Share

Kabanata 2

Author: El Celery
last update Huling Na-update: 2020-07-31 02:21:45

Chapter 2: Kia Perez

Inayos ko ang buhok kong nakaharang sa mukha ko bago kunin ang bag ko sa aking tagiliran. Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin habang inaayos ang collar ng puti kong uniporme.

"Ms. Zaylee, bumaba na po kayo upang kumain." Agad ko namang binuksan ang pinto at nandoon si Manang Luisha na halatang kulang sa tulog.

Matagal na ring naninilbihan si Manang Luisha dito katulad ng aming driver na anak niya. Nakangiti itong nakatingin sa akin. "Napakaganda mo naman. Katulad na katulad ka ng iyong ina." Napatahimik naman ako sa kaniyang nabanggit.

"Manang Luisha, maaari po bang 'wag ninyong banggitin ang babaeng sumira ng kumpleto naming pamilya?"

Napatungo siya sa akin dahil sa hindi niya inaasahang naging reaksyon ko. "Patawad kung may nasabi akong mali. Hinihintay na kayo ni Mr. Ysidro sa baba."

Napatango na lamang ako bilang tugon. Hindi naman sa masama ang ugali ko. Talagang sumasama lang ang timpla ko kapag naririnig ko 'yung babaeng umiwan sa amin. Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko naman si Dad at Zack na hindi nag-iimikan sa hapag kainan. Tahimik lamang silang kumakain at tanging naririnig lamang ay ang mga tunog ng kutsara't tinidor sa pinggan.

"Anak, nandito ka na pala. Sumabay ka na sa amin kumain ni Zack. Wala ako sa bahay ng dalawang linggo dahil aasikasuhin ko ang kumpanya. Magpapakabait kayong dalawa ha?"

Patuloy lamang si Dad sa pagsasalita ngunit ako lamang ang nakikinig sa kanya. Si Zack ay may hawak na cellphone habang humihikab pa ito. Natapos ang ilang minuto, umalis na si Dad dala ang kanyang itim na bag. Naiwan kami ni Zack na hindi man lang nagpapansinan.

"Umuna ka na, Zaylee. Tutulog lang ako kahit mga 15 minutes lang" sabi ni Zack habang nakatingin sa wrist watch niya. Tutulog na naman siya? Parang everytime na magsasama kami nito, puro siya tulog!

Lumapit ako sa kanya habang nakapamewang. Mabuti na lamang ay nasa labas ang mga naninilbihan sa aming pamilya. "Excuse me!"

"Daan."

Aba't! Pinipilosopo na naman ako.

"Huwag ka ngang tamad, Zack! Mamaya na 'yung final exam natin tapos 'yang pagtulog ang aatupagin mo? Come on! Hindi ka na nga nakakatulong, namemerwisyo ka pa! Ano? Papunta-punta ka pa doon sa Mort Ville na 'yon. Para ano? Puntahan 'yung ina nating krimina-"

"Tangina, Zaylee! Shut the fuck up!"

Nagulat akong tumingin kay Zack na ngayon ay nanginginig sa galit. Parang nanlilisik ang kanyang mga mata at ang isa niyang kamay ay nasa ere na handang-handa na para saktan ako. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa takot. Parang hindi siya si Zack sa pinapakita niya ngayon.

"Katulad mo na rin siya. Isa kang kriminal, Zack."

Hindi naman siya nagpatinag. Tinanggal na niya ang kamay niya sa ere at inilagay sa balikat niya ang kanyang backpack. Napakatalim ng kanyang pagtingin na para bang nakakamatay ito.

"Kriminal na kung kriminal. Pero alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga ang meron sa syudad na 'to. By the way, don't call me Zack. I'm Nicholas" nakangising sabi niya sa akin na parang ibang tao ngayon ang kaharap ko.

Nakatingin lamang ako sa likuran niya habang siya ay palayo nang palayo sa akin. Narinig ko nalang ang pagbagsak ng pinto at naiwan akong tulala.

"Ms. Alexa Cruz."

"Present!"

"Mr. Xam Ford."

"Present!"

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana ng classroom at pinagmamasdan ko lang 'yung malaking puno sa tapat ng aking inuupuan. Iniikot ko lang sa aking kamay ang ballpen na hawak ko, pero nagtaka ako nang nagtinginan sa akin ang mga kaklase ko.

"Ms. Zaylee Jordin!"

Napataas naman agad ako ng kamay at sinigaw ang present. Tumingin na muli sila sa unahan na wala man lang silang emosyon sa kanilang mukha. 'Yung tipong nandito lang sila para mag-aral at makakuha nang maayos na grades? Sabagay, ganon lang din naman ako. Wala akong pakialam sa mga tao dito.

"Ms. Zaylee Jordin, where's your brother?"

Napatingin ako sa upuan ni Zack at bakante ito. Ibig sabihin lamang ay imbis na pumasok, mas pinili niya pa rin ang matulog sa bahay. Napahawak ako sa noo ko dahil sa kakambal kong napakapabigat sa'kin.

"He's sick, ma'am. He needs to rest."

Nakailang excuse na ako para makalusot lang siya. Hindi naman ako ganon kasamang kapatid para ipahiya siya.

Mabuti na lamang ay sikat at maimpluwensya ang pangalan ng aming pamilya kaya walang kung sino man ang kumakalaban sa amin. Kahit na alam kong hindi kumbinsido ang guro namin, agad niyang itinuon ang pansin sa ibang bagay.

"Hi."

Nagulat ako nang makita kong may isang babaeng naki-upo sa table na kinakainan ko sa cafeteria. Bago ito sa aking paningin kaya hindi ko na lamang siya pinansin. Hindi ko alam kung paano makipag-usap o makipagkaibigan. Baka lumayo lang siya sa'kin.

"Ay sorry, inistorbo ba kita?"

Nakita ko naman ang pagkalungkot ng kanyang maamong mukha. Bilugan ang mga mata nito at maganda ang hubog ng kaniyang katawan. Agad naman akong umiling sa kanya dahil baka ma-offend siya sa'kin. Masaya naman siyang umupo at pinatong ang tray sa table.

Nanlaki ang mata ko nang makita kong halos karne ang nakalagay sa kanyang plato. Napakarami ring matatamis na pagkain. Napatingin naman ako sa nakalagay sa plato kong puro prutas at gulay. Gusto ko siyang tanungin kung paanong hindi siya gaano katabaan kahit ganon ang mga kinakain niya pero agad siyang naglahad ng kamay.

"I'm Kia Perez" nakangiti niyang pagpapakilala sa'kin habang inaayos ang buhok niyang kulay brown na mahaba at may kulot pa sa dulo.

Nagdalawang isip akong kunin ang kamay niya dahil nandito lahat ang atensyon ng mga tao sa cafeteria dahil pakinig na pakinig ang aming pag-uusap. Wala kasi talagang dumadaldal dito kundi 'yung babae sa harapan ko.

"Zaylee."

Nakita ko naman ang malalim niyang dimples nang inabot ko ang kanyang kamay. Hindi na ako nakipag-usap pa sa kanya pero kanina pa siyang daldal nang daldal. Hindi ako sanay sa ingay niya kaya naman tumingin ako nang diretso sa mga mata niya.

"Can you please shut your mouth? Thanks."

Mabilis naman siyang napahawak sa kanyang bibig na parang hindi makapaniwalang pinatahimik ko siya. Taga saan ba itong Kia na 'to? Hindi ba niya alam na ang simpleng pagdaldal na hindi naman tungkol sa pinag-aaralan ay pinagbabawal?

Napatingin naman siya sa paligid at nakaramdam ng hiya. Napakamot siya sa kanyang batok at tumungo habang nag-sosorry sa mga tao.

"Sana nasa Mort Ville pa rin ako."

Nanlaki ang mga mata ko sa mahina niyang pagsabi sa kanyang sarili. Hindi ako nagkakamaling 'yon ang sinabi niya. Ibig sabihin taga Mort Ville siya dati? Pero paano?

Gusto ko siyang kausapin pero agad lamang siyang tumayo na dala-dala ang tray niya. Wala namang lumalabas sa bibig kong salita. Nakita ko lamang ang pag ngiti niya at pag wave ng kamay.

"Nice meeting you, Zaylee!"

Kaugnay na kabanata

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 3

    Chapter 3: Join Zack?"Zaylee. Tayo 'yung naatasan para sa reporting about Mort Ville. Ako nalang mag-search tapos ikaw nalang mag-speech ha? Thanks."

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 4

    Chapter 4: Entering Mort VilleMga 15 minutes palang ang lumilipas ay may napakinig agad akong katok galing sa bintana ng kwarto ko.Ano ba 'yan! Istorbo na naman 'tong si Zack!Inis kong binuksan ang bintana at nakahalukipkip ako nang humarap sa kaniya. Gulo-gulo na naman ang buhok nito at nakangiwi siyang tumingin sa akin.

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 5

    Chapter 5: Keifer ReicherNgumisi ito sa akin bago niya nilagay muli ang helmet sa ulo niya. Ang gwapo sana kung hindi lang mayabang.Agad niyang pinaharurot ang kanyang motor papasok sa isang gate.

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 6

    Chapter 6: Reporting Mort Ville"Bilisan mo nga kumilos! Bagal mo baka tayo mahuli dito."Napatingin naman ako kay Zack na nakakunot na ang ulo habang naglalakad papunta

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 7

    Chapter 7: Dale Martinez"So, paano mo nakuha 'yung number niya? Omg naniniwala na akong mahaba 'yung hair mo!"

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 8

    "Pasensya ka na kay Cara ha? Sadyang maldita lang talaga 'yon. And ayaw niyang may iba na nakikisama sa grupo naming lima." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Keifer."Grupo n'yo?"

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 9

    Chapter 9: Training"Good news, Zaylee!"

    Huling Na-update : 2020-07-31
  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 10

    Chapter 10: Zade Jordin"Alam mo, Zack. Matagal ko na talagang iniisip. Ano ba talaga ang trabaho ni Dad?"

    Huling Na-update : 2020-07-31

Pinakabagong kabanata

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 42

    Chapter 42: Lola Cattalina"Zaylee, gumising ka!"Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko."Thank God! You're now awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon."Lola Cattalina."Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobra

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 41

    Chapter 41: Forgotten Memories"Are you ready?"Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko."I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 40

    Chapter 40: Fear of Truth"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa a

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 39

    Chapter 39: Why Am I Alone?Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikitang magkakasama na kami ng mga itinuring kong mga kaibigan. Natapos na rin ang mga kasinungalingan at babalik na kami sa aming mga tunay na buhay. Ang inakala kong wala nang katapusan na pagpapahirap ay posible pala na maging maayos na ang lahat.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 38

    Chapter 38: Almost ThereZAYLEE"Hindi ka mahilig sa matamis, Zaylee 'di ba? Natandaan ko lang no'ng nasa Ordinary City tayo, puro gulay at prutas ang kinakain mo, eh."

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 37

    Chapter 37: Execution of the PlanVRAKE"Are you all nervous?"

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 36

    Chapter 36: Make Him PayVRAKELooking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin.He's nuts.

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 35

    Chapter 35: NewspaperZAYLEE"Sobrang boring na talaga rito. Every day, we're just waiting for our food na hinahanda nila sa 'tin to eat, then after that, we'll sleep, and have some chika. Tipong nauubusan na nga tayo ng topic dahil wala na tayong magawa kung hindi 'yon. Tapos panibagong araw, gano'n p

  • Mort Ville (Tagalog)   Kabanata 34

    Chapter 34: The Truth Outside The LaboratoryVRAKE"Kailan ba gigising 'yan?"

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status