Chapter 3: Join Zack?
"Zaylee. Tayo 'yung naatasan para sa reporting about Mort Ville. Ako nalang mag-search tapos ikaw nalang mag-speech ha? Thanks."
Napatango na lamang ako sa lalaking may malaking salamin na naging kapartner ko for our reporting. Pumunta lamang siya dito sa library para sabihin 'yon. At ang masaklap? Hindi talaga ako sang-ayon sa sinabi niya. Hibang ba siya? Magssearch lang siya tapos ako sa speech? Eh isang pindutan lang 'yung pagsesearch lalabas na 'yon.
Inis ko nalang na kinuha 'yung makapal kong libro sa desk at inilagay sa bag ko. Tiningnan ko 'yung wall clock na nasa may gilid ng library. 5 pm na pala.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga tao sa library. Ang busy nilang lahat kaya walang kahit sino ang nakikitang nakikipagdaldalan. Puro pag pindot lang sa keyboard at ang hangin sa aircon ang naririnig. Palabas na ako ng library nang may biglang nanghila sa akin.
"Zayleeee!!"
Nagulat ako dahil sa lakas ng boses ng tumawag sa akin. Nakita ko ang magandang ngiti ni Kia. Habang sinesway pa 'yung kamay niya. Agad namang napatingin sa kanya ang lahat at sinamaan siya ng tingin.
"Silence please."
Napatakip naman sa bibig si Kia dahil sa sinabi ng librarian. Nagpatuloy ako sa paglalakad kaya naman sumunod sa akin si Kia na parang buntot ko.
"Bakit mo ba ako sinusundan?" mahinhin kong tanong sa kanya. Malungkot niya akong tiningnan habang nakapout ito. Ano ito pacute?
"Hindi ka ba naboboringan? Sobrang boriiing dito maygahd!"
Napakunot naman ako sa mga pinaggagawa niya na para bang nababano na ito sa mga nangyayari sa buhay niya. Maya-maya ay may nakita akong bakal sa kanyang gilid at nanlaki ang mata ko nang mahuhulog ito mismo sa kanyang ulo.
"Ilag!"
Napanganga ako dahil sa ginawa niyang mataas na pagsipa sa bakal kaya naman napapunta ito sa ibang direksyon. Paano niya nagawa 'yon? Napakabilis niyang kumilos at parang wala lang ito sa kanya. Pinagpagan lamang niya ang kanyang damit at kaswal lang ako nitong nginitian.
"Tara na! Saan ka ba nakatira? Hihi. Para you know mag-bonding naman tayo kahit ngayon lang tayo naging magkaibigan."
Kaibigan daw? Kailan pa kami naging magkaibigan? Kahit kailan ay wala pa ako nagiging kaibigan tapos bigla nalang siya magsasabi na kaibigan ko siya? Pero kahit ganon ay parang ang sarap pakinggan ang salitang kaibigan galing sa kanya.
"Ms. Zaylee, sumakay na po kayo sa sasakyan" sabi ni Mang Rico habang nakayuko ito. Napatingin naman si Kia dito.
"Chuchal ka, bes! May driver pa. Mamayamanin ang lola n'yo."
"Huh? Lola? Kilala mo lola ko?"
Halata ko naman ang pagkunot ng noo niya at ang pagsapo dito na parang hindi makapaniwala. "Jusko! Bakit kasing bagal kayo ng pagong."
Napa-iling nalang ako sa sinasabi niya. Ang weird niya. Hindi pa nga niya kami nakikitang tumakbo tapos sasabihin niyang kasing bagal kami ng pagong?
Sumakay na ako sa kotse namin at laking gulat ko nang binuksan ni Kia ang pinto. Sumakay rin ito sa kaliwang bahagi ng upuan habang malaki ang ngiti niya.
"Sama ako ha? Yey!"
Napatingin naman sa akin si Mang Rico na parang humihingi sa akin ng permiso kung i-aandar niya ang kotse kasama ang babaeng nasa tabihan ko. Wala naman din akong magawa kaya napatango na lamang ako.
"Para talagang pamilyar 'yung kuya mo sa akin."
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa litrarto ni Zack sa sala. Napa-iling naman ako dito. "Mas matanda ako diyan ng ilang minuto" sabi ko sa kanya na walang emosyon sa mukha.
Nakita ko naman ang pagkabigla niya. "Hala! Kambal kayo?" Binigyan ko lamang siya ng kasasabi-ko-lang-diba-look.
Napakamot naman siya ng batok dahil sa ginawa ko. Nandito kami ngayon sa sala habang naghahanda naman si Manang Luisha ng aming kakainin sa kusina. Narinig ko nalang ang sunod-sunod na pagkatok sa main door kaya dali-dali ko itong binuksan.
Bumungad naman sa akin si Zack na may sugat sa kanyang labi at gulo-gulo ang kanyang buhok kaya nanlaki ang mata ko.
"Zack? Ano nangyari sa'yo?"
Napa-iling lamang siya at ngumiti sa akin na para bang nagsasabing 'wag mo nalang pansinin. Nagmamadali siyang pumasok papuntang kusina na hindi man lang namamalayan ang presensya ni Kia.
Halata ko ang pagkamangha ni Kia nang makita niya si Zack. Hindi ko rin naman maipagkakaila na may hitsura nga ang kakambal ko ngunit hindi pa ito nagkakaroon ng interes sa mga bagay tungkol sa relasyon.
"Wowww! Ang bango namaan!"
Napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng boses ni Kia. Nakita ko naman ang pagsama ng tingin sa kanya ni Zack na halatang hindi nagugustuhan ang presensya ni Kia. Kukuha na sana siya ng kanin sa lamesa nang bigla itong sitahin ni Manang Luisha.
"Magdasal muna tayo bago kumain."
Nakita ko ang pagngisi ni Zack sa gawi niya at napapailing. Alam kong hindi ordinaryo si Kia dahil sa pinapakita niyang pagkilos pero nagdadalawang isip din ako dahil wala naman akong nakikita na masama against sa kaniya.
Napaka-amo ng mukha niya na parang hindi niya kayang maging isang kriminal.
"Kailangan pa pala non hehe" mahinang sabi niya na parang hindi sanay sa kanyang paligid.
Natapos ang aming dinner, paakyat na ako sa sarili kong kwarto nang bigla akong hilahin ni Zack kaya napakunot ang noo ko habang tinitingnan ko siya. "Ano na naman ba?"
"Taga Mort Ville 'yang babae na 'yan. Bakit mo 'yan sinama sa bahay natin? Kilalanin mo muna ang kakaibiganin mo bago ka magtiwala."
Seryoso lang ang mukha niya habang sinasabi 'yon. Hindi ko magawang mag-react sa sinabi ni Zack dahil baka marinig kami ni Kia sa sala. Nakahalukipkip naman akong tumingin kay Kia na tahimik lamang na naka-upo sa sofa habang pinagmamasdan ang mga paintings namin sa bahay.
Napangiti nalang ako habang si Zack naman ay nakatingin lamang sa akin at inaabangan ang sasabihin ko. Inayos niya ang kanyang buhok pataas at pinatong ang dalawang kamay sa grills.
"I trust her. Alam ko na sa simula palang na taga Mort Ville siya. Pero wala na akong pakialam. Siya ang pinaka-una kong naging kaibigan at gumaan agad ang loob ko sa kanya. At isa pa, ikaw mismo ay pumupuntang Mort Ville and I know na mabuti pa rin ang kalooban mo."
Nagulat ako nang guluhin ni Zack ang buhok ko at nakita ko ang malaking pag ngiti niya. "Sana magbago pa ang isip mo. Sasamahan kitang puntahan ang Mort Ville para malaman mo ang gusto kong iparating sa'yo."
Naglakad na siya papunta sa sala habang pinapaikot ang susi ng kanyang motor. May suot itong black leather jacket at simpleng puti na shirt sa panloob. Sinabihan ko siyang ihatid si Kia sa bahay nila dahil 8:30 na ng gabi.
Hindi naman nagreklamo si Zack dahil didiretso na rin naman siya sa Mort Ville. Napabuntong hininga ako papunta sa aking kwarto. Humiga agad ako sa kulay puti kong kama habang nakatitig sa ceiling at pinag-iisipan ang sinabi ni Zack sa akin.
Gusto kong malaman ang pinagsasasabi niya. Gusto ko na ring magkaroon ng karanasan sa buhay. Wala akong ka-ideideya sa nangyayari sa paligid ko.
Napabangon ako sa aking kama at binuksan ang bintana. Tiningnan ko ang mga kumikislap na bituin dahilan ng pagpapakalalim ng aking pag-iisip dahil sa bumabagabag na katanungan sa ngayon.
Sasama na ba ako?
Chapter 4: Entering Mort VilleMga 15 minutes palang ang lumilipas ay may napakinig agad akong katok galing sa bintana ng kwarto ko.Ano ba 'yan! Istorbo na naman 'tong si Zack!Inis kong binuksan ang bintana at nakahalukipkip ako nang humarap sa kaniya. Gulo-gulo na naman ang buhok nito at nakangiwi siyang tumingin sa akin.
Chapter 5: Keifer ReicherNgumisi ito sa akin bago niya nilagay muli ang helmet sa ulo niya. Ang gwapo sana kung hindi lang mayabang.Agad niyang pinaharurot ang kanyang motor papasok sa isang gate.
Chapter 6: Reporting Mort Ville"Bilisan mo nga kumilos! Bagal mo baka tayo mahuli dito."Napatingin naman ako kay Zack na nakakunot na ang ulo habang naglalakad papunta
Chapter 7: Dale Martinez"So, paano mo nakuha 'yung number niya? Omg naniniwala na akong mahaba 'yung hair mo!"
"Pasensya ka na kay Cara ha? Sadyang maldita lang talaga 'yon. And ayaw niyang may iba na nakikisama sa grupo naming lima." Napakunot naman ang noo ko habang nakatingin kay Keifer."Grupo n'yo?"
Chapter 9: Training"Good news, Zaylee!"
Chapter 10: Zade Jordin"Alam mo, Zack. Matagal ko na talagang iniisip. Ano ba talaga ang trabaho ni Dad?"
Chapter 11: Simula"Shh shut the fuck up, Zaylee! Ang ingay mo." Inis na sabi ni Zack habang patago kaming pumapasok sa bahay namin sa Ordinary City.
Chapter 42: Lola Cattalina"Zaylee, gumising ka!"Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa pandinig ko. Naramdaman ko na lang ang pagtigil ng aking katawan sa pangingisay at damang-dama ko rin ang pagod sa nangyari. Sobrang sakit din ng ulo ko na para ba itong ipinukpok kung saan man.I opened my eyes slowly, showing Vrake's worried face. Hawak-hawak niya ang kanang kamay ko nang makita niyang binuksan ko ang mga mata ko. Nakahinga siya nang maluwag at hinaplos ang mukha ko."Thank God! You're now awake!" His tone and expression showed how relieved he was, seeing that I'm totally fine. Hindi pa man ako tumatayo, ramdam ko na agad ang pagtulo ng mga luha ko. Iisang tao lamang ang naiisip ko sa ngayon."Lola Cattalina."Nakita ko naman ang malungkot na mukha ni Vrake nang marinig niya ang mahinang pagbigkas ko sa pangalan ni Lola Cattalina. Sobra
Chapter 41: Forgotten Memories"Are you ready?"Nanlalamig ang kamay ko habang iniisip ang mangyayari sa amin mamaya. Nakaharap lamang ako sa salamin at pinagmasdan ang kasuotan ko. I'm wearing Vrake's white hoodie kaya naman masyadong malaki ito para sa 'kin.Nakaakbay lang si Vrake sa aking balikat, and he's wearing his comforting smile to encourage me. Natatakot ako na maalala lahat katulad ng sinabi sa akin ni Tito Ridge. Kahit masakit, kailangan ko pa ring maalala ang mga 'to dahil bahagi 'yon ng buhay ko."I think so, Vrake. Kakayanin ko naman siguro."Hinarap naman niya ako sa kanya at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "Don't worry, Zaylee. I'm always here to look after you, and of course, to love you," mahina niyang sabi at maririnig mo talaga kung gaano siya kaseryoso sa kanyang binitawan na salita.Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko habang hinahaplos ang
Chapter 40: Fear of Truth"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? You're just going to stay here and cry for a long time?"Napataas ang ulo ko dahil napukaw ng atensyon ko ang nagsalita. He is now wearing a white shirt and black jogger pants that made his well-toned and muscular body more visible. Nakapagpalit na siya ng damit, samantalang ako ay nakasuot pa rin ng kulay asul na hospital gown.Napapahid naman ako ng luha dahil sa kanyang sinabi. Ramdam ko naman ang malamig na simoy ng hangin kaya't niyakap ko na lamang ang sarili ko. "Wala ka na ro'n. Why are you here? Dapat nagsasaya ka na with your family. Don't waste your time nang dahil lang sa nakakaawa akong tingnan, Vrake."Natawa naman siya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala sa inaasta ko sa kanya. Gusto ko lang naman na sulitin na niya ang panahon niya na kasama ang kanyang pamilya kaysa samahan akong umiiyak dito. Umupo siya sa a
Chapter 39: Why Am I Alone?Hindi sapat ang mga salita para maipaliwanag ang nararamdaman ko habang nakikitang magkakasama na kami ng mga itinuring kong mga kaibigan. Natapos na rin ang mga kasinungalingan at babalik na kami sa aming mga tunay na buhay. Ang inakala kong wala nang katapusan na pagpapahirap ay posible pala na maging maayos na ang lahat.
Chapter 38: Almost ThereZAYLEE"Hindi ka mahilig sa matamis, Zaylee 'di ba? Natandaan ko lang no'ng nasa Ordinary City tayo, puro gulay at prutas ang kinakain mo, eh."
Chapter 37: Execution of the PlanVRAKE"Are you all nervous?"
Chapter 36: Make Him PayVRAKELooking at Keifer's eyes, I can see that he's already excited about his plan. Itinataas-baba pa niya ang kanyang kilay sabay kindat sa akin.He's nuts.
Chapter 35: NewspaperZAYLEE"Sobrang boring na talaga rito. Every day, we're just waiting for our food na hinahanda nila sa 'tin to eat, then after that, we'll sleep, and have some chika. Tipong nauubusan na nga tayo ng topic dahil wala na tayong magawa kung hindi 'yon. Tapos panibagong araw, gano'n p
Chapter 34: The Truth Outside The LaboratoryVRAKE"Kailan ba gigising 'yan?"