."Inilapit niya sa kaniyang labi ang likod ng palad nito at h******n iyon, saka niyakap ang katawan nitong wala pa ring malay. Hindi siya tumitigil na kausapin ang ina at kaniyang ama dahil alam niyang kahit walang malay ang mga ito, naririnig siya nito at nagbabakasali siyang sa pamamagitan ng boses at kwento niya, makatulong iyon para magising ang mga ito.Matapos niyang kausapin ang mga magulang niya, nagpasiya siy
"AYOS KA lang ba talaga, Gianna? Kanina ka pang tahimik," pukaw sa kaniya ni Stella habang nakahalukipkip siya at nakatingin sa kawalan habang nasa opisina siya ni Gabriel. Pumupunta lang ito roon pero hindi siya pinapansin.Bumuntong-hininga siya. "May karapatan bang akong mag-demand, Stella?""Huh?""Sa isang iglap nagbago si Gabriel sa akin. Pakiramdam ko, hindi na siya ang lalaking nakilala ko. Alam kong wala akong karapatang magsalita sa kung paano niya dapat ako itrato dahil utang na loob ko sa kaniya ang lahat. Binili niya ako at lahat ng gusto niya, walang reklamong dapat kong gawin.""Ano bang nangyari?" Kinuwento niya ang lahat. "Masyado naman siyang mababaw. Dahil lang binaggit mo ang pangalan ng kung sino mang babaeng iyon, nagalit na siya? Eh, gag* pala siya, eh. Pagkatapos ka niyang itrato ng maayos tapos ngayon, parang laruan ka niya kung tratuhin.""Pero hindi ba't may karapatan naman siya kung paano niya ako tatratuhin depende sa gusto niya? Pag-aari niya ako at hindi
"let's go for a coffee?"Lumingon si Gianna at nakita niya si Amy na masayang nakangiti sa kaniya. Nawala ang lungkot sa mukha niya at pabalik na ngumiti rito."Ma'am—""Just call me tita, hija," anito saka lumapit sa kaniya at bumeso. "How are you? You look so gorgeous," puri pa nito."Ok lang po. I'm trying to learn everything about business.""Just learn one step at a time, hija."Hindi niya alam kung bakit ang gaan ng loob niya sa ginang kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala. Gumagaan ang loob niya."Bakit po pala kayo nandito? Hinahanap niyo po ba si Gabriel?" Umiling ito. "No, I'm here for you. Ikaw talaga ang gusto kong makausap.""Ako po?"Tumango ito. "So, let's have coffee?"Sabay na silang lumabas ng opisina ni Amy. Pinasakay na rin siya nito sa kotse nito patungo sa coffee shop na pupuntahan nila."So, kumusta kayo ni Gabriel?" tanong nito habang lulan sila ng sasakyan.May lungkot na lumitaw sa mukha niya. Simula pa kasi nang nagdaang gabi ay hindi pa rin siya ni
HINDI mapakali si Gianna habang paroo't parito siya sa loob ng opisina ni Gabriel. Simula kasi nang umalis ito, hindi na ito bumalik. Nagi-guilty siya dahil alam niyang nagalit ito sa naging tanong niya. Tinawagan at tinext na rin niya ito pero wala siyang reply na na-receive. Matatapos na ang maghapon pero wala pa rin ito."Ma'am, Gianna." Kinabahan siya dahil akala niya'y si Gabriel iyon pero si Dom ang bumungad sa kaniya. "Pinapasabi po ni Sir Gabriel na ako na ang maghahatid sa inyo pauwi.""B-bakit nasaan si Gabriel? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi siya sumasagot," nag-aalalang sabi niya."He's on the meeting, Ma'am Gianna at pinasasabi rin niya na baka ma-late na rin siya ng uwi."Mas lalong lumungkot ang mukha niya. Ganoon ba talaga katindi ang galit ni Gabriel sa kaniya dahil sa pagtanong niya tungkol kay Claudia?"Sige. Aayusin ko lang ang mga gamit ko," malungkot na saad niya. Inayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang bag, saka sila lumabas ng opisina ni Gabri
NAGTINGINAN lahat ng mga tao sa kompanya nang pumasok si Gianna roon. Nagsimula na rin ang mga bulungan tungkol sa kaniya."Hindi ba't siya ang ex-girlfriend ni Sir Oliver?""Oo nga, bakit siya nandito?""Ang balita ko, siya raw ang bagong shareholder ng kompanya."Hindi siya nagpatinag sa mga narinig, taas noo siyang naglakad sa hallway bitbit ang mamahaling bag na binili ni Gabriel sa kaniya."Good morning, ma'm Gianna," bati sa kaniya ng secretary ni Gabriel. Hindi sila sabay pumunta ng opisina dahil may dadaanan pa ito. Nauna na siya dahil marami pa siyang bagay na dapat gawin at aralin tungkol sa pagiging shareholder ng kompanya.Kakapasok pa lang niya sa opisina, nasundan agad siya ng mag-ina si Madison at Yena. Matatalim ang mga mata na parang lalamunin siya ng buhay."Kapal talaga ng mukha mo para ibalandra sa lahat ang pagiging shareholder mo," inis na sabi ni Madison."Alam mo, Gianna hindi ka naman nababagay sa lugar na ito. You do not belong here dahil wala ka namang yaman
"WHAT are you planning to do, Gabriel? Hindi mo ba alam ang pwedeng mangyari sa ginawa mo?" nababahalang sabi ni Irene kay Gabriel nang makapasok siya sa opisina ng ina. "You're risking your position in the company because of that girl, alam mo ba 'yon?"Bumuntong-hininga siya at umupo sa sofa habang kaharap ang ina. "Mom, I know what I'm doing, ok? I just need you to trust me.""Paano ako magtitiwala sa iyo kung nilagay mo sa panganib ang posisyon mo, ang kinabukasan mo.""Mom, sa tingin mo just because I'm going to marry, Gianna makukuha nila ang gusto nila? Hindi ako papayag na kunin ulit nila ang para sa atin. Tapos na tayo sa pagiging tahimik, it's payback time, sa lahat ng kasalanang ginawa nila sa pamilya natin." Kita ang galit sa kaniyang gwapong mukha."P-pero paano ka? Alam natin ang kaya nilang gawin para makuha ang posisyon mo at mapatalsik tayo sa kompanya. They have the connection and power.""I know, mom that's why I'm creating my own connection and power na ilalaban ko
"KAYA ko ba?" mahinang bulong ni Gianna habang nakatingin siya sa malaking salamin sa loob ng rest room ng company. Nararamdaman niya ang pangangatal niya dahil sa nakakatakot na tingin sa kaniya nga mga taong hindi natutuwa sa pagpasok niya sa kompanya."Do you think naka-jackpot ka na kay Kuya Gabriel?"Napalingon siya sa nagsalita at nakita niya si Madison na galit na galit."Madison.""What do you think you're doing, Gianna? Talaga bang ganiyan ka na kadesperada para magpagamit kay Kuya Gabriel, for what? Para sa pera?" Ngumisi ito. "Mali ka nang taong kinapitan, Gianna dahil hindi mo kilala kung sino siya. He's evil. Heartless. Ruthless. Kaya kung iniisip mong naka-jackpot ka na, nagkakamali ka dahil sa huli, itatapon ka lang din niya na parang basura."Hindi agad siya nakasagot. Mali nga ba ang taong hiningan niya ng tulong? Umiling siya. Agad niyang tinago ang doubt at takot sa mukha niya. Kailangan niyang maging matapang sa harap ng mga taong nagpahirap sa kaniyang pamilya."I
"HANDA KA na ba, Gianna?" tanong ni Gabriel sa kaniya habang hawak nito ang kaniyang kamay. Kabababa lang nila ng sasakyan at nasa tapat na sila ng Moonlit Group of Company para pormal siyang ipakilala ni Gabriel sa mga board bilang bagong share holder ng company.Kagabi pa siyang kinakabahan dahil hindi niya alam ang gagawin kapag kaharap na niya ang mga board of directors ng company."K-kinakabahan ako, Gabriel pa-paano kung magkamali ako? Paano kung pagdudahan nila ako?""We don't care, Gianna dahil kahit anong gawin nila, wala na silang magagawa. You have your shares at the company and that's legal.""Pero...p-pero wala akong kaka—""Just believe in yourself, Gianna. Hindi ka nag-iisa, nandito ako." Ngumiti si Gabriel at hinalikan ang likod ng kaniyang braso. "Kailangan mong maging matapang katulad ng pagbabago ng imahe mo, ay pagbabago rin ng 'yong inner self. You should be brave and bold dahil kung makikita nilang mahina ka, lalo ka nilang mamaliitin."Nilagay ni Gabriel ang kam
NAPALUNOK si Gianna nang maramdaman niya ang mga dila ni Gabriel na hinahagod ang parteng tiyan niya pababa sa noo ng kaniyang pagkababa3. Nakakabaliw ang sensayong hatid niyo."G-Gabriel!" Napakapit siya ng mahigpit sa balikat nito nang dumako ang mainit nitong dila sa kaniyang hiwa. Napaigtad siya sa pakiramdam na hindi niya maipaliwanag. Para siyang mababaliw at gusto niya ang pakiramdam na iyon.Mas nanigas ang katawan niya nang simulang laruin ni Gabriel ang kaniyang perlas na para bang sabik ito roon. Habang nakaupo siya sa counter, mas sinisiksik nito ang mukha sa kaniyang nakabukang mga hita."Ahh! Ahhh!" mahina niyang ungol at napapakagat labi pa. Napapasabunot na siya kay Gabriel dahil sa nakakakiliting pakiramdam na parang dinadala siya sa alapaap."I like your taste," mahinang sabi ni Gabriel, saka pinaglaruan ulit nito ang kaniyang bukana. Hindi niya alam kung saan babaling at kakapit.Nang tila mapagod si Gabriel, ang mga daliri naman nito ang naglaro sa kaniyang pagkaba
HINDI alam ni Gianna ang ire-react niya dahil sa pagkabigla sa ginagawa ni Gabriel sa kaniya. Hinapit pa siya nito palapit sa katawan nito at sa pagdampi ng mga iyon, dumaloy ang alab ng apoy na nagsimulang mabuo sa pagitan nilang dalawa."G-Gabriel," aniya matapos bumitaw nito sa mga labi niya."Damn, Gianna! I can't help myself but to kiss you," parang nababaliw na sabi nito saka muli na naman siyang hinalikan sa labi. Mas malalim, mas puno ng pagnanasa.Bahagya niya itong itinulak para maghiwalay sila. Hindi tama pero kapag naalala niya ang utang na loob niya sa binata, wala na siyang nagagawa kung 'di hayaan ang sitwasyon."Are you mad at me, Gabriel?" tanong niya habang malalim ang paghinga. Parang ang init ng pakiramdaman niya kahit air-conditioned naman ang silid."Why? Bakit ako magagalit sa iyo?""Dahil tinanong kita tungkol sa—""I'm not mad, Gianna." Tumalikod ito at nilagyan ng alak ang baso, saka iyon tinungga."Bakit ka nag-iinom?""Masyado akong maraming iniisip sa komp